Share

Chapter 5

Penulis: Danixxie_
last update Terakhir Diperbarui: 2023-07-16 21:19:00

Naisipan namin ni Dan na mag Mall dahil nakasahod na kami.Inferness dito kay Dan kasi medyo malaki laki yung kinita n'ya which is good.Niyaya n'ya 'ko na sumama sa kan'ya kaya 'di na 'ko tumanggi dahil matagal-tagal na rin akong 'di nakakapunta rito kaya sobrang excited ko.

"Should we eat first?" Tanong n'ya sakin nang nakangiti.Mukhang excited din kasi s'ya at parang first time n'ya ngang nakapunta rito dahil nagtatanong s'ya sakin kung ano raw 'yong mga 'yon basta kung anong makita n'ya sa loob ng Mall na ito ay itinatanong n'ya sakin.

Tinuro ko yung Jollibee at tinignan s'ya. "Kain tayo sa Jollibee!" Excited kong aya sa kan'ya.Tumango naman s'ya sakin kaya agad ko s'yang hinila papasok ng Jollibee dahil baka maubusan pa kami ng mauupuan.

Umorder na 'ko at hinayaan ako ni Dan na mamili ng makakain namin.Mukhang first time n'ya rin na makakain dito sa Jollibee at nakapagtataka lang dahil parang lahat first time para sa kan'ya.

Umupo na 'ko pagkatapos kong maka-oder.Nasa harapan ko s'ya ngayon at kasalukuyan n'yang sinusuri ang paligid ng restaurant na 'to.Masasabi ko na ang cute n'ya ngayon dahil mukha s'yang bata na first time dinala ng magulang n'ya sa isang restaurant.

"I'm not a kid." Bigla n'yang saad kaya napatigil ako sa pagiisip ng kung ano-ano.

"First time mo lang ba rito?" Tanong ko habang nakatingin parin sa kan'ya. Tumango muna s'ya bago sumagot "Yeah.First time." Saad n'ya na ikinatango ko na lang din.

Sa 'di katagalan ay dumating na rin ang order namin.Tahimik akong kumain at ineenjoy lang yung chicken ko.Napatingin naman ako sa kan'ya kasi mukhang ineenjoy n'ya rin at halata sa mukha n'ya na nasasarapan s'ya sa manok.

"Punta ulit tayo rito." Saad n'ya sabay subo ng kanin.Cute n'ya hihi.

"Masarap ba??"

"Yes po." Nakangiti at magalang n'yang sagot.Ganto pala epekto ng Jollibee sa kan'ya.Biglang nagiging magalang.

"Magalang naman talaga ako.Sadyang magkasing edad lang tayo." Saad n'ya habang busy sa pagkain.Pwede ba itigil mo yung pagbabasa sa mga naiisip ko??

"Bigay mo muna sakin yung chicken skin." Utos n'ya habang nakanguso dun sa balat ng manok na tinitira ko dahil masarap ito pag pinanghuli mong kainin.

"Yoko ngaaa." Sagot ko at kinain na yung chicken skin ko.Baka agawin pa sa'kin eh.Narinig ko s'yang tumawa sa inasal ko kaya napatawa na lang din ako.Ngayon na lang ulit ako kumain sa Jollibee ng masaya.Thanks to him.

After naming kumain ay dumiretcho kami rito sa Arcade.Medyo walang tao sa arcade dahil weekdays ngayon, nasa paaralan ang mga bata kaya goods na rin para iwas ang siksikan.

Naglaro kami ng kung ano-ano ni Dan at nakakatawa nga s'ya kasi pinipilit n'ya na sumakay doon sa pambatang sasakyan.Yung hinuhulugan ng dalawang token baka umandar.Parang may bata tuloy akong kasama.

Puro tawa at laro lang ang ginawa namin dito sa arcade hanggang sa malapit nang maubos yung binili naming token.Five token na lang yung mayroon sa'min at napagisipan naming sa Claw machine na lang 'yon ihulog at ubusin.

Tinuro ko yung duck na plushie bago s'ya tignan. "Kunin natin 'yon!" Excited kong aya sa kan'ya.Pumunta kami sa Claw machine na puno ng kulay dilaw na mga bibe.Ang cute nilaaa.

Naghulog si Dan ng isang token at tintry kumuha.Nagexpect ako na makukuha n'ya yun kaso biglang bumitaw yung claw nung machine.DAYAAA!

"Try mo ulit." Pangungulit ko sa kan'ya.Kinuha ko na yung mga token sa kan'ya at isa-isang hinulog 'yon sa lalagyan ng token. "Go, Dan!" Umakting naman s'ya na nagi-istretch kaya natawa ako.

Iisang token na lang ang naiwan sa machine at hindi parin kami nakakakuha ng kahit isa man lang na duck plushie. "I promise you, Hannah.Makukuha natin 'yan." Saad n'ya sabay turo sa manikang bibe na malapit sa butas ng machine.

"Pag 'di mo nakuha 'yan 'di na tayo bati." Parang bata kong saad na ikinasimangot n'ya kaya natawa ako.Gumagaling s'ya sa pakikisakay sa mga trip ko ah, inferness.

"Please...pleaseeee" Pakiusap ni Dan sa claw machine dahil napagisipan n'ya na maglaro na.Wala pang fifteen seconds ay nakuha nya yung plushie kaya napatalon kami sa tuwa.

"ANG GALING MO!!" Compliment ko sa kanya habang natalon nang nakangiti.Ganun din naman ang ginawa n'ya at 'di ko na nga namalayan na magkayakap na pala kami sa sobrang saya.

Napahinto ako sa pagtalon ng marealize kong magkayakap na kami.S'ya naman ay nananatiling nagtatatalon habang yakap ako.Wait, bat ang bilis ng tibok ng puso ko?Ay oo, tumalon nga pala ako.Oo, tama.Tumalon ako kaya mabilis ang tibok ng puso ko.

Napansin siguro ni Dan na 'di na 'ko natalon kaya napahinto s'ya.Inalis n'ya yung pagkakayakap n'ya sakin at kinuha yung napalanunan naming duck plushie.Still nakatayo lang ako dito at nagmimistulang estatwa.Hinarap n'ya 'ko after n'yang makuha yung duck plushie at binigay n'ya 'yon sa'kin.

"Here's your duck plushie." Nakangiti n'yang saad pagkatapos ibigay sa'kin yung plushie na napalanunan n'ya.

"Pa'no ba 'yan?Bati pa rin tayo." Nakangiti n'ya paring bigkas.Ipinatong n'ya yung kanang kamay n'ya sa ulo ko and he pat me.Aso ba 'ko para ganyanin mo?

Natawa s'ya ng mahina sa naisip ko at pinagpatuloy lang ang ginagawa n'ya sa ulo ko habang nakangiting nakatitig sa'kin.

"Ang cute mo kasi, that's why." Pakiramdam ko tuloy ay bibigay yung tuhod ko after n'yang sabihin 'yon.Nang matauhan ako ay napaubo na lang ako at tumalikod sa kan'ya.

"U-uwi na tayo" Aya ko at nauna nang maglakad.Naramdaman ko namang sumunod s'ya sakin kaya nag focus na lang ako sa paglalakad.

"Ba't ba ako naiilang, wala naman s'yang ginawang masama." Bulong ko bago s'ya palihim na tignan sa likod ko.

"Ang gwapo n'ya lalo sa malapitan, I wonder kung ano rin yung perfume n'ya.Ang bango n'ya kasi." Bulong ko ulit.Ayoko nang isipin 'yon baka kasi malaman n'ya pa.

"Ang alen?" Tanong ng nasa likod ko kaya nagmadali na lang akong maglakad.

"WALAAA" Saad ko, napatakbo naman ako nang habulin n'ya 'ko.Naknam.Iba rin trip nito eh noh.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Love or Die    Chapter 19

    "May nangyari ba nung wala ako?" Kanina pa 'ko tinatanong ni Dan hanggang sa makauwi na lang kami ng bahay.'Di ko kasi s'ya sinasagot tungkol dun dahil ayoko s'yang magalala at baka maisipan n'ya pang umalis ng trabaho."So may nangyari nga?Tell me ano yun?" Tinignan ko lang s'ya habang iniisip yung mga nangyari kanina."Wala nga yun." Saad ko bago pumasok ng kwarto ko.Pansin ko namang sumunod s'ya sa'kin kaya napabuntong hininga na lang ako."Galit ka ba sa--" "May trabaho na 'ko." Nilingon ko s'ya na agad ko namang pinagsisihan.Halos 1 inches na lang ata yung layo namin sa isa't isa at halos bumangga na nga rin yung mukha ko sa dibdib n'ya."Really?" Mahina n'yang saad dahil sa sobrang lapit namin sa isa't isa."Oo, bukas na 'ko mag sisimul--." Napatigil ako sa pagsasalita ng yakapin n'ya 'ko bigla."Well done."Saad n'ya na ikinangiti ko.Niyakap ko s'ya pabalik at dinama yung maiinit n'yang bisig.I feel safe and warm in his embrace.Natatakot tuloy ako sa mga posibleng mangyari na

  • Love or Die    Chapter 18

    "Nandito nanaman yan?" "Required ba talaga na kasama lagi ni Dan yan?""Ba't may kasama nanamang s'yang alalay?" Napayuko na lang ako sa mga sinabi ng mga katrabaho ni Dan.Sinama n'ya kasi ulit ako dahil may nag text nanaman sa'kin na unknown number.'Di ko naman inexpect na ang bilis pala magbago ng ugali ng mga taong nandito.Wala si Dan dito dahil nasa labas s'ya kasama yung manager nila dahil may kakausapin sila na related sa trabaho nila.Naiwan ako dito kasama yung mga katabaho ni Dan at sobrang nakakasakit yung mga pinagsasasabi nila.Naisipan ko na lang lumabas at mag libot libot na lang ulit dito sa loob ng building.'Di parin maalis sa isipan yung mga sinabi nung mga tao dun sa'kin kanina.Gusto kong magsalita rin pero baka mag cause lang ng gulo kaya 'wag na lang."Look who's here." Napalingon ako sa taong nagsalita sa harapan ko at napangiti ako dahil s'ya yung kahapong pogi na may ari ng building na 'to."Hello po!" Nag bow ako sa kan'ya dahil syempre mga dzai, may ari ng c

  • Love or Die    Chapter 17

    HANNAH'S POV"Okay lang ako, pumasok ka na." Tinulak ko s'ya papunta sa pintuan para lumabas na pero bumabalik parin s'ya sa loob habang paulit ulit akong tinatanong kung okay lang ba talaga raw akong maiwan na mag isa rito sa bahay."Are you sure??Ayaw mo ba talagang sumama sa'kin?" Umiling ako sa alok n'ya habang nakangiti para malaman n'ya na okay lang talaga ako."Mala-late ka na, Dan.Go na, okay lang nga ako." Hinawakan n'ya yung kamay ko kasi balak ko nanaman s'yang itulak papalabas ng pintuan."Come with me please." Pagmamakaawa n'ya na ikinabuntong hininga ko.Kulit naman netong Anghel ba 'to eh."Oo na, eto na po.Magbibihis na." Saad ko para matahimik na yung mundo n'ya.Parang wala talaga s'yang balak na umalis ng hindi ako kasama eh.Pagkatapos kong mag bihis ay agad agad ko s'yang hinila palabas ng bahay dahil baka ma-late pa s'ya ng dahil sa'kin.Wala parin akong trabaho ngayon dahil until now hindi parin sa'kin nag rereply o natawag yung pinag apply-an ko.Nagdadalawang isi

  • Love or Die    Chapter 16

    Nakahiga lang ako ngayon sa sala habang nagaantay sa tawag o text ng kompanyang pinag apply-an ko.Bumababa na tuloy chance at confidence ko dahil wala akong balita kung pasok ba ko at natanggap o ano eh.Mag isa lang ako ngayon dito sa bahay dahil may trabaho si Dan.Lingguhan daw sahod nila kaya may panggagasgos kami kahit papaano."Wala ba talagang tatawag?Reply?E-mail man lang?" Kinakausap ko yung sarili ko habang nakatingin sa cell phone ko na nakapatong sa lamesa na maliit.Gusto ko ng makapagtrabaho para matulungan ko si Dan sa mga bayarin.'Di biro kuryente at tubig ngayon.Lalo na bilihin, kulang na kulang talaga yung sweldo teh.Parang 'di ka bubuhayin kahit meron kang pera eh.Nakita ko na nagbukas yung cell phone ko sabay ring neto.Agad akong napatayo at agad na kinuha yung phone.May tumawag na!Sila na kaya 'to?!Huminga muna ako ng maluwag bago sagutin yung tawag.Kinakabahan ako, tanggao kaya ako?Makakapag start na kaya ako??Pinindot ko na yung green at ini-loud speak."Good

  • Love or Die    Chapter 15

    Maaga akong gumising dahil ipaghahanda ko si Dan ng makakain n'ya bago pumasok ng trabaho.Grabe iba talaga nagagawa ng physical appearance, gumawa lang ng magandang entrance papasok ng interview room nakakuha na agad ng trabaho. 'Di lang bilang isang worker na nahihirapan dahil need ng promotion para lumaki ang sweldo, kundi isang Model.Akalain mo yun naunahan pa 'kong mag katrabaho."Aga mo naman magising, Mr.Model." Saad ko ng makita ko s'yang lumabas ng kwarto n'ya.Gulo-gulo pa yung buhok n'ya at nakapikit pa yung isang mata."Cute." Bulong ko sabay tawa ng mahina.Kita ko s'yang dumiretcho sa cr kaya napa kibit balikat na lang ako.Forda ignore ako ni Kuya.Nagluto ako ng pancake na gawa lang sa tig sampung pisong harina, itlog, at baking soda na nabili ko ng tingi rin.Pinag timpla ko na rin s'ya ng gatas.Oo, gatas.Model ko yan kaya bawal masira ang skin.Kaya dapat gatas lang.After kong matapos mag luto ay inihain ko na agad sa lamesa.Tumingin ako sa pintuan ng cr at sakto naman a

  • Love or Die    Chapter 14

    Apat na araw na ang nakakaraan nung lumipat kami rito sa bago naming inuupahan.Okay naman, walang maingay, istorbo, at kung ano ano pang ikababahala ko.Pwera na lang kay Dan.Lumiligalig at umiingay kasi s'ya noong mga nakaraang araw.Hanggang ngayon ganun parin s'ya, nasobrahan na ata sa pagiging Jolly.Mas mukhang tao na lalo s'yang kumilos kesa sa'kin.Nag rereklamo na rin s'ya teh pag inuutusan kong mag walis.Naknam."WIWOWWW!!WIWOOW!WIWOOOW!" Dinaig n'ya nanaman yung ambulansya ngayon.Need ba talaga mag ingay ng ganan kada lalabas s'ya ng kwarto?"Aalis ka?" Tanong n'ya sa'kin at tila ba pinagmamasdan n'ya yung suot ko mula ulo hanggang paa.Nakapang formal kasi ako dahil may interview ako ngayon.Bawal naman na nakatunganga lang kami rito diba.Pa'no kami mabubuhay neto.Need ko kumilos, paubos na rin yung pera na ibinigay sa'min nung amo namin nung nakaraang dalawang linggo."I see..." Saad n'ya bago pumasok ulit sa kwarto n'ya.Pa weird ng pa weird si Dan.Unti na lang aakalain ko na

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status