"ANOOOOO ITO BARUKO! Nakakaimbiyerna ka naman oh! Gagawin mo pa akong kriminal sa ginawa mo! Bakit nagkidnap ka ng walang kamuwang muwang na batang paslit!" galit na galit na sigaw ni Maleyna. Halos dumagundong ang buong boses niya sa kalawakan ng espasyo sa loob ng isang abandonadong building.
"Pasensya ka na Maleyna... wala na kasi akong choice na maisip eh. Ito na lang ang naisip ko para makabayad utang sa iyo. Biruin mo... limang milyon ang utang ko sa iyo. Saan ako kukuha ng ganoong kalaking pera para maipambayad ko sa iyo? Huh? Kahit ibenta ko sa matronang bakla ang katawan at kaluluwa ko wala namang papatol sa kapangitan ko para lang makalikom ng ganoong kalaking pera. Ayoko namang mangholdap sa mga banko. Mas delikado yun hahahaha at mas komplikado," mahabang pagdadrama ni Baruko sa kanya.
Sa kabilang banda, nakahiga lang sa isang lamesa ang nakataling paslit na bata habang natutulog pa ito roon. Aligaga na palakad lakad si Maleyna nang pabalik balik sa harapan ni Baruko habang nag iisip ito ng sobrang lalim.
"Tanggapin mo na yan bilang pambayad utang ko sa iyo. Ipadala mo na lang siya sa malayong lugar para hindi siya mahanap ng mga magulang niya. Hindi ka naman tagarito hindi ba?" saad muli ni Baruko.
"Hala aber?! Paano ko mapapakinabangan iyang ipinalit mo? Hala sige nga?! Gusto mo pa akong makulong nang kidnapping kapag nagkataon. Remember, sa Manila lang ako nagtatrabaho," iritableng sigaw ni Maleyna sa kausap niya.
Tumikhim muna nang malalim si Bakuro saka ito nag isip muli nang malalim.
"Edi ibenta mo sa mga foreigner na matagal mo ng kustomer. Bahala ka na... pwede naman nilang gawing slave iyan o baka may naghahanap ng anak sa kanila. Ipadala na lang nila sa ibang bansa para hindi na maghabol pa ang mga magulang niyan. Mayayaman naman sila at may kontrol sa lipunan. Kayang kaya na nila maipuslit ang batang iyan sa ibang bansa mula rito sa ating bansa. Diskartihan mo na lang. Diyan ka naman magaling eh. Gamitin mo karisma mo para mabenta yan." Pagpupumilit pa ni Bakuro sa kanya para lang makuha na siya nito.
"Kahit kailan talaga! Buwisit ka sa buhay ko! Kung binigay mo na lang sana sa akin ang parte kong limang milyon noon at hindi mo ginasta sa walang kakwenta kwentang bagay... baka sana wala tayong problema ngayon! Kung hindi dahil sa tulong ng boss ko matagal ka ng patay ngayon dahil sa ginawa mong pagtakas!"galit na galit na sigaw ni Maleyna sa kanya.
"Oh siya...... alam ko na nga na nagkamali ako hindi ba? Kaya nga ginawan ko ng paraan eh para lang maisalba ko pa ang buhay ko at hindi mo na ako ipapatay sa mga kasangga mong sindikato hindi ba? Tingnan mo muna iyang batang iyan. Mapapakinabangan mo rin iyan.. kung hindi ngayon baka balang araw. Maganda yung bata... anak mayaman at hindi lang maganda... sobrang napakaganda. May lahi yan," saad pang muli ni Bakuro. Patuloy pa rin itong nangungulit sa kanya.
Sa kabilang banda, nilapitan ni Maleyna ang natutulog na batang babae sa lamesa at hinawakan nito ang malambot nitong mukha. Tinanggal nito ang nakasapak na panyo sa kanyang bibig saka niya tinitigan ng maigi ang mukha ng bata.
Kalaunan ay nagkaroon na ito ng biglaang interes na kunin na lang ang bata. Tama nga ang sinabi ni Baruko na magandang bata ang nakuha niya. Mapapakinabang niya iyon balang araw.
Dinala niya ang bata sa inuupahan nila. Laking gulat ng asawa niya pagdating niya dahil may dala dala na itong isang batang babae. Sinabi na lang niya na pinaampon sa kanya ng kakilala niya ang bata dahil wala na itong kakayahan na palakihin ang bata dahil iniwan na rin sya ng foreigner nitong kinakasama. Dahil mabait siya ay tinanggap na lamang niya iyon na walang pinambayad na kapalit na pera sa kanya.
Ganoong kalaking kasinungalingan ang una niyang ipinaliwanag sa asawa at anak niya para lamang maiwasan na mag hysterical sila. Iniiwasan din niyang matunugan ng kanilang mga kapitbahay ang totoong nangyari sa bata kung sasabihin kaagad niya ang totoo sa kanila dahil nasa squatter area lang sila nakatira. Baka mabigla na lang siya isang araw, may mga pulisya nang sumugod sa kanila.
Naisipan ni Maleyna na arugain ang batang paslit na babae sa kanyang poder bago niya isasabak sa mundo na pinanggalingan niya. Nagpaalam ito sa kanyang amo sa bar na pinapasukan niya na uuwi muna siya ng probinsya para samahan ang pamilya niya sa pag uwi sa probinsya nila. Pagkalipas ng ilang araw, kumuha kaagad siya ng ticket ng barko para sa kanilang lahat papuntang Zambales.
Sa kabilang banda, hindi na nga nagawang makauwi ni Grievo sa pamilya niya. Pagkalipas ng dalawang araw ay saka pa lang kumilos si Maleyna para ipaghanap siya sa mga kakilala niya at humingi na rin ito ng tulong para lamang mas mapadali ang paghahanap sa kanya subalit bigo na silang matagpuan ito.
SA KABILANG BANDA......
GRIEVO's POV
Dumilat ang aking paningin at natagpuan ko na lang ang aking sarili na nakahandusay sa lapag sa tabi mismo ng malalaking basurahan. Inalala ko sa mga nagdaang oras kung ano nga ba ang mga nangyari sa akin bago ako nawalan ng malay.
"Hala! Nasaan na yung batang kasama ko kanina? Susmaryosep?! Akala ko naligtas ko na siya... nadali pa rin pala siya ng kidnaper na iyon. Bakit ako hindi niya sinama? Nakakapagtaka naman iyon... tsk... tsk... tsk..." sabi ko sa aking sarili habang napapakamot ako sa aking ulo saka ako tumayo.
Sa kabilang banda naman, halos maglulundag na ako sa tuwa dahil biglang sumagi sa isip ko sa wakas! Malaya na ako sa pamilya ko! Wooohooo!
Nagpalaboy laboy lang ako sa nakalipas na ilang araw. Kung saan saan ako natutulog basta may silong at mga karton ay ok lang sa akin. Sa layo ng nilakad ko, hindi ko na namalayan na nakalayo na rin pala ako sa Luneta Park kung saan ko huling nakasama ang pamilya ko.
Natutunan kong magkalkal ng mga basura na pwedeng maibenta sa junk shop dala na rin ng impluwensya na napansin ko sa mga katulad kong nakatira lang sa lansangan. Mas pinili kong suyurin lahat ng mga basurahan sa mga lansangan sa Manila para lamang makalikom na pwedeng maibenta sa junk shop na ipangkakain ko sa sarili ko, kaysa gayahin ang ibang mga palaboy laboy na magdamag lang na nanlilimos sa daan at naghihintay na maabutan ng pera mula sa mga taong dumadaan sa kanilang harapan.
Nagawa ko ring magbahay bahay minsan para manghingi ng mga bote, lata, diyaryo at kung anu ano pa para maipandagdag ko sa binebenta ko sa junk shop. Umabot sa tatlong taon na nabuhay akong ganoon sa lansangan para lang makasurvive sa buhay. Ngayon, may sarili na akong di tulak na kariton at lahat ng kalakal ko ay doon ko nilalagay habang patuloy pa rin akong nagbabahay bahay makahingi lamang ng mga patapon nilang gamit.
Naglakas loob din akong sumubok manghingi sa mga mas magagarang bahay. Isang araw, sa aking pagtutulak ng kariton sa isang tahimik na kalsada ay may nakita akong tumatakbo palapit sa akin na isang napakagandang aso. May taling nakasuot sa kanyang leeg at para bang nakawala siya sa nagmamay ari sa kanya.
Napahinto siya mismo sa kariton ko at inaamoy amoy nito ang mga kalakal na nakalagay roon. Sa sobra kong pagkamangha ay nilapitan ko ang aso at sinibukan kong himasin ang likuran nito. Sa unang himas ko sobra pa akong natatakot na baka kagatin ako nito subalit walang reaksyon na pagiging agresibo na ginawa ang aso.
Pinagpatuloy ko ang paghimas sa kanyang katawan. Doon ko napagtanto na mabait na aso pala ang lumapit sa kariton ko. Isa pala itong goldeen retriever. Habang hinihimas ko kasi maging ang kanyang ulo ay ginagalaw nito ang kanyang buntot para ipakita sa akin na nasisiyahan siya sa ginagawa ko sa kanya.
Maya't maya ay may dumating na isang katulong na tumatakbo papunta sa pwesto ko.
"Aso ninyo po ba ito? Sa tingin ko nakawala siya.." una kong tanong pagkatapos nito huminto sa tapat ko.
"Naku po! Iho salamat.... buti na lang hindi nakalayo ng todo ang asong ito. Pagnagkataon lagot ako sa may ari nito. Salamat talaga iho," saad bigla ng katulong na kausap ko.
Napatango na lang ako sa kanya. Maya't maya'y naisip ko na samantalahin na rin ang pagkakataon para makapagtanong sa kanya.
"Ah Ma'am... naghahanap po kasi ako ng mga bote, lata, diyaryo at kung anu ano pa na maaari ko pong maibenta para sana may pangkain ako. Mayroon po ba kayo sa bahay ninyo?" masinsinan kong tanong sa kanya.
"Ganoon ba iho..... oo marami halika sama ka sa akin. Yung bahay na pinapasukan ko maraming tambak doon para atleast makatulong din ako sa iyo," saad naman nito sa akin saka ako sumama sa kanya habang tinutulak ko ang kariton ko. Ang bahay pala na napuntahan ko ay pagmamay-ari ng MORGEN.
Hi po! Kinatutuwa kong maghandog ng isang kwento para mag enjoy kayo... Happy reading! 😊📖
"Ano bang problema ng mga yun ah? Hindi naman ako nanggulo ah," pagtataka ni Herold nang maiwan sila sa kanilang kinauupuan matapos silang iwanan nila Safira. "Hindi mo ba na gets? Ikaw ang problema.... kanina ko pa sinasabi sa iyo pare eh..... na hindi tama ang pagpunta natin dito," reklamo rin ni Clarton. "Pare naman.... paano ka magugustuhan ng chika babe mo kung ganyan ang approach mo?" singit naman ni Bromeo. "Exactly.... paano niya ako magugustuhan kung hindi ako makikipagsabayan sa ugok na iyon! Ano ba? Ganoon na lang ba iyon na titingnan ko na lang si Grievo na nakaka iskor na siya sa chicks ko? Unting unti na lang uupakan ko na ulit ang ugok na iyon eh!" Halos magngitngit na sa inis si Herold sa harapan ng kanyang mga kaibigan. "Hala pare.... tama na nga yan. Bilisan na lang natin ang pagkain oh. Malapit ng matapos ang break time natin," singit naman Bromeo. Sa kabilang banda, sumapit na naman ang buong araw hanggang sa natapos na ang kanilang klase. Kasalukuyang papunta
Sa kasalukuyan..... BEEEEEEPPPPP! BEEEEEEPPPPP! "Manong? Anong nangyari?" pagtatanong na pagulat ni Safira sa driver ng taxi habang nasa biyahe pa rin sila nang biglang prumeno ang kanyang sinasakyan ng malakas at paulit ulit pa iyong nag beep. Ilang kanto na lang ay mapupuntahan na nila ang condominium na tinutuluyan ni Safira sa Manila. "Ay Ms. pasensya na. May biglang tumawid kasi na aso sa kalsada. Pasensya na. Nasaan na nga ulit ang bababaan mo?" pabalik na tanong kaagad ng driver. "Ayun Manong oh. Sa pangatlong kantong iyon. Nakikita ninyo ba iyong malaking gate na puti na iyon? Doon mo na lang ako ibaba," saad naman ni Safira. Nagising mula sa malalim na pag iisip si Safira. Hindi na niya namalayan na wala na pala sila sa Ermita, Manila kung saan niya muling nakita ang dating bar na pinagtrabahuan niya... na ngayon ay naparenovate na at iba na rin ang nagmamay ari. Naputol ang malalim na paglalakbay sa nakaraan ng kanyang diwa dahil sa biglaang nangyari. Bumalik na m
"Ate Marietta dali! Bilisan pa natin ang paglalakad," bulong ni Safira sa ate niya. Halos hinahatak na nito ang ate niya habang nagmamadali sila pabalik sa naturang bahay nila. Wala ng kaimik imik si Marietta bunga ng trauma na ibinigay ng pagkakataon sa kanila. Patuloy lang silang naglalakad hanggang sa may batang tindero na humarang sa dinadaanan nila. "Hi mga ate..... baka gusto ninyong bumili ng mga puto ko. Maawa na po kayo.... bilhin na po ninyo ito para makauwi na po ako kasi kanina pa po akong madaling araw naglalako," pagmamakaawa ng batang tindero. "Ah bata pasensya na, wala kasi kaming dalang pera rito eh. Pasensya ka na talaga," saad bigla ni Safira. "Sige na ho... maawa na ho kayo. Bilhin na ninyo ito oh," pagpupumilit pa ng bata. "Bata kasi.... wala nga kaming dala------" Napahinto sa pagsasalita si Safira nang may naaninagan siyang isang pamilyar na mukha ng tao ang nakatingin ngayon sa kinaroroonan nila. May lalaking nakasandal sa isang bakod hindi kalayuan sa b
Parang kinukutuban na ng hindi maganda si kuya Kiko sa pulis na kasama nila at sa dalawang estrangherong lalaki na naabutan nila na lumabas mula sa bahay nila Marietta. Habang papasok na silang lahat sa nasabing bahay ay mabilisan niyang hinawakan ang kanang kamay ni Marietta saka niya tinitigan ito ng mahiwaga. Hinayaan muna niyang maunang makapasok sa loob ang tatlo bago sila sumunod na dalawa sa pagpasok. Habang nangyayari iyon ay dumaan sa harapan ng bahay ang tatlong mga lalaki na barkada nila kuya Kiko at Berdugo sabay bati nila kay kuya Kiko sa pamamagitan ng patawag nito ng malakas sa kinaroroonan nila. "Hala pare magandang gabi sa inyo! Sinusundo mo na ba si pareng Berdugo?" sigaw ng malakas ng isa sa tatlong lalaki. Dahil sa pagtawag na iyon ay biglang napahinto sina kuya Kiko at Marietta sa pagpasok sa loob saka napalingon sa pwesto nila. "Hala mga kumpanyero kayo pala! Hala dali! Sama kayo rito sa loob! Dali na pasok na rin kayo!" sigaw na pagyaya ni kuya Kiko sa kani
Pagkalipas ng sandali... "Pare, magpahinga na muna tayo saglit. Kanina pa tayo nagpapatag ng lupa rito," saad ni Rino sa kasamahan niya at nagtungo siya sa kalapit na upuan. "Haizzz, nakaupo na rin sa wakas. Kanina pa masakit ang tuhod ko sa kakayuko para magpatag ng lupa," dagdag pang muli nito habang nakaupo. Ang isa namang kasamahan niya ay sinandal naman ang hawak hawak niya na pala sa isang gilid ng pader. "Alis muna ako saglit ah. Bili muna ako ng sigarilyo riyan sa tindahan malapit sa kanto. Iniwan na tayong dalawa rito ng mga kasamahan natin at nauna na sila sa sasakyan sa labas. Talaga naman oh, iniwan nila tayong nagpapakapagod pa ng todo rito samantalang sila, panay chilaks na lang sa labas," paalam naman ni Hermenio habang nagpupunas siya ng kanyang pawis sa paligid ng kanyang leeg gamit ang kanyang mahabang maliit na bimpo. "Naku pare, hayaan muna. Tapos na rin naman tayo rito eh. Oh, akala ko ba aalis ka?" sita naman bigla ni Rino. "Ah oo nga pala, ok sige pare...
"Oh, rito na lang tayo kumuha ng ipambabalot sa patay sa labas. Mukha namang maraming mga nakatagong mga kumot dito oh. Nakakatamad namang maghalukay pa sa ibang mga kwarto rito eh.... buti na lang, mas malapit ang kwartong ito," saad ng isang tauhan nila Riego na nakapasok sa mismong kwarto ni Safira. Pagkatapos nitong magsalita ay may isa ulit na lalaking sumunod na bumukas din sa pintuan at pumasok sa loob. "Bakit naman kasi pinapa kumplikado pa nila ang sitwasyon kung pwede namang ibaon na lang sa lupa ung bangkay na iyon? Ang dami naman nilang arte eh," reklamo namang saad ng pangalawang tao na nakapasok na rin. Sa kabilang banda, rinig na rinig ni Safira ang nag uusap na dalawang tao sa loob ng kanyang kwarto. Halos nangangatog sa sobrang kaba ang kanyang buong katawan. At hawak hawak ni Safira ang kanyang bibig nang mariin upang mapigilan niya na marinig nila ang kanyang paghikbi at pagsinghot. Nagsimula na ngang magkalkal sa kama ni Safira ang dalawang lalaki. Kinuha nila a
Safira's POVMasyadong masakit sa akin ang pagkakaiwan ni Riego. Halos gabi gabi akong umiiyak at hindi ako masyadong makapagtrabaho sa shift ko dahil sa bigat ng nararamdaman ko. Hindi na siya nagpunta pa muli sa bar matapos ng huling usap namin sa labas ng bar nang mahuli ko sila ni Mira na naglalampungan sa loob ng kanyang sasakyan.Hindi ko na rin nakikita si Mira sa bar. Nabalitaan ko na lang na umalis na pala siya. Isang gabi, hindi ko namalayan na malakas pala ang pagkakahikbi ko habang nakalatukbong ako sa ilalim ng aking kumot. Galit na galit na pinagsisita ako ng mga kasamahan ko sa aming kwarto."Hoy Safira! Ano ba?! Gabi gabi ka na lang nag iingay riyan. Masyado ka ng nakakaabala ah. Nakakalimutan mo bang hindi mo ito sariling kwarto noh. Magpatulog ka naman!" angil ng isa sa mga ka room mate ko."Oo nga eh! Aba'y napupuyat kami ng sobra dahil sa iyo ah. Iniwan ka lang ng isang lalaki akala mo magugunaw na ang mundo para sa iyo. Buti nga sa iyo at iniwan ka, masyado ka kas
Isang gabi... Sa kalagitnaan ng pagseserve ng pagkain ni Safira sa mga lamesa ng kanilang mga kostumer, may biglang humatak sa kanyang kanang braso na isang lalaking nagkaroon ng interes sa kanya. "Ah Ms. teka lang.... pwede ba kitang maitable? Halika rito sa tabi ko mas maganda ka kaysa sa katabi ko ngayon," saad ng lalaking kostumer habang hatak hatak nito ang kanang braso ni Safira. Paalis na sana si Safira habang bitbit ng isang kamay nito ang isang malaking server plate. Sa kabilang banda, nagulat si Safira sa ginawa niya saka niya malakas na hinahatak ang kanyang braso."Pasensya na hindi po pwede kasi sa kusina po ako naka assign. Pwede po ba bitawan na ninyo ang kamay ko?" Pagpupumilit na hatak na ginagawa nito. Bakas na sa mukha ni Safira na natatakot at nag aalala na ito."Grabi ka naman sa sinabi mo... buti nga may nagtatiyaga pa sa iyo! Bitawan mo nga yung kamay niya kasi nasasaktan na siya," sita naman ng isang babaeng nasa tabi ng lalaking humaharas kay Safira."Ano
Safira's POV Halos mag iisang buwan na kami ni Riego, piling ko ako ang stress reliever niya. Sa tuwing wala siya sa mood ay madalas niya akong yayain sa labas at ang nagiging madalas na lang ng bonding namin ay sa loob ng isang motel. Hindi ko akalain na hayok pala sa sex si Riego. Hindi ko rin maikakaila iyon sa kanya dahil sa mundo ng ginagalawan namin. Nasa mundo siya ng halos puro kababaihan ang nasa paligid niya dahil sa klase ng negosyo na mayroon sila. Hindi ko pa mawari kung anong klase ang business ang mayroon sila sa kadahilanan na masyado pang mura ang edad ko. Menor de edad pa ako sa edad na disi sais. Parang nagiging normal na lang para sa akin ang nakikita ng mga mata ko. Sa kabilang banda, sa tuwing natitipuhan ako ng ibang mga kostumer namin sa loob ng bar ay todo rescue naman si Riego sa akin. Ayaw niya na mayroong ibang lalaki ang lumalapit sa akin o makikita niya na nakikipag usap ako sa ibang lalaki bukod sa kanya. Matindi pala magselos si Riego, halos nagw