Share

Chapter 4- Ang Nakaraan

Ang Nakaraan.....

Panahon ng bispiras ng bagong taon, napakaraming tao ang dumagsa sa Luneta Park dahil nagsagawa ng pang makamasang event ang gobyerno para sa paggunita ng pagpapalit ng taon. May isang malaking concierto na ginaganap. Isang sikat na grupo ng mga artist ang tumutugtog habang may nagaganap na fireworks sa kalangitan. 

Sobrang saya ng mga tao. May nagsisigawan at naghihiyawan habang pinapanood ng karamihan ang pag ulan ng magagandang ilaw na binibigay ng pagputok ng malalaking fireworks sa kalangitan. 

Sa gitna ng kasiyahan, dumalo ang dalawang magkaibang pamilya sa nasabing okasyon. Ang pamilyang MORGEN na napapabilang sa mayamang pamilya at mayroon silang nag iisang anak na babae na walang iba kundi si Clairre Vleo Morgen. 

Isang tatlong taong gulang at isa siyang half australian at half filipino. Isang purong businessman na Australiano ang ama ni Clairre at kilala sa larangan ng pagnenegosyo dahil sa naglalakihan nitong pag aari na mga condominium at hotel sa bansa ganoon din sa ibang bansa. 

Isa lang din sila sa dumalo sa nasabing okasyon. Ang pangalawa namang pamilya ay ang pamilyang SENDON. Napapabilang naman sila sa mahirap na pamilya. Mayroon silang dalawang anak na isinama nila sa nasabing okasyon. Sila ay sina Grievo Sendon, ang kanilang panganay na anak at si Marieta na bunso nilang anak na babae. 

Si Maleyna Sendon na ina ni Grievo ay nagtatrabaho bilang GRO sa isang malaking bar na matatagpuan sa Malate, Manila. Lingid sa kaalaman ng mga pulisya, ang nasabing bar ay konektado sa isa sa pinakamalaking sindikato sa bansa sa Prostitusyon. Sumasideline din si Maleyna bilang isang bugaw.

Mahirap lang at naghihikahos ang buhay nila. Ang asawa ni Maleyna na si Berdugo Sendon ay isang sakit sa ulo lang nito. Siya ay isang lasinggero at walang permanenteng trabaho. Sa kabilang banda, naisipan ng kanilang pamilya na sa Luneta Park nila  ipagdiwang ang bagong taon dahil may libreng concert na ginaganap doon at may pinamimigay na libreng pagkain. 

Sa kalagitnaan ng kanilang pagsasaya ay may biglang nangyari na hindi inaasahan...

BOOOOOOMMMMMM!

"Ahhhhhh! .... ahhhhhh! .... ahhhhh! ... Ano yun?! May sumabog! May sumabog! Ahhhh..." hiyawan ng ilang mga tao na nasa loob ng Luneta Park.

Nakita ng lahat na may sumabog sa gilid ng stage. Nagsimula ng magkagulo ang mga tao sa okasyon. Sa pagsabay ng pagsabog ay napatalon sa labas ng stage ang ilang gitarista na tumutugtog doon sa sobrang lakas ng impak ng pagsabog. Halos ang ilan sa kanila ay biglang napadapa sa sahig ng stage.

"Ahhhhhh! ..... ahhhh! ... inaatake tayo ng mga terorista! Ahhh... ahhhhh!" sigaw na maririnig ng kabilaang grupo ng mga nagpapanik na tao habang panay ang takbuhan ng ilan makalabas lang sa nasabing lugar. 

Sa kaguluhang nagaganap ay napahiwalay si Clairre Vleo Morgen sa kanyang mga magulang dahil halos naitulak siya ng ilang mga tao na tumatakbo malapit sa inuupuan nila.

Nang biglaang may isang estrangherong lalaki ang dumukot sa kanya. Tinangay si Clairre Vleo Morgen nang nagngangalang Bakuro. Sobrang nataranta ang dalawang mag asawang Morgen dahil biglang nawala sa kanilang paningin ang kanilang unika ija.

Sa kabilang banda naman, sa gitna ng pagkakagulo ng mga tao ay sinamantala ni Grievo na humiwalay sa kanyang pamilya. Hindi na niya masikmura na makasama pa ng matagal ang kanyang pamilya sa kadahilanan na halos araw araw na siya binubugbog ng kanyang ama sa tuwing umiinit ang ulo nito lasing man ito o nasa tamang pag iisip.

Pinagtatrabaho rin siya nito sa murang edad niya na pitong taon imbis na magfocus lang ito sa kaniyang pag aaral. Wala naman pakialam ang kanyang ina kahit makita man siya nito na madalas bugbugin ng kanyang ama. 

Habang tumatakas si Grievo ay nasaksihan niya ang pagwawala at pag iyak ng malakas ng isang batang babae habang tinatangay ng isang lalaking nakatakip ang mukha at nakasuot ng isang malaking sumbrero. 

"Wahhhhh! Wahhhhhh! Wahhhhhh!" Lakas ng iyak na maririnig mula kay Clairre Vleo Morgen habang tinatangay siya ng isang estrangherong lalaki. 

Nakaramdam siya ng matinding awa na nagtulak sa kanya para irescue ang batang babae. Sinundan ni Grievo ang estrangherong lalaki na bumubuhat sa nagwawalang batang babae hanggang sa napaliko sila sa isang gilid mismo sa likod ng malaking stage.

Napansin niya na nailapag saglit ng lalaki ang batang umiiyak at sinusubukan nitong talian ng isang lubid ang dalawang kamay ng nasabing bata.

Nakakita sa di kalayuan ng isang kahoy si Grievo saka siya nagmadaling pumunta sa kinaroroonan nila at hinampas niya ng malakas ang ulo ng lalaki.

Pak!

Hanggang nawalan ng malay ang lalaki at natumba ito sa lapag. 

"Dali! Bata dali! Tara na.... hangga't tulog pa ang mama. Tumakbo na tayo!" pabulong na sabi ng batang si Grievo habang kinakabahan siyang hinahatak ang kaliwang braso ng batang babae.

Nagulat si Clairre Vleo sa ginawa niya at napatulala na lang ito sa kanya. Sa kabilang banda, nagpatangay na lang siya sa paghatak na ginagawa sa kanya ni Grievo. Habang tumatakbo sila ay napalingon na lang ang batang babae sa lalaking nakahandusay sa lapag habang lumalayo sila.

Malayo layo na ang tinakbo nila at naisipan nilang magtago sa dalawang naglalakihang drum ng basurahan para maitago nila ang kanilang mga sarili sa isang gilid ng malaking building na nilikuan nila.

Nakatitig lang ang batang babae sa kanya samantalang si Grievo ay panay ang silip mula sa lugar na pinanggalingan nila para magmatyag. Hanggang sa naisipan na niyang linungin at kausapin ang batang babae na kasama niya.

"Ano bata kamusta ka naman? Ok ka lang ba? Bakit ka tinangay ng taong iyon? Kilala mo ba iyon ha?" pabulong na tanong ni Grievo sa kanya habang sinusubukan niyang tanggalin ang mga nakataling lubid sa palibot ng kanyang mga kamay.

Nananatili lang na nakatitig si Clairre Vleo sa kanya na hindi sumasagot. Nakatagal sila ng mahigit sampong minuto na nagtatago sa likod ng mga naglalakihang mga drum na iyon nang biglang may isang lalaking biglaang nagtakip sa ilong at bibig ni Grievo.

Napalingon muna si Grievo nang narinig niya na para bang may sumisitsit sa kanyang likod bago dinakmaan ng lalaki ang bibig at ilong nito na may nakakahilong amoy na gamot sa hawak hawak na panyo nito. Iyon ang ginamit nito na pinangdakma sa mukha niya. 

Pagkatapos niyon, biglang nahilo si Grievo. Sinigurado muna ng estrangherong lalaki na wala ng malay si Grievo bago niya nilapag ito sa sahig banda sa sulok ng naglalakihang mga drum.

Sa kabilang banda naman, iyak lang nang iyak si Clairre Morgen sa isang gilid habang takot na takot ito na nakatitig sa lalaki. Ang lalaking iyon ay ang hinataw ng kahoy kanina ni Grievo. Natunton pa rin sila sa kabila ng pagtakas nila mula sa kanya.

Hindi pala malakas ang ginawang pagkakahampas ni Grievo sa batok nito dahil nakabangon ito nang mabilisan at nasundan sila hanggang sa kanilang pinagtaguan.

"Akala ninyo matatakasan ninyo ako ah hahahaha... mga batang paslit kayo. Ikaw Grievo kahit na kailan may pinagmanahan ka talaga eh. Napakapasaway mo katulad ng nanay mong mahadera! Nako po! Kung wala lang talaga akong malaking atraso sa nanay mong hostes eh... hindi ako mandudukot ng bata para ipambayad kanya haizzz!" dismayadong saad ni Baruko habang sumisilay siya sa walang malay na batang lalaki na nakahandusay sa lapag.

Walang masyadong tao mula sa kinaroroonan nila kung kaya't kalmado lang siya sa kanyang ginagawa. Sa kabilang banda, napalingon naman siya sa todong iyak na si Clairre Vleo sa kanyang gilid.

"Nako po! Bata pasensya kana ah... nakakakonsensya man itong ginagawa ko kaso wala eh... Ganoon talaga kapag nagkagipitan na. Malas mo ikaw pa ang nadali ko." kinakausap ni Baruko ang batang babae habang tinatalian muli nito ang kanyang mga kamay ng isang mahabang lubid pagkatapos niya busalan ang bibig nito ng isang mahabang panyo.

Pagkatapos niyon ay agad na niyang binitbit ang batang babae saka niya ipinasok ito sa inokupa niyang taxi na nakapark lang malapit sa area nila. Kasabwat din niya iyon.

Sa kabilang banda, dinala ni Bakuro ang kinidnap niya sa isang abandunadong lugar. Doon niya pinapupunta si Maleyna Sendon, ang taong pinagkakautangan niya ng malaki. Lingid sa kaalaman ni Baruko, nakasama rin ang buong pamilya ni Maleyna Sendon nang mga sandaling iyon sa naganap na okasyon sa Luneta Park.

Nagkasalisihan sila dahil sa napakaraming taong dumalo sa nasabing okasyon. Wala namang kaalam alam si Maleyna Sendon na nagpunta rin pala roon si Baruko para gumawa ng isang kahindik hindik na krimen. Pagkatapos ng nangyaring insidente ay agad naman nilikas ng buong pamilya ni Maleyna ang lugar.

"Ma, sandali lang. Napansin ninyo po ba si kuya Grievo? Wala siya oh. Hindi siya nakasama sa atin. Dali ma, balikan natin siya," pag aalalang saad ni Marietta na bunsong anak nito. Nagpalinga linga siya sa paligid habang hinahanap ang kuya niya na bigla na lang humiwalay sa kanila. Nang mga sandaling iyon ay nakalayo na sila halos sa lugar na iyon. 

"Hala anak, manahimik ka nga muna riyan. Malaki na iyang kuya mo. Alam na niya kung paano umuwi. Hayaan mo't uuwi rin iyon mamaya sa atin. Nakita naman niya kung ano ang mga sinakyan natin. Umalis na tayo dali," saad naman ni Maleyna habang palingon lingon ito kung saan saan habang hinahatak nito ang braso ng bata.

"Hala'y mukhang may pupuntahan pa tayo ah. Saan na naman ba tayo pupunta nito ah?" biglang tanong ni Berdugo Sendon, ang kanyang batugang asawa. Napakamot nalang ito sa ulo habang sinusundan ang paglalakad nila. 

Hindi kayo kasama roon. Ako lang. Hala siya. Umwi na kayo ni Marietta muna sa apartment natin. Mamaya ko na lang sasabihin sa iyo ang lahat," iritableng saad ni Maleyna saka siya tumawag ng taxi para masakyan niya.

Hindi na nga nangulit pa sa pagtatanong si Berdugo at nilingunan na lang nila ang papaalis na taxi na sinakyan nito.

Nang makarating na si Maleyna sa harap ng isang malaking abandonadong building na matatagpuan sa Ermita, Manila ay agad agad na siyang bumaba ng sasakyan. Takang taka siya kung bakit doon pa naisipan ng katatagpuin niya na makipagkita sa kanya.

Pumasok na lang siya nang tuluy-tuloy sa loob ng lugar. 

Mysterious Novelist

Hi po! Mga minamahal kong mga readers! Magcomment lang kayo kung may nais kayong sabihin sa inihandog kong kwento para sa inyo. Happy reading! 📖📖😊😊

| Like

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status