LOGINMay isang buwan pa siyang natitira, at gagamitin ni Haile ang bawat araw para maningil sa kanilang dalawa.
Isang tawag lang ang kinailangan para i-terminate ni Haile ang isang key project na nagkakahalaga ng halos one hundred million. Kung natapos ito, dodoble sana ang net worth ng mga Carnell. Pero may pride siya. Hindi na siya muli magiging babaeng bulag na nagbibigay nang walang hanggan.
KINABUKASAN, nagmamadaling bumalik si Conrad mula sa ibang bansa. Wala na ang mapaglarong aura nito. Galit na galit nitong itinulak ang pinto ng opisina at dinatnan si Haile na kalmadong humihigop ng tsaa, tila walang pakialam sa mundo.
“Bakit hindi mo sinasagot ang phone mo?!” bulyaw nito. “Finalized na ang collaboration kay Mr. Anderson. Tapos mo na ang kalahati ng design drafts. Bakit mo kinansela ang ganito kaimportanteng project nang wala akong permiso?!”
Halos matawa si Haile nang maisip na naabala niya ang bakasyon nito sa ibang bansa. Kaya naman ginamit niya ang isa sa mga paboritong excuse ni Conrad.
“Sorry. Na-lowbat ang phone ko. At saka, hindi maganda ang pakiramdam ko nitong mga nakaraang araw. Masyadong mabigat ang workload, ayaw ko nang i-pressure ang sarili ko.”
Overnight, ang lalaking nasa harap niya…ang lalaking kasama niya mula nung mga bata pa sila hanggang sa maging matagumpay…ay naging isang estranghero sa paningin niya.
So it turns out that in the past, when she was carrying a heavy burden, he really didn't take it seriously.
Gaya ng inaasahan, binalewala ni Conrad ang huling sinabi niya. Madilim pa rin ang mukha nito.
Ngumiti nang bahagya si Haile at dagdag niya sa malumanay na tono, “Hindi ba’t nakakuha ka naman ng mas valuable na overseas project kasama si Miss Amelia Pineda kahapon? Bakit ka pa namomroblema sa bagay na ito?”
Anong overseas project? Malamang ay na sa account na ni Amelia ang pera.
NAPATIGAGAL SI Conrad. Tinitigan niya si Haile, sinusuring mabuti ang mukha nito. Pero kalmado lang ang tingin ng dalaga. Wala nang paghanga, wala nang pagsuyo, wala na ang lambot na dati ay laging nandoon.
Parang may… mali.
Galit lang siya, isip ni Conrad. Nagrerebelde lang.
Linunok niya ang sermon na sasabihin sana niya. Alam niya, higit sa kanino man, na nakadepende pa rin ang kumpanya kay Haile. Ang galing nito sa design at market instinct ay hindi maipagpapalit. Kung wala si Haile, hindi lalago nang ganito kabilis ang Carnell Group.
Inakala niyang nagagalit lang ito dahil sa wedding fund. Kahit padalos-dalos niyang kinuha ang pera dahil sa iyak ni Amelia, konting guilt lang ang nararamdaman niya para kay Haile.
Lumambot ang mukha niya.
“Silly girl,” buntong-hininga niya. “Kung pagod ka, magpahinga ka muna. Don’t push yourself. Mas importante ang kalusugan mo.”
Matapos sabihin ‘yon, eksaktong bumukas ang pinto ng opisina. Pumasok si Amelia na hila-hila ang tatlong taong gulang na anak na si Bidzill.
Masigla at affectionate ang boses nito. “Gusto raw makita ni Bidzill si Uncle Conrad sa work. Nakaabala ba kami?”
Magalang ang mga salita. Pero ang boses at kilos nito, masyadong intimate.
Nang makita ni Conrad ang bata, mas lalong lumambot ang aura niya. Akma na sana siyang lalapit nang magsalita si Haile, na tila nagpatigil sa kanya sa kinatatayuan.
“Hindi naman.” Muling ngumiti si Haile. “I adore Bidzill. Naisip ko nga na gawin siyang flower boy sa wedding namin ni Con.”
Nabitiwan ni Amelia ang poise nito nang marinig ang salitang wedding. Agad itong bumawi at palihim na hinila ang anak.
Biglang sumigaw ang bata, “Ayoko! Unless si Mommy ang pakasalan ni Uncle Conrad!”
Biglang lumamig ang hangin sa paligid.
Napangiti na lang nang pilit si Amelia at pinitik ang ilong ng anak. “Silly boy. Isipin mo muna ang sasabihin mo.”
Nanatiling kalmado si Haile, nakangiti habang kinakausap ang bata.
“Bidzill, tama ang Mommy mo. Hindi mo dapat sinasabi ang mga ganyang bagay. Four years na kaming magkasama ni Uncle Conrad. Alam 'yan ng lahat sa kumpanya. Hindi mo naman gustong sabihin ng mga tao na kabit ang Mommy mo, 'di ba?”
Nagdilim ang mukha ni Conrad. Binigyan niya ng warning look ang bata. Agad na tumahimik si Bidzill, namumula ang mga mata.
Nawala ang ngiti ni Amelia. Kabit? Hindi ba si Haile ang pumagitna sa kanila?
“Amelia, lumabas muna kayo sandali,” utos ni Conrad.
Kinabahan si Amelia, pero nang maalala niya ang fifty million na itinransfer ni Conrad kagabi para patunayan ang loyalty nito, linunok na lang niya ang inis at lumabas.
Nang silang dalawa na lang ang natira, nakaramdam ng kaba si Conrad. Siya na ang bumasag sa katahimikan.
“Haile, matagal na tayong hindi nagka-candlelight dinner. Let’s go tonight.”
May inihanda pa siyang regalo. Sa tingin niya, madaling amuin si Haile. Pera at materyal na bagay lang, okay na 'to. Wala naman itong pamilya o kaibigan—siya lang ang meron ito.
Kung hindi, bakit ito magtitiyaga ng maraming taon sa tabi niya?
“Kung may gusto ka pa,” dagdag niya. “Money is fine too.”
NATAWA ANG DALAGA.
“Marami akong gusto.”
At babawiin niya ang lahat—isa-isa.
“Sige. Magpahinga ka muna. Then focus on wrapping up the Anderson Group project. Sasamahan kita mamayang gabi para makapag-relax ka.”
Eksaktong may nag-pop up na message sa phone ni Haile.
[From +63 9*******68: Miss Montinola, si Mr. Tampil ito. Mr. Rockwell has learned of the Montinola family's intention to arrange a marriage and cordially invites you to dinner tonight at Room A01 of the Montclair Royale Hotel.]
Agad niyang ini-off ang phone at tumayo.
“May importante akong meeting mamayang gabi. Kapag naayos na 'to, saka tayo mag-usap tungkol sa ibang bagay.”
INAKALA NI Conrad na client ng kumpanya ang kakatagpuin nito. Nakahinga siya ng maluwag dahil hindi na nabanggit ang tungkol sa wedding fund.
“Sige. Next time na lang tayo mag-dinner. Work comes first,” aniya. “Hindi na kita ihahatid. I wish you success.”
Tumingin lang si Haile sa kanya. Perfunctory words. Hindi man lang nagawang magpanggap na nag-aalala si Conrad.
Pagkaalis ni Haile, bumalik si Amelia na luhaan ang mga mata.
“Conrad, alam mo ba kung gaano kasakit nung tinawag niya akong kabit? Nagdalawang isip ka pa bago mo ako ipagtanggol. Mas mahalaga ba ang nararamdaman ni Haile kaysa sa akin?”
Buntong-hininga ni Conrad at hinalikan ito. “Huwag mo nang isipin 'yun. Nangako ako na pananagutan ko kayo ni Bidzill. Hindi ko siya pakakasalan. Marami lang key staff ang under sa kanya. Kapag ginawa nating pangit ang breakup, masisira ang reputasyon ng Carnell Group.”
Lalong naiyak si Amelia.
“Para sa inyo ni Bidzill, tinanggihan ko ang arranged marriage ng family ko. Hindi man ako naghirap kasama mo gaya ni Haile pero binigyan naman kita ng anak. Hindi pa ba proof 'yun ng love ko? Ngayong President Conrad Carnell ka na, hindi na tayo haharangin ng mga Pineda.” She looked up at him. “Bibiguin mo ba ako?”
Lumambot ang puso ni Conrad. Noong college, nung wala pa siyang kahit ano, si Amelia ang tahimik na sumusuporta sa kanya at nagbibigay ng lakas ng loob. She would always be his first love. Or maybe his greatest love.
“Hinding-hindi kita bibiguin,” pangako niya habang yakap ang dalaga. “Bigyan mo lang ako ng oras. Kapag natapos na ni Haile ang Anderson Group project at stable na ang market value natin, kapag nakapasok na tayo sa Alta Sociedad, makikipag-break na ako sa kanya at pakakasalan kita.”
--
MONTCLAIR ROYALE HOTEL
Sa tapat ng bintanang overlooking ang Pampanga, sa ilalim ng malamlam na ilaw, may isang lalaking parang estatwa sa perpekto ng tindig.
Ang dark gray suit nito ay hapit sa malapad na balikat; ang tailored cuffs ay nagpapakita ng maputing pulso. Nang marinig ang mga yabag, tamad nitong iniangat ang paningin.
Sa likod ng gold-rimmed glasses ay ang matatalas na mga mata—madilim, malamig, at tila nakakabasa ng kaluluwa. When his gaze falls on a person, it carries a subtle scrutiny, as if he can easily see through everything, yet lazily refrain from pointing it out.
Tumutugtog ang soft jazz habang ang mahahabang daliri nito ay tinitingnan ang menu. Ang presensya niya ay puno ng awtoridad—hindi pilit, kundi likas na kapangyarihan.
NAGPALIT SI Haile ng isang champagne silk dress. For a moment, muntik na niyang malimutan kung ano ang itsura niya. Lagi kasi siyang pinupuna ni Conrad na masyadong ‘plain’.
Ngayon, sa tulong ng light makeup at nakapusod na buhok na nagpapakita ng kanyang slender neck, kitang-kita ang pagiging Alta Sociedad niya.
“Mr. Rockwell,” magalang na sabi ng waiter. “Nandito na po si Miss Montinola.”
Napatigas ang katawan ni Haile.Nauutal siyang sumagot. “Sino—sinong nagsabing tinitignan kita?”Agad siyang bumawi at nagtanong, “Bakit mo ba ako hinahanap nang ganitong oras?”Calm na sumagot si Hudson Miller, “To discuss our engagement.”Dahil sa indifference niya, lalong kinabahan si Haile. Nag-echo sa isip niya ang sinabi ni Miranda kanina.Kung hindi dahil sa balak nitong bawiin ang engagement, bakit siya pupunta rito ng madaling araw?Huminga siya nang malalim, itinaas ang kanyang baba, at matapang na nagsalita.“Lilinawin ko lang—kung nandito ka para bawiin ang lahat, it’s too late. Hinding-hindi ko ibabalik ang singsing na binigay mo. Mr. Miller, paano mo nagagawang bawiin ang salita mo?”Napatalon sa gulat ang driver sa harap. Sa buong syoda, iilan lang ang may lakas ng loob na pagsalitaan si Mr. Miller nang ganoon.Bahagyang lumingon si Hudson. Isang tipid na ngiti ang dumaan sa mga labi niya.“Are you afraid I’ll break the agreement?”Seryosong tumango si Haile. “A person
Biglang napatayo si Conrad. Hindi siya makapaniwala sa nabalitaan.“Humanap kayo ng paraan para ma-stabilize ang kabilang panig. Sabihin niyo, pagod lang si Miss Montinola at kailangan ng pahinga. Tell them she’ll explain everything later. Pakiusapan niyo silang huwag i-give up ang Carnell family.”Hindi na niya tinignan si Amelia na halos mawala na sa paningin niya. Agad niyang dinial ang number ni Haile. He needed answers. Now.Pero ang tanging sumalubong sa kanya ay ang malamig na boses ng operator: The phone you are calling is power off.Isang matinding inis ang sumiklab sa dibdib niya. He felt restless. Irritable.Hindi niya maisip kung paanong ang babaeng dati ay sunod-sunuran at napakalambing ay biglang magiging ganito.He didn’t believe it. Koa Haile Montinola had no one. Isang probinsyana lang siya—kung iiwan niya ang Pampanga, saan siya pupunta? Pulubi siya sa kalsada.Dahil sa isiping iyon, medyo kumalma si Conrad. Inisip niya na kailangan lang amuhin si Haile.Masyado yata
NAPANGUSO SI Bidzill at nagtago sa mga bisig ni Amelia habang ang mukha ay parang inaagrabyado. “Mom, hindi ko kilala ang lola na 'yan… nakakatakot siya.”Hinaplos ni Amelia ang likod ng bata para patahanin ito, saka tumingin kay Talia. “Tita, bakit niyo naman nasasabi ang mga bagay na 'yan?” malumanay niyang sabi. “Noon, napilitan kaming maghiwalay ni Conrad dahil sa pressure niyo at ng mga Pineda. 'Yun pa lang, proof na wala akong choice. Bumalik lang ako dahil lumaki na ang anak ko at hinahanap na niya ang daddy niya.” Yumuko siya at ngumiti nang mapait sa bata. “Tingnan niyo ang kilay at mata ni Bidzill, hindi ba’t kamukhang-kamukha ni Conrad?”Sumandal si Talia at nagpakawala ng isang misteryosong tawa. Kalmado ang mukha nito, pero matalas at hindi kumbinsido ang mga mata. “Kamukha?” malamig nitong sambit. “Children haven’t fully grown yet. Sa ganyang edad, pwedeng maging kamukha niyan kahit sino. Marami na akong naranasan sa buhay. Nababasa ko ang iniisip ng mga kabataan. You
NAGLABAS SI Conrad ng isang velvet box na inihanda nito nang maaga. Sa loob nito ay isang elaborately designed na pink tassel skirt.Isang beses lang itong sinulyapan ng dalaga bago nagsalita na para bang tinatamad. “Hindi ko gusto ang kulay na 'yan. Ibalik mo na.”Napakatagal na nilang magkasama, pero hanggang ngayon, hindi pa rin alam ni Conrad na ayaw na ayaw ni Haile ng maliliwanag na kulay. Hindi rin nito alam kung anong klaseng style ang laman ng wardrobe niya.Ha! Ang dress na 'to, mukhang mas bagay sa taste ni Amelia. Mukhang nilahat na ni Conrad ang mga babae—na lahat sila ay mahilig manamit nang ganito.Kahit si Hudson Miller na isang beses pa lang niyang nakakausap, mas nakuha pa ang aesthetic preferences niya kaysa kay Conrad. Talagang mapaglaro ang tadhana, laging ipinapaalala sa kanya sa mga maling pagkakataon kung gaano ka-absurd ang relasyong ito na ‘destined’ daw pero hindi naman talaga para sa isa't isa.Kumunot ang noo ni Conrad habang tinititigan ang reaksyon niya,
“IT’S BEEN A WHILE.”Bahagyang kumurba ang mga labi ng binata, pero hindi umabot ang ngiti nito sa mga mata. Mababa at kalmado rin ang boses.Napatigil si Haile, bakas ang gulat. “Have we met… before?”Siyempre, kilala niya ito. Sa Manila, sinong hindi nakakakilala sa nag-iisang heir ng mga Miller? Assets worth hundreds of billions, plus talent at looks na talagang outstanding. Pero higit sa lahat, kilala ito sa pagiging malamig at tila walang pakialam sa mundo. Sa business man o private life, ang mundo ang umiikot lang sa binata—hindi ito ang sumusunod sa iba.That’s Meleck Hudson Miller.Pero kung kilala siya nito, ibang usapan na 'yun.Nanatili ang tingin nito sa mukha niya. Direkta at walang paliguy-ligoy, dahilan para mailang si Haile. 'Yung mga mata nito, parang binabasa ang bawat iniisip niya. Bumilis ang tibok ng puso ng dalaga at nag-iwas ng tingin. ‘Bakit siya nakatitig nang ganyan? May dumi ba sa mukha ko?’Hindi sumagot si Hudson. Sa halip, marahan nitong itinulak ang isa
May isang buwan pa siyang natitira, at gagamitin ni Haile ang bawat araw para maningil sa kanilang dalawa.Isang tawag lang ang kinailangan para i-terminate ni Haile ang isang key project na nagkakahalaga ng halos one hundred million. Kung natapos ito, dodoble sana ang net worth ng mga Carnell. Pero may pride siya. Hindi na siya muli magiging babaeng bulag na nagbibigay nang walang hanggan.KINABUKASAN, nagmamadaling bumalik si Conrad mula sa ibang bansa. Wala na ang mapaglarong aura nito. Galit na galit nitong itinulak ang pinto ng opisina at dinatnan si Haile na kalmadong humihigop ng tsaa, tila walang pakialam sa mundo.“Bakit hindi mo sinasagot ang phone mo?!” bulyaw nito. “Finalized na ang collaboration kay Mr. Anderson. Tapos mo na ang kalahati ng design drafts. Bakit mo kinansela ang ganito kaimportanteng project nang wala akong permiso?!”Halos matawa si Haile nang maisip na naabala niya ang bakasyon nito sa ibang bansa. Kaya naman ginamit niya ang isa sa mga paboritong excuse







