Share

Kabanata 13: Ang Tatlong mga Armadong Lalaki

Inumaga na sa kahihintay si Mang Karding at Niknok sa paghihintay sa pagbabalik nila Aling Cecilia o Erik, ngunit kahit isa sa kanila ay walang nagpakita.

“Mang Karding magandang umaga, hindi ho ba kayo nakatulog?” tanong ni NIknok nang magising ito at mapansin niyang nakadungaw si Mang Karding sa bintana, habang pupungas-pungas pa itong umupo sa kanyang higaan.

“Nakatulog naman kahit paano, kaya lang hindi pa rin mawala sa isip ko kung ano na ang nangyari sa anak ko. Alam ko naman na hindi siya pababayaan ng asawa ko at ni Erik. Sana nga lang hindi agad kumalat ang kamandag sa kanyang katawan,” pag-aalala ni Mang Karding na patuloy pa ring nakadungaw sa bintana, nagbabakasakaling pabalik na sila Aling Cecilia o si Erik upang ibalita sa kanya ang nangyari kay Gwen.

“Tingin ko naman po makakaligtas si Ate Gwen kasi mabilis naman pong kumilos sila Kuya Erik, katunayan nga po wala silang sinayang na oras noon pong nakita nilang nakagat ng ahas si Ate Gwen,” wika ni Niknok upang pagaani
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status