Share

7. Guilt

Author: Cephari
last update Last Updated: 2025-09-27 08:43:43

Mahinahon ang tinig ng kanyang ina nang magsalita, pilit inaayos ang bigat ng sitwasyon. "Anak, kailangan mo munang ipakilala sa amin ang asawa mo." Dahan-dahan niyang hinaplos ang kamay ni Adrian, tila ba sinusubukang pakalmahin ang anak na matagal nang may dalang bigat sa dibdib.

Ngunit ang sagot ni Adrian ay lalong nagpagulo sa kapaligiran. "Makikilala niyo rin siya... pero hindi pa ngayon. Busy siya—dahil... magkakaroon na kami ng anak." Mahina ang tono, ngunit malinaw at matalim sa pandinig ng kanyang ama, na agad namang sumiklab ang mga mata sa narinig.

"Congrats, Kuya," nakangiting bati ni Chloe, inosente at masaya para sa kanyang kapatid.

"Heh—Chloe, sa kwarto ka muna," maagap na sambit ng kanilang ina, marahang itinaboy ang anak palayo. Walang nagawa si Chloe kundi sumunod, bahagyang nagtataka sa bigat ng usapan.

Nanatiling nakangiti si Adrian, ngunit iyon ay ngiting puno ng pait at galit, nakatuon sa reaksyon ng kanyang ama. Kitang-kita ang frustrasyon sa mukha nito, para bang bawat impormasyong ibinabato niya ay nagiging sugat sa matagal nang kontroladong awtoridad ng kanyang ama.

"Kailangan mong ipakilala 'yan sa amin, Adrian. Sa lalong madaling panahon," madiin at mariing utos ng kanyang ama, halatang nagpipigil ng galit.

Agad siyang sumagot, matalim at diretso: "Ibigay niyo na ba sa akin ang kumpanya?"

Tumitig ang kanyang ama, malamig, puno ng bigat at galit ang tinig nang sumagot: "Hindi ako nakikipaglaro, Adrian."

Pataas nang pataas ang tensyon. Ang hangin sa paligid ay tila lumalapot, at ang pagitan ng mag-ama'y nagmistulang linya ng digmaan—hindi lang para sa negosyo, kundi para sa kinabukasan, para sa pamilya, at para sa pag-ibig na pilit tinatanggihan ng kanilang mundo.

--------

"Well dad, its my life and its up to me. Anyways kung ayaw niyo ibigay sakin ang kumpanya sa mas lalong madaling panahon fine with me." Malamig na wika ni Adrian habang dahan-dahang tumindig mula sa kanyang upuan. Mabilis niyang kinuha ang isang saging sa mesa, nilantakan iyon na para bang isang tahasang hamon sa awtoridad ng kanyang ama.

“Paalam.” Mariin niyang sambit, saka buong tikas na naglakad palabas ng hapag-kainan.

Bahagyang napaatras si Theodore, handa sanang habulin ang anak. Subalit pinigilan siya ng kanyang asawa, hinawakan nito ang kanyang kamay at bahagyang umiling, hudyat na huwag nang dagdagan ang alitan.

Nanatiling matigas ang loob ni Adrian—at mas pinili ang sariling pasya kaysa sundin ang itinakda para sa kanya. Pagkaalis niya, humigpit ang kamao ng ama, saka marahas na kinuha ang kanyang telepono mula sa bulsa.

“May ipapagawa ako sa iyo,” aniya sa kabilang linya, habang nakatalikod sa salamin, tila ayaw marinig ng kahit sino, ni ng sariling asawa.

“Sa lalong madaling panahon,” matalim niyang sigaw, tila ba minamadali ang kausap.

“Ano iyon?” usisa ng asawa.

“Wala,” mariin niyang sagot. Pilit siyang muling kumain, subalit tila wala nang lasa ang bawat subo.

——————

Samantala, maluwang ang ngiti ni Adrian habang pinapaandar ang kanyang kotse palabas ng mansyon. Ramdam niya ang kakaibang ginhawa, wari’y napilas niya ang tanikala ng ama. Sa isip niya, tiyak na darating ang araw—hindi magtatagal—na ang kumpanya’y tuluyan nang mapupunta sa kanyang mga kamay.

Mabilis niyang ikinonekta ang telepono sa sasakyan.

“Hello, Cinco,” wika niya sa speaker.

“Uy, bakit?” tugon ng kaibigan.

“Bar tayo, BGC. Mamayang gabi,” paanyaya ni Adrian.

“Ngayong gabi?” paniniguro ni Cinco.

“Oo, ngayong gabi.” Ngumiti si Adrian na wari’y baon ang isang lihim na plano.

Si Cinco Gutierrez ang itinuturing na tunay na kaibigan ni Adrian—ang kabahagi ng kanyang bawat lihim at tagumpay mula pa kolehiyo. Kung may isang tao siyang mapagkakatiwalaan, ito’y walang iba kundi si Cinco. Maging sa kasal niya kay Celine, si Cinco ang naging ninong at saksi sa lahat ng dahilan kung bakit pinasok ni Adrian ang isang buhay na puno ng tungkulin at pag-aalinlangan.

Makalipas ang maghapong pagtatrabaho ng dalawa, sinundo ni Adrian si Cinco sa sariling kumpanya nito.

“Brad, saludo ako sa’yo. May sarili ka nang kumpanya. Nakakabilib,” ani Adrian, habang binubuksan ng kaibigan ang pintuan ng kotse.

“What? Mas mayaman ka pa sa’kin. Ikaw nga, kaya mong magtatag ng kahit ilang kumpanya kung gugustuhin. Hindi ko lang maintindihan kung bakit sobrang pursigido ka sa kumpanya ni Tito,” wika ni Cinco, habang inaayos ang seatbelt.

“Dahil ipinangako niya iyon,” tugon ni Adrian, malamig at puno ng paninindigan.

“Kung gayon,” sagot ni Cinco, “tara na. Hindi na tayo dapat magpaligoy-ligoy pa.”

Pagpasok nila sa bar, agad silang sinalubong ng malakas na tugtugan. Ang bass ay parang pintig ng puso, ang mga ilaw ay kumikislap na tila sumasayaw kasabay ng musika. Ang sahig ay puno ng mga katawan, nagbabanggaan at umiindayog sa ritmong walang tigil. Amoy alak, usok, at pabango ang naghalo sa hangin, nagbibigay ng kakaibang sensasyong nakakahilo at nakakaakit sabay.

“Shot tayo,” ani ni Adrian, bakas sa tinig ang bigat ng mga problemang pilit niyang tinatabunan.

Tumango si Cinco. Nag-order sila ng alak at walang sabi-sabing tinungga ang sunod-sunod na shot. Isa, dalawa, tatlo—hanggang sa maging malabo ang paligid para kay Adrian. Namumula na ang kanyang pisngi, mabigat na ang mga mata, ngunit patuloy siyang umiinom, tila ba gusto niyang lunurin ang lahat ng iniisip.

Maya-maya’y isang babae ang lumapit—nakakaakit ang bawat galaw, mapanghamon ang titig, at may ngiting nag-aanyaya ng kasalanan. Dumikit siya kay Adrian, halos nakapulupot na sa kanyang braso. Hindi na nakapag-isip si Adrian, sumabay siya sa sayaw, pinapadala ang sarili sa tukso.

At bago pa man makapigil si Cinco, naglapat na ang labi ni Adrian at ng estrangherang babae. Maingay ang paligid, ngunit sa mismong sandaling iyon, tila tumahimik ang mundo.

“Adrian!” malakas na tawag ni Cinco, sabay hatak sa balikat ng kaibigan. Ang tinig niya’y puno ng pagkabigla at galit. “Tama na ‘yan! May asawa ka na!”

Parang binuhusan ng yelo si Adrian. Nanlaki ang kanyang mga mata, at biglang nag-flash sa kanyang isipan ang mukha ni Celine—ang mga ngiti nito tuwing naghahanda ng pagkain para sa kanya, ang mahinahong boses tuwing siya’y inaasikaso kahit wala siyang pasasalamat.

Kinagat niya ang labi, kumawala mula sa babae, at napalayo. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang napaatras, pinagmamasdan ang paligid na biglang naging parang isang bangungot. Hindi na ito simpleng kasiyahan—ito’y kasalanang malinaw niyang nadama.

Si Cinco, nanlilisik ang mga mata, ay bumulong ng mariin, “Kung hindi mo pipigilan ang sarili mo, ikaw mismo ang sisira sa lahat ng pinaghihirapan ng asawa mo para sa inyong dalawa.”

Sa ilalim ng mga ilaw na patuloy na kumikislap at musika na malakas pa rin ang pintig, nanlamig si Adrian. Sa halip na saya, guilt ang bumalot sa kanyang dibdib.

Kayat inuwi na ni Cinco si Adrian sa kanilang bahay. Halos buhatin na niya ito palabas ng bar, dahil hirap nang maglakad si Adrian, lasing na lasing at amoy alak ang buong katawan. Ang dating malakas at matikas na kaibigan ay ngayo’y para bang batang walang magawa kundi sumandal.

Tahimik ang biyahe pauwi. Habang nakasandal si Adrian sa upuan, mariing nakapikit, paulit-ulit na bumabalik sa kanyang isip ang eksenang naganap—ang labi ng estrangherang babae, ang tawag ni Cinco, at higit sa lahat, ang mukha ni Celine na biglang sumulpot sa kanyang alaala.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Love in the Shadows of Unexpected Marriage    10. My Boss

    Halatang nanginginig sa kaba ang babaeng kasama ng ina ni Celine. Ramdam nito na baka totohanin ni Celine ang pagbabanta na tatawag siya ng security mula sa ibaba ng gusali.“May araw ka rin. Tandaan mo, babalik ako.”Mariin at mabigat na sambit ng kanyang ina, bago tuluyang lumabas ng bahay at ibagsak ang pinto na tila ba gumuhit ng pangako ng hinaharap na gulo.Huminga ng malalim si Celine, pinipilit pakalmahin ang dibdib na halos kumakawala sa tindi ng kaba. Sa wakas, nawala rin ang panganib sa loob ng kanyang tahanan. Ngunit hindi rin ganap na kapanatagan ang dumapo sa kanya. Isa lang ang sigurado—hindi pa rito nagtatapos ang bangungot.Hinaplos niya ang kanyang tiyan, bahagyang namimigat. Apat na buwan na rin ang sanggol na dinadala niya. Binalaan siya ng kanyang doktor na huwag masyadong ma-stress, huwag pagurin ang sarili, at manatili sanang payapa ang kanyang kapaligiran. Ngunit paano iyon mangyayari kung mismong dugo ng kanyang dugo ang siyang nagdadala ng unos sa kanyang buh

  • Love in the Shadows of Unexpected Marriage    9. Security

    “Una, ako ang nagpalit ng damit mo. Huwag kang mag-alala, kung ano ang suot mong brief kahapon, iyon pa rin ang suot mo ngayon. Wala akong binago doon. At kung natatakot ka, huwag na—nakita ko na rin naman ang tinatago mong iyan, wala akong intensyon na mali.” Bahagya siyang ngumiti, pilit binabawas ang bigat ng sitwasyon.“Pangalawa, sobrang lasing ka kagabi. Hindi ka na makalakad, kaya may kasama kang naghatid sayo. Halos mabali ang katawan niya sa bigat mo, kaya ako na ang nag-asikaso sa iyo.”“Pangatlo. bakit ako nandito? Dahil ikaw mismo ang nagsabi kagabi… na dito na lang ako matulog sa tabi mo.”Tahimik ang sumunod na sandali. Nakayuko si Celine habang nagsasalita, tila ba iniisip kung paano tatanggapin ni Adrian ang kanyang paliwanag.Si Adrian nama’y napakunot ang noo, pilit inaalala ang mga nangyari. Ngunit kahit anong pilit, wala siyang maaninag na alaala ng nagdaang gabi—parang isang blangkong papel ang kanyang isip.“Talaga ba…?” mahina niyang tanong, halatang hindi makap

  • Love in the Shadows of Unexpected Marriage    8. Hangover

    "Adrian," mariing wika ni Cinco habang minamaneho ang kotse, "isipin mo si Celine. Kung makita ka niya kanina... kung nalaman niya..." Napahinto ito, nag-igting ang panga. "Hindi niya deserve ang ganun."Hindi nakasagot si Adrian. Wala siyang lakas ni boses para ipagtanggol ang sarili. Ang tanging naroon sa kanyang dibdib ay guilt-matinding guilt na tila unti-unting lumulunod sa kanya, higit pa sa alak na kanyang ininom.Pagkarating nila sa gusali kung saan sila naninirahan, agad na pinindot ni Cinco ang pinakamataas na palapag ng elevator. Tahimik lang silang dalawa sa loob, tanging tunog ng umuugong na makina ang maririnig, habang hawak-hila niya si Adrian na halos matumba na sa bawat hakbang.Nang makarating sa pinakamataas na palapag, kinaladkad niya ito hanggang sa mismong pintuan. Halos hindi na makagalaw si Adrian, kaya pinaupo muna siya ni Cinco sa malamig na sahig, sabay pindot sa doorbell nang sunod-sunod.Lumipas ang mahigit limang minuto ng walang sagot, bago tuluyang bumu

  • Love in the Shadows of Unexpected Marriage    7. Guilt

    Mahinahon ang tinig ng kanyang ina nang magsalita, pilit inaayos ang bigat ng sitwasyon. "Anak, kailangan mo munang ipakilala sa amin ang asawa mo." Dahan-dahan niyang hinaplos ang kamay ni Adrian, tila ba sinusubukang pakalmahin ang anak na matagal nang may dalang bigat sa dibdib.Ngunit ang sagot ni Adrian ay lalong nagpagulo sa kapaligiran. "Makikilala niyo rin siya... pero hindi pa ngayon. Busy siya—dahil... magkakaroon na kami ng anak." Mahina ang tono, ngunit malinaw at matalim sa pandinig ng kanyang ama, na agad namang sumiklab ang mga mata sa narinig."Congrats, Kuya," nakangiting bati ni Chloe, inosente at masaya para sa kanyang kapatid."Heh—Chloe, sa kwarto ka muna," maagap na sambit ng kanilang ina, marahang itinaboy ang anak palayo. Walang nagawa si Chloe kundi sumunod, bahagyang nagtataka sa bigat ng usapan.Nanatiling nakangiti si Adrian, ngunit iyon ay ngiting puno ng pait at galit, nakatuon sa reaksyon ng kanyang ama. Kitang-kita ang frustrasyon sa mukha nito, para ba

  • Love in the Shadows of Unexpected Marriage    6. Announcement

    Ilang araw na ang lumipas, nanatiling malamig ang pagitan nina Adrian at Celine. Para bang dalawang estrangherong nakatira sa iisang bubong. Si Adrian, umuuwi tuwing hatinggabi na laspag ang katawan at pagod ang mukha, samantalang si Celine ay mahimbing nang natutulog, pinipilit makabawi ng lakas para sa maaga niyang trabaho. Kapag umaga, si Celine ay nakabangon na't nakapaghanda ng almusal, ngunit si Adrian ay tanghali na kung gumising, tila ba sadyang iniiwasan ang anumang pagkakataon na magtagpo ang kanilang mga mata. Sa loob ng ilang araw, ganoon ang naging siklo-walang usapan, walang sabay na pagkain, walang lambing. Kapag nagkakasalubong man sila, tipid na ngiti lamang ang ibinibigay ni Celine, samantalang nananatili ang malamig na ekspresyon sa mukha ni Adrian, tila ba hindi siya marunong ngumiti. Ngunit kahit ganoon, hindi nagbago si Celine. ---- Linggo nang umuwi si Adrian sa bahay ng kanyang mga magulang. Pagpasok niya, nadatnan niyang buo ang pamilya sa hapagkainan-ma

  • Love in the Shadows of Unexpected Marriage    5. Penthouse

    Kinabukasan ng umaga, habang abala si Celine sa pag-aayos ng kanyang mga damit, isang malakas na busina mula sa labas ang gumulat sa kanya. Napaigtad siya at agad na sumilip sa bintana.Laking kaba at gulat niya nang makita kung sino ang nakatayo sa tabi ng isang mamahaling itim na kotse, si Adrian.Agad niyang binilisan ang pag-iimpake, halos nagmamadaling isiksik ang natitirang gamit sa kanyang lumang maleta. Hindi naman ganoon karami ang gamit ni Celine, kaya’t ilang hakbang lang ay handa na siyang lumabas.Paglabas niya ng bahay, natanaw niya agad si Adrian na nakatayo sa tabi ng sasakyan. Malamig ang ekspresyon nito ngunit halatang naghintay talaga siya. Walang sinabi, kinuha lang nito ang bag mula sa kamay ni Celine at isinilid sa likuran ng kotse.“Sumakay ka na,” maikli ngunit diretso nitong sabi.Sa loob ng sasakyan naging tahimik ang lahat. Tanging tunog ng makina at mahinang tugtog sa radyo ang bumabalot sa paligid. Pasulyap-sulyap si Celine kay Adrian, ngunit hindi niya ma

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status