Share

Kabanata 18

Gisselle

“Medyo maliwanag lang, kasi ’di ba gabi na ngayon? Kaunti lang ang liwanag natin dito. He-he...”

Nag-isang linya ang mga labi nito at tiningnan ako na tila ba nagsasabing ‘Anak ka ng teteng’. Natatawang nagbaba ako ng tingin at hinayaan ito na pumasok muli sa loob ng bahay niya upang kunin ang mga niluto niya.

Pagbalik ng lalaki ay nakapagpalit na ito ng palagi niyang porma na puro itim. Hindi rin mawawala ang sumbrero nitong itim na kahit gabi ay suot-suot niya. Nahihiwagaan tuloy ako kung ano ba ang mayroon sa bumbunan niya at palaging tinatapalan ng sumbrero. Naupo ito sa tapat ko at ngumiti sa akin.

Ngumiti rin ako pabalik dito dahil nasa mood ako ngayon. Binalingan ko ang mga niluto niyang hipon na umuusok pa, pati ang adobong manok na puro hita. Wow!

Tumigil ako at sinundan ng tingin ang lalaki nang salinan niya ng wine

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status