HANNAH'S POV
"Pasensya na po, Aling Rita.Wala po talaga akong pambayad sainyo eh" Paghingi ko ng paumanhin sa may-ari ng tinitirahan kong bahay.Ngayon na kasi ang araw na maniningil siya at sakto naman na kulang na kulang ang perang hawak ko dahil ipinang bili ko na ito ng pagkain ko."Ay naku!Ganan na lang ba tayo kada pupunta ako dito??" Napayuko ako sa sinabi niya dahil sa sobrang hiya.Oo, ilang beses na nga itong nangyari at hiyang hiya na ko kay Aling Rita.Kung malaki ang sinasahod ko sa pagtatrabaho ko sa coffee shop eh mababayaran ko naman siya eh, kaso kulang talaga. "Pasensya na po talaga.Pangako po, babayaran ko po lahat ng di ko pa po nababayaran.Bigyan niyo po sana ako ng ilang araw" Pagmamakaawa ko na ikinabuntong hininga nya naman."Huli na 'to ha.Sinasabi ko sayo papalayasin na talaga kita." Umalis na siya pagkatapos nyang masabi 'yon.Napahinga na lang ako ng malalim dahil sa naging usapan namin ni Aling Rita.'Di ko na alam ang gagawin ko sa buhay ko sa totoo lang.Ang hirap ng walang kasama.Wala na kasi akong magulang simula noong bata pa ako.Actually di ko nga alam kung paano ako nakarating sa buhay kong ito ngayon.Bumalik ako sa kwarto ko at napatulala na lamang.Bakit nga ba ganto yung buhay ko?Dahil sa kaiisip ng kung ano-ano ay di ko na namalayang nakatulog pala ako at nagising ako na gabi na.Mag aalas dose na ng gabi, kaya pala medyo nakakaramdam ako ng gutom.Bukod sa di ako nagtanghalian ay hindi rin ako naghapunan.Bumangon ako at lumabas ng kwarto upang pumunta ng kusina.Tinignan ko kung may makakain at sa kasamaang palad....wala."Bukas na lang ako kakain" Uminom na lang ako ng tubig upang kahit papaano ay maibsan 'tong nararamdaman kong gutom.Bumalik na lang ulit ako sa kwarto ko at naisipang matulog na lang ulit.Kinaumagahan, maaga akong nagising upang pumasok sa trabaho ko.Sa maliit na coffee shop lang ako nag tatrabaho at medyo may kababaan ang sweldo, pero okay na rin kaysa sa wala diba.Lumabas na ako ng bahay at nagsimula nang maglakad papunta sa coffee shop.Medyo malapit naman 'to sa bahay na inuupahan ko kaya okay na ang maglakad.Ayoko rin naman mamasahe dahil nagtitipid ako ngayon.Habang naglalakad ako ay napatingin ako sa isang magarang sasakyan na bigla napahinto sa unahan ko.Ganda ng sasakyan nya.Halatang mayaman ang may-ari.Sana all na lang talaga.Ano kayang feeling ng maging mayaman?"Hey, woman!" Sabi ng lalaking nakasakay sa sasakyan after nyang ibaba yung salamin ng kotse nya.Ako ba tinatawag nya?Napatingin ako sa kanya at sa paligid ko."Ako?" Bulong ko sabay turo sa sarili ko."Oo, ikaw.Pa check nga nung likod kung naka open ba" Bastos niyang utos sakin kaya napapikit ako ng ilang beses.Ganyan pala magutos mga mayayaman.Bastos ah. "Ano pong likod?" Tanong ko kasi malay ko ba kung anong likod, likod nya ba, yung sasakyang kasunod nya o yung mismong likod ng kotse nya?"Nevermind!B*bo mo naman" Sinara nya yung bintana ng kotse nya bago ipaharurot 'to.Kapal naman ng mukha nun.Di ako laitera at nagsasabi ng kung ano-anong masamang salita unless gago yung taong kaharap ko.Kaya sana....mabangga sya.Joke.'Di ko na lang pinansin yung nangyari at nagpatuloy na lang sa paglalakad.Istorbo yung lalaking yun, panget na nga panget pa ng ugali tsk tsk."Good morning, Sir!" Bati ko sa Boss ko na kasalukuyang cashier ngayon.Sa umaga kasi ay siya muna ang nasa cashier dahil wala naman daw siyang ginagawa."Good morning, Hannah" Bati nya sabay ngumiti sakin ng matamis.Aaminin ko ang gwapo ng Boss ko.Isa din sa mga dahilan kung bakit ako nag stay dito sa coffee shop kahit medyo mababa yung sweldo hihi.Nagasikaso nako dahil may mga nagdadatintan na rin na costumer.Taga gawa nga pala ako ng drinks dito, at minsan naman server.Medyo mahirap pero naeenjoy ko naman.Magaalas onse na ng gabi at madilim na sa labas ng coffee shop.Pinapauwi na kasi ako ng Boss ko dahil gabing gabi na rin daw.Hanggang 6pm lang ang work namin dito at nag overtime ako dahil gusto kong madagdagan kahit papaano yung sweldo ko.Nauna na sila Belle at yung iba ko pang mga katrabaho dahil di naman sila nag oovertime.Medyo napagod din ako kakatayo kaya pumayag na lang ako sa sinabi ng Boss ko.Naglalakad ako ngayon sa madilim na daanan, may mga sasakyan pa naman kaya di gaano kadilim pero wala na akong nakikitang tao.Gabing gabi na rin kasi at expected ko na nga na tulog na mga kapitbahay ko."Psttt!" Napahinto ako bigla dahil sa narinig ko.Haha medyo kinakabahan ako."Pstt!" Napalingon ako sa paligid ko at wala akong nakitang tao.Stop na po, natatakot na yung tao oh.Nagintay ako ng ilang segundo para antayin yung pstt ulit kaso wala akong narinig.Medyo kumalma akosa pagkakataon na iyon not until..."Pstt!" Kumaripas na ako ng takbo at napapikit sa sobrang takot.Mam-- ay wala pala ako nun.LORD!Parang awa nyo na po ayoko pa pong m*m*tay!Paki dalhan po ako ng anghel...promise magpapakabait na po ako---Napatigil ako sa pagiisip ng kung ano-ano ng biglang bumangga ako sa isang bagay...I mean...tao??Minulat ko yung mata ko at tinignan kung ano o sino yung nasa harapan ko.Napalunok ako ng laway nang makita ko ang nasa harapan ko.Tao nga sya.Matangkad, malapad yung balikad nya at mukhang maganda ang pangangatawan.Pero di ko maaninag yung mukha nya madilim kasi at wala ng sasakyan ang nadaan.Tanginag ilaw na lang sa daanan na may kalayuan pa saamin ang nagsisilbing liwanag dito."Nandito na 'ko....'Wag ka nang matakot." Malambing niyang sabi kasabay ng biglang pagpatay sindi ng poste ng ilaw sa gilid namin.Naaninag ko ang mukha nya at nakikita ko sya ngayon na nakatingin.Sino siya at anong pinagsasasabi niya??"May nangyari ba nung wala ako?" Kanina pa 'ko tinatanong ni Dan hanggang sa makauwi na lang kami ng bahay.'Di ko kasi s'ya sinasagot tungkol dun dahil ayoko s'yang magalala at baka maisipan n'ya pang umalis ng trabaho."So may nangyari nga?Tell me ano yun?" Tinignan ko lang s'ya habang iniisip yung mga nangyari kanina."Wala nga yun." Saad ko bago pumasok ng kwarto ko.Pansin ko namang sumunod s'ya sa'kin kaya napabuntong hininga na lang ako."Galit ka ba sa--" "May trabaho na 'ko." Nilingon ko s'ya na agad ko namang pinagsisihan.Halos 1 inches na lang ata yung layo namin sa isa't isa at halos bumangga na nga rin yung mukha ko sa dibdib n'ya."Really?" Mahina n'yang saad dahil sa sobrang lapit namin sa isa't isa."Oo, bukas na 'ko mag sisimul--." Napatigil ako sa pagsasalita ng yakapin n'ya 'ko bigla."Well done."Saad n'ya na ikinangiti ko.Niyakap ko s'ya pabalik at dinama yung maiinit n'yang bisig.I feel safe and warm in his embrace.Natatakot tuloy ako sa mga posibleng mangyari na
"Nandito nanaman yan?" "Required ba talaga na kasama lagi ni Dan yan?""Ba't may kasama nanamang s'yang alalay?" Napayuko na lang ako sa mga sinabi ng mga katrabaho ni Dan.Sinama n'ya kasi ulit ako dahil may nag text nanaman sa'kin na unknown number.'Di ko naman inexpect na ang bilis pala magbago ng ugali ng mga taong nandito.Wala si Dan dito dahil nasa labas s'ya kasama yung manager nila dahil may kakausapin sila na related sa trabaho nila.Naiwan ako dito kasama yung mga katabaho ni Dan at sobrang nakakasakit yung mga pinagsasasabi nila.Naisipan ko na lang lumabas at mag libot libot na lang ulit dito sa loob ng building.'Di parin maalis sa isipan yung mga sinabi nung mga tao dun sa'kin kanina.Gusto kong magsalita rin pero baka mag cause lang ng gulo kaya 'wag na lang."Look who's here." Napalingon ako sa taong nagsalita sa harapan ko at napangiti ako dahil s'ya yung kahapong pogi na may ari ng building na 'to."Hello po!" Nag bow ako sa kan'ya dahil syempre mga dzai, may ari ng c
HANNAH'S POV"Okay lang ako, pumasok ka na." Tinulak ko s'ya papunta sa pintuan para lumabas na pero bumabalik parin s'ya sa loob habang paulit ulit akong tinatanong kung okay lang ba talaga raw akong maiwan na mag isa rito sa bahay."Are you sure??Ayaw mo ba talagang sumama sa'kin?" Umiling ako sa alok n'ya habang nakangiti para malaman n'ya na okay lang talaga ako."Mala-late ka na, Dan.Go na, okay lang nga ako." Hinawakan n'ya yung kamay ko kasi balak ko nanaman s'yang itulak papalabas ng pintuan."Come with me please." Pagmamakaawa n'ya na ikinabuntong hininga ko.Kulit naman netong Anghel ba 'to eh."Oo na, eto na po.Magbibihis na." Saad ko para matahimik na yung mundo n'ya.Parang wala talaga s'yang balak na umalis ng hindi ako kasama eh.Pagkatapos kong mag bihis ay agad agad ko s'yang hinila palabas ng bahay dahil baka ma-late pa s'ya ng dahil sa'kin.Wala parin akong trabaho ngayon dahil until now hindi parin sa'kin nag rereply o natawag yung pinag apply-an ko.Nagdadalawang isi
Nakahiga lang ako ngayon sa sala habang nagaantay sa tawag o text ng kompanyang pinag apply-an ko.Bumababa na tuloy chance at confidence ko dahil wala akong balita kung pasok ba ko at natanggap o ano eh.Mag isa lang ako ngayon dito sa bahay dahil may trabaho si Dan.Lingguhan daw sahod nila kaya may panggagasgos kami kahit papaano."Wala ba talagang tatawag?Reply?E-mail man lang?" Kinakausap ko yung sarili ko habang nakatingin sa cell phone ko na nakapatong sa lamesa na maliit.Gusto ko ng makapagtrabaho para matulungan ko si Dan sa mga bayarin.'Di biro kuryente at tubig ngayon.Lalo na bilihin, kulang na kulang talaga yung sweldo teh.Parang 'di ka bubuhayin kahit meron kang pera eh.Nakita ko na nagbukas yung cell phone ko sabay ring neto.Agad akong napatayo at agad na kinuha yung phone.May tumawag na!Sila na kaya 'to?!Huminga muna ako ng maluwag bago sagutin yung tawag.Kinakabahan ako, tanggao kaya ako?Makakapag start na kaya ako??Pinindot ko na yung green at ini-loud speak."Good
Maaga akong gumising dahil ipaghahanda ko si Dan ng makakain n'ya bago pumasok ng trabaho.Grabe iba talaga nagagawa ng physical appearance, gumawa lang ng magandang entrance papasok ng interview room nakakuha na agad ng trabaho. 'Di lang bilang isang worker na nahihirapan dahil need ng promotion para lumaki ang sweldo, kundi isang Model.Akalain mo yun naunahan pa 'kong mag katrabaho."Aga mo naman magising, Mr.Model." Saad ko ng makita ko s'yang lumabas ng kwarto n'ya.Gulo-gulo pa yung buhok n'ya at nakapikit pa yung isang mata."Cute." Bulong ko sabay tawa ng mahina.Kita ko s'yang dumiretcho sa cr kaya napa kibit balikat na lang ako.Forda ignore ako ni Kuya.Nagluto ako ng pancake na gawa lang sa tig sampung pisong harina, itlog, at baking soda na nabili ko ng tingi rin.Pinag timpla ko na rin s'ya ng gatas.Oo, gatas.Model ko yan kaya bawal masira ang skin.Kaya dapat gatas lang.After kong matapos mag luto ay inihain ko na agad sa lamesa.Tumingin ako sa pintuan ng cr at sakto naman a
Apat na araw na ang nakakaraan nung lumipat kami rito sa bago naming inuupahan.Okay naman, walang maingay, istorbo, at kung ano ano pang ikababahala ko.Pwera na lang kay Dan.Lumiligalig at umiingay kasi s'ya noong mga nakaraang araw.Hanggang ngayon ganun parin s'ya, nasobrahan na ata sa pagiging Jolly.Mas mukhang tao na lalo s'yang kumilos kesa sa'kin.Nag rereklamo na rin s'ya teh pag inuutusan kong mag walis.Naknam."WIWOWWW!!WIWOOW!WIWOOOW!" Dinaig n'ya nanaman yung ambulansya ngayon.Need ba talaga mag ingay ng ganan kada lalabas s'ya ng kwarto?"Aalis ka?" Tanong n'ya sa'kin at tila ba pinagmamasdan n'ya yung suot ko mula ulo hanggang paa.Nakapang formal kasi ako dahil may interview ako ngayon.Bawal naman na nakatunganga lang kami rito diba.Pa'no kami mabubuhay neto.Need ko kumilos, paubos na rin yung pera na ibinigay sa'min nung amo namin nung nakaraang dalawang linggo."I see..." Saad n'ya bago pumasok ulit sa kwarto n'ya.Pa weird ng pa weird si Dan.Unti na lang aakalain ko na