LOGINHalatang nanginginig sa kaba ang babaeng kasama ng ina ni Celine. Ramdam nito na baka totohanin ni Celine ang pagbabanta na tatawag siya ng security mula sa ibaba ng gusali.“May araw ka rin. Tandaan mo, babalik ako.”Mariin at mabigat na sambit ng kanyang ina, bago tuluyang lumabas ng bahay at ibagsak ang pinto na tila ba gumuhit ng pangako ng hinaharap na gulo.Huminga ng malalim si Celine, pinipilit pakalmahin ang dibdib na halos kumakawala sa tindi ng kaba. Sa wakas, nawala rin ang panganib sa loob ng kanyang tahanan. Ngunit hindi rin ganap na kapanatagan ang dumapo sa kanya. Isa lang ang sigurado—hindi pa rito nagtatapos ang bangungot.Hinaplos niya ang kanyang tiyan, bahagyang namimigat. Apat na buwan na rin ang sanggol na dinadala niya. Binalaan siya ng kanyang doktor na huwag masyadong ma-stress, huwag pagurin ang sarili, at manatili sanang payapa ang kanyang kapaligiran. Ngunit paano iyon mangyayari kung mismong dugo ng kanyang dugo ang siyang nagdadala ng unos sa kanyang buh
“Una, ako ang nagpalit ng damit mo. Huwag kang mag-alala, kung ano ang suot mong brief kahapon, iyon pa rin ang suot mo ngayon. Wala akong binago doon. At kung natatakot ka, huwag na—nakita ko na rin naman ang tinatago mong iyan, wala akong intensyon na mali.” Bahagya siyang ngumiti, pilit binabawas ang bigat ng sitwasyon.“Pangalawa, sobrang lasing ka kagabi. Hindi ka na makalakad, kaya may kasama kang naghatid sayo. Halos mabali ang katawan niya sa bigat mo, kaya ako na ang nag-asikaso sa iyo.”“Pangatlo. bakit ako nandito? Dahil ikaw mismo ang nagsabi kagabi… na dito na lang ako matulog sa tabi mo.”Tahimik ang sumunod na sandali. Nakayuko si Celine habang nagsasalita, tila ba iniisip kung paano tatanggapin ni Adrian ang kanyang paliwanag.Si Adrian nama’y napakunot ang noo, pilit inaalala ang mga nangyari. Ngunit kahit anong pilit, wala siyang maaninag na alaala ng nagdaang gabi—parang isang blangkong papel ang kanyang isip.“Talaga ba…?” mahina niyang tanong, halatang hindi makap
"Adrian," mariing wika ni Cinco habang minamaneho ang kotse, "isipin mo si Celine. Kung makita ka niya kanina... kung nalaman niya..." Napahinto ito, nag-igting ang panga. "Hindi niya deserve ang ganun."Hindi nakasagot si Adrian. Wala siyang lakas ni boses para ipagtanggol ang sarili. Ang tanging naroon sa kanyang dibdib ay guilt-matinding guilt na tila unti-unting lumulunod sa kanya, higit pa sa alak na kanyang ininom.Pagkarating nila sa gusali kung saan sila naninirahan, agad na pinindot ni Cinco ang pinakamataas na palapag ng elevator. Tahimik lang silang dalawa sa loob, tanging tunog ng umuugong na makina ang maririnig, habang hawak-hila niya si Adrian na halos matumba na sa bawat hakbang.Nang makarating sa pinakamataas na palapag, kinaladkad niya ito hanggang sa mismong pintuan. Halos hindi na makagalaw si Adrian, kaya pinaupo muna siya ni Cinco sa malamig na sahig, sabay pindot sa doorbell nang sunod-sunod.Lumipas ang mahigit limang minuto ng walang sagot, bago tuluyang bumu
Mahinahon ang tinig ng kanyang ina nang magsalita, pilit inaayos ang bigat ng sitwasyon. "Anak, kailangan mo munang ipakilala sa amin ang asawa mo." Dahan-dahan niyang hinaplos ang kamay ni Adrian, tila ba sinusubukang pakalmahin ang anak na matagal nang may dalang bigat sa dibdib.Ngunit ang sagot ni Adrian ay lalong nagpagulo sa kapaligiran. "Makikilala niyo rin siya... pero hindi pa ngayon. Busy siya—dahil... magkakaroon na kami ng anak." Mahina ang tono, ngunit malinaw at matalim sa pandinig ng kanyang ama, na agad namang sumiklab ang mga mata sa narinig."Congrats, Kuya," nakangiting bati ni Chloe, inosente at masaya para sa kanyang kapatid."Heh—Chloe, sa kwarto ka muna," maagap na sambit ng kanilang ina, marahang itinaboy ang anak palayo. Walang nagawa si Chloe kundi sumunod, bahagyang nagtataka sa bigat ng usapan.Nanatiling nakangiti si Adrian, ngunit iyon ay ngiting puno ng pait at galit, nakatuon sa reaksyon ng kanyang ama. Kitang-kita ang frustrasyon sa mukha nito, para ba
Ilang araw na ang lumipas, nanatiling malamig ang pagitan nina Adrian at Celine. Para bang dalawang estrangherong nakatira sa iisang bubong. Si Adrian, umuuwi tuwing hatinggabi na laspag ang katawan at pagod ang mukha, samantalang si Celine ay mahimbing nang natutulog, pinipilit makabawi ng lakas para sa maaga niyang trabaho. Kapag umaga, si Celine ay nakabangon na't nakapaghanda ng almusal, ngunit si Adrian ay tanghali na kung gumising, tila ba sadyang iniiwasan ang anumang pagkakataon na magtagpo ang kanilang mga mata. Sa loob ng ilang araw, ganoon ang naging siklo-walang usapan, walang sabay na pagkain, walang lambing. Kapag nagkakasalubong man sila, tipid na ngiti lamang ang ibinibigay ni Celine, samantalang nananatili ang malamig na ekspresyon sa mukha ni Adrian, tila ba hindi siya marunong ngumiti. Ngunit kahit ganoon, hindi nagbago si Celine. ---- Linggo nang umuwi si Adrian sa bahay ng kanyang mga magulang. Pagpasok niya, nadatnan niyang buo ang pamilya sa hapagkainan-ma
Kinabukasan ng umaga, habang abala si Celine sa pag-aayos ng kanyang mga damit, isang malakas na busina mula sa labas ang gumulat sa kanya. Napaigtad siya at agad na sumilip sa bintana.Laking kaba at gulat niya nang makita kung sino ang nakatayo sa tabi ng isang mamahaling itim na kotse, si Adrian.Agad niyang binilisan ang pag-iimpake, halos nagmamadaling isiksik ang natitirang gamit sa kanyang lumang maleta. Hindi naman ganoon karami ang gamit ni Celine, kaya’t ilang hakbang lang ay handa na siyang lumabas.Paglabas niya ng bahay, natanaw niya agad si Adrian na nakatayo sa tabi ng sasakyan. Malamig ang ekspresyon nito ngunit halatang naghintay talaga siya. Walang sinabi, kinuha lang nito ang bag mula sa kamay ni Celine at isinilid sa likuran ng kotse.“Sumakay ka na,” maikli ngunit diretso nitong sabi.Sa loob ng sasakyan naging tahimik ang lahat. Tanging tunog ng makina at mahinang tugtog sa radyo ang bumabalot sa paligid. Pasulyap-sulyap si Celine kay Adrian, ngunit hindi niya ma







