Mag-log in“IT’S BEEN A WHILE.”
Bahagyang kumurba ang mga labi ng binata, pero hindi umabot ang ngiti nito sa mga mata. Mababa at kalmado rin ang boses.
Napatigil si Haile, bakas ang gulat. “Have we met… before?”
Siyempre, kilala niya ito. Sa Manila, sinong hindi nakakakilala sa nag-iisang heir ng mga Miller? Assets worth hundreds of billions, plus talent at looks na talagang outstanding. Pero higit sa lahat, kilala ito sa pagiging malamig at tila walang pakialam sa mundo. Sa business man o private life, ang mundo ang umiikot lang sa binata—hindi ito ang sumusunod sa iba.
That’s Meleck Hudson Miller.
Pero kung kilala siya nito, ibang usapan na 'yun.
Nanatili ang tingin nito sa mukha niya. Direkta at walang paliguy-ligoy, dahilan para mailang si Haile. 'Yung mga mata nito, parang binabasa ang bawat iniisip niya. Bumilis ang tibok ng puso ng dalaga at nag-iwas ng tingin.
‘Bakit siya nakatitig nang ganyan? May dumi ba sa mukha ko?’
Hindi sumagot si Hudson. Sa halip, marahan nitong itinulak ang isang dark red velvet box palapit sa dalaga.
“Ano 'to?” she asked
Sa box pa lang, malalaman mo na kaagad na hindi ito basta-basta. Isang singsing? Regalo?
Binuksan niya ito.
Sa loob ay may diamond na kasinglaki ng itlog ng pugo, at may pambihirang bluish-green hue ang kislap nito.
Natigilan ang dalaga.
In all these years together, Conrad had never given her a ring, pero ang lalaking nasa harap niya, kaswal lang na naglapag ng isang bagay na hindi matatawaran ang halaga.
Hudson rested his chin on one hand, his movements languid and relaxed. His gaze lingered on her face for a moment, then he frowned slightly.
“Hindi mo nagustuhan?” he asked casually.
Damn. Even his accent in Tagalog sounds so fine!
Nagising si Haile mula sa pagkakatulala. “Thank you, Mr. Miller. Pero paano niyo nalaman na… gusto ko ang kulay na 'to?”
Masyadong rare ang bluish-green tone. Kahit siya na isang designer, hirap itong i-reproduce nang eksakto.
Ibinaba ng binata ang paningin. Ang mahahaba nitong pilik-mata ay nag-cast ng anino habang nilalaro ng mga daliri nito ang tasa ng kape.
"I just picked it randomly."
Coincidence lang?
Nag-hesitate si Haile, pero wala naman siyang rason para pagdudahan ito. Bago pa siya makapagtanong ulit, maayos na iniba ni Hudson ang usapan.
"Back when the Miller and Montinola families were at their closest, I heard that you refused the marriage proposal,” malamig nitong sambit.
“I’m sorry,” agad na sagot ni Haile. “Hindi ko pa napag-isipan nang mabuti ang lahat noon.”
Maraming taon na ang lumipas, pero hanggang ngayon, wala pa ring pinipiling iba si Hudson.
Kung alam lang sana ni Haile kung paano siya lolokohin ni Conrad, mas pipiliin pa niyang magpakasal sa kapwa niya mayaman kahit walang pag-ibig, kaysa itaya ang lahat sa isang relasyong marupok. Sa isang relasyong siya lang naman ang bumibitbit.
“Pagbalik ko sa Montinola family,” kalmadong sabi ni Haile. “Ako na ang hahawak sa business. Confident ako na magbe-benefit ang dalawang pamilya. After marriage, hindi ako makikialam sa mga affairs mo—basta huwag lang itong makakarating sa publiko.”
The implication was that she wouldn't care what happened to him outside.
Matapos ang naranasan niya kay Conrad, hindi na siya naniniwala sa fidelity ng mga lalaki. At kung ang mga ordinaryong lalaki nga ay hindi mapagkakatiwalaan, paano pa ang isang Hudson Miller?
“Pero bakit ka pumayag na magpakasal ulit?” mahina niyang tanong. “'Yun ang hindi ko maintindihan.”
Sa status nito, bakit babalikan pa nito babaeng tumanggi sa kanya noon?
Nakikinig lang si Hudson. Parang nababasa nito ang nasa isip niya kaya tumingin ito sa malayo. Ang boses nito ay naging mas malamig.
“Your grandfather saved my life and expressed his wish for this marriage. I’ve reached the age where I should settle down. I’ll fulfill my responsibilities as a husband.” Pagkatapos, parang nainis ito sa mga insinuations ni Haile kaya bahagyang tumigas ang tono nito. “As for extramarital affairs—masyado kang advance mag-isip.”
Napagat-labi si Haile. Naalala niya bigla noong bata pa siya, may dinalang aloof na batang lalaki ang lolo niya sa bahay nila. Palihim niya itong pinapanood noon. Nalaman lang niya na isang Miller pala ito noong nakaalis na ang bata.
“So…” bulong ni Haile. “I’m just a suitable choice. Plus, ang utang na loob mo sa lolo ko.”
Hindi ito itinanggi ni Hudson.
A loveless marriage. Very much his style.
Tumango si Haile. Naalala niya ang mga tsismis noon na may ‘first love’ daw si Hudson na hindi nito nakuha. Siguro 'yun ang rason kung bakit wala na itong pakialam ngayon.
Sa aspetong 'yun, pareho lang pala sila.
“Next month,” sambit ng dalaga. “Ipapa-announce ko na sa National media ang engagement.”
“Next month?” Bahagyang nag-angat ng tingin ang binata, tila natutuwa. “You could announce it now if you wanted to.”
Umiling si Haile. “Next month is fine.”
Natapos ang dinner nang maayos. Distant pero polite si Hudson. Bawat salita, kontrolado. Ganoon naman talaga ang first meetings. Kung magiging close ba sila sa future, malabong mangyari 'yun.
Bago maghiwalay, sumulyap si Hudson sa kanyang assistant at sumakay na sa sasakyan.
Lumapit si Mr. Tampil, ang assistant ni Hudson Miller. “Miss Montinola, ako na po ang maghahatid sa inyo.”
“No need,” magalang na sagot ni Haile. “Kaya ko na ang sarili ko.”
Courtesy na rin 'yung pagpunta ng binata galing Manila para lang makipagkita sa kanya.
Ngumiti si Mr. Tampil at binuksan ang pinto ng kotse. “Mr. Miller has never allowed his female companions to return alone. Please understand.”
Bago pa man makasagot si Haile, bumaba ang bintana ng kotse. Lumitaw ang mukha ni Hudson—handsome, restrained, at ang tingin na nakakapanginig ng tuhod.
“Get in.”
Sa ilalim ng titig na 'yun, napasunod ang dalaga nang walang reklamo.
Tahimik ang buong byahe. Pinagmamasdan ni Haile ang mga ilaw ng lungsod bago ipinikit ang mga mata para magpahinga.
Ngunit binasag ng malamig na boses ng binata ang nakakabinging katahimkang ‘yon.
“I don’t give gifts to just any woman.”
Maging ang driver ay napatingin sa rearview mirror.
Tumingin si Haile sa binata. Ang mga daliri ni Hudson ay relax lang sa tuhod nito, walang mababasang emosyon habang nakatingin sa labas. Cold. Reserved.
Imahinasyon lang ba niya, o may halong pagkailang ang boses nito?
Doon lang napagtanto ng dalaga—nagpapaliwanag pala ang lalaki.
Hindi naman niya binigyan ng malisya ang regalo, pero siguro ayaw lang nito ng tsismis.
“I understand,” mahina niyang sagot.
And the silence filled the car once again.
--
CARNELL FAMILY VILLA
Akala ni Haile ay tulog na si Conrad, hanggang sa makita niya itong nakatayo sa balcony sa second floor.
Pagkababa ni Haile sa luxury car na may bihirang 888 license plate, agad na nakapako ang tingin ni Conrad sa kanya. Hindi man lang nito napansin ang plate number dahil nakatitig lang ito sa pigura ni Haile.
Nang makita nito nang malinaw ang mukha dalaga, bakas ang gulat sa mga mata ni Conrad. For a moment, akala niya ay namamalik-mata lang siya.
Ito ang babaeng hindi niya kailanman binigyan ng atensyon noon.
Patakbong bumaba si Conrad pagkapasok na pagkapasok ni Haile.
“Haile, bakit ngayon ka lang?”
Tumigil si Haile habang tinatanggal ang heels. Malamig ang ekspresyon nito sa mukha. “Mas maaga pa nga 'to kaysa dati.”
Natahimik si Conrad.
Paano nga ba niya malalaman ang usual hours ni Haile? Ngayon lang naman niya ito hinintay.
Nanatili ang tingin niya sa mukha ng dalaga. “Anong klaseng client ba ang kailangan mong pormahan nang ganyan?”
“Kaibigan,” sagot ni Haile. “Nag-usap lang kami sandali.”
Nairita si Conrad sa lamig ng pakikitungo nito. Yung kotseng naghatid dito, ‘yung plaka…paano ito nakakakilala ng mga ganoong tao?
“Lalaki o babae?”
Tumayo nang maayos si Haile at tinitigan siya sa mata. “Parang masyado kang concerned ngayong gabi, Conrad Carnell. Dati naman, wala kang pakialam.”
Something complicated flashed across his face. His tone softened.
“Haile, masyado lang akong naging busy nitong mga nakaraang buwan. I didn’t pay much attention. Nagtatanong lang naman ako ngayon.”
Dapat ay para sa candlelight dinner nila ang gabing ito. Hindi naintindihan ni Conrad kung bakit…kahit alam niyang hindi darating si Haile…ay naghintay pa rin siya.
Sa Pampanga, tuluyan nang gumuho ang buhay ni Amelia.Tahimik na natapos ang divorce nila ni Conrad, na nag-iwan sa kanya na lanta at wasak. Lumipat siya palabas ng Carnell family villa—ang simbolo ng dati niyang pagkatao bilang Mrs. Carnell—patungo sa isang maliit na apartment sa dulo ng lungsod. Ang kanyang anak ay nasa pangangalaga na ni Kyle, at ang kanyang ex-husband ay tinalikuran siya nang walang pag-aalinlangan para sa kapakanan ng negosyo. Walang maibigay na kalinga ang pamilya Pineda. Ang kanyang buhay ay tila hindi na mabubuo pa.Sa gitna ng desperasyong ito, isang hindi kilalang numero ang tumatawag. Kinabahan si Amelia. Si Kyle ba ’to? Para kumustahin ang kanyang tuluyang pagbagsak?Nanginginig ang kanyang mga daliri nang sagutin ito, paos ang boses: “...Sino ’to?”Isang kalmado at hindi pamilyar na boses ng babae ang sumagot.“Miss Amelia?”“Oo… Sino ’to?” tanong ni Amelia, bakas ang kaba sa kanyang tono.“Perez ang apelyido ko. Mula ako sa pamilya Miller sa BGC,” kalma
Ang balita ng pormal na pagiging-isa nina Hudson at Haile ay gumuhit sa mansyon ng pamilya Miller na parang mga alon sa ilalim ng isang tila kalmadong dagat.Sa ibabaw, nanaig ang pagkakasundo. Ang mga matatanda ay nagpahayag ng kagalakan, ang mga kapantay ay nag-abot ng pagbati. Ngunit sa likod ng pulidong façade, ang mga emosyon ay mas masalimuot. Ang iba ay natutuwa: sa wakas, isang may kakayahan, elegante, at makapangyarihang babae ang napangasawa ng isang Hudson—isang matatag na alyansa.Ngunit ang iba—lalo na ang mga nasugatan ang pride o ang mga nanganganib ang ambisyon—ay nakaramdam ng hinanakit at pagkabalisa.Sa isang tahimik na sulok ng courtyard ng pamilya Miller, nagngangalit sa galit si Arlene, ang ina ni Myle.Nawalan ng kakayahang magkaanak si Arlene sa isang aksidente noon at itinuring na parang kayamanan ang inampon niyang si Myle. Ang kanyang anak ang nagsisilbing kanyang pride, pag-asa, at tungtungan sa hierarchy ng pamilya Miller. Ngayon, tila nanganganib ang posi
Ang isip ni Conrad ay isang ipo-ipo ng gulo—puno ng pagkadismaya.“Hindi… hindi maaari… galit lang siya sa akin! Siguradong…”Bulong niya sa sarili, sinusubukang kumbinsihin ang sarili niyang puso.Desididong malaman ang katotohanan, tumakbo siya sa gilid ng kalsada at pumara ng taxi.“Bilisan mo! Sundan mo ’yung itim na Rolls-Royce! License plate 8888!”Sinulyapan ng driver ang kotse, si Conrad, at ang plaka. Nanlaki ang mga mata nito sa hindi makapaniwala. “Seryoso ka ba, sir?”Pinilit siya ni Conrad gamit ang dagdag na cash. Atubiling sumunod ang driver.Pero ang BGC sa gabi ay hindi lugar para buntutan ang ganoong klaseng luxury car. Habang sumasabay ang taxi sa traffic, dalawang malalaking off-road vehicle ang biglang pumuwesto sa magkabilang gilid nila, iniipit sila sa gitna ng kalsada.“Sir… sino bang kinalaban mo?” bulong ng driver, puno ng takot.Bago pa makareact si Conrad, ang nangungunang off-road vehicle ay dahan-dahang humarang sa harap ng taxi, pinipilit itong bumagal.
Ang atmospera sa reunion ay naging buhay—at tensyado para kay Conrad.Isang mayamang kaklase, na may suot na mamahaling watch, ang tumingin sa kanya mula ulo hanggang paa nang may mapang-uyas na kuryosidad:“Teka! Naguguluhan kami. Kung hindi si Amelia… sino ang fiancée mo?”Bahagya niyang itinuro ang kamay kay Haile, na kalmadong nakaupo sa tabi ng bintana. “Si Haile ’yun? Nagbibiro ka ba?”Ang hirit na iyon ay nagdulot ng mga ngisi at bulungan mula sa iba na nakakaalam na si Haile ay naging isang mahalagang tao na sa BGC. Isang kaklaseng may suot na gold-rimmed glasses ang matalim na sumingit:“Classmate, seryoso? Hindi ba kayo ni Amelia ang sobrang nagmamahalan noon na sabay pang umuwi pagkatapos ng graduation? At ngayong wala na siya sa eksena, susubukan mong dumikit kay…Haile? Nagbibiro ka ba?”Sumunod ang iba pang pang-uuyas, puno ng panghahamak, kinukutya ang kanyang mga pinagdaanan sa Pampanga.Naramdaman ni Conrad ang pamumutla ng kanyang mukha. Halo-halong galit, kahihiyan
Kinabukasan, nakatanggap si Haile ng imbitasyon mula kay Kyle para sa isang alumni gathering. Noong una, balak niya itong tanggihan—hindi niya gusto ang mga kaganapang naghahalo ang personal na emosyon sa mga utilitarian na layunin.Pero ang sumunod na message ni Kyle ang nakakuha ng kanyang atensyon: "Interesado ang ilang mahahalagang tao sa mga bagong overseas channels ng pamilya Montinola. Mga alumni sila ng Pampanga University at dito sa BGC, at hindi masamang makipagkilala sa kanila. At tsaka… may kaunting ‘magandang palabas’ na mapapanood—bagay na baka makuha ang interes mo."Tumigil ang mga daliri ni Haile sa kanyang phone. Alam niyang ang “magandang palabas” na tinutukoy nito ay malamig na patungkol kay Conrad o Amelia. Nanaig ang kanyang kuryosidad, bagaman ipinaalala niya sa sarili na hindi siya tau-tauhan sa plano ng iba. Sumagot siya nang simple: “oras at lugar.”Ang venue ay isang top-floor, highly private restaurant na overlooking sa BGC. Nang dumating si Haile, ang mal
Agad na lumitaw ang reply ni Kyle matapos isend ni Conrad ang kanyang message:Mag-apply kayo ni Amelia ng divorce certificate. Kapag tapos na ang procedure—mag-send ka ng litrato. Ilalabas ko agad ang pondo, at dadalhin kita sa circle dito sa BGC para makabuo ka ng connections. Gawin mo ang ipinangako mo. Regalo ko ito sa hirap mo sa pag-aalaga sa anak ko.Puno ng panghahamak, direkta, at diktador—walang puwang para sa negosasyon. Ito ang lifeline na kailangan ni Conrad, kaya nagngangalit ang kanyang mga ngipin habang tinatanggap ito: Deal.Pagbalik sa Carnell residence, sumabog ang iyak at histerya ni Amelia...“Divorce?! Conrad! Nababaliw ka na ba?! Para lang sa maliit na halaga ng pera, ididivorce mo ako?! Peke ba ang relasyon natin? Si Bidzill?! Lahat ng binuo natin—peke?!”Kinalos niya ito, ang mukha ay basang-basa ng luha.Si Conrad, na pagod na pagod at naging manhid na, ay hinawakan ang kanyang mga kamay at malamig na nagsalita. “Amelia, mula nung sinimulan mo ang relasyong i







