Share

KABANATA 70

Alexena

Pigil na pigil ko ang sarili kong huwag lumingon dahil ayokong makumpirma ang hinala ko.

Dmn it. Paano nito nalaman na nandito ako?

Gumalaw ang anino at naramdaman kong umupo ang may-ari niyon sa tabi ko mismo.

"B-Baby Dela Rama..." basag ang boses na basa ni Mikey sa nakaukit sa lapida.

Napalunok ako at nagbikig ang lalamunan ko.

Hindi ko ito magawang lingunin, natatakot akong makita ang sakit na nakabalatay sa mukha nito.

Oo, deserve nitong malaman ang totoo pero kung masasaktan lang ito, hindi bale na lang na sarilinin ko ang lahat. Kaya ko naman eh, mas nahihirapan kasi ako sa kaalamang nasasaktan ito.

Kung may paraan lang sana para hindi na ito makadama pa ng sakit, walang alinlangan na gagawin ko iyon. I want to save him from pain. Ang hirap kasi sa pakiramdam na wala akong magawa para rito, ang puwede ko lang gawin ay panuorin ito habang nasasaktan.

Nakita kong hinawakan nito ang lapida.

Hindi ko na napigilan ang pagdaloy ng luha ko, lalo na nang idinikit nito ang n
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status