Share

5. Penthouse

Author: Cephari
last update Huling Na-update: 2025-09-12 20:50:54

Kinabukasan ng umaga, habang abala si Celine sa pag-aayos ng kanyang mga damit, isang malakas na busina mula sa labas ang gumulat sa kanya. Napaigtad siya at agad na sumilip sa bintana.

Laking kaba at gulat niya nang makita kung sino ang nakatayo sa tabi ng isang mamahaling itim na kotse, si Adrian.

Agad niyang binilisan ang pag-iimpake, halos nagmamadaling isiksik ang natitirang gamit sa kanyang lumang maleta. Hindi naman ganoon karami ang gamit ni Celine, kaya’t ilang hakbang lang ay handa na siyang lumabas.

Paglabas niya ng bahay, natanaw niya agad si Adrian na nakatayo sa tabi ng sasakyan. Malamig ang ekspresyon nito ngunit halatang naghintay talaga siya. Walang sinabi, kinuha lang nito ang bag mula sa kamay ni Celine at isinilid sa likuran ng kotse.

“Sumakay ka na,” maikli ngunit diretso nitong sabi.

Sa loob ng sasakyan naging tahimik ang lahat. Tanging tunog ng makina at mahinang tugtog sa radyo ang bumabalot sa paligid. Pasulyap-sulyap si Celine kay Adrian, ngunit hindi niya magawang magsalita. May kung anong kaba at excitement ang sabay na gumugulo sa dibdib niya.

Makalipas ang ilang minutong pagmamaneho, huminto sila sa harap ng isang matayog na gusali.

Nanlaki ang mga mata ni Celine. Sa kanyang harapan ay nakatayo ang isang engrandeng condo building na may mahigit dalawampung palapag. Ang mga salaming bintana nito ay kumikislap sa sikat ng araw, at ang mismong presensya ng gusali ay nakakapagdulot ng tensyon at pagkamangha.

“Dito tayo,” malamig na saad ni Adrian bago siya naunang bumaba.

Tahimik na sumunod si Celine. Habang naglalakad papasok, hindi niya maiwasang pagmasdan ang paligid—ang mga chandelier na tila kumikinang na parang mga bituin, mga dekorasyong halaman na maayos na nakahanay sa gilid, at ang maliit na fountain na maririnig ang banayad na lagaslas ng tubig. Sa sobrang kintab ng tiles, halos makita niya ang sariling repleksyon.

'Parang ibang mundo ito…' bulong niya sa sarili, na para bang hindi siya nababagay sa lugar na iyon.

Samantala, nakipag-usap sandali si Adrian sa ilang staff na agad nagbigay-galang sa kanya. Hindi na siya nagtagal at dumeretso na sa elevator, habang sinusundan siya ni Celine na may halong kaba at pagtataka.

Pagpasok nila sa elevator, walang sinabi si Adrian. Marahan niyang pinindot ang pindutan, sa laking gulat ni Celine nang makita na ang napiling palapag ay ang pinakatuktok ng gusali, ang ika-22.

Napalunok siya ng laway. “Penthouse?” mahina niyang tanong, halos pabulong, na parang hindi makapaniwala.

Tumingin saglit si Adrian, malamig ang mga mata ngunit may bahid ng kumpiyansa. “Of course. Para sa’yo at… sa magiging anak natin.”

Nag-init ang pisngi ni Celine. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o lalo pang kabahan. Ang elevator ay patuloy na umaakyat, at bawat dingdong ng palapag ay tila kumakabog din ang kanyang puso.

Ding!

Huminto ang elevator sa pinakatuktok na palapag. Bumukas ang pintuan at unang lumabas si Adrian, habang tahimik na sumunod si Celine.

Sa bawat hakbang niya papunta sa unit, ramdam ni Celine ang kakaibang bigat sa paligid. Ang hallway ay tahimik, malamig, at mabango, tila may amoy na kahalo ng mamahaling pabango at bagong linis na sahig. Ang bawat pinto ng unit ay gawa sa makinis na kahoy na may gintong numero, ngunit isang pintuan lang ang tila may naiibang karangyaan, ang dulo ng pasilyo.

Adrian huminto roon, inilabas ang susi at marahang pinihit ang seradura.

Pagbukas ng pinto, halos mapahinto si Celine sa kanyang kinatatayuan.

Ang unang bumungad sa kanya ay ang maluwang na sala na may floor-to-ceiling glass windows. Mula roon, tanaw niya ang buong siyudad, mga gusaling kumikislap sa liwanag ng araw at ang banayad na galaw ng mga sasakyan sa kalsada.

“Pasok ka,” malamig na wika ni Adrian, habang naglakad papasok at tinanggal ang coat na suot.

Dahan-dahang tumapak si Celine, parang natatakot na madumihan ang sobrang kintab na sahig na gawa sa imported na kahoy. Sa gilid, nakita niya ang mamahaling sofa na kulay cream, may kasamang malalambot na unan. Sa gitna ay isang glass center table na may mga bulaklak na sariwa pa, halatang bagong palit.

Habang naglalakad pa siya, sunod-sunod ang mga detalyeng umaagaw ng kanyang atensyon—isang malaking chandelier na nakasabit sa gitna ng kisame, modernong kusinang puno ng stainless appliances na hindi man lang niya alam gamitin, at mga painting na halatang gawa ng kilalang artista.

“Adrian… sobrang ganda naman dito,” mahina niyang sambit, halos hindi makapaniwala.

Ngumiti lang ng tipid si Adrian habang nagbubukas ng ilaw sa bawat sulok. “Simula ngayon, dito ka na titira. Siguraduhin mong magiging komportable ka. Ayokong mahirapan ka.”

Nanlaki ang mata ni Celine at napatingin agad kay Adrian, parang hindi siya makapaniwala sa narinig. 'Komportable? Sa ganitong klaseng lugar?' Hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa, o lalo pang kabahan sa unti-unting nagiging komplikado nilang sitwasyon.

Sa kabila ng lahat, habang nakatingin siya sa napakagandang tanawin mula sa bintana, hindi niya mapigilang mahulog ang isang luha, hindi dahil sa lungkot, kundi dahil sa halong takot at pagkabigla.

Matapos nilang libutin ang sala at kusina, tumigil si Adrian sa may hallway kung saan nakapila ang dalawang pintuan.

“Dalawa ang kwarto rito,” seryosong sabi ni Adrian habang nakatingin kay Celine. “Isa para sa’yo, isa para sa’kin. Ayokong may ibang makialam sa gamit ko kaya huwag kang papasok sa kwarto ko nang walang pahintulot.”

Tumango na lang si Celine, medyo kinakabahan. Dalawang kwarto… ibig sabihin, hindi kami magsasama sa iisang kama. Hindi niya alam kung bakit biglang gumaan ang loob niya sa kaunting distansya na iyon.

Binuksan ni Adrian ang unang pinto. “Ito ang sa’yo.”

Pagpasok ni Celine, agad siyang napanganga. Ang silid ay kulay soft beige, may queen-sized bed na natatakpan ng malinis at mabangong kumot. May malapad na bintana na natatakpan ng light curtains, at isang maliit na lamesa sa gilid kung saan nakalagay ang vase na may sariwang bulaklak. Sa gilid, may isang cabinet na bago pa at tila hindi pa nagagamit.

“Ang ganda…” mahina niyang bulong. Parang hotel room ang dating, ngunit mas personal, mas maalaga.

“Kompleto na lahat ng kailangan mo,” dagdag ni Adrian. “Damit mo, ayusin mo na lang. Kung may kulang, sabihin mo sa assistant ko.”

Napalingon si Celine, napansin niya ang isang maliit na bookshelf sa gilid. Nakalagay doon ang ilang librong tungkol sa parenting at child care.

Napatigil siya. 'Paano… paano niya naisip na ilagay ito rito?'

“T-thank you…” mahina niyang nasabi, hindi alam kung paano ipapakita ang pasasalamat.

Hindi tumugon si Adrian, dumiretso lang siya sa kabilang pinto at binuksan ang kwarto niya. Saglit lang siyang sumilip si Celine mula sa labas. Mas malaki iyon kaysa sa kanya, masculine ang kulay, may leather couch, at malapad na mesa na puno ng dokumento. Halatang opisina at silid sa iisa.

“Yan ang kwarto ko,” tipid niyang sabi, bago muling isinara ang pinto.

Naiwan si Celine sa loob ng kanyang silid, nakaupo sa kama, at tahimik na nakatingin sa paligid. Para siyang panaginip na totoo. Isang ordinaryong sales lady na ngayon ay nakatira sa isang mamahaling condo, may sariling kwarto, at may lalaking kagaya ni Adrian na… kahit malamig ang pakikitungo, tila unti-unting may ipinapakitang responsibilidad.

Huminga siya nang malalim, napahawak sa tiyan. “Anak, mukhang dito na tayo magsisimula.”

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Love in the Shadows of Unexpected Marriage    5. Penthouse

    Kinabukasan ng umaga, habang abala si Celine sa pag-aayos ng kanyang mga damit, isang malakas na busina mula sa labas ang gumulat sa kanya. Napaigtad siya at agad na sumilip sa bintana.Laking kaba at gulat niya nang makita kung sino ang nakatayo sa tabi ng isang mamahaling itim na kotse, si Adrian.Agad niyang binilisan ang pag-iimpake, halos nagmamadaling isiksik ang natitirang gamit sa kanyang lumang maleta. Hindi naman ganoon karami ang gamit ni Celine, kaya’t ilang hakbang lang ay handa na siyang lumabas.Paglabas niya ng bahay, natanaw niya agad si Adrian na nakatayo sa tabi ng sasakyan. Malamig ang ekspresyon nito ngunit halatang naghintay talaga siya. Walang sinabi, kinuha lang nito ang bag mula sa kamay ni Celine at isinilid sa likuran ng kotse.“Sumakay ka na,” maikli ngunit diretso nitong sabi.Sa loob ng sasakyan naging tahimik ang lahat. Tanging tunog ng makina at mahinang tugtog sa radyo ang bumabalot sa paligid. Pasulyap-sulyap si Celine kay Adrian, ngunit hindi niya ma

  • Love in the Shadows of Unexpected Marriage    4. Move in

    “Hey, hanapan mo ako ng apartment. Yung may dalawang kwarto, sala, kusina, at dalawang CR. Siguraduhin mong komportable at maayos tumira. Gusto ko rin na bawat sulok may dekorasyon, at lahat ng appliances kumpleto. Gawin mo agad.”Seryosong utos ni Adrian sa kanyang assistant, sabay abot ng itim na credit card mula sa wallet niya.“Kung kulang, sabihin mo agad sa akin.”Tumango lang ang assistant, walang imik na umalis, habang muling bumalik si Adrian sa trabaho.---Samantala, habang si Adrian ay abala sa opisina, si Celine naman ay mahigit limang oras nang nakatayo sa mall. Hawak ang mga hanger, abala sa pag-aayos ng mga damit at pagtulong sa sunod-sunod na customer. Pagod man, kailangan niyang kumapit. Mayroon lang siyang tatlumpung minutong pahinga—isang oras na siksikan para sa kain at konting hinga.“Anong ulam mo, Celine?” tanong ng katrabaho niyang si Ava, na siya ring kasama noong nag-bar sila.“Yung niluto ko kanina—pinakbet at kanin.” Sagot niya, sabay bukas ng baon.“Wow,

  • Love in the Shadows of Unexpected Marriage    3. Mrs. Castillo

    “Kung gano’n… may isa pa akong pruweba. Pero hindi ko pwedeng sabihin dito. Kailangan natin ng pribadong lugar.” Nahihiyang bulong ni Celine habang palinga-linga sa paligid. Tumingin sa Kanan, sabay tingin sa kaliwa. Nag tataka naman tong si Adrian kung bakit may pag tingin sa paligid.“Okay, sa kotse ko na lang. Doon mo sabihin kung ano man ’yang pruweba mo.”Hindi na nag-aksaya ng oras si Adrian at mabilis silang naglakad papunta sa kanyang sasakyan.Nagulat si Celine nang makita ang kotseng tinutukoy, isang mamahaling Tesla. Sa Pilipinas, iilan lang ang meron nito. Hindi niya mapigilang mamangha habang sinusuri ito sa likod papunta sa harap, makikita mo talaga sa kanyang mga mata dahil hindi pa ito nakakasakay sa ganitong klaseng sasakyan.Pagpasok nila sa loob, umupo si Adrian sa driver’s seat at tumingin kay Celine, na tila bang naghihintay ng paliwanag.“Meron akong hickey dito… banda sa dibdib. Hindi ko matanggal-tanggal.” Mahinang sabi ni Celine habang dahan-dahang ibinunyag a

  • Love in the Shadows of Unexpected Marriage    2. Marry Me

    "Ano ba ang pinagsasabi mo, puro kahibangan!" mariing sambit ni Amelia habang palapit nang palapit kay Celine."Totoo nga," mariin na ulit ni Celine, pinipilit panindigan ang kanyang sinabi."Huh? Paano nangyari? Kalapastanganan ito! Hindi ko akalaing pinalaki ko ang isang babaeng walang hiya!" halos pasigaw na wika ni Amelia, kitang-kita ito sa mga ugat ng kanyang leeg, na para bang handa nang saktan si Celine sa galit.Ngunit sa pagkakataong iyon, hindi na rin nakapagpigil si Celine. Sawang-sawa na siyang makarinig ng masasakit na salita mula sa sariling ina. Alam niyang hindi na siya makakaasa ng anumang kabutihang loob mula rito.Umakyat siya sa kwarto, diretsong isinara at nilock ang pinto. Kinuha niya ang kanyang mga maleta at sinimulang mag-impake.Patuloy ang malakas na pagkatok ni Amelia, halos mabasag ang pinto sa lakas ng kanyang galit."Ma, ako na bahala kumausap kay Celine. Bumaba ka muna," mahinahong pigil ni Marko, pilit na inaawat ang kanilang ina.Huminga nang malalim

  • Love in the Shadows of Unexpected Marriage    1. Positive

    Madaming beses nang sinubukan ni Celine ang mga pregnancy test na kanyang binili, ngunit iisa lamang ang lumalabas na resulta.Kinabahan siya kaya’t napagdesisyunan niyang pumunta sa ospital upang magpakonsulta."You're pregnant, it's Positive." Malinaw at diretsong sinabi ng doktor habang nanginginig ang kanyang mga kamay. Nakaupo pa rin si Celine sa kama nang iabot nito ang maliit na sobre na naglalaman ng resulta.Marami nang kababaihan sa kanilang edad ang nakaharap ng doktor na iyon para magpa-test, at madalas ay hindi rin nila nais ang mga ganitong klaseng resulta. Kaya’t hindi na nakapagtataka na hindi maipinta ang reaksyon ni Celine sa kanyang narinig."First time mo ba ito? Kung hindi, kailan ang huli?" tanong ng doktor, habang tulala pa rin si Celine."Yes, ito ang first time ko." halos maiyak na sagot niya, habang nagbabadyang tumulo ang kanyang mga luha."Ipapaalala ko sa’yo, ang paulit-ulit na aborsyon sa maikling panahon ay maaaring magdulot ng habambuhay na pagkabaog,"

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status