Share

KABANATA 19

Alexena

"Paano? Hindi ko na kayo masasamahan pang bumalik sa opisina at ako ay uuwi na," nakangiting turan ni Tita Emma habang nakatayo kami sa labas ng restaurant at hinihintay ang dalawang sasakyan na ang isa ay maghahatid dito pauwi at ang isa naman ay sa amin ni Mikey papuntang opisina.

Sinserong nginitian ko ito.

Nagulat ako noong lumapit ito sa akin habang nakangiti pa rin at hinaplos-haplos ang buhok ko na para bang inaayos. "I'm so glad talaga na nakita na kita sa personal at nakilala. I'm hoping na mahaba-habang oras na ang susunod nating pagkikita at kuwentuhan. Pero mas masaya sana kung nandito rin si Hero, hano?"

Ang kaninang sinsero kong ngiti ay naging alanganin.

Ang totoo ay nag-e-enjoy ako sa company nito, nakakaaliw itong magkuwento dahil ang kuwela at animated tapos halatang-halata talaga na sabik ito sa anak na babae. Napakagiliw nito sa akin at ang daming kuwento na parang hindi nauubos.

Pero nakakakonsensiya rin at the same time, pakiramdam ko ay niloloko ko ito.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status