Solana
“May nakakita sa asawa mo, may kasamang ibang babae sa bar!”
Ito agad ang bumungad sa akin nang sagutin ko ang tawag ni Mikha na kaibigan ko. Halata sa kanyang boses ang pagpipigil ng inis.
“Hayaan mo na, sa akin pa rin naman siya uuwi,” matamlay na sagot ko sa kanya. Hindi na ito bago sa akin. Madalas pumunta ang kaibigan ko sa bar kaya nakakasagap siya ng balita tungkol sa aking asawa.
Narinig ko ang makina ng kotse sa labas kasunod ang pagpasok nito sa garahe. Tanda ito na dumating na ang aking asawa. Nang tingnan ko kung anong oras na ay pasado alas sais na ng umaga. Bakit ngayon lang siya?
“Syempre uuwi ‘yan sayo kasi may silbi ka pa sa kanya. Hangga’t hindi pa niya tuluyang nakukuha ang mana ay uuwi talaga yan–”
Alam ko na kung ano ang susunod niyang sasabihin kaya inunahan ko na siya. “Nandito na siya, Miks. Next time na lang tayo mag usap."
Bago ko pa mababa ang tawag ay narinig ko pa ang kanyang hinaing. “Kita mo na Solana, ni hindi nga umuwi kagabi. Siguro kasama niya yung babaeng–”
Lumabas ako ng kwarto para salubungin si Edward, ang aking asawa.
“Honey, ba’t ngayon ka lang? Umaga na ah."
Lumapit ako sa kanya para halikan siya sa pisngi. Hindi pa man dumadampi ang aking labi ay pansin ko ang kanyang pag iwas ng mukha. Napatigil ako. Naaamoy ko ang isang pambabaeng pabango mula sa kanya. Tumikhim ako at tinulungan na lang siya na hubarin ang kanyang coat at necktie. Hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin nang sumagot siya, "Overtime. Daming paperworks na aasikasuhin.”
Liar! Nasa bar ka kagabi at may kasamang iba!
“Talaga ba…” nasabi ko na lang.
“Mag sho-shower lang ako, then babalik na ako sa office. Eat your breakfast now.”
Imbis na kumain ng agahan ay sinundan ko siya sa kwarto. Hawak ko pa rin ang kanyang coat at necktie. Ilalagay ko na sana ang mga ito sa basket nang mahagip ng aking mga mata ang mantsa ng lipstick na nakadikit sa necktie. Kumirot ang aking dibdib. Kahit na narinig kong may kasama siyang ibang babae kagabi ay hindi ko naman inaasahan na aabot sa ganito. Ayoko mang isipin na may nangyari sa kanila ng babae na iyon pero mismong ebidensya na ang pumipilit.
Nangilid ang aking mga luha. Sa loob ng aming limang taon na pagsasama bilang mag asawa, ni hindi ko naramdaman ang kanyang pagmamahal sa akin. Magkasama nga kami sa iisang bahay ngunit tila ba magkalayo kami sa isa't isa. At heto ako ngayon, umaasa na magbabago pa rin siya para sa magiging anak namin. Yes, I'm 3 months pregnant now.
Pumikit ako at huminga ng malalim. Hindi dapat ako ma-stress. Kailangan ko lang kalimutan ang narinig ko kaninang umaga at ang nakita ko sa kanyang necktie, then all is good. Hindi dapat ako magpaapekto. Kailangan ko lang mag doble sikap para mahalin ako pabalik ni Edward.
Naupo ako sa kama at hinintay siyang matapos sa pagligo. Napakagat ako sa aking daliri sa kaba.
Bakit ako kinakabahan? Just tell him, Solana! Na gusto mo siyang makasama.
Minsan lamang siya pumayag sa mga request ko. At ipinagdadasal ko na sana ay pagbigyan niya ako ngayon. Narinig ko ang pag tunog ng pinto kaya agad akong napatayo. Lumabas siya na nakatuwalya lamang ang kanyang ibabang bahagi ng katawan. Ang kanyang magulong buhok ay basang basa pa at tumutulo ito sa kanyang katawan, adding more hotness to his body. He's a muscular man. Kahit sino ay magugustuhan siya dahil sa kanyang itsura at katawan. And that's why my young heart fell for him.
“Pwede ka bang mag day off ngayon, honey? Para naman magka-quality time tayo.” Pauna kong sabi habang hinahaplos ang aking puson. Nakita kong bumaba ang kanyang tingin sa aking puson ngunit agad ring inalis.
"Hindi pwede. Masyadong busy sa kompanya lalo na’t tatlong buwan na rin busy ang daddy mo. Mula nang naging chairman siya ng Kingwood Corporation ay ako na ang nag aasikaso ng kompanya niyo.”
“Pero sabado ngayon–” napatigil ako nang sumabat siya.
“Para naman sa kompanya ang ginagawa ko. Just focus on your own thing.” Huminto siya saglit at kumunot ang kanyang noo. Tinapunan niya ng malamig na tingin ang aking puson bago nagpatuloy sa pagsasalita. “Pwede kang mag exercise o mag bakasyon para naman naka focus ka sa anak mo. Hindi ‘yung trabaho ko ang dinidisturbo mo.”
Dire-diretso ang kanyang pananalita. Wala siyang konsiderasyon sa mararamdaman ko. Hindi ko lang naman anak ‘to, anak natin ito! Nag init ang aking ulo at nawalan ng kontrol. Sa sobrang frustration ko ay nakapag salita ako na hindi ko na dapat pa sinabi dahil nauwi ito sa matinding away.
“YOU KNEW VERY WELL NA ARRANGED MARRIAGE TAYO! Pumayag lamang ako para makuha ang mana. Kaya huwag mo akong sisihin kung ganito ako.” Sigaw na reklamo niya.
“AH KAYA PALA MAY KASAMA KANG IBANG BABAE SA BAR!? DAHIL ARRANGED MARRIAGE TAYO, GANON?” I screamed at the top of my lungs. Mabigat at mabilis ang aking paghinga. Sa huli, ang plano kong kalimutan ang isyung ito ay naibubulas ko lang rin.
Tumaas ang kanyang dalawang kilay, na para bang nagtatanong kung may problema sa sinabi ko. He scoffed, “Heh, alam mo.”
Lumakad siya palapit sa akin. Mabigat ngunit mabagal ang kanyang mga hakbang. Kusang napahakbang ako paatras. Hanggang sa tumama ang aking likod sa dingding at wala na akong maatrasan. Nang nasa harapan ko na siya ay nilapit niya ang kanyang bibig sa aking tainga at bumulong.
“Sigurado hindi kumpleto ang nalalaman mo. Gusto mo bang ako mismo ang magkwento kung ano ang mga ginawa namin sa–”
Sinampal ko siya ng malakas. Ramdam ko ang basa sa aking pisngi. Walang tigil sa pagtulo ang aking mga luha. Nanghihina ako.
“Bakit… bakit,” hindi ko na naituloy ang aking sasabihin dahil umikot bigla ang aking paningin kasabay ng pagsakit ng aking puson.
Few seconds later, I felt blood dripping down my legs.
Nangalahati na namin ang strawberry cake kaya tumigil na rin kami at tinago ito sa loob ng ref. Tuwang-tuwa ako dahil kahit first try pa lamang ay naging maayos naman ang resulta. “Try naman natin ang paborito mong cake next time. Aaralin ko,” sabi ko kay Keith habang nililinis ang mga ginamit namin sa pag-bake.“Sure.” Tumango siya at tumulong na rin sa paglilinis.“Ahem!” pilit na tikhim ng kung sino mang nasa likuran namin.Sabay kaming napalingon at nakita ang kasambahay na bagong ligo soot ang maikling palda at v-neck na pantaas. Kitang kita ang malulusog niyang cleavage na mukhang sinadya pa para magpapansin sa katabi ko na ngayon ay nakakunot ang noo habang nakatingin rin sa kanya.Malanding ngumiti ito kay Keith na hindi nginitian pabalik. Nang bumaling sa’kin ang kanyang tingin ay bigla itong naasiwa at natanggal ang ngiti. May inilahad ito sa kanyang palad na maliit na papel.“Pinapabigay ni Sir,” mataray niyang sabi saka ito padabog na nilapag sa mesa. “Ano ‘to?” Mukha it
Nang makarating sa bahay ay agad kong nilantakan ang leche flan. Nandito ako ngayon sa veranda habang nakatingin kay Keith na naglilinis ng kotse. Seryoso ang kanyang mukha, malayo sa nang aasar at mahilig tumawa kapag magkasama kami. Ang kanyang noo ay bahagya pang nakakunot, kunti na lang talaga ay magdidikit na sila. May galit ba siya sa kotse?Naubos ko na ang isang tub kaya kumuha naman ako ng strawberry at ‘yun naman ang nilantakan. Madami rin ang strawberry na binili niya kaya sana may pera pa siya sa bulsa, mahal pa naman ang mga ito. Lumiwanag ang aking mukha ng may maisip. Sa sobrang dami nito ay siguradong hindi ko mauubos at baka masira lang. Kaya naisip ko na mag bake ng strawberry cake. Masayang tumayo ako at lumapit kay Keith na nagulat pa sa paglapit ko.“Bakit? Mababasa ka dito ma'am,” paalala niya. Ngumiti ako sa kanya ng malawak. Ilalabas ko na ang aking karisma at kapal ng mukha. “Sandali lang. Pwede ko bang mahiram cellphone mo? Titingin lang ako ng video kung
“Dati ka bang clown sa past life mo?” pigil tawa kong tanong sa kanya. Pansin ko ang pamumula ng kanyang tainga at ang aligaga na mata, hindi matukoy kung saan nga ba ito ipupukol. Halatang nahihiya siya. Mas ginanahan tuloy akong asarin siya. “Ang effortless mo magpatawa, minsan sa joke mo minsan naman sa itsura mo. Sigurado ka bang hindi ka joker sa past life mo?” Pinakawalan ko ang aking halakhak at hinuli ang kanyang tingin. Ang kanyang kulay itim na mata ay tumitig sa akin. Ngayon na magkalapit kami ay mas lalo kong natitigan ang kanyang mga mata. Nakikita ko ang aking repleksyon dito at may kung ano akong naramdaman, tila ba hinihigop ako ng kanyang mga titig. Umawang ang kanyang labi kaya bumaba ang tingin ko doon. He then licked his lower lip, making it wet. “Saan ka nakatingin, ma'am? Gusto mo ba ako halikan?”Sa isang iglap, bumaliktad ang mesa. Ako na ngayon ang namumula ang mukha at nabitag sa kanyang pang aasar.“Hindi ‘no!” agap kong depensa sa sarili.“Sus, okay la
Nagising ako dahil sa sama ng aking pakiramdam at muntikan pa ngang matumba pagkabangon. Kahit masakit ang buong katawan ay pinilit kong makapasok sa banyo at sumuka. Matapos ang kalahating oras na pagpapakalma sa sarili ay napatitig ako sa salamin.Magulo ang buhok, ang nangangayayat na katawan ay halos matabunan na ng mga pasa at sugat. ‘Kaya mo yan, Solana. Magpakatatag ka para sa anak mo at sa pamilya,’ bulong ko sa sarili habang hinihimas ang aking sinapupunan. Lantang gulay akong bumaba para kumain ng agahan. Matapos ang interaksyon namin ni Keith sa garden noong isang araw ay hindi ko na siya nasilayan pa. Hindi na rin ako nagtaka dahil may mga araw talaga na pinapatawag siya ni Edward sa building.Habang pinagpapatuloy ko ang aking pagkain ay may narinig akong mga yabag papasok sa kusina. Lumundag ang aking puso sa kaba at natigil sa ere ang kamay na nagtatangkang abutin ang baso sa pag-aakalang si Edward ang papalapit.Bumaba ang aking balikat nang tumambad ang lalaking mat
Matapos niya akong gamutin ay sinamahan niya naman ako tumambay sa garden. Hindi ko alam kung anong iniisip ni Edward, kung bakit hindi niya sinasama ang driver niya sa building. Hindi ko masabing good thing ‘to para sa’kin dahil hindi ko rin alam kong kaninong side talaga ang driver na’to.Kahit pa ilang beses niya na akong tinulungan, may duda pa rin ako. Still, I'm thankful that he was with me. He comforted me in some ways. Nang makaupo sa hanging chair ay saka lamang niya napansin na kanina pa ako nakatitig sa kanya. “Bakit?” nagtataka niyang tanong. Nakatayo siya sa harapan ko soot ang kanyang black polo shirt na bumabagay sa kanyang pangangatawan. Hapit na hapit ito kumpara sa una niyang soot na black polo shirt. Bumabakat tuloy ang kanyang muscles na gustong gusto kong tingnan. Napa-iwas agad ako ng tingin at naramdaman ang pag iinit ng aking mukha. Hindi kasi ganyan kay Edward kahit pa maskulado naman siya. Kahit nagtataka ay hindi pa rin mawala ang halos magdugtong niyan
Sa mga oras na’to, wala na akong ibang maisip kundi ang tahimik na magpasalamat na may pumagitna sa amin. “Huwag kang makikialam dito, away mag asawa ‘to!” Ang galit na tingin ni Edward ay napunta kay Keith na marahas pa niyang tinabig para maabot ako. Ngunit nabigo lamang siya dahil kung ipagtatabi sila ay nag-mistulang maliit si Edward sa tangkad at malaking pangangatawan ni Keith. Kaya hindi man lamang naalis sa pwesto si Keith.Nakikita ko mula sa aking kinatatayuan ang lapad ng kanyang likod maging ang balikat nito. Walang duda, napakabatak ng kanyang muscle na animo’y nag g-gym. Walang-wala ang katawan ni Edward dito. “Sir, mas maganda kung mag usap kayo kapag pareho na kayong kalmado. Hindi sa lahat ng bagay ay madadaan sa away at pisikalan,” walang emosyong sabi ni Keith. “Aba, pinapangaralan mo ba ako?” naiinis na sagot naman ng aking asawa. “Advice lang ho, sir.” Sabay silip sa akin. “Umalis ka sa harap ko ngayon din!” Muli ay humakbang ito palapit at pinilit na maalis