Share

KABANATA 21

Alexena

Pasimpleng iginalaw-galaw ko ang paa kong makirot upang malaman kung nananaginip ba ako, nang maramdaman kong muli ang kirot ay napangiwi ako pero hindi pa rin ako nakuntento at ikinurap-kurap ko naman ang mata ko upang malaman naman kung nagha-hallucinate lang ako, ngunit sa sobrang tuwa ko ay hindi naman nawala ang lalaki sa harapan ko.

Totoo ito! Hindi ako nananaginip at hindi ako nagha-hallucinate lang!

"D*mn! Cloud?" naninigurado kong tanong bago tumayo upang lumapit dito.

Halata ang gulat na nakatitig naman ito sa akin.

Nanlalaki pa ang mata na hindi humihiwalay sa mukha ko ang tingin nito at nang tuluyan na akong makalapit dito ay bigla na lang ako nitong niyakap nang mahigpit. "Sh*t! Lexy! My God, ikaw nga! Akala ko ay kahawig mo lang, ikaw pala mismo talaga," natatawang sabi nito.

Pinakawalan na rin naman ako nito kapagkwan at halata ang tuwa sa mata namin pareho noong tinitigan naming muli ang isa't isa.

Na-miss ko ito. Sobra! Ang tagal ko itong hindi nakita.

"Munt
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status