Share

KABANATA 69

Alexena

Kumurap-kurap ako upang mawala ang panlalabo ng mata ko at dali-daling kumilos pabalik papunta sa kuwarto noong marinig ko ang mga yabag ng pinsan ko.

Hindi dapat ako nito makita.

Habol ang hininga ko noong makapasok sa kuwarto at isinarado nang magaan ang pinto. Sumandal ako sandali roon at nang mangawit ay kumilos ako upang umupo sa kama.

Hindi ko naman sinisisi si Mikey sa muntikan ko nang pagkalunod, sa totoo lang hindi naman ito ang may kasalanan kung bakit ako nahulog, dahil hindi naman ito ang nagtulak sa akin kundi si Lucy. Though... may parte na ito ang dahilan kung bakit naging gano'n si Lucy at humantong nga sa pagkakahulog ko sa pool at kamuntikan nang pagkalunod.

Huminga ako nang malalim para mapayapa ang nararamdaman ko. Pinahid ko rin ang pisngi ko na may bahid ng natuyong luha. Lumunok ako at naramdamang muli ang uhaw.

Tumayo ako kapagkwan at pumunta sa CR upang maghilamos, hindi maaaring lumabas ako at makita ng pinsan ko na ganito ang hitsura ko. Ayokong mag-
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status