Compartir

Kabanata 3

Autor: Mrs. Bliss
last update Fecha de publicación: 2026-04-21 14:45:31

Nanatili si Amara nang magdamag sa isang malapit na hotel.

Pagkagising niya kinaumagahan, hinilot niya ang kanyang kumikirot na sentido; mukhang sinumpong siya ng sipon dahil sa mga nangyari kagabi. Akma niyang titingnan ang oras sa kanyang telepono nang makuha ng isang mensahe ang kanyang atensyon.

Miss Navarro, confirmed na ang iyong procedure appointment. Pakitandaan na dalhin ang mga kailangang dokumento sa loob ng pitong araw.

Matapos basahin ang mensahe, itinabi niya ang telepono at muling humiga.

Hinawakan niya ang kaniyang tyan. 

Anak, pasensya ka na kung kailangan ‘tong gawin ni mommy. Napaluha siya sa kaniyang iniisip.

Tinitigan niya ang kanyang walang singsing na daliri, sabay pakawala ng isang mapait na tawa. Isang kakaibang gaan ng loob ang naramdaman niya. Tila ang mga sumpaan nga ang pinaka-hindi mapagkakatiwalaang bagay sa mundo. Walang salitang "habambuhay"—mga bata at hangal lang ang naniniwala sa ganoong kalokohan.

Buzz—

Nanginig ang kanyang telepono. Kumunot ang noo ni Amara nang makita ang caller ID. Sa sumunod na segundo, napabalikwas siya ng upo.

“Hello, Ma? Kumusta? Nasabi na ba ng doctor kung kailan ang surgery mo?”

Bahagyang paos ang boses ng kanyang ina sa kabilang linya.

“Oo. Huwag ka ng mag-alala, ayos na ang lahat dahil kay Lucien. Kaya lang, medyo mapait ang lasa ng mga gamot na iniinom ko nitong mga nakaraang araw, kaya gusto ko sanang kumain ng prutas.”

Kilalang-kilala ni Amara ang kanyang ina at agad niyang naramdaman ang pagkabalisa sa tono nito. Sa totoo lang, anumang operasyon ay may panganib. Matapos ang tawag, mabilis siyang nag-ayos, bumili ng prutas, at nagmamadaling nagtungo sa ospital.

Matatagpuan sa gitna ng lungsod, ang Del Castillo Medical Center ay gumagamit ng fully intelligent system para sa ilaw, temperatura, at iba pang pasilidad. Ang mga ward pa rito ay may mga pribadong viewing balcony.

Habang sumasakay si Amara sa elevator, lumitaw ang mukha ni Lucien sa screen. Bilang isa sa pinaka-prominenteng pigura sa lungsod, madalas siyang itampok sa mga promotional broadcast.

Si Lucien ay isang tanyag na cardiac surgeon sa ating bansa. Ang kanyang proyekto, ang ‘AI-Based Early Cancer Detection System,’ ay matagumpay nang naipatupad sa clinical practice.”

“Ang aking ina ay isang academician ng International Academy of Sciences, at ang aking ama naman ang president ng pinakamalaking pharmaceutical company sa Pilipinas. Sa tulong nila, naipatayo ko ang Del Castillo Medical Center, upang mas mapagsilbihan ang mga pasyente…”

Sa pasilyo, ang pamilyar na amoy ng disinfectant ay tila isang hindi nakikitang harang. Nang buksan ni Amara ang pinto ng ward, nakahiga nang patagilid ang kanyang ina, nakabaluktot sa kama at mukhang lalong nangayayat. Nang marinig ang pagbukas ng pinto, dahan-dahan itong nagmulat ng mata.

“Amara. Nandito ka na.”

Subhetibong pinagaan ni Amara ang kanyang mga hakbang. Pagkapasok na pagkapasok niya, tumingin ang kanyang ina sa likuran niya habang nilalapag niya sa table ang mga dinala at nagtanong ito, “Bakit hindi mo kasama si Lucien?”

Pinilit ni Amara na ngumiti. “He’s in surgery. Sobrang busy niya, Ma.” Iyon din ang palaging idinadahilan ni Lucien.

Pinagmasdan siya ng kanyang ina nang sandali, tila may nararamdamang kakaiba. 

“Nag-away ba kayong dalawa?”

Umiling si Amara at hinaplos ang magulong buhok ng ina. “Hindi po. Sabi niya pupunta siya rito as soon as he has time.”

Ngunit sa ilalim ng nag-aalalang tingin ng kanyang ina, nanikip ang kanyang dibdib. Sa takot na baka bumigay siya at maiyak, agad siyang nagdahilan na huhugasan lang ang mga prutas. Malapit na ang operasyon, at ayaw niyang maapektuhan ang kanyang ina ng sarili niyang emosyon.

Matapos kumalma, lumingon siya—ngunit laking gulat niya nang makita ang isang tao sa labas ng pinto. Ang babae ay may mapupungay na mga mata, maayos na kilay, at isang likas na kagandahan na tila hindi na kinakailangan ng pagsisikap. 

Si Lysandra.

Sa sandaling makita niya ito, agad na pumasok sa isip niya ang natuklasan niya sa kotse kagabi. 

Nagdilim ang kanyang mukha habang lumalapit dito. “Anong ginagawa mo rito?”

Eleganteng humarap si Lysandra, tiningnan siya mula ulo hanggang paa bago nagpakawala ng isang mapang-uyam na ngiti. 

“Lucien is busy, kaya ako muna ang bumisita kay Auntie on his behalf.”

Nagmura sa isip si Amara habang nakakuyom ang mga palad. 

Alam ba ni Lucien ang tungkol sa ugnayan nila? Paano nito nagawang payagan si Lysandra na makita ang kanyang ina? Malamig niyang sinabi, “Hindi ka namin kailangan dito. Umalis ka.”

Lumapit si Lysandra nang may buong kumpyansa, at marahang ipinatong ang kamay sa balikat ni Amara.

“Hindi sa pamilya mo ang ospital na ito. Lucien only arranged your mother’s admission dito dahil sa marriage niyo. I won’t beat around the bush. All these years, substitute lang naman kita sa puso niya. Now that I’m back, kailangan din ng anak ko ng tatay. I hope you’ll be sensible enough na kusa ka nang umalis.”

Kinagat ni Amara ang kanyang labi, tatawag na sana ng security—nang biglang marinig ang nanginginig na boses ng kanyang ina mula sa pintuan.

“Amara… ano ang nangyayari? Tama ba ang nadinig ko?”

Biglang nagbago ang anyo ni Amara. Agad siyang sumugod palapit. “Ma…”

Tumayo sa tabi si Lysandra at bumati nang may pilit na ngiti. “Auntie, hello. Do you remember me? Nagkita na tayo sa funeral ni Papa.”

Agad na naglaho ang kulay sa mukha ng kanyang ina. Humarap ito kay Amara. “Totoo ba ang sinasabi ng babaeng ito?”

Mabilis na umiling si Amara. “Ma, huwag mo siyang pakinggan. Let’s go back inside.”

Biglang humalakhak si Lysandra. “Auntie, inutil lang talaga ang anak mo kaya hindi niya magawang kontrolin ang sarili niyang asawa. Parang ikaw lang noon—’di ba hindi mo rin napanindigan ang asawa mo? Ang isang old failure, nagpalaki lang ng little failure.”

“Tama na!”

Namula ang mga mata ni Amara sa galit. 

Gustong-gusto niyang sugurin ito at punitin ang bibig nito. Ngunit bago pa siya makakilos, biglang bumagsak ang kanyang ina sa kanyang mga braso dahil sa sobrang bugso ng damdamin.

Isang nars na napadaan ang nakapansin sa kaguluhan sa pasilyo at agad na tinulungang madala ang ina sa emergency room. Nakatayo si Amara sa labas, nanginginig sa takot at taranta, tila ba dinala siya pabalik sa araw ng libing ng kanyang ama.

Noon, mahigpit siyang niyakap ng kanyang ina sa mourning hall at umiyak ito nang umiyak hanggang sa lumabo ang paningin. 

Nabawasan ng mahigit sampung kilo ang kanyang ina sa loob lang ng isang buwan matapos ma-diagnose ang kanyang ama ng kanser. At nang dumating si Lysandra at ang ina nito para makiramay, akala ng kanyang ina ay mga kasamahan lang ito sa trabaho na nakikiramay.

Ngunit hindi sila pumunta para magluksa. 

Pumunta sila para makihati sa mana. Sinabi pa nilang may karapatan sa mana ang mga anak sa labas ayon sa batas. Doon lang bumagsak ang katotohanan. May ibang pamilya ang kanyang ama sa labas—at mas matanda pa sa kanya si Lysandra ng isang taon.

Paano nangyari iyon? 

Tulala ang kanyang ina; sa loob ng ilang dekada ay naging mapagmahal silang mag-partner. Hanggang sa naglabas ang kabilang panig ng paternity test, kasama ang mga larawan at video na nagpapatunay ng maraming taon nilang pagsasama.

Naalala ni Amara ang bara sa kanyang lalamunan, ang pagnanais na kaladkarin ang kanyang ama palabas ng kabaong para hingan ng paliwanag. Hinimatay ang kanyang ina sa galit sa mismong lugar na iyon. Ang insidenteng iyon ang naging bangungot sa buhay nilang mag-ina.

At ngayon, sa pinaka-kritikal na sandali, muling sumulpot si Lysandra. Mahina na ang katawan ng kanyang ina—kung may mangyari man na hindi maganda sa kaniyang ina dahil dito…

“Lysandra, anong karapatan mo?!”

Nagmistulang kulay dugo ang mga mata ni Amara. Tuluyan na siyang sumabog at sinampal ito. Ngunit bago pa man tumama nang husto ang kanyang kamay, may pumigil sa kanya. Siya mismo ang marahas na napaatras dahil sa lakas ng paghila.

Kararating lang ni Lucien at nasaksihan ang eksena. Agad niyang kinontrol ang nanginginig na si Amara at malamig na nagsabi, “Amara, don’t go too far. Nadisgrasya na ang binti ni Sandra dahil itinulak mo siya noon. What are you trying to do now?”

Nang marinig ang kanyang boses, hindi na napigilan ni Amara ang kanyang mga luha. Hysterikal niyang hinawakan ang white coat nito.

“Lucien! Alam mong may sakit ang nanay ko! Alam mong anak sa labas ng tatay ko si Lysandra! Pero hinayaan mo pa rin siyang pumunta rito para mambastos!”

Kumunot ang noo ni Lucien. Agad namang nagtago sa likuran niya si Lysandra, mukhang agrabyado.

“Gusto ko lang talagang kumustahin si Auntie. Hindi nga ako pumasok sa ward—kasi ayaw ko siyang ma-disturb. Lucien, you can check the surveillance kung hindi ka naniniwala.”

Muling natigilan si Amara sa sobrang kakapalan ng mukha nito. Hinila niya si Lucien sa isang tabi. “You have to believe me! Siya ang nauna!”

Ngunit malamig lang siyang tinitigan ni Lucien, na tila ba isa lamang siyang hysterikal na babaeng nanggugulo.

“This is a hospital. Kung itutuloy mo ang pagsigaw nang ganyan, ipapalabas kita sa security.”

Natigilan si Amara. Tinitigan niya ito nang hindi makapaniwala. Ang mga mukha na dati ay labis niyang pinapangarap ay naging ganap nang banyaga sa kanya. Dahan-dahan niyang ipinikit ang kanyang mga mata, nilulunok an

g pagod at pagkadismaya sa kanyang dibdib. Pagkatapos, nagpakawala siya ng isang mapait na tawa.

“Lucien… I want a divorce.”

Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App

Último capítulo

  • Love's Final Diagnosis   Free Chapter

    A/N: Dahil nagkamali po ako ng lapag ng chapter, ipa free chapter ko po itong Chapter 31. Chapter 32-33 po kasi ang na update ko at walang Chapter 31. Enedit ko siya at nag double ang Chapter 33. Wala akong idea kung kailan ma approve ang modifications na ’yon. Kaya ito po ang Chapter 31. Pasensya na po.CHAPTER 31Parang lito si Amara. Ano ba ang balak ng lalaking ito? Ano ba ang ibig sabihin nito? Pero malinaw niyang nararamdaman—ang kamay na humahawak sa kanya ay nanginginig, kasing-lamig ng yelo, at tila hindi mapakali. Dahil ba sa nakita siyang hinihiya kaya nagkaroon ito ng kaunting awa sa kanya? Mabilis niyang itinakwil ang isipang iyon. Maraming taon na siyang nagpapakabaliw sa sariling mga hinala. Anumang ekspektasyon na mayroon siya noon ay matagal nang naubos. Anumang katapatan na ibinigay niya ay matagal na niyang binawi. Natutunan niya ang isang mahalagang leksyon sa mahirap na paraan: kung wala kang aasahan, hindi ka mabibigo—at hindi ka masasaktan. Kaya sa hal

  • Love's Final Diagnosis   Kabanata 33

    Nagulat si Amara na sa kabila ng lahat ng nangyari sa pagitan nila kagabi, hindi pa rin umalis si Lucien. Napadako ang tingin niya sa natitirang pork ribs sa loob ng refrigerator. Sa isang maikling sandali, isang katawa-tawang isipan ang pumasok sa kanyang ulo—posible kayang bumalik ito kagabi nang may galit at lihim na ginalaw ang kanyang pagkain? Walang pag-aalinlangan, kinuha niya ang container at itinapon ito sa basurahan. “Achoo!” Isang bahing ang narinig niya mula sa likuran. Hinimas ni Lucien ang kanyang sentido at dahan-dahang naupo. Si Amara ay laging matalas ang pakiramdam pagdating sa lalaki. Noon, mapapansin niya agad kahit ang pinakamaliit na senyales ng sakit at agad ipagluluto ito ng ginger soup—simple, pero laging epektibo sa simula ng sipon. Pero ngayon, umarte siya na tila walang narinig. Kinuha niya ang kanyang bag at naglakad patungo sa pinto. “Don’t you have work in the afternoon?” kumunot ang noo ni Lucien. Hindi man lang siya nilingon ni Amara. Y

  • Love's Final Diagnosis   Kabanata 32

    “Sino’ng nagbigay sa’yo ng karapatang sabihin ’yan?!” Pumiyok ang boses ni Amara sa tindi ng emosyon, ang kanyang mga mata ay nagbabaga sa hindi mapigilang hinanakit at galit. Sa talas ng kanyang tingin, tila ba nanginig maging ang chandelier sa itaas nila. Natigilan nang sandali si Lucien bago tumigas ang kanyang ekspresyon. “Can you not speak like that?” Ngunit tila nawala na sa sarili si Amara. Sinugod niya ito, sinubukang saktan, pero madali lang siyang napigilan ni Lucien. Mahigpit na nakakulong ang kanyang pulso sa kamay nito. “Parent-teacher meeting? Minsan lang siya pumunta sa buong buhay ko,” nanginginig niyang sabi. “And I wish he hadn’t come at all.” Naputol ang kanyang paghinga habang sumusulpot ang mga masasakit na alaala. “Masyado pa akong bata noon… nagsisimula pa lang ang regla ko. I didn’t understand anything… at iniwan niya ako doon nang mag-isa.” Gaya lang ng nangyari ngayong gabi. Iniwan siyang mag-isa para tiisin ang kahihiyan. Ang imahe ng kanyan

  • Love's Final Diagnosis   Kabanata 31

    Parang lito si Amara. Ano ba ang balak ng lalaking ito? Ano ba ang ibig sabihin nito? Pero malinaw niyang nararamdaman—ang kamay na humahawak sa kanya ay nanginginig, kasing-lamig ng yelo, at tila hindi mapakali. Dahil ba sa nakita siyang hinihiya kaya nagkaroon ito ng kaunting awa sa kanya? Mabilis niyang itinakwil ang isipang iyon. Maraming taon na siyang nagpapakabaliw sa sariling mga hinala. Anumang ekspektasyon na mayroon siya noon ay matagal nang naubos. Anumang katapatan na ibinigay niya ay matagal na niyang binawi. Natutunan niya ang isang mahalagang leksyon sa mahirap na paraan: kung wala kang aasahan, hindi ka mabibigo—at hindi ka masasaktan. Kaya sa halip na mag-isip ng kung ano-ano, ang atensyon niya ay bumalik sa pera. Ang one hundred thousand pesos na iyon. Bahagya siyang kumunot ang noo at sinabi, “If you don’t need anything else, babalik na ako doon para kunin ’yung pera.” Pagkatapos ng lahat, tiniis niya ang kahihiyan at ininom ang alak. Hindi naman pwede

  • Love's Final Diagnosis   Kabanata 30

    “Gusto niya ba talaga ng divorce? Who is she trying to scare? Nakalimutan na ba niya ang ginawa niya noon para lang kumapit kay Lucien?” “Masyado ka bang nanonood ng mga drama? This is giving off that cliché ‘love triangle, hard-to-get, tragic romance’ vibe—at mukhang effective naman ang pag-arte mo!” Matagal nang sanay si Amara sa ganitong uri ng panunuya. Nanatili lang siyang nakatayo sa gilid, ang mga labi ay nakakurba sa isang matipid at walang pakialam na ngiti. Para sa kanila, wala siyang ibang silbi kundi maging libangan sa gabing ito. Natural lang na mabilis na nalipat ang paksa ng usapan. Karamihan sa mga nasa silid ay mga dating kaklase ni Lucien sa private school. Habang nagbabalik-tanaw, hindi naiwasang mapunta ang usapan sa kanilang mga araw bilang estudyante. At tuwing mababanggit si Lucien, lalong sumisigla ang kanilang mga boses. Noon, siya ang tinaguriang “young master ng campus”—sikat sa mga babae, sinusunod ng mga lalaki, mailap at walang takot. Kapag masama ang

  • Love's Final Diagnosis   Kabanata 29

    Bumakat ang limang daliri sa pisngi ni Amara. Likas na humakbang pasulong si Lucien—pero natigil siya nang mapadako ang tingin kay Lysandra na nanghihinang nakasandal sa kanya. Nanikip ang kanyang lalamunan. Sa huli, wala siyang sinabi. Agad na isiniksik ni Lysandra ang sarili sa mga bisig ni Lucien, hawak ang dibdib na tila siya ang dehado. Ngunit sa anggulong tanging si Amara lang ang nakakakita, nagpakita ito ng isang mapang-uyam at matagumpay na ngiti. “Wala ka talagang hiya! Lysandra, ano ba talagang balak mo?!” Nang makitang sinalo ni Amara ang sampal para sa kanya, napa-angat ng manggas si Alyssa at akmang susugod para ibalik iyon nang sampung beses, pero mabilis siyang pinigilan ni Amara. Ayaw na niyang lumaki pa ito. Alam na ng lahat—ang ugnayan nina Lucien at Lysandra ay matagal nang isang lantad na lihim. Wala nang saysay na makipagtalo pa rito. Wala siyang pakialam kung masira ang sarili niyang reputasyon, pero tumatanggi siyang idamay ang kaibigan sa gulo. Nang hin

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status