LOGINIlang araw na ang lumipas, nanatiling malamig ang pagitan nina Adrian at Celine. Para bang dalawang estrangherong nakatira sa iisang bubong. Si Adrian, umuuwi tuwing hatinggabi na laspag ang katawan at pagod ang mukha, samantalang si Celine ay mahimbing nang natutulog, pinipilit makabawi ng lakas para sa maaga niyang trabaho. Kapag umaga, si Celine ay nakabangon na't nakapaghanda ng almusal, ngunit si Adrian ay tanghali na kung gumising, tila ba sadyang iniiwasan ang anumang pagkakataon na magtagpo ang kanilang mga mata.
Sa loob ng ilang araw, ganoon ang naging siklo-walang usapan, walang sabay na pagkain, walang lambing. Kapag nagkakasalubong man sila, tipid na ngiti lamang ang ibinibigay ni Celine, samantalang nananatili ang malamig na ekspresyon sa mukha ni Adrian, tila ba hindi siya marunong ngumiti. Ngunit kahit ganoon, hindi nagbago si Celine. ---- Linggo nang umuwi si Adrian sa bahay ng kanyang mga magulang. Pagpasok niya, nadatnan niyang buo ang pamilya sa hapagkainan-masigla, nagtatawanan, puno ng buhay. Naroon din si Chloe, ang nakababatang kapatid niyang nasa dorm tuwing may pasok. Sa unang hakbang pa lang, narinig na niya ang halakhakan, mga kwento at biruan na tila ba nagmumula sa isang mundong hindi kailanman naging kanya. Natigilan si Adrian. Isang kirot ng inggit ang kumurot sa kanyang dibdib. Hindi niya naranasan ang ganoong kasayahan noong siya'y bata pa. Sa halip, mahigpit na mga utos at mataas na pamantayan ang bumalot sa kanyang kabataan. Bilang panganay at lalaki, siya ang itinalaga bilang tagapagmana ng lahat. Negosyo, ng ari-arian, ng pangalan ng pamilya. Kailangan niyang maging perpekto-mataas ang grado, bihasa sa instrumento, mahusay sa palakasan, at higit sa lahat, walang puwang para sa pagkakamali. Huminga siya nang malalim at dumiretso sa kusina, nagkukunwaring hindi niya napansin ang kasiyahan ng pamilya. Ngunit agad siyang napansin ng kanyang ina. "Adrian, nandiyan ka pala. Halika, sumalo ka sa amin." Magiliw ang tinig nito, parang walang bahid ng malamig na disiplina ng nakaraan. Napalingon ang kanyang ama, saglit na binati ng titig, bago muling ibinalik ang pansin sa pagkain. "Tara, kain," wika nito, simple at diretso. "Kuya!" masiglang bati ni Chloe, tumayo pa upang lapitan siya. "Kamusta ka?" Saglit siyang napangiti, pilit ngunit taos ang pasasalamat sa kapatid. "Okay lang naman," mabilis niyang tugon habang dahan-dahang umuupo sa tabi nila, sinusubukang damhin ang init ng isang pamilyang tila matagal nang nawala sa kanya. "Adrian, medyo matagal-tagal ka ring hindi nakadalaw dito," sambit ng kanyang ina, banayad ang tinig ngunit may halong pananabik. "Andami kasing kailangang ayusin sa kumpanya, Mom. Hindi natatapos ang mga papel at responsibilidad," sagot ni Adrian habang kumukuha ng pagkain. Sandaling natigil ang mga kutsara at tinidor ng lahat nang magsalita siyang muli, malamig ang tono. "Pero sa totoo lang, wala naman talaga akong kapangyarihan para resolbahin ang mga problema roon. Dahil sa mata ng iba, isa lang akong empleyado... sa sarili kong kumpanya." Direkta niyang binitiwan ang mga salita, sarkastiko at puno ng hinanakit, habang nakatitig nang mariin sa kanyang ama. Matagal na, mula pa noong siya'y bata pa, ipinangako na sa kanya ang pamumuno sa kumpanya kapag natapos ang kanyang pag-aaral. Ngunit tatlong taon na ang lumipas mula nang siya'y pumasok doon, tatlong taon na niyang kabisado ang sistema at pasikot-sikot ng negosyo. At gayon pa man, nananatili ang pangako. "Ang tapang mo nang magsalita sa harap ko ah," malamig at mabigat na tugon ng kanyang ama. Bahagyang tumango si Adrian at isinubo ang pagkain, hindi nagpatalo ng titig. "Kaya ko na ito, Dad," mariin niyang wika. "Kaya mo na?" singhal ng ama. "Tatlong taon ka nang empleyado pero wala ka pang naipakitang kongkretong tagumpay. Ni hindi ka pa nakaharap sa malalaking business deals o naka-travel abroad para makipagnegosasyon. Paano mo masasabi na handa ka?" Humigpit ang hawak ni Adrian sa tinidor. "At kaninong desisyon 'yon, Dad? Ako ba ang hindi handa, o ikaw lang ang hindi nagbibigay ng pagkakataon?" Lalong tumindi ang tensyon. Kumunot ang noo ng ama, malamig ang boses na puno ng awtoridad. "Hindi pa kita nakikitang karapat-dapat. Mas magaling ang ibang teams kaysa sa grupo mo. Kung gusto mong pagkatiwalaan ka, ipakita mo muna na karapat-dapat ka." Natahimik si Adrian, dama ang apoy na kumukulo sa dibdib niya. Ngunit bago pa man siya makapagsalita muli, muling nagbato ng salita ang kanyang ama. "At isa pa," patuloy nito, "ang usapan ay mag-aasawa ka muna bago ka pumasok sa pamumuno. May kakilala ako na maganda, matalino, business-minded din. Ipapakilala ko siya sa iyo. Kailan ka libre?" Mariin ang paghinga ni Adrian, halos pumutok ang ugat sa kanyang sentido. "Hindi ako libre. At wala akong oras para diyan," sagot niya, pinipigilang sumabog. "Ang usapan ay usapan," malamig na paalala ng kanyang ama, bago ito muling tumalikod at nagpatuloy sa pagkain. Sa gilid ng mesa, nanginginig na ang kamay ni Adrian habang mahigpit na hawak ang kutsara. Kita ang pagpipigil sa galit. Ngunit nang mapansin niya ang mapanuyang ngiti sa labi ng kanyang ama, tuluyan na siyang sumabog. "Okay, sige. Sasabihin ko na. May asawa na ako, kasal na kami." Bumagsak ang katahimikan sa mesa. Napahinto ang kanilang yaya, nalaglag pa ang hawak nitong baso. Lahat ay napatitig kay Adrian. Lalo na ang kanyang ina, nanlaki ang mga mata at halos bumuka ang bibig sa pagkagulat. "A-anong sinabi mo?" mangha nitong tanong. "Paano nangyari iyon, at bakit hindi namin nalaman?" "Ma, totoo ito. Matagal na akong kasal. At oo, babae siya," mariing sagot ni Adrian, diretso ang tingin, walang pag-aalinlangan. Naniningkit ang mga mata ng kanyang ama. "Sino? Kilala ba namin siya? Ano ang apelyido niya?" sunod-sunod ang tanong, halatang nag-aalala, hindi para kay Adrian, kundi para sa pangalan ng pamilya. Tumigil si Adrian, tumingin nang diretso sa kanyang ama, at malamig na nagsalita. "Basta. Ipapakilala ko siya... sa oras na ibigay niyo na sa akin ang kumpanya. 'Yun ang kasunduan." "Kasunduan?" mariing ulit ng kanyang ama, tumawa nang mapanlait. "Aba, matalino ka ring bata. Pero hindi maaari. Hindi ka namin pagbibigyan nang hindi namin nalalaman kung sino ang babaeng 'yan. Paano kung sirain niya ang pangalan natin? Hindi basta-basta ang apelyido natin." Humigpit lalo ang pagkakahawak ni Adrian sa kubyertos. Sa kanyang dibdib, naglalaban ang galit at determinasyon. At sa oras na iyon, malinaw sa kanya, hindi lang laban para sa kumpanya ang hinaharap niya, kundi laban para sa asawa niyang pinili niyang itago sa mundo ng kanyang pamilya. "Maganda siya, at matalino," mariing sagot ni Adrian, hindi kumukurap ang mga mata habang nakatingin sa kanyang ama.Halatang nanginginig sa kaba ang babaeng kasama ng ina ni Celine. Ramdam nito na baka totohanin ni Celine ang pagbabanta na tatawag siya ng security mula sa ibaba ng gusali.“May araw ka rin. Tandaan mo, babalik ako.”Mariin at mabigat na sambit ng kanyang ina, bago tuluyang lumabas ng bahay at ibagsak ang pinto na tila ba gumuhit ng pangako ng hinaharap na gulo.Huminga ng malalim si Celine, pinipilit pakalmahin ang dibdib na halos kumakawala sa tindi ng kaba. Sa wakas, nawala rin ang panganib sa loob ng kanyang tahanan. Ngunit hindi rin ganap na kapanatagan ang dumapo sa kanya. Isa lang ang sigurado—hindi pa rito nagtatapos ang bangungot.Hinaplos niya ang kanyang tiyan, bahagyang namimigat. Apat na buwan na rin ang sanggol na dinadala niya. Binalaan siya ng kanyang doktor na huwag masyadong ma-stress, huwag pagurin ang sarili, at manatili sanang payapa ang kanyang kapaligiran. Ngunit paano iyon mangyayari kung mismong dugo ng kanyang dugo ang siyang nagdadala ng unos sa kanyang buh
“Una, ako ang nagpalit ng damit mo. Huwag kang mag-alala, kung ano ang suot mong brief kahapon, iyon pa rin ang suot mo ngayon. Wala akong binago doon. At kung natatakot ka, huwag na—nakita ko na rin naman ang tinatago mong iyan, wala akong intensyon na mali.” Bahagya siyang ngumiti, pilit binabawas ang bigat ng sitwasyon.“Pangalawa, sobrang lasing ka kagabi. Hindi ka na makalakad, kaya may kasama kang naghatid sayo. Halos mabali ang katawan niya sa bigat mo, kaya ako na ang nag-asikaso sa iyo.”“Pangatlo. bakit ako nandito? Dahil ikaw mismo ang nagsabi kagabi… na dito na lang ako matulog sa tabi mo.”Tahimik ang sumunod na sandali. Nakayuko si Celine habang nagsasalita, tila ba iniisip kung paano tatanggapin ni Adrian ang kanyang paliwanag.Si Adrian nama’y napakunot ang noo, pilit inaalala ang mga nangyari. Ngunit kahit anong pilit, wala siyang maaninag na alaala ng nagdaang gabi—parang isang blangkong papel ang kanyang isip.“Talaga ba…?” mahina niyang tanong, halatang hindi makap
"Adrian," mariing wika ni Cinco habang minamaneho ang kotse, "isipin mo si Celine. Kung makita ka niya kanina... kung nalaman niya..." Napahinto ito, nag-igting ang panga. "Hindi niya deserve ang ganun."Hindi nakasagot si Adrian. Wala siyang lakas ni boses para ipagtanggol ang sarili. Ang tanging naroon sa kanyang dibdib ay guilt-matinding guilt na tila unti-unting lumulunod sa kanya, higit pa sa alak na kanyang ininom.Pagkarating nila sa gusali kung saan sila naninirahan, agad na pinindot ni Cinco ang pinakamataas na palapag ng elevator. Tahimik lang silang dalawa sa loob, tanging tunog ng umuugong na makina ang maririnig, habang hawak-hila niya si Adrian na halos matumba na sa bawat hakbang.Nang makarating sa pinakamataas na palapag, kinaladkad niya ito hanggang sa mismong pintuan. Halos hindi na makagalaw si Adrian, kaya pinaupo muna siya ni Cinco sa malamig na sahig, sabay pindot sa doorbell nang sunod-sunod.Lumipas ang mahigit limang minuto ng walang sagot, bago tuluyang bumu
Mahinahon ang tinig ng kanyang ina nang magsalita, pilit inaayos ang bigat ng sitwasyon. "Anak, kailangan mo munang ipakilala sa amin ang asawa mo." Dahan-dahan niyang hinaplos ang kamay ni Adrian, tila ba sinusubukang pakalmahin ang anak na matagal nang may dalang bigat sa dibdib.Ngunit ang sagot ni Adrian ay lalong nagpagulo sa kapaligiran. "Makikilala niyo rin siya... pero hindi pa ngayon. Busy siya—dahil... magkakaroon na kami ng anak." Mahina ang tono, ngunit malinaw at matalim sa pandinig ng kanyang ama, na agad namang sumiklab ang mga mata sa narinig."Congrats, Kuya," nakangiting bati ni Chloe, inosente at masaya para sa kanyang kapatid."Heh—Chloe, sa kwarto ka muna," maagap na sambit ng kanilang ina, marahang itinaboy ang anak palayo. Walang nagawa si Chloe kundi sumunod, bahagyang nagtataka sa bigat ng usapan.Nanatiling nakangiti si Adrian, ngunit iyon ay ngiting puno ng pait at galit, nakatuon sa reaksyon ng kanyang ama. Kitang-kita ang frustrasyon sa mukha nito, para ba
Ilang araw na ang lumipas, nanatiling malamig ang pagitan nina Adrian at Celine. Para bang dalawang estrangherong nakatira sa iisang bubong. Si Adrian, umuuwi tuwing hatinggabi na laspag ang katawan at pagod ang mukha, samantalang si Celine ay mahimbing nang natutulog, pinipilit makabawi ng lakas para sa maaga niyang trabaho. Kapag umaga, si Celine ay nakabangon na't nakapaghanda ng almusal, ngunit si Adrian ay tanghali na kung gumising, tila ba sadyang iniiwasan ang anumang pagkakataon na magtagpo ang kanilang mga mata. Sa loob ng ilang araw, ganoon ang naging siklo-walang usapan, walang sabay na pagkain, walang lambing. Kapag nagkakasalubong man sila, tipid na ngiti lamang ang ibinibigay ni Celine, samantalang nananatili ang malamig na ekspresyon sa mukha ni Adrian, tila ba hindi siya marunong ngumiti. Ngunit kahit ganoon, hindi nagbago si Celine. ---- Linggo nang umuwi si Adrian sa bahay ng kanyang mga magulang. Pagpasok niya, nadatnan niyang buo ang pamilya sa hapagkainan-ma
Kinabukasan ng umaga, habang abala si Celine sa pag-aayos ng kanyang mga damit, isang malakas na busina mula sa labas ang gumulat sa kanya. Napaigtad siya at agad na sumilip sa bintana.Laking kaba at gulat niya nang makita kung sino ang nakatayo sa tabi ng isang mamahaling itim na kotse, si Adrian.Agad niyang binilisan ang pag-iimpake, halos nagmamadaling isiksik ang natitirang gamit sa kanyang lumang maleta. Hindi naman ganoon karami ang gamit ni Celine, kaya’t ilang hakbang lang ay handa na siyang lumabas.Paglabas niya ng bahay, natanaw niya agad si Adrian na nakatayo sa tabi ng sasakyan. Malamig ang ekspresyon nito ngunit halatang naghintay talaga siya. Walang sinabi, kinuha lang nito ang bag mula sa kamay ni Celine at isinilid sa likuran ng kotse.“Sumakay ka na,” maikli ngunit diretso nitong sabi.Sa loob ng sasakyan naging tahimik ang lahat. Tanging tunog ng makina at mahinang tugtog sa radyo ang bumabalot sa paligid. Pasulyap-sulyap si Celine kay Adrian, ngunit hindi niya ma







