LOGIN"Sigurado ka na ba sa desisyon mong ito Emy? Hindi na ba magbabago ang isip mo?"
Naluluhang tanong ni Sister Carolina kay Emeryn. Isa ang butihing madre na kumupkop at nag alaga sa dalaga sa isang bahay ampunan sa probinsiya ng San Ramon. Ito rin ang nagbigay ng pangalan sa dalaga na kinilalang si Emeryn 'Emy' Del Rosario. Hilam din sa luha ang mga mata ni Emeryn habang nakaharap kay Sister Carolina. "Oo naman po Inang. Gusto ko pong makatulong sa inyo rito at pati na rin po sa mga batang kagaya ko. Napakalaki po ng utang na loob ko sa inyong lahat dito kaya panahon na po para suklian ko iyon." Puno ng damdaming tugon niya kaya emosyonal na yumakap sa kanya ang butihing madre. "Hindi mo na kailangang suklian pa ang lahat. Masayang masaya kami na napalaki ka namin bilang isang napakabuting dalaga. Alam kong may pangarap ka rin kaya hindi kana namin pipigilan pang abutin iyon. Basta kahit anong mangyari ay nandito lang kaming lahat para sayo Emy." Puno ng emosyong turan ni Sister Carolina kaya tuluyan ng bumuhos ang mga luha ng dalaga. Ayon sa kwento sa kanya ni Sister Carolina ay isang buwang sanggol pa lamang siya nang iwanan sa labas ng simbahan. At walang anumang pagkakakilanlan sa taong nag iwan sa kanya maging ng kanyang mga magulang. Gayunpaman ay may pangarap pa rin naman siya na makilala ang mga iyon. Lumaki kasi siya na puno ng pangaral at pagmamahal kaya unti unting naghilom ang hinanakit niya sa mga magulang na nag abandona sa kanya. Itinatak niya nalang sa kanyang isipan na baka may napakalaking dahilan kaya iyon nagawa ng kanyang mga magulang. Na baka sobrang naghihirap ang mga iyon kaya walang maipakain, o di kaya ay baka nabuntis lang ang kanyang ina ng kung sinumang lalaki. Ganoon kasi ang kwento ng ibang mga bata sa bahay ampunan kaya di niya maiwasang maihalintulad ang pinagmulan niya. Basta ang ipinagpapasalamat pa rin niya ay nagawa pa rin siyang ipanganak at hindi ipinalaglag kaya nasilayan niya ang mundo. "Emy? Okay na ba ang lahat? Naghihintay na sa labas si Miss Rosana." Tanong ni Sister Cora nang makalapit ito sa kanila. Si Miss. Rosana Velez ang legal na nag ampon sa kanya. Noong nakaraang buwan pa lang nagpunta sa bahay ampunan ang ginang para maghanap ng batang aampunin. At sa rami ng mga bata at dalagitang naririto ay hindi niya inasahan na siya ang magugustuhan at mapipili nito lalo pa at dise otso anyos na siya. "Napakagaan ng loob ko sayo hija. Napakaamo ng iyong mukha. Napakaganda mo, bagay na bagay tayong tawaging mag ina." Iyon lang ang naging pahayag sa kanya ng ginang at pagkatapos ay ibinalita na lamang sa kanya ni Sister Carolina na siya ang napusuan at napiling ampunin ng mayamang ginang. Ayon naman sa impormasyong sinabi sa kanya ay matandang dalaga si Miss Rosana, nasa singkwenta anyos na ang edad nito at nag iisa na lamang sa buhay. Napaisip nga siya kung bakit hindi ito nakapag asawa gayung maganda naman ito at maalaga pa sa sarili. 'Siguro may mga tao lang talaga na mas naising mag isa sa buhay para may peace of mind.' Aniya nalang sa isip. At walang anumang pagdadalawang isip siyang pumayag dahil bukod sa mukhang mabait at magiliw ang ginang ay pinangakuan agad siya na papagtapusin ng pag aaral sa kolehiyo sa kahit anumang kursong naisin niya. Napakaswerte niya kung tutuusin kaya hinding hindi niya sasayangin ang oportunidad na ibinigay sa kanya. Marahang ngumiti si Emeryn at tumango saka nito binitbit ang packbag na naglalaman ng kanyang kakarampot na gamit. Iilang piraso lang kasi ng damit masusuot ang dala niya dahil ibinigay niya ang iba sa mga dalagitang kasamahan niya rito sa bahay ampunan. Muli silang nagyakapan ni Sister Carolina at maging si Sister Cora ay nakisali na rin. At bago pa man niya tuluyang lisanin ang nakamulatang lugar ay nagsilapitan na rin ang mga bata at dalagang kasamahan niya rito sa bahay ampunan. "Mamimiss ka namin Ate Emy." "Ate, bili ka maraming chocolates pagbalik mo rito ah!?" "Ingat ka roon Ate Emy. Bisita ka rito palagi ah!" Iilan lang ito sa nakakaantig na mensahe ng mga bata na siyang tuluyang nagpabuhos ng kani kanilang emosyon. Ilang minuto pa silang emosyonal na nagpapalitan ng mensahe hanggang sa tuluyan na nga siyang nagpaalam sa lugar at sa pamilyang kanyang kinalakihan. "Balang araw ay babalik ako rito at tutulong ako sa abot ng aking makakaya." Panata niya sa sarili bago emosyonal na humahakbang papalabas. Sa parking lot ay ilang minuto ng naghihintay si Miss Rosana Velez kasama ang pinagkakatiwalaan nitong driver na si Edwin. "Iyan na po ba ang dalagang tinutukoy niyo ma'am? Aba'y napakagandang babae, birhen na birhen at napakapresko! Swak na swak!" Mangha at puno ng pagnanasang puri ng lalaki nang masilayan ang naglalakad na dalaga patungo sa sasakyan. Ngumiti ng makahulugan ang ginang habang nakatuon na rin ang mga mata sa dalaga. Maging siya ay sobrang napahanga sa gandang taglay nito na siyang kauna unahang hinahanap niya. Perpekto ang dalaga para sa hinahanap niyang katangian ng isang babae kaya hindi siya nagdalawang isip na piliin ito. Nakajackpot pa nga siya kung tutuusin. Ramdam niya ring magagampanan nito ng maayos ang napakalaking tungkulin na ipapagawa niya! Naudlot lang ang malikot na imahinasyon ng ginang nang tuluyang makalapit ang dalaga. "Ma--- magandang araw po Ma'am Rosana." Magalang na bati ng dalaga, nakayuko pa ito at mababanaag ang pagkapahiya sa boses. Magiliw na ngumiti ang ginang saka nito inanyayahan ang dalaga papasok sa loob ng sasakyan. "Mama, Mama Rosana na ang itawag mo sa akin coz from now on, ako na ang magiging legal mong mama." Ani ng ginang na siyang nagpalambot lalo sa puso ng inosenteng dalaga. Buong buo man ang pinaparamdam na pagmamahal ng mga tao sa bahay ampunan ay hindi niya aakalaing may ibang dalang kaligayahan ang malaman na may ibang taong handang tumanggap sa kanya ng buong buo at aako pa sa responsibilidad bilang isang magulang kahit na hindi naman sila magkaano- ano. Naluluha siyang napangiti saka marahang pumasok sa loob ng sasakyan. At bago pa man tuluyang maisara ang pintuan ay muli niyang sinulyapan ang lugar na nagbigay buhay sa kanya. At mas lalo lamang siyang napaluha nang masilayan ang pagkaway ng mga madreng nagpalaki sa kanya kasama ang mga batang kagaya niya na itinuring niya ng mga kapatid. Emosyonal siyang ngumiti. Hilam man sa luha ang mga mata ay kumaway siya pabalik at muling ipinanata sa sarili ang pangako para sa mga taong itinuring niyang pamilya sa loob ng labing walong taon. "Let's go now Edwin at baka magbago pa ang isip ng anak ko." Mahinahong utos ng ginang sa driver nito kaya agarang binuhay ng lalaki ang makina. ANAK KO.... Pagkarinig sa tinuran ng ginang ay napalingon si Emeryn sa gawi nito. Hindi niya malaman kung bakit tila ba ngayon pa lang ay hindi siya nito kinakahiyang kilalaning anak. Napakagiliw pa ng pakikitungo nito sa kanya. "I already told you na simula ngayon ay ako na ang magiging magulang mo kaya anak na rin kita syempre. Huwag kang mahiya o mailang sa akin Emy." Nakangiting ani nito at ramdam naman niya ang sensiridad sa boses ng ginang kaya marahan siyang ngumiti at tumango. "O--- opo ma'am---" "Mama, Mama Rosana." Pagtatama nitong muli kaya napalunok siya ng mariin saka nahihiyang ngumiti. "Opo-- Mama Rosana." Naiilang pa rin na ani niya. "Bueno, malayo layo pa ang magiging biyahe natin anak kaya pwedeng pwede kang matulog na muna." Ani nito sa kanya na marahan niya lang na tinanguan saka siya unti unting napapaidlip. Puno ng magkahalong kaba at galak ang puso niya dahil alam niyang paggising niya ay may bagong buhay na naghihintay sa kanya.( Author’s POV )Tahimik ngunit napakalamig ng hangin bago sumikat ang araw. Sa malayo, maririnig ang mumunting hampas ng alon at pag-awit ng mga ibon na tila ba sumasalubong sa isang araw na napakahalaga, ang araw ng pag iisa para sa panibagong yugto ng naudlot na pagmamahalan.Sa isang pribadong bench malapit sa bagong tayong mini garden sa kanilang bakuran ay nakaupo sina Emeryn at Dreymon, magkahawak-kamay habang nakatanaw sa malawak na karagatan na abot tanaw. Nasa pagitan nila ang malamig na kape at dalawang white roses na ipinulot lamang ni Dreymon kaninang umaga para ibigay sa babaeng minamahal.Maganda ang panahon, may banayad na hangin na humahaplos sa mukha nila. Ilang buwan na ang lumipas mula nang bumalik ang lahat sa dati, o marahil higit pa sa dati, dahil mas matibay na ang tiwala at pagmamahal na bumabalot sa kanila ngayon. Pagmamahalang alam nila na walang sinuman ang makakatibag.Muling bumalik ang lakas ni Dreymon. Matapos ang mahabang gamutan, therapy at panalangin
( Emeryn’s POV )“Resort Paraiso’’Naririto kami ngayon ni Zairus sa isang napakagandang beachfront resort na may puting buhangin, malamig na hangin at napakalinaw ng dagat na tila nanunuya sa kaguluhan ng isipan ko. Napakabiglaan ng pag-ayang itong ni Zairus at wala siyang naging ibang paliwanag kundi nais niyang makapagrelax ako sa lahat ng mga nangyari these past few weeks. And I really appreciate his effort kahit pa man inaalala ko pa rin ang kalagayan ni Dreymon ngayon. Na kahit hindi ko na siya ulit nadadalaw ng palihim ay updated naman sa akin ang doktor niya at ayon nga sa impormasyon ay nakalabas na raw si Dreymon ng hospital kahapon pa. Kaya kahit papaano ay napanatag ako kahit pa gustong gusto ko pa rin na personal siyang makita.Feeling ko nga nagiging sobrang unfair na ako kay Zairus dahil I am physically present by his side but I am mentally and emotionally absent naman. But I am really trying my best na ibigay ang atensyon ko sa kanya para hindi niya naman maramdaman n
(Zairus POV)Tahimik ang gabi. Tahimik pero parang may mga sigaw na gustong kumawala sa dibdib ko.Nasa sofa ako ngayon hawak ang tasa ng kape na kanina pa malamig. Sa ibabaw ng mesa ay may mga papeles galing sa kumpanya, pero hindi ko mabasa kahit isang linya dahil sa totoo lang — wala naman talaga akong ibang naiisip kundi ang babaeng minamahal ko.Si Emeryn.Ang babaeng akala ko’y sa wakas ay sa akin na matapos niyang tanggapin ang kasal na alok ko.Ang babaeng matagal kong inalagaan, minahal, inunawa, at pilit kong pinasaya.Pero ngayong mga huling araw… parang unti-unti na siyang lumalayo, hindi man sa kilos ngunit sa isip.Ramdam ko. Ramdam kong hindi na ako ang laman ng isipan niya. Na kapag tinitingnan ko siya ay parang nakatingin siya sa malayo —sa kung saan naroon ang isang lalaking minsang nanakit sa kanya ngunit ngayo’y muling pinatunayan ang pagmamahal na handang magsakripisyo at ialay ang buhay para sa kanya.At sa tuwing maririnig ko ang pangalan ni Dreymon, aaminin kon
( Emeryn’s POV )Tahimik na ang buong bahay, pero pakiramdam ko ang ingay-ingay ng kalooban ko. Nakauwi na ako mula sa ospital, mula sa gulong halos kumitil ng buhay ko— at ng buhay ni Dreymon.Pero kahit anong gawin ko, kahit ilang beses kong pilitin ang sarili ko na magpahinga at huwag na munang mag-isip ay binabagabag pa rin ako, siya pa rin ang laman ng isip ko.Dreymon…..Ang pangalan niya ay parang dumadaloy sa bawat tibok ng puso ko. Paulit-ulit. Unti-unti. Masakit at parang nilalamon ako ng guilt. Papaano nga bang hindi gayung committed na ako kay Zairus at sa susunod na buwan na gaganapin ang kasal namin, pero ang laman ng isipan ko ay ang ibang lalaki. Na hindi lang basta lalaki kundi ex husband ko pa.Oh shit!Nakaupo ako ngayon sa gilid ng kama habang hawak ang baso ng tubig na kanina pa hindi ko maubos- ubos. At ang mukha ng anak kong mahimbing na natutulog sa aking tabi ay mas lalo lang dumagdag sa pag-iisip ko kay Dreymon dahil talagang parang pinagbiyak na bunga ang d
LOVEBYMISSION Kabanata 146(Dreymon’s POV)Tahimik. Nagising akong napakatahimik ng paligid na ang tanging naririnig ko lang ay ang mahina at tuloy-tuloy na beep ng makina sa tabi ko. Mabigat ang talukap ng aking mga mata at tila ayaw pang bumukas pero pinilit ko. Kasabay ng tuluyan kong pagdilat ay unti-unti ko ring nararamdaman ang hapdi sa kaliwang bahagi ng dibdib ko. Ang paalala ng bala na muntik ng kumitil sa buhay ko.Bala…..Muling lumitaw sa utak ko ang huling nangyari. Napakurap ako ng ilang beses habang dahan dahang inilibot ang mga mata sa kabuuan ng paligid. Maputi ang kisame at ang pader. Amoy antiseptic na para bang nasa ospital ako.Ospital? Does it mean nakaligtas ako!??Pero bago ko pa masagot ang sariling katanungan ay bigla kong napansin ang isang babaeng nakaupo habang natutulog, nakasandal ang ulo nito sa upuan kaya kitang kita ko ang kagandahan ng maamo nitong mukha. E—- Emeryn!??Damn! Parang napahinto ang hininga ko at biglang bumagal ang mundo. Ang bawat hi
( Emeryn’s POV ) Tuluyang bumagsak ang katawan ni Dreymon sa harapan ko at dito ay parang biglang tumigil ang oras. “Dreymoooooon!” Isang sigaw ko pa na halos mapunit ang lalamunan ko. At lahat ng ingay sa paligid, ang kalansing ng mga baril, ang mga yabag ng mga tauhan ni Sophie, ang ugong ng mga sirena sa labas—- lahat ng iyon ay tila naglaho sa pandinig ko. Nilamon ako ng takot na siyang sumakal sa dibdib ko kaya parang hindi ako makahinga. Si Dreymon.. duguan siya.. may ilang tama ng baril sa katawan niya. At ang t-shirt na suot niya na madalas kong nakikita noon na sinusuot niya, ngayon ay puno ng pulang likido. Parang napakainit at lagkit nito sa mga kamay kong nanginginig…. “Jusko! Hindi… hindi… hindi totoo ito…” paulit-ulit kong bulong habang hinahaplos ang mukha niya. “Drey— mon— gu—mi– sing ka!!” Nagkandautal utal na wika ko at halos wala ng boses na lumalabas sa bibig ko sa lubhang pag-aalala at pagkataranta. Ngunit siya gumising at sumagot dahilan para humagulhol







