LOGINSa loob ng isang penthouse suite ng isang marangyang hotel sa Fort Bonifacio, malapot ang hangin dahil sa usok ng tabako at sa masangsang na halo ng alak at pagnanasa.Si Mario Lu—na mas kilala bilang President Lu—ay nakahandusay ang malaking katawan habang maluwag na nakabalot sa isang bathrobe, ang sinturon nito ay halos hindi nakatali. Kumikinang ang kanyang mamantikang mukha sa ilalim ng malamlam na ilaw habang yakap si Amelia. Matigas ang katawan ng babae, ngunit malayang humahaplos ang mga kamay ng matanda sa hubad nitong balikat at likod.“Masaya ka na ba? Tinupad ko ang pangako ko sa ‘yo.”Inilapit niya ang kanyang mukha sa tainga ni Amelia, ang hininga ay mabaho dahil sa alak. “Isang tawag lang, ilang piraso ng ‘ebidensya,’ at ang babaeng ’yon ay nasa kulungan na. Siguradong umiiyak ’yon ngayon sa malamig na detention cell! Hahaha!”Humalakhak siya nang may pagyayabang, habang ang kanyang kamay ay bastos na bumaba sa katawan ng babae.“Impressed ka ba sa akin? Hmm? Ngayon, t
Ang mabigat na pintong bakal ng detention cell ay sapat na para supilin ang karamihan sa ingay, ngunit narinig pa rin ni Haile ang hindi pangkaraniwang kaguluhan sa labas.Noong una, may mga nagmamadali at nagsasabay-sabay na yabag—maraming tao ang mabilis na naglalakad sa pasilyo patungo sa kanyang kinaroroonan. Pagkatapos ay narinig ang mga boses ng mga officer na kanina lang ay napakayabang sa kanya. Ngayon, ang kanilang mga tono ay puno ng kaba at takot, na tila nagkakandarapa sa pagpapaliwanag, at nauuwi na lamang sa pautal-utal at sunud-sunurang sagot.Dahan-dahang iminulat ni Haile ang kanyang mga mata, bahagyang kumunot ang kanyang noo.Nandito na ba agad ang legal team ko? Ang bilis... at mukhang nagdala pa sila ng malaking pwersa.Matapos makatanggap ng kahina-hinalang tawag kanina, tahimik siyang nagpadala ng encrypted alert sa kanyang pinakamahusay na grupo ng mga abogado.Nagpatuloy ang ingay nang ilang sandali bago ang isang mahinang beep at ang pagbukas ng pintong bakal
Pinanood ni Shine ang paglayo ng sasakyan ng pulis na lulan si Haile. Instinctively, sinubukan niyang habulin ito, ngunit isang pulis ang humarang sa kanyang daan.“Ma’am, please do not obstruct official business!”“Pero siya—” Namula ang mga mata ni Shine sa panik habang itinuturo ang direksyong nilabasan ng sasakyan. “She’s been framed! Hindi niyo siya pwedeng dalhin nang ganyan lang!”“Ang pagiging inosente o guilty niya ay malalaman pagkatapos ng imbestigasyon. Please cooperate.” Ang tono ng officer ay matigas at walang emosyon.Sa sandaling iyon, si Haile—na nakaupo na sa loob ng sasakyan—ay bahagyang lumingon. Sa likod ng dahan-dahang tumataas na bintana, ang kanyang kalmadong tingin ay sumalubong sa balisang mga mata ni Shine. Mahina siyang umiling at tahimik na binigkas ang ilang salita.‘Ayos lang ako. Huwag kang mag-alala.’Naintindihan iyon agad ni Shine. Pagkuwa’y naglaho na ang sasakyan, nag-iiwan ng bulung-bulungan sa mga usisero. Nanatiling nakatayo si Shine sa gitna ng
Napatigagal si Amelia. Sa isang saglit, tila naging yelo ang kanyang dugo at tuluyang nabura ang lahat ng kaisipan sa kanyang utak. Ngunit sa ikinagulat ni Conrad, ang gulat at panik sa mukha nito ay hindi nagtagal.“Ano naman kung alam na niya?” mahina niyang sabi.Ang kanyang tono ay walang bakas ng tunay na kahihiyan—tanging isang kakaibang pakiramdam ng pagsuko sa tadhana.“Dahil alam niya kaya niya ito ginagwa sa atin? Pinapaikot-ikot niya tayo! Alam niya, pero hinahayaan niya lang, pinapanood tayo, pinapanood akong dalhin ang anak mo. Alam na niya ang lahat pero hindi niya pa rin tayo binubuko—ginagawa tayong mukhang tanga… iyon ang mas nakakasama ng loob.”Tila mas nakatutok siya sa “kalkulasyon” at “manipulasyon” ni Haile kaysa sa sarili niyang kahihiyan. Dahil sa baluktot na lohikang iyon, nakaramdam si Conrad ng isang matinding pagkamuhi.Mabilis na inayos ni Amelia ang kanyang sarili. Lumapit siya sa hospital bed at hinawakan ang kamay ng asawa, habang pilit na pinapalambot
Sa loob ng VIP Room na iyon ng Eclipse Club, ang dati’y mapang-akit at malisyosong atmospera ay tuluyan nang gumuho matapos ang naganap na kaguluhan. Ang tanging naiwan ay matinding kahihiyan, galit, at isang tila nakabibinging katahimikan.Nakahandusay si President Lu sa magulong sofa, mariing idinidiin ang mga ice pack sa kanyang namamagang ilong at pisngi. Madilim ang kanyang paningin habang nakatitig kay Amelia na nakatayo sa hindi kalayuan. Pinaalis na niya ang kanyang mga bodyguard, kaya silang dalawa na lamang ang naiwan sa loob.Ang bigat ng hangin ay halos hindi na kayang dalhin.“Bakit ka umiiyak?” iritadong singhal ni President Lu, habang may bahid pa ng dugo sa gilid ng kanyang labi. “Damn it, talagang binigyan mo ako ng napakalaking sakit ng ulo!”Napaigtad si Amelia. Humikbi siya at pinilit na pigilin ang mga luha, ngunit ang kanyang mga balikat ay patuloy na nanginginig nang hindi kontrolado.Gulo-gulo ang kanyang isip—ang galit at durog na mukha ni Conrad bago ito umal
Sa gitna ng malamlam na liwanag ng eskinita, ang kalmado ngunit matatalim na salita ni Haile ay tila humigop sa lahat ng kulay sa mukha ni Conrad. Nanginig ang kanyang mga labi, ngunit walang malinaw na tunog na lumabas sa kanyang bibig.Lagi niyang pinaniniwalaan na ang relasyon nila ni Amelia—na nagmula sa pagtataksil—ay isang sikretong maingat na nakabaon. Minsan pa nga ay pinangarap niya na darating ang araw na maibabalik niya si Haile sa kanyang tabi.Ngunit ngayon, sa ilalim ng malamig at mapang-maliit na tingin ni Haile, natanto niya ang lahat nang malinaw, na tila tinamaan ng kidlat—alam nito ang lahat. At ang nakakahiyang eksena ngayong gabi ay hindi kailanman aksidente. Ito ay isang “regalo” na personal nitong inihanda.“Ano… anong sinasabi mo? Hindi kita maintindihan…”Hirap na nagsalita si Conrad, pilit na kumakapit sa huling hibla ng kanyang dignidad.“Si Amelia… she was just a former client ng Carnell Group. I was treating her as a friend. Hindi ko lang matanggap ang beh
Halos hilingin ni Haile na sana ay lamunin na lang siya ng mesa.Inasahan niyang ang nanay ni Hudson ay isang elegante at pormal na ginang, maingat sa pananalita, at tinitingnan ang kanyang future daughter-in-law nang may polite na pagsusuri at kontroladong bait.Sino’ng mag-aakala na sa realidad,
Pagkatapos ng trabaho, hinilot ni Haile ang kanyang sumasakit at naninigas na balikat habang sumasabay sa dagsa ng mga tao palabas ng kumpanya ng mga Miller.Sa hindi malamang dahilan, kusa niyang nilibot ang tingin sa malawak na hall, na tila naghahanap ng isang pamilyar at matikas na pigura.Hind
Tumagos ang sikat ng araw sa manipis na kurtina ng Montinola villa, nagkakalat ng malalambot na liwanag sa makintab na sahig.Hinihilot ni Haile ang kanyang sumasakit na sentido habang bumababa ng hagdan. Nagulat siya nang makitang nadoon na sa living room ang kanyang ina, nakaupo sa sofa habang ma
Napatitig si Conrad sa kanyang phone habang pinakikinggan ang malamig na automated message sa kabilang linya. Umakyat ang lahat ng dugo niya sa ulo.Tama na!Ayaw niyang maniwala na hindi sasagutin ni Amelia ang tawag niya lalo na ang maniwala sa balita mula sa Kexun. Mukhang isang napakasamang bir







