LOGINNAGLABAS SI Conrad ng isang velvet box na inihanda nito nang maaga. Sa loob nito ay isang elaborately designed na pink tassel skirt.
Isang beses lang itong sinulyapan ng dalaga bago nagsalita na para bang tinatamad. “Hindi ko gusto ang kulay na 'yan. Ibalik mo na.”
Napakatagal na nilang magkasama, pero hanggang ngayon, hindi pa rin alam ni Conrad na ayaw na ayaw ni Haile ng maliliwanag na kulay. Hindi rin nito alam kung anong klaseng style ang laman ng wardrobe niya.
Ha! Ang dress na 'to, mukhang mas bagay sa taste ni Amelia. Mukhang nilahat na ni Conrad ang mga babae—na lahat sila ay mahilig manamit nang ganito.
Kahit si Hudson Miller na isang beses pa lang niyang nakakausap, mas nakuha pa ang aesthetic preferences niya kaysa kay Conrad. Talagang mapaglaro ang tadhana, laging ipinapaalala sa kanya sa mga maling pagkakataon kung gaano ka-absurd ang relasyong ito na ‘destined’ daw pero hindi naman talaga para sa isa't isa.
Kumunot ang noo ni Conrad habang tinititigan ang reaksyon niya, sinusubukan kung talagang ayaw niya sa regalo o nag-iinarte lang. Dati kasi, kahit ang pinakamura at pinakasimpleng regalo ng binata ay nagpapaningning na sa mga mata ni Haile na parang bata.
‘Hayaan mo na,’ isip ni Conrad. ‘Nagpapapansin lang si Haile para mas mahalin ko siya. Lahat naman ng babae, ganyan.’
“Sige,” sabi ng binata pagkaraan ng ilang sandali. “Birthday mo naman na sa susunod na mga araw. Babawi na lang ako sa naudlot nating dinner ngayon. For your gift…anong gusto mo?”
Dahil nag-offer na rin lang ito, hindi na nag-atubili si Haile.
“Hindi ko kailangan ng birthday gift,” kalmado niyang sabi. “Dahil nagastos mo na ang pera para sa kasal natin nang hindi nagpapaalam sa akin, hindi naman siguro unreasonable kung hihingin ko ang lumang villa sa dating residence ng mga Carnell, 'di ba?”
Nakasama na niya ang nanay ni Conrad na si Talia nang bisitahin nila ang bahay na 'yun noon. Napakataas ng market value nito at ang location ay walang kapantay sa Pampanga.
Higit sa lahat, malapit lang ito sa Manila, sampung minutong drive lang. Madalas na siyang bumiyahe roon ngayon para sa personal na mga lakad. Having a temporary place to stay would make things convenient and allow her to escape Conrad’s sight for a while, giving her some peace and quiet.
Halatang nagulat ang binata at nagsalubong ang mga kilay nito. “Pero doon nakatira si Mama ngayon. Hindi naman natin siya pwedeng palipatin na lang basta sa ibang bahay.”
Nanatiling kalmado ang tono ni Haile.
“Pwede nating patuluyin si Tita rito nang ilang araw. After that, hahanapan natin siya ng place sa city center bago siya lumipat,” aniya.
Nang makitang nag-aalangan pa rin si Conrad, biglang lumamig ang ekspresyon ni Haile. “Kung ayaw mo,” matabang niyang sabi. “Forget it.”
Nakakatawa man, pero umaasa pa rin siya ng konti…na baka susubukan ni Conrad na bumawi.
Nang makita ang lamig sa mga mata niya, kinabahan si Conrad. Biglang lumabas sa bibig nito ang mga salitang hindi na nito napag-isipan. “Sige, sige. Pangako, ibibigay ko.”
Sa pagkakataong ito, si Haile naman ang tunay na nagulat.
Hindi niya inakalang papayag agad ito.
Nang makitang lumambot ang mukha ni Haile, nakahinga nang maluwag si Conrad. Sa tuwing malungkot si Haile, hindi nito maipaliwanag kung bakit naaapektuhan din ang mood niya.
Sa dami ng taon nilang magkasama, paanong mawawalan siya ng nararamdaman para rito?
Sa kabilang banda, naisip nito na baka magandang idea na rin na patuluyin ang nanay niya rito. Pwede itong maging test, para makita ang ugali ng ina kay Amelia. Kung madalas bibisita si Amelia, baka mas maging maayos ang lahat. At saka, bilib naman ang nanay niya kay Haile, samantalang dati ay hindi nito masyadong gusto si Amelia.
Haile returned to her room and examined the diamond ring Hudson had given her. She thought it was really beautiful, so she put it on. The size was just right, making her fingers look even more beautiful.
“Pretty…” she whispered.
--
FEW DAYS LATER…
Habang nagmamaneho pauwi galing sa shopping, dumaan si Haile sa tapat ng kumpanya at saktong nakasalubong si Amelia sa baba. Bago pa man siya malabas ng sasakyan, narinig na niyang mahinang nakikipag-usap si Amelia sa phone.
The car was heavily tinted. Siguro ay hindi siya nito nakita.
“Con, hindi mo ba pwedeng bawasan ang pagiging busy bukas? Nangako kang magdi-dinner tayo ngayon. Kanina pa kami naghihintay ni Bidzill. Gusto lang naman ng anak mo na makasama ang daddy niya.”
Nitong mga nakaraang araw, sinadyang mag-leave ni Haile gamit ang dahilan na hindi maganda ang pakiramdam, kaya naiwan si Conrad na lunod sa trabaho sa Carnell Corporation.
Standing beside Amelia, her son was tugging her skirt pitifully.
“Mom, gutom na ako! Sa bahay na lang tayo ni Dad mag-dinner tonight! Paglutuin natin si Auntie Haile! Para kasama ko si Dad, tapos may pagkain pa!”
Walang bakas ng pagkahiya ang mag-ina sa kanilang mga sinasabi.
Sa sumunod na sandali, nag-ring ang phone ni Haile sa loob ng sasakyan. Boses ni Conrad ang lumabas.
“Haile, nangako kasi ako kay Amelia na idi-discuss namin ang isang project today, pero naging sobrang busy ako kaya napaghintay ko sila. Nahihiya ako, kaya inimbita ko silang mag-dinner dito sa bahay. Maghanda ka na, at siguraduhin mong may portion din si Mom, ha?” wika nito. “Bidzill is a picky eater. He doesn’t eat fish or vegetables, so make more dishes. As for Amelia, it’s best to let her choose—”
Pinigilan ni Haile ang pandidiring nararamdaman at binaba ang phone nang walang pasabi.
Beep. Beep. Beep.
Pareho nilang alam na ngayon ang lipat ni Talia sa bahay. Ang sadyang pag-imbita ni Conrad kay Amelia sa ganitong kritikal na sandali ay nagpapakita lang ng tunay nitong intensyon.
Garapalan na talaga sila.
“Fine,” bulong ni Haile habang may mapait na ngiti.
Sasakyan na lang niya ang agos at titingnan kung hanggang saan ang drama na 'to.
--
SA BAHAY NG mga Carnell, tuwid na nakaupo si Talia sa living room, matalas ang mga matang pinagmamasdan ang mga abalang katulong.
“Good day, Madam.”
“Nasaan si Conrad?” malamig niyang tanong.
Magalang na sumagot si Butler Nathan, “Masyado pong busy si Mr. Carnell at hindi pa makakauwi sa ngayon. Inutusan po niya si Miss Montinola na alagaan kayong mabuti pagdating niya.”
Nang pumasok si Haile, lumambot ang seryosong mukha ni Talia. “Haile, halika, maupo ka.”
Sumunod naman ang dalaga. Si Talia ay may matapang na personalidad, pero naging maayos naman ang trato nito kay Haile. Kahit hindi nito masyadong gusto ang background ng dalaga, bihirang may magulang na umayaw sa isang mapapangasawa na masunurin, madaling kontrolin, at tapat sa kanilang anak.
At least, na-acknowledge ang mga sakripisyo ni Haile rito.
“Ano bang pinagkakaabalahan niyo lately?” tanong ni Talia. “Kailan ba talaga itatakda ang kasal niyo ni Conrad?”
“Marami po siyang inaasikasong major clients,” matapat na sagot ng dalaga. “Sabi niya, kailangan daw munang i-postpone ang wedding.”
Nag-isip si Talia. “Mas mabuting maayos na 'yan agad. Napakabait mong bata. Tapat ka na bago pa man ang kasal. Kapag pinatagal pa natin, baka may ibang umagaw sa'yo.”
Ngumiti lang nang tipid si Haile. Ngunit sa isip ng dalaga, ‘Kung aalis man ako, iyon ay may pahintulot ng anak mo.’
Sa mga sandaling ‘yon ay biglang lumitaw si Amelia sa pinto.
“Hello po, Tita,” bati nito nang nakangiti. “Colleagues po kami ni Mr. Carnell. Inimbita niya po ako rito para bumisita.”
Nang makita ito ng Ginang ay nanliit ang kanyang mga mata. Agad na tumalas ang tingin niya; hindi maitago ang pagkagulat at matinding pagkadismaya.
Napansin ni Haile ang pandidiri sa mga mata ng ginang. Tahimik niyang pinagmasdan ang tensyon bago tumayo sa tamang pagkakataon.
“Mama, mag-usap muna kayo rito. Maghahanda lang ako ng dinner.”
Ang totoo, wala naman itong masyadong inihanda. Inimbita lang sila ni Conrad nang hindi siya tinatanong.
“Sige,” sabi ni Talia. Nang tumingin siya kay Haile, kitang-kita ang lambot ng mga mata niya, malayo sa tingin na ibinigay niya kay Amelia. Malinaw kung sino ang panig niya.
Naiwan sa living room si Amelia, ang anak nito, at si Talia.
“Hindi ba’t talagang tumanggi kang pakasalan si Conrad noon?” diretsahang tanong ni Talia sa napakalamig na tono. “Anong ginagawa mo rito ngayon? Minaliit ng mga Pineda ang anak ko noon. Sa tingin mo ba, titingnan ka man lang ng pamilya namin?”
Sa mata ni Talia, si Amelia Pineda na isang illegitimate daughter ay walang kwenta sa pamilya Pineda. Malinaw para sa kanyang napagod na si Amelia sa pakikipaglaro at ngayon ay ginagamit ang anak niya bilang fallback. Hindi kailanman naniwala si Talia na tapat si Amelia. Kumpara kay Haile, si Amelia ay plastik at kalkulado.
Pinilit ni Amelia na panatilihin ang kanyang ngiti. “Tita, nagkakamali po kayo. Mahal ko si Conrad sa loob ng maraming taon. Kung hindi... hindi ko sana isisilang si Bidzill.”
“Old ginger is spicier,” she said while glancing at the child. “Kung tunay ba siyang miyembro ng pamilya Carnell... mahirap pang sabihin 'yan.”
Agad na nagbago ang mukha ni Amelia at napatayo.
“Tita, what do you mean by that?!”
Sa loob lamang ng ilang araw, ang kontrobersya tungkol sa umano’y plagiarism ni Haile ay lumaki mula sa isang simpleng usapin sa industriya ng disenyo tungo sa isang pambansang iskandalo.Ang mga artikulo ay sunod-sunod na lumabas.Ang mga social media platforms ay puno ng mga debate.At habang lumalakas ang usapan, tila may isang hindi nakikitang kamay na patuloy na nagtutulak sa apoy upang lalo itong lumaki.Nang magsimulang magsalita ang ilang kilalang design critics, lalo pang naging mabigat ang sitwasyon.Ngunit ang tunay na pagsabog ay dumating nang maglabas ng pahayag si Marco Benedetto, ang silver medalist ng Paris Global Design Show.“If the inspiration behind the gold-winning work is questionable, then it is unfair to every participant. Perhaps the judging results should be reconsidered.”Parang bomba ang naging epekto nito.Ilang oras lamang ang lumipas, nag-post din si Ayako Yamamoto, ang third-place winner.“Sometimes, second place is the real first place.”Agad na umakya
Nakaupo si Amelia sa kanyang opisina sa Galindez Group, tahimik na nakatanaw sa lungsod mula sa floor-to-ceiling windows habang hawak ang isang tasa ng kape na matagal nang lumamig.Nag-ring ang intercom.“Director Pineda, naipadala na po sa email ninyo ang lahat ng dokumentong hiniling ninyo. Nakumpirma na rin po ang meeting ninyo kay Mr. Kyle Veneracion sa Peninsula Hotel, alas-tres ng hapon.”“Sige.”Pagkababa ng tawag, agad niyang binuksan ang email.Isa-isang lumitaw ang mga dokumentong inihanda ng legal department—mga rekord tungkol sa custody case ni Bidzill, financial reports ni Kyle, at maging ang mga detalye ng mga ilegal nitong operasyon.Habang binabasa niya ang mga ito, dahan-dahang umangat ang sulok ng kanyang mga labi.Bagsak na si Kyle.Matapos mabigong makatakas palabas ng bansa, isa-isang ipinasara ng mga awtoridad ang kanyang mga underground businesses sa BGC. Ang dati nitong maunlad na network ay tuluyang gumuho, at ngayon ay nakatira na lamang ito sa isang maliit
Naghari ang isang nakakabinging katahimikan sa loob ng silid-aklatan.Nakatayong walang kibo si Elizabeth sa ilalim ng malamlam na liwanag, bakas ang magkakasalungat na emosyon sa kanyang mukha.May galit dahil sa pagkabunyag ng kanyang mga lihim, may katigasan ng ulo mula sa maraming taon ng pagtanggi… at may isa pang bagay na nakabaon nang malalim sa ilalim ng lahat ng ito.Pagsisisi.“Si Camelle…” sa wakas ay ibinulong niya, bahagyang nanginginig ang kanyang boses. “Masyado siyang maraming opinyon. Ang kailangan ng pamilya Montinola ay isang disenteng asawa—someone obedient, ang taong susuporta sa asawa at mag-aalaga sa pamilya. Hindi ang isang babaeng patuloy na hinahabol ang sarili niyang ambisyon.”Mapait na napangiti si Arthur.“Nagbago na ang panahon, Mom. Hindi na lang basta nananatili sa bahay ang mga babae ngayon. Pwede na silang magkaroon ng career, mga pangarap, at sariling ambisyon. Ganoon si Camelle. Ganoon din si Haile. Walang mali roon.”“Walang mali?” Mabagal na muli
Matapos maglaho ang ingay at gulo ng birthday banquet, muling bumalik ang lumang mansyon ng pamilya Montinola sa dati nitong tahimik at tila walang kibo na balot.Sa loob ng silid-aklatan, nakatayo si Arthur sa tabi ng bintana habang nakatalikod sa kanyang ina. Matapos ang isang mahabang katahimikan, sa wakas ay nagsalita na siya.“Mom, lumampas ka sa guhit ngayon.”Nakatitig lang si Elizabeth habang nakaupo sa likod ng mesang gawa sa mahogany, habang ang isang tuhog ng mga dasalan ay mabagal na umiikot sa kanyang mga daliri. Nanatiling kalahating nakapikit ang kanyang mga mata.“Anong ginawa ko? Pinatingnan ko lang naman kay Haile ang mga desserts. Mali ba ’yon?”“Alam mong hindi ’yan ang ibig kong sabihin.”Humarap si Arthur, seryoso at madilim ang kanyang ekspresyon.“Sadyang pinatabi mo si Haile para lang magkatabing maupo sina Meleck at Elena, saka mo pa binalikan ang mga bagay na ’yon sa harap ng lahat. Mom, si Haile ay anak ko—apo mo. Alam mo ba kung gaano siya napahiya?”Idila
Pagkalipas ng ilang araw, sumapit na ang ikapitumpung kaarawan ng matandang Montinola—si Elizabeth.Ang mansyon ng pamilya Montinola ay mas maliwanag at mas masigla kaysa sa mga nakaraang taon. Ang mga parol at eleganteng streamers ay nagpapalamuti sa mga bulwagan, habang ang banquet hall naman ay napuno ng mga panauhin—halos lahat ng maiimpluwensyang pangalan sa BGC ay dumating.Nang pumasok si Haile na suot ang isang champagne-colored gown, habang nakakapit sa braso ni Hudson, agad siyang naging sentro ng atensyon ng lahat.Ngunit agad ding napatigil ang kanyang paningin.Sa pangunahing lamesa, tuwid na nakaupo si Elizabeth sa kanyang pwesto ng dangal. At sa tabi nito—na maingat at tapat na umaasikaso sa kanya—ay hindi isang miyembro ng mas nakababatang henerasyon ng pamilya Montinola.Kundi si Elena.Naka-suot si Elena ng isang pino at malalim na asul na terno-style gown, at ang kanyang buhok ay maayos na nakapusod nang mababa. Bahagya siyang humilig kay Elizabeth habang nakikinig
Ang mansyon ng pamilya Montinola ay tahimik na nakatayo sa isang burol sa Fort Bonifacio, isang lumang ancestral home na may halos isang daang taong kasaysayan.Ngayong araw, dinala ni Haile si Hudson dito—upang pormal na makaharap ang kanyang lola, si Elizabeth.Maaga silang dumating, dala ang mga maingat na inihandang regalo. Si Haile mismo ang nagdisenyo ng isang set ng alahas na gawa sa pearm at diamante para sa kanyang lola, habang si Hudson naman ay personal na nag-commission ng isang bihirang antique landscape painting mula sa isang auction—isang bagay na napakamahal ngunit pinili nang may pagpipigil at paggalang.Ang bulwagan ay napupuno na ng mga kamag-anak at malalapit na kaibigan ng pamilya Montinola. Sa sandaling pumasok sina Haile at Hudson, bumangon ang mga pagbati mula sa lahat ng direksyon.“Hsile, Meleck—you’re here.”Si Arthur, ang ama ni Haile, ang unang lumapit. Tinapik niya si Hudson sa balikat nang may pamilyar na pag-apruba.“Been busy lately?”“Kaya naman po, D
“Nanalo tayo! Director Montinola—tayo ang number one!”“Isang world-class designer! Kasama na si Director Montinola sa pinakamagagaling sa buong mundo!”Sumabog sa selebrasyon ang buong koponan, nagkakayakapan sa tindi ng kagalakan. Ang ilan sa mga nakababatang designers ay hindi na napigilang maiy
Nag-uumapaw ang backstage sa tila kontroladong kaguluhan. Ang mga designers mula sa koponan ni Haile ay gumagawa ng mga huling adjustments sa mga kasuotan, habang ang mga modelo naman ay nakapila nang maayos, naghahanda sa pag-apak sa runway. Ang mga wikang Pranses, Ingles, at Filipino ay naghahal
Nag-angat ng tingin si Haile. Ang tanong ni Hudson ay tunog kaswal—halos walang pakialam—pero alam niyang hindi ganoon ang lalaki. Hindi nagtatanong si Hudson nang walang malalim na dahilan. Hindi na niya ito itinago.“Oo,” kalmado niyang sagot. “Katatapos lang naming mag-usap. May taong nakipagkit
Sa unang pagkakataon sa kanyang buhay, inamin ni Conrad ang kanyang pagkatalo. Hindi pa siya kailanman nagmukhang ganito kahabag-habag—hubad ang pride at wala nang anumang katiyakan. At sa unang pagkakataon, naging masakit at malinaw sa kanya na pagdating kay Haile, maaaring nawala na sa kanya ang







