Mad."Congrats, Chime!""Walang kupas, ha? Akala ko ba hindi ka na confident?" Tanong ni Vivien.Humalakhak na lang ako. Ngayon ginanap ang pageant para sa Foundation week namin. Hindi ko rin inaasahan na mananalo ako lalo na't hindi na ako sanay sa ganito. Mabuti na lang at nadaan namin sa kaunting practice."Have you seen the face of other section?" Humalakhak si Yvonne sa harapan ko."Priceless," sagot ni Gio.Nagtawanan sila. Sinasabi ko na nga ba. Ito lang talaga ang rason bakit nila ako pinilit na sumali. Napailing na lang ako."Ipang-celebrate natin ang cash pri-""No, Chime. Sa'yo 'yan," sabi ni Vivien."Huh? Baliw, hindi na. Besides, alam kong malaki rin ang nagastos niyo rito," sagot ko.Silang lahat ang gumastos ng gown at ng iba pang kailangan ko. As in wala akong inilabas na pera habang ginagawa namin ang paghahanda sa pageant. Ang ambag ko lang talaga ay ang mukha ko at ang utak ko sa Q and A."Ano ka ba! Pinilit ka namin kaya malamang sagot namin. Sa'yo na 'yan para may
Changes.I really left Las Piñas. My communication with Manang remains the same. Tinatawagan ko siya halos gabi-gabi. Kinukwentuhan niya lang ako tungkol sa mga ganap ni Eros sa buhay. Gusto kong tawagan sina Vivien, Yvonne, Gio, at Louie kaso natatakot akong baka magalit lalo sa akin si Eros. Gusto kong bumalik doon at personal na magsorry sa kaniya pero tuloy-tuloy pala ang problema ko rito kay Papa.Nilakad ko ang papeles niya para makakuha kami ng benefits sa operasyon niya. Luckily, kahit tinanggal siya sa trabaho, tinulungan pa rin siya ng mga kasama niya noon sa trabaho.Iyon nga lang, nagsimula naman ang pagkakaroon ni Papa ng Alzheimer's. Madaling makahanap ng trabaho rito kung kagaya sa Las Piñas ang trabahong papasukan ko pero kulang iyong sahod ko para sa amin.Magbabayad ako ng bahay, tubig, kuryente, ang mga gamot ni Papa, at pagkain namin. Sobrang sakit sa ulo ng nangyari sa buhay ko. Parang wala akong panahon para magreklamo dahil mas kailangan kong maghanap ng pera p
Ligaw.All I thought, I already moved on. Akala ko wala na talaga akong nararamdaman sa kaniya dahil ilang taon na ang nakalipas. Ngayon, napatunayan ko nga na hindi pa ako nakakaahon. Hindi ko siya nakakalimutan, nalilibang lang ako kaya nawala siya sa isip ko. Pero kapag ganitong mga pagkakataon, kapag ganitong mga oras, iniiyakan ko siya. Lalo na ngayon, na talagang nakita ko siya. Nagka-usap pa kami.Kylo is a big part of my life. Nagdaan ang tatlong taon pero malaki pa rin ang espasyo niya sa puso ko. Alam ko sa sarili kong tinulungan ko ang sarili kong makalimutan siya pero hindi yata effective iyon. Dahil ngayon, may luha pa rin na pumapatak sa mga mata ko na para sa kaniya.My almost six years relationship with him was perfect. I know for myself that he did loved me with all his heart. He loved me genuinely, and I think everyone witnessed that. Mahirap siguro talagang iwan at kalimutan ang relasyon na hindi mo gustong wakasan.I told myself that I will heal myself and forget a
Papers.Natahimik ako sa tanong niya. Alam ko ang dapat kong isagot pero hirap na hirap akong sabihin sa kaniya iyon. Alam ko namang maiintindihan niya ako pero hindi ko magawang ibuka ang bibig ko."Just kidding. Ang seryoso mo," humalakhak siya kasabay ng paggulo niya sa maayos kong buhok.Sinamaan ko siya ng tingin. Mahina kong hinampas ang braso niya bago siya irapan."Nakakainis ka. Kinakabahan ako roon," singhal ko.Tumawa siya. "Sorry na.""Hindi ko gusto ang gano'ng biro, Shaun. Paano kung sa sagot ko, masira ang friendship natin?" Singhal ko sa kaniya. "I've already lost many people in this life. Ayaw ko nang madagdagan.""Hey..." Sabi niya.Nawala na ang kaninang tuwang-tuwa niyang mukha. Ngayon, mukha na siyang nag-aalala sa akin. Hinawakan niya ang braso ko saka ako hinatak palapit sa kaniya."Sorry. Hindi na mauulit," marahan niyang sabi. "You won't lose me ever."Sinamaan ko siya ng tingin saka siya mahinang tinulak. Sinubukan niya ulit na hawakan ang braso ko pero umila
Sayang."Ma!" May kataasang boses na tawag ni Kylo kay Tita Kayla. Napatayo pa siya sa kaniyang inuupuan at saglit na bumaling sa akin bago naglakad papunta kay Tita Kayla.Napalingon tuloy ako sa kanila. Tita Kayla's eyes widened when she saw me. Mabilis niyang hinawi ang anak na palapit sa kaniya saka nagmamadaling lumapit sa akin."Oh my gosh, Chime!" Bati niya sa akin. "Oh my God!" Sabik niyang hinawakan ang balikat ko."T-Tita..." Awkward kong bati sa kaniya.I didn't know how to react. Tita Kayla is a mother figure to me. She's too good to me. Halos ampunin niya na ako at iuwi sa kanilang bahay. Gustong-gusto niya ako para sa anak niya at ang makita siya ngayon na wala na kami ni Kylo, it feels so awkward. Hindi ba siya nagalit sa akin? Hindi ba siya nagtanim ng sama ng loob dahil sa pag-iwan ko kay Kylo? Wala ba siyang mga tanong?"I missed you so much," unti-unting nangilid ang luha niya bago ako binalot ng mainit na yakap. "Oh my! Ang tagal mong nawala.""Ma..." Singit ni Kyl
Jealous."Tito, I will stay here until lunch break. Mamita told me that Tita Chime will eat with us and I should wait for her breaktime so that we can leave the office together," rinig kong tuloy-tuloy na sabi ni Maurice."Ang laki na ni Maurice, Ate," pag-iiba ko ng usapan."Sobra. Parang kailan lang 'no?" Nakangiting tanong niya.Tumango ako at ngumiti. Kung hindi nalaglag ang anak ko, sigurado akong nakakalakad at nagdadaldal na rin siya ngayon. Malakas akong bumuntong-hininga sa naisip. Some things are really not meant for you. Not because you doesn't deserve it but because you are meant for something even better. That's what I'm thinking. Baka hindi talaga siya para sa akin sa ngayon pero kailan naman kaya ulit babalik sa akin ang anak na nawala ko?If I am meant for something better, ito ba ang better na iyon? I don't think so. My life even became worst when I lost my child. Parang nawalan ng swerte ang buhay ko mula nang mawala siya sa akin. Baka hindi ko talaga deserve."Let's
Reunite."Please?" Paki-usap niya.Para akong nabingi sa sinabi niya. Kaya ba hindi tumatawag si Manang Letty because she's not okay? "O-okay. Pupunta ako mamaya, Eros," sagot ko."Salamat. Pasensya na," sabi niya sa kabilang linya."She's like a family to me, Eros. I'll go there later. Please, tell her that.""Sige, Chime. Hihintayin ka namin," aniya bago ibaba ang tawag.Natulala ako sa tawag na iyon. Bakit... Bakit lahat ng malapit sa akin, parang nilalayo sa akin? Si Mama. Ang anak ko. Si Manang Letty naman ngayon. Sana lang ay maging mas maayos ang pakiramdam niya. I don't want to lose another person in this life. Pagod na pagod na ako sa sunod-sunod na trahedya sa buhay ko at hindi ko alam kung talagang nakalimutan ko na ba ang lahat o natatabunan lang ng bagong problema kaya nawawala sa isip ko."You okay, Chime?" Tanong ni Tita Kayla."I'm sorry, Tita. May emergency po kasi," naluluha kong sabi."Huh?" Tanong niya. "Pwede po bang umuwi na ako? Pupunta po akong Las Piñas," sa
Drunk."Good afternoon po," nakangiting bati ni Kylo kay Manang nang pumasok siya sa kwarto nito."Ay kay gwapong bata nga, apo..." Tuwang-tuwa na sabi ni Manang na nilingon pa ako.Ngumiti na lang ako para itago ang nakakahiyang sitwasyon ko ngayon. Hindi ko man lang naisip noon na darating ang araw na makikilala nila si Kylo. Hindi ko na rin kasi naisip na magkikita kami ulit sa tagal naming nagkahiwalay."Pogi. Pwede ko bang agawin?" Bulong ni Eros sa akin.Pabiro kong inirapan si Eros na siyang ikinahalakhak niya. Hinatak kaming dalawa ng mga kaibigan namin kaya naiwan si Manang at Kylo sa loob ng kwarto. Nasa labas lang naman kami at nakikita ko ang ngiti ni Manang kay Kylo. May pinag-uusapan sila na hindi ko marinig dahil medyo malayo sila sa amin."Ang gwapo-gwapo niya, Chime. Bagay na bagay nga kayo," sabi ni Vivien na mahina pang kinurot ang tagiliran ko."Kaya pala gano'n magreact ang mga schoolmates mo sa inyo base sa kwento mo..." Tumango-tango si Yvonne. "Totoo ngang perf