Muling nagpumilit lumapit sa sunog si Ethan. Hinarang siya ng limang bumbero. “Andyan ang asawa ko. Kailangan niya ako!” Pinagsusuntok nito ang mga pumipigil upang makabalik sa kotse.“Ethan, andito ako,” sabi ni Hanna na hilam din sa luha ang mata ng hindi niya mahanap ang binata sa kung saan niya ito nakita bago siya tumawid ng kalsada. Bumili siya ng taho kay manong na nakipagkwentuhan pa sa kanya. Sinakmal ng matinding nerbyos ang kanyang katawan sa malakas na pagsabog. Nanginginig pa siya hanggang ngayon sa isiping napahamak si Ethan.Agad siya nitong niyakap ng mahigpit. “Okay ka lang ba? Hindi ka ba nasaktan?”Humahagulgol siyang tumango. Ikinulong nito sa mga kamay ang kanyang mukha.“Ikaw? Ano ang nangyari? Hindi ka ba nasaktan?” aniya. Madungis ito at may pasa ang mukha. Sunog din ang alon alon nitong buhok. Pati ang ilang parte ng damit nito. Parang may sumakmal sa kanyang puso.“Okay lang ako. Importante ay maayos ang lagay ninyo ni baby.” Hinawakan nito ang kanyang tiyan.
Agad naghiwalay sina Ethan at Hanna at inayos ang mga sarili. Mula sa panaka-nakang kidlat ay naaninag niya ang binata. Inilagay nito ang hintuturo sa kanyang bibig. Naunawaan niya na huwag siyang magsalita. Hinawakan nito ang kanyang kamay at inakay siya sa dilim. Kumakabog ang kanyang dibdib. May nanloob ba sa kanilang bahay. Mapapaanak siya ng wala sa oras sa nerbyos.Muling may nabasag na salamin sa back door. Napakapit siya ng mahigpit sa katabi. Nagsidatingan ang limang security ni Ethan. May dalang flashlight ang mga ito.“Sir Ethan, may dalawang lalaki po kaming namataan na tumatakbong palayo.”“Habulin ninyo! Paano kayo nalusutan?!” gigil na sabi ng binata.Napansin ni Ethan na nakababa ang breaker ng kuryente. Bumalik ang supply ng kuryente sa kabahayan ng itaas nito ang breaker.Tinignan nito ang kanyang kwarto kung walang ibang tao. “Pumasok ka sa loob ng kwarto mo at huwag kang lalabas hanggat hindi ako nakakabalik. I-lock mo ang pinto.”Sinunod niya ito. Sino ang nagtang
“Talaga? Sigurado ka ba sa nadinig mo? Sasampalin kita kapag maling impormasyon ‘yan,” paniniguro ni Lyn kay Lolita.“Oo, sigurado ako. Nag-iiyakan nga ‘yun dalawa ngayon.”“Well, nakakaawa siya pero mas nakakaawa ako kapag bumalik sa hirap. Ganoon talaga ang buhay. Una una lang. Dati naiinggit ako sa buhay niya at gustong maging siya. Hindi na ngayon. Ayoko pang mamatay.”“Hindi ba matagal kayong mag-best friend? Nagulat nga ako ng malaman kong hindi pala totoo ang friendship ninyo.”“Baka para sa kanya totoong kaibigan ako, pero para sa akin, hindi ko siya itinuring na kaibigan. Pansin mo noong high school palagi kaming magkalaban sa kompetisyon? Ni hindi man lang ako pinagbigyang manalo.”“Oo at palaging si Hanna ang panalo. Aminin mo na mas magaling siya talaga kaysa sa’yo. Tsaka mas maganda at mas mabait.”“Eh kung sinasabunutan kita? Noon iyon. Ngayon ay ako ang mananalo. Kakampi ko ang tadhana. Hindi naman pala ako dapat mag-worry na iniwan ako ni Ethan. Babalik din siya sa aki
Binuksan ni George ang file. Mahaba ang video. Nagloloading pa. Nag-fast forward ito upang ipakita kay Ethan ang babae. Ngunit hindi nito mahanap.“Wait lang, boss. Saang banda nga ba ‘yun?”Biglang tumunog ang cellphone ni Ethan. “Yes, lola Rosa. Inatake si mommy? Sige, papunta na po ako diyan.”“George, kailangan ako sa ospital ngayon. Inatake daw si mommy. Ikaw muna ang bahala dito.”“Okay, sir.” Ipinagpatuloy ni George ang paghahanap sa part ng video kung saan malinaw na si Hanna ang hinahanap ng boss. Nakita ni Hanna ang CCTV camera sa loob ng kwarto at malinaw ang mukha nito ng alisin ang maskara habang nasa banyo si Ethan. Tinakpan nito ang camera ng tila panyo. Inalis lang nito ang nakatabing sa camera kinabukasan. At mas maliwanag kaya kitang kita na si Hanna ang nakasama ng CEO at hindi si Lyn.At sa totoo lang ay nalungkot siya ng mapansin na may gusto si Lyn sa boss niya. Natuwa pa naman siya ng malaman na sa parehong kumpanya na sila magtatrabaho. Malaki na din ang ipinag
Napaatras si Ethan palayo. May kanser sa utak si Hanna? May taning na ang buhay nito? Sanay siya sa sakit ng damdamin na dulot ng mga taong itinuring niyang pamilya noong bata pa siya hanggang magbinata. Pero ngayon lamang niya naramdaman ang ganitong uri ng sakit. Pinigil niya ang sariling lapitan ang asawa. Ayaw nitong ipaalam sa kanya ang kalagayan. Hindi muna niya sasabihin dito na alam na niya. Hihintayin niya muna itong makapanganak bago niya kausapin. Lalaban silang dalawa. Kahit kamatayan ay tatalunin nila. Hahanap siya ng pinakamagaling na ospital kahit saang lupalop pa ng mundo. Hindi siya papayag na mawala si Hanna.Lumabas siya ng ospital. Kailangan niyang lumanghap ng sariwang hangin. Tumakbo siya ng matulin sa park sa labas. Naka-ilang ikot siya. Tila kinakapos siya ng hininga ng tumigil. Kailangang maalis ng labis na emosyon. Kailangan niyang maging matatag. Inayos niya ang sarili bago muling bumalik sa clinic.Pawisan siya ng dumating sa klinika. Magkaharap sa table na
Malapit na ang taning na ibinigay ng duktor kay Hanna at ayaw niyang iwan ang mga taong mahal niya. Gusto pa niyang mabuhay at makasama ang mga ito ng matagal! Ngunit paano? Matagal ng gumuho ang kanyang mundo ng sabihin ng duktor ang kanyang sakit. Mandadamay pa ba siya ng iba?Humihilab ang kanyang tiyan kasabay ng matinding pagkirot ng kanyang ulo. Hindi niya mapigil ang mapahagulgol. Napakapit siya sa kamay ni Ethan na napansin niyang kasabay niyang umiyak din.Dinala na siya sa delivery room. Tinignan ni Dra. Leila ang kanyang blood pressure. Pinahiga siya sa bed. Halos masira na niya ang t-shirt ni Ethan sa paghila niya. Grabe ang sakit ng paghilab ng kanyang tiyan.“Six centimeters na ang pagbukas ng cervix mo. Hintay lang tayo ng konti pa.”“Dra. Leila, nahihirapan po si Hanna. May maari po bang magawa para maibsan ang sakit?”“Ethan, pinili ni Hanna ang natural childbirth kaya dadaan talaga sa labor pain.”“Huwag kang mag-alala. Kaya kong manganak ng normal,” aniya kay Ethan
“Talaga po? Tu-tutulungan ninyo po ako?” hindi makapaniwala si Hanna sa nadinig. Isang anghel sa paningin niya ang matandang babaeng nakaupo sa wheelchair.“Oo naman. Magaling ang apo ko na isang neurologist. Nag-aral siya sa ibang bansa. Kaso ay flight na niya dalawang araw mula ngayon. Kung gusto mo ay magpa-schedule ka na ng surgery. May alam akong ospital na kagaya ng nasa ibang bansa na may makabagong kagamitan. Ipinadala ko ang larawan ng CT scan mo at kailangan mo na nga daw ng agarang operasyon.”Tumango siya. “Sige po. Handa po akong sumailalim sa operasyon. Makikiusap po ako na huwag na nating ipaalam sa pamilya ko. Kapag tagumpay ang operasyon ay makakabalik ako sa kanila. Kapag naman hindi ay pakikontak po ang kaibigan kong si Cali. Alam po niya ang gagawin. Ayoko pong lubos na umasa ngunit susubukan ko po.”Pinilit niyang tumayo at may inabot na maliit na notebook na nasa kanyang bulsa sa matanda. “Kung anuman po ang mangyari sa akin ay nakasulat po ang impormasyon tungko
Napansin niyang isinara ng lalaki ang pinto ng mamahaling kotse. At muling sumulyap sa kanya. Humakbang ito ng malalaki patungo sa kanya. Biglang nag-panic ang kanyang utak. Bakit siya lalapitan nito? Mabuti na lamang at dumating na si Luis at nagmamadali siyang pumasok sa loob ng sasakyan.“Luis, pakibilisan,” aniya sa bodyguard.“Bakit po? Ano po ang nangyari?” takang tanong nito.“Wala naman. Gusto ko lang magpahinga. Baka abutan tayo ng traffic sa daan,” pagkakaila niya. Nakahinga lamang siya ng maluwag ng makalabas sa parking lot ng airport.Pinapaasikaso sa kanya ni Lola Miranda ang chain ng hotel and restaurant sa Pilipinas. Tinuruan siya nito at nag-training sa Italy ng ilang buwan. Madami siyang natutunan ngunit hindi siya kumpyansa sa kanyang galing. Kapag pala nagka-amnesia ay nakakalimot din sa kakayahan at tiwala sa sarili. Pakiramdam niya ay wala siyang alam kaya naman pinilit niyang pag-aralang mabuti ang lahat ng itinuro sa kanyang ng lola. ***Nakabalik na sa mansyon