MasukSa labas, balot na ng kadiliman ang paligid, ngunit tila walang balak tumigil ang ulan, dahilan upang lalong maging mabalisa ang gabi.
Ipinagpag ni Amara ang mga patak ng tubig mula sa kanyang payong habang nag-aalinlangang nakatitig sa mga unanswered at cancellation na mga pina-book niyang grab at taxi, sa kanyang selpon, dulot marahil ng malakas na ulan.
Sa likuran niya ay ang nagtataasang gusali ng mga opisina na wala nang bakas ng buhay, at ang mga sasakyan ay matagal nang naglaho. Wala siyang ibang pagpipilian kundi itupi ang kanyang pantalon, muling buksan ang payong, at maglakad sa gilid ng gusali kung saan may kaunting silong.
Hindi nagtagal—
Beep! beep!
Isang makintab na pure-electric U9X ang huminto sa kanyang likuran… ang kotse ni Lucien.
Bahagyang nagliwanag ang mga mata ni Amara. Pinuntahan ba siya nito para sunduin?
Ngunit nang bumukas ang pinto ng sasakyan, ang nakaupo sa passenger seat ay walang iba kundi si Lysandra.
Kahit malabo ang paningin dahil sa ulan, kitang-kita ni Amara si Lysandra na maayos na inililigpit ang mga regalo sa back seat. Pagkatapos ay tumingin ito sa kanya at bumati nang masigla.
“Pasensya na sa mga regalo, ha. Okay na, pwede ka na sumakay.”
Doon lang napagtanto ni Amara na nadaanan lang siya ni Lucien—at siya ang sumasabit lang. Dahil hindi siya kumikilos o sumasagot, nainis na si Lucien na nasa driver’s seat.
“Bingi ka ba? Sasakay ka ba o hindi? Nababasa na ’yung seat cushions.”
Napatalon sa gulat si Amara. Ayaw niyang makasama ang mga ito sa loob ng iisang kotse, kaya mabilis siyang kumaway.
“Huwag na!”
Pagkasabi niyon, mabilis niyang isinara ang pinto ng sasakyan. Humubog siya laban sa malakas na hangin, itinaas ang payong, at naglakad mag-isa patungo sa kadiliman. Maya-maya pa, humarurot na palayo ang sasakyan sa kanyang likuran.
Boom—
Gumulong ang kulog sa langit, tila may kung anong matagal nang kinikimkim na sumasabog sa himpapawid. Akala ni Amara ay manhid na ang kanyang puso, ngunit sa sandaling iyon, isang mahapdi at pamilyar na kirot ang kumalat sa kanyang dibdib.
Ang tubig-ulan ay dumadaloy sa loob ng kanyang braso kung saan hawak niya ang payong, bumabagtas sa isang maliit ngunit malalim na pilat. Mula noong insidente sa kanilang kasal, naniwala si Lucien na sinadya niyang saktan ang binti ni Lysandra. Dahil doon, hindi ito umuwi, at tuwing magkikita sila ay puro pag-aaway lang ang nangyayari.
Pagkatapos niyon, naging desperada si Amara—sinasadya niyang gayahin ang mga damit ni Lysandra makuha lang ang atensyon nito—hanggang sa muntik na siyang mamvtay matapos mag lvslvs ng pulso. Wala nang nagawa si Lucien kundi umuwi at itigil ang lantaran nilang pag-aaway, ngunit bawat pagkikita nila mula noon ay naging malamig at puno ng tensyon.
Apat na taon silang paikot-ikot lang sa ganoong sitwasyon.
Nang makarating siya sa subdivision, lagpas madaling-araw na, at namumutla na ang mga labi ni Amara sa ginaw. Sa hindi inaasahang pagkakataon, bukas pa ang mga ilaw sa loob. Pagkapasok na pagkapasok niya, nakita niya si Lucien na lumabas sa study bitbit ang isang tasa ng tsaa.
Mahigpit ang disiplina nito sa katawan—maagang natutulog at maagang gumigising—kaya malamang ay may tinatapos itong trabaho ngayong gabi. Nang hubarin nito ang kanyang salamin, bumagsak ang ilang hibla ng buhok sa kanyang noo. Hindi nito nabawasan ang marangal at mailap niyang aura; sa halip, nagdagdag pa ito ng bakas ng pagod sa likod ng kanyang matalas na katuwiran.
Nang marinig ang tunog sa pinto, sumulyap lang ito nang saglit bago tumuloy sa kusina para kumuha ng tubig.
Isinara ni Amara ang kanyang payong. Halos manhid na ang kanyang mukha habang nagpapalit ng saplot sa paa. Ngunit habang ginagawa iyon, nasalat ng kanyang mga daliri ang basang pregnancy test report sa kanyang bulsa.
Nag-atubili siya nang sandali.
Pagkatapos, inilabas niya ito, pinunit-punit, at itinapon sa basurahan.
Pagkatapos niyon, pumanhik siya sa itaas para maligo ng mainit. Ang umuusok na singaw ay dahan-dahang nagtaboy sa lamig ng kanyang katawan. Ipinatong niya ang kanyang mga daliri sa noo, sinusubukang ayusin ang kanyang mga iniisip.
Anuman ang mangyari, kailangan niyang makahanap ng trabaho. Hindi na niya kayang manatiling nakakulong sa bahay na ito. Ngunit apat na taon na siyang tumigil sa pag-aaral—hindi na niya alam kung makakabalik pa siya para tapusin ang kanyang kurso.
Ang singaw ay bumalot sa kanya na parang manipis na lambong. Ang mga patak ng tubig ay dumadausdos sa kanyang mahabang itim na buhok at gumagapang sa kanyang balat. Ang kanyang hubog ay aninag sa ilalim ng mainit na ilaw.
Sa may pintuan, isang lalaki ang kaswal na nakasandal sa hamba, walang pigil na nakatitig sa kanya. Kaya nang lumabas si Amara na nakabalot lang sa bath towel, agad siyang hinila sa isang mahigpit na yakap. Ang mainit na hininga nito ay dumampi sa likod ng kanyang leeg.
“Ah—!”
Napaigtag si Amara.
Nang mapagtanto ang mangyayari, nagpumiglas siyang itulak ito—ngunit mabilis na tinakpan ang kanyang mga labi. Walang pakundangan siyang idiniin ni Lucien sa sink, hindi inaalala ang kanyang pagod o kung gusto ba niya ito. Walang kontrol, walang pag-aalinlangan.
Ang kanyang mahabang buhok ay yumuyugyog pasulong sa bawat pagtulak mula sa likod. Sa salamin, nakita ni Amara ang sariling hitsura habang tahimik na dumadaloy ang mga luha sa kanyang mukha.
Sa huling sandali, lalong bumigat ang paghinga ng lalaki bago nauwi sa isang mahinang ungol.
“Sandra…”
Ang pangalang iyon, na binanggit nang halos walang kamalayan, ay parang matalim na patalim na bumaon sa kanyang dibdib, dinudurog ang huling bakas ng kanyang panlilinlang sa sarili.
Nang matapos ang lahat, naging ibang tao na naman si Lucien, na tila ang init kanina ay hindi kailanman nangyari.
Malamig nitong sinabi, “Bumili ka na lang ng gamot bukas ng umaga. Don’t get pregnant. Hussle lang ang abortion. Masasayang lang ang oras ko kung aabot tayo sa puntong ’yon.” Nang walang ibang sinabi, tumalikod ito at pumasok sa banyo.
Nanatiling nakasubsob si Amara sa sink, kumikirot ang buong katawan. Matagal bago niya dahan-dahang binuo ang sarili at nagbihis nang walang emosyon. Pagbalik sa kuwarto, tahimik siyang nagsimulang mag-impake ng kanyang mga gamit.
Ang bawat pagkadismaya ay nagpatong-patong, parang isang hindi nakikitang sinulid na nakapulupot sa kanyang puso, unti-unting humihigpit hanggang sa mahirap nang huminga. Parang hindi na niya kilala ang sarili sa salamin. Ang mukha na dati ay puno ng kumpyansa ay tila natabunan na ng isang maskarang pilit na binuo.
Ayaw na niyang maging anino ng kahit sino.
Nang walang pag-aalinlangan, kinuha niya ang gunting at ginupit ang mahabang buhok na pinaka-kahawig kay Lysandra, pagkatapos ay itinali na lang nang simple ang natira.
Nang lumabas si Lucien, nakita nito ang maayos na naka-impakeng maleta sa living room. Bahagyang kumunot ang noo nito habang nakatingin sa kanya.
“Gusto ko nang lumipat ng tirahan,” kalmadong sabi ni Amara.
Hindi lang basta "gusto"—ito ay isang matinding hangarin.
Nanigas ang mga kalamnan sa mukha ni Lucien. Ang kanyang titig ay nakapako sa kanya na tila sinusubukang ikulong siya sa kinatatayuan, ayaw palampasin ang kahit maliit na pagbabago sa kanyang mukha.
Maya-maya, nagpakawala ito ng isang malamig na tawa.
“Nakalimutan mo na ba kung paano mo ako pinilit na bumalik noon using your suicide threats? And now that you’ve had enough of me, gusto mong umalis? No way. This is your punishment—titiisin mo ’to whether you like it or not.” Habang nagsasalita, hinawakan nito ang kanyang mga damit at sapilitang inilapit siya, ibinaba ang ulo para halikan siya.
Nilunok ni Amara ang kahihiyang namumuo sa kanyang dibdib. Habang nakatingin sa pamilyar nitong mukha, bigla siyang nagtanong, “Lucien Kael, bakit kailanman ay hindi mo ginustong magka-anak tayo?”
Ilang beses na siyang kinulit ng pamilya nito, ngunit lagi itong tumatanggi.
Nang marinig siyang tawagin ito sa buong pangalan, bahagyang kumunot ang noo ni Lucien at muli siyang itinulak palayo.
“Dahil hindi ka karapat-dapat.”
Isang matalim na sakit ang kumalat sa dibdib ni Amara. Iyon lang ba talaga ang tingin nito sa kanya?
Ibinaba niya ang kanyang kamay sa kanyang tiyan. “Don’t worry. Hindi ko hahayaang isilang ang anak ko sa mundong ito nang walang pagmamahal.”
“What do you mean by that?”
Naramdaman ni Lucien na may kakaiba sa kanya ngayong gabi. Nang makitang muli nitong binuhat ang maleta, nagpakawala ito ng singhal.
“Fine. Huwag kang babalik if you dare. Gusto kong makita kung sino ang gagapang pabalik sa akin, like a dog begging for forgiveness.”
Hindi na siya binigyan ni Amara ng isa pang sulyap. Tumalikod siya at lumabas. Sa sandaling makarating siya sa pinto, narinig niya ang pagbasag ng isang plorera sa kanyang likuran.
Hindi siya huminto.
Gusto lang niyang makarating sa garage at makuha ang kanyang ID card at lahat ng mga importante niyang dokumento—sa pagkaalala niya ay sa sasakyan ni Lucien niya iyon huling inilagay. Hindi na niya matandaan kung saang sasakyan huling sumakay ang lalaki, hanggang sa mabuksan niya ang U9X at iangat ang lalagyan sa center console.
Natigilan siya.
Sa loob ay may nakitang gamit na, na condom.
Si Lucien ay may obsession sa kalinisan. Palagi niyang ipinapalinis ang kanyang kotse agad pagkatapos gamitin. Ngayong gabi, iisang babae lang ang pumasok sa kotseng iyon.
Kaya pala… nang banggitin nito ang pangalan ni Lysandra kanina, hindi iyon pagkakamali. May nangyari na sa kanila habang nasa biyahe.
Napa-atras si Amara, tila nawalan ng balanse ang kanyang mundo. Alam naman niyang hindi kailanman naging kanya si Lucien. Sa loob ng maraming taon, wala siyang ginawa kundi ang kumapit dito nang walang kahihiyan. Pero hindi pa man sila divorced—at nagawa na nito ang ganoon…
Pinunasan niya ang kanyang mga luha, pagkatapos ay biglang hinubad ang kanyang wedding ring at buong lakas na ibinato sa sahig.
May mga bagay na kapag nabulok na, dapat nang putulin agad—kahit pa ito ay bumaon na nang malalim sa puso.
Hi/Hello, my dear all kyuties readers.Ngayong May po ay mag-se-set na po ako ng schedule sa pag upload o pag update po ng chapters, sa kadahilanan po na magiging busy na po ulit ako dahil back to work po ako—Bilang ina na may trabaho rin ay hinihingi ko po ang pag-uunawa ninyo. Maraming Salamat po agad! ^^Dahil ako po ay may 4 books na ongoing, narito po ang magiging schedule:The Scorned Wife's - Saturday Loveless Deal - SundayFinal Diagnosis - Thursday The Wrong Tease - TuesdayEvery upload or update po ay babagsak po ako ng 10-13 Chapters. Maliban na rin po sa availability at pagsasang-ayon ng katawan ko. Pero asahan ninyo po na kahit papaano ay may ia-update po ako sa mismong schedule. God bless po!
Pagkalipas ng ilang sandali, sa wakas ay sumagot si Alyssa.‘I checked… pero I think accidentally ko siyang na-delete.’Nakatitig lang si Amara sa screen nang ilang sandali, bago nanatiling tahimik. Pinatay niya ang kanyang phone, sumandal sa upuan, at nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga na tila pasan ang lahat ng kanyang pagod.Nang gabing iyon sa club, napakasama ng kanyang pakiramdam. Kinailangan niyang umasa sa mga painkillers para lang mapigilan ang matinding pagbaliktad ng kanyang sikmura.Kinaumagahan, nagising siyang sinalubong ng mga alon ng pagsusuka. Ang nakaririmarim na pakiramdam na gusto mong sumuka pero walang lumalabas ay nag-iwan sa kanya ng hilo at inis.Kahit papaano, may kaunting ginhawa—sa reminder ng kanyang phone, isang araw na lang ang natitira bago matapos ang lahat. Nagpaalam na rin siya sa kanyang supervisor nang maaga na hindi siya papasok kinabukasan.Ngunit ngayong araw, sa halip na dumalo sa kanyang mga online classes, bumalik siyang mag-isa
Dahil hindi uminom ng gamot sa sikmura noong gabing iyon, mas gumaan ang pakiramdam ni Amara. Mas naging malinaw ang kanyang isip habang nagbabalik-aral, at mas payapa ang kanyang tulog kaysa sa mga nakalipas na araw.Kinaumagahan, pagkatapos mag-almusal, nag-log in siya sa kanyang unang online class sa tamang oras—ngunit hindi inaasahang hindi siya makapagtutok. Ang kanyang mga iniisip ay laging lumilipad kung saan-saan.Nang matapos ang klase, mabilis niyang nakuha ang mga dokumentong inihanda niya kagabi at umalis. Sa takot na mahuli, nag-taxi na siya nang direkta patungo sa Civil Affairs Bureau.Pagkarating doon, agad siyang nag-message kay Lucien, tinatanong kung nakaalis na ba ito at anong oras ito darating.Walang sagot.Nagpadala siya ng isa pang mensahe. Pagkatapos ay isa pa.Magtatanghali na at nagsisialisan na ang mga staff ng Civil Affairs Bureau para mag-lunch, pero wala pa ring bakas ng lalaki. Wala pa ring paramdam.Dahil wala nang magawa, tinawagan siya ni Amara. Hindi
Sa sandaling magising si Amara, paulit-ulit na nag-vibrate ang kanyang phone. Ilang bagong messages ang nagpa-light up sa screen—tinanggap na rin sa wakas ni Alyssa ang kanyang friend request kagabi.‘Ate Amara! I finally added you. Naaalala mo pa ba ako?’‘May dried beef sa third compartment sa left side ng balcony. Help yourself! I’ll visit you in a couple of days kapag free na ako.’‘I heard from my brother na you’re getting a divorce… Ate, don’t be sad. Dati ko pa iniisip na hindi okay ’yung Del Castillo guy na ’yun. He almost got into a fatal fight back in school. Palagi lang nililinisan ng family niya ang mga gulo niya.’‘I even saw him dining with that woman, Lysandra, nang higit sa isang beses. A man like that is better off gone!’Matagal na tinitigan ni Amara ang mga mensahe.Hindi niya alam... kahit katiting ng kung sino ba talaga si Lucien noon.Kasalukuyang nag-aaral si Alyssa sa parehong elite private high school na pinasukan noon ni Lucien—isang institusyong kailanman ay
Matapos ang press conference, hindi agad umalis si Theo. Hinatid niya muna si Amara sa hotel para kunin ang mga gamit nito, bago tinulungang lumipat sa isang lugar sa labas ng sentro—mga maliliit na two-story villas na nakatago sa isang tahimik na residential area.Kanina sa tanghalian, ipinakita na niya ang mga larawan ng yunit. Simple lang ang espasyo pero malinis, kaya agad na pumayag si Amara. Wala siyang gaanong luho; basta makatwiran ang renta, sapat na iyon.“Ang nakababata kong kapatid ang pumili ng lugar na ’to,” paliwanag ni Theo habang tumutulong sa pagpasok ng mga gamit. “She insisted on buying a loft-type unit noong uso pa ang mga ’to. Pero matapos ang ilang sandali, nainip siyang tumira mag-isa at bumalik sa campus. Ngayon, pumupunta lang siya rito tuwing holidays… o kapag nag-away kami.”May himig ng pagkapasensyosong ngiti sa kanyang boses.Natawa nang bahagya si Amara. “Theo, thank you for helping me move everything.”Hindi nagtagal ang lalaki. Matapos paalalahanan an
“Ganoon ba?” bulong ni Anabelle, tila ba kinakausap ang sarili.Ang tunay na pag-alis ay madalang na maingay. Hindi ito laging may kasamang sigawan o iyak—kung minsan, dumarating ito nang tahimik, sa paraang tumitigil na ang isang tao sa paglaban para sa kanyang pwesto.At sa pagkakataong ito, tahimik si Amara sa paraang pakiramdam niya ay... hindi pamilyar.Dahil sa press conference kinabukasan, isinama siya ni Anabelle sa mall kanina kahit gabi na at ipinili ng ilang mga kasuotan.Pagkauwi ay agad nagpalit si Amara sa isa sa mga ito, lumabas siya para sa isang fitting.Agad na kumunot ang noo ni Anabelle. “Mali ba ang nakuha kong size? Masyado na itong maluwag sa’yo.”Nakalubog na si Lucien sa hapag-kainan, walang anuman na tumititikim ng pagkain. Nang hindi nag-aangat ng tingin, matabang niyang sinabi, “Hindi naman siya nagpakagutom. Sadyang lumabas siya para magtrabaho.”Matalim ang kanyang mga salita, halos walang pakialam.Hindi nag-react si Amara. Bumaling lang siya kay Anabell







