Share

Kabanata 241 Not Jealous

last update Last Updated: 2025-10-03 17:16:57

Hindi alam ni Sebastian kung kanino siya nagagalit. Ngunit sa ilalim ng galit, ramdam niyang may matinding takot, takot na baka mawala na sa kanya si Jenny nang tuluyan. At hindi siya makapaghiganti!

Napasulyap ulit siya sa larawan nina Jenny at Andrei.

"Lucas… ayusin mo ’to. Hindi ako papayag na basta-basta na lang may lalapit kay Jenny."

"Anong ibig mong sabihin, bro? Gusto mo bang ako na ang kumilos para takutin si Andrei?" ani Lucas na nakatawa.

Saglit na natahimik si Sebastian, pinisil ang tulay ng ilong at pinipigilan ang bugso ng damdamin.

“Kung makikipagkita si Andrei ulit kay Jenny, siguraduhin mong makarating sa kanya na may asawa na si Jenny. Gamitin mo ang lahat ng paraan para paikutin siya, para mawalan siya ng gana."

"So, ibig sabihin, gusto mong bantaan ko si Andrei? Para layuan niya si Ma’am Jenny?"

"Oo. At kung hindi pa rin siya tumigil, ako na ang haharap sa kanya. Hindi niya alam kung sino ang kinakalaban niya. Hindi ko hahayaang maagaw sa akin si Jenny."

"Ayos, bro
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Maria Bonifacia
Maraming salamat po!
goodnovel comment avatar
Raine Se
salamat po ng marami sa mga updates..nako seb pag iniwan ni jenny tingnan ko lng di ka iiyak..
goodnovel comment avatar
Maria Bonifacia
May bagong episode pa po mamaya, abangan! Thanks a lot po!
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 241 Not Jealous

    Hindi alam ni Sebastian kung kanino siya nagagalit. Ngunit sa ilalim ng galit, ramdam niyang may matinding takot, takot na baka mawala na sa kanya si Jenny nang tuluyan. At hindi siya makapaghiganti!Napasulyap ulit siya sa larawan nina Jenny at Andrei."Lucas… ayusin mo ’to. Hindi ako papayag na basta-basta na lang may lalapit kay Jenny.""Anong ibig mong sabihin, bro? Gusto mo bang ako na ang kumilos para takutin si Andrei?" ani Lucas na nakatawa.Saglit na natahimik si Sebastian, pinisil ang tulay ng ilong at pinipigilan ang bugso ng damdamin.“Kung makikipagkita si Andrei ulit kay Jenny, siguraduhin mong makarating sa kanya na may asawa na si Jenny. Gamitin mo ang lahat ng paraan para paikutin siya, para mawalan siya ng gana.""So, ibig sabihin, gusto mong bantaan ko si Andrei? Para layuan niya si Ma’am Jenny?""Oo. At kung hindi pa rin siya tumigil, ako na ang haharap sa kanya. Hindi niya alam kung sino ang kinakalaban niya. Hindi ko hahayaang maagaw sa akin si Jenny.""Ayos, bro

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 240 Still Care

    Natahimik si Sebastian saglit. Napahigpit ang hawak niya sa cellphone.“Bro, sigurado ka bang nagkaroon ng relasyon ang dalawa?”“Alam mong madami tayong ebidensyang nakalap na nagtuturo kay Jenny,” aniyang mapait ang tono.“Eh, ano ba ang sabi ng puso mo? Sa tingin mo magagawa niya ang ganoon sa’yo?”“Nakita mo naman, ipinangalandakan sa publikong kasal kami, makuha lang ang posisyon at kayamanan na naipundar ko kahit malagay siya sa panganib. Ganoon siya kamukhang pera. Balewala ang pinagsamahan namin.”“Nagsasagawa naman tayo ng imbestigasyon, lalabas din sa huli ang totoo. Kung totoo ngang masama siya. Hindi ka ba natatakot sa safety mo diyan? Baka lasunin ka na lang niyan bigla,” natatawang sabi ni Lucas.“She won’t do that.”“Ay ewan ko sa’yo. Parang nag-enjoy ka na sa mundo ng kasinungalingang ginawa niya para sa’yo.”“Inihahanda ko lang ang paghihiganti ko sa kanya. Basta bantayan mo siya diyan at bawasan ang trabaho niya.”“Ngayon lang ako nakakita ng naghihiganting concern.

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 239 Hiding the Truth

    “Lucas, kumusta bro?” bungad ni Sebastian na lumabas ng kwarto.“Okay naman, na-i-send ko na sa email mo ang details ng fake na pirma ni Jenny. Mukhang may gustong makuha sa kanya ang posisyon bilang CEO.”“Siguraduhin mong nakabantay ka kay Jenny sa kumpanya. Pero, hands off ka sa kanya. Nakita ko ang picture ninyo. Bakit nakaakbay ka?” sa halip na sabi niya.“Bro, anong picture? Wala akong maalala.”“Basta, nasa boardroom kayo.”“Bro, huwag mong sabihing pinagseselosan mo ako?”“Of course…not! Humingi ako ng tulong sa’yo na bantayan si Jenny. Hindi ko inasahan na ganoon siya kagahaman para isugal ang buhay niya para sa pera at posisyon. Sabihin mo sa akin lahat ng kilos niya. Ayokong may kahit anong detalye na lumusot. Ikaw lang ang mapagkakatiwalaan ko.”“Okay, Sebastian. Hanggang kailan mo balak panindigan ‘yang amnesia drama mo? Mukhang nag-enjoy ka na sa pagpapaalaga sa asawa mo.”“Malapit na akong magbalik para magbayad ang lahat ng may kasalanan sa akin. May kausap na akong mg

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 238 Lies After Lies

    Sa opisina, busy ang lahat nang dumating si Jenny. Nadatnan niya sina Lucas at Maya na parehong seryoso ang mukha. Nakapatong sa mesa ang ilang folder, mga dokumento, at isang laptop na bukas ang ilang spreadsheets.“Ma’am Jenny, siguradong may mali dito. Nakalusot sa accounting ang pekeng pirma dahil sobrang linis ng pagkakagawa. Hindi ito gawa ng basta-bastang tao. Isa itong planadong sabotahe.”“Halata namang sina Noah at Vicky ‘to o si Don Gilbert ang may gawa nito. Pero wala tayong laban kung puro hinala lang. Kailangan natin ng matibay na ebidensya, digital o papel, na magtuturo sa kanila mismo,” aniya.“May kilala akong tao sa IT department na dati ko pang nakatrabaho. Pwede niyang suriin ang mga logins at electronic signatures. Kung may ginamit na fake account o cloned na pirma, malalaman natin kung saan nanggaling.”“Pero dapat mabilis. Kasi kung mauna silang maglabas ng statement na ikaw ang nagbulsa ng pondo, yari na,” ani Maya.Umupo siya, nakahawak sa sentido, saka humugo

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 237 Favorite Person

    Pilit tumawa si Jenny. “Ah… tingnan mo, si Maya naman etong kasama namin sa picture…”Pero hindi nawala ang pagsusuri sa mata ni Sebastian. Tahimik na inabot ulit nito ang cellphone pabalik, bago humigop ng kape.“Natutuwa ako na may mga kaibigan ka sa work.”Sa ilalim ng kanilang tahimik na palitan ng titig, ramdam niya na unti-unting nagiging mapanuri si Sebastian, na parang kahit wala pa itong alaala, nararamdaman na nito ang mga bagay na ayaw niyang mailantad.Tahimik lang siya habang pinagmamasdan ito na muling tumingin sa cellphone. Maya-maya ay nagbitiw ito ng tanong na ikinabigla niya.“Gwapo rin pala itong officemate mo… Baka naman nanliligaw sa’yo yan.”Agad siyang umiiling, kunot ang noo.“H-ha? Hindi ah! Hindi siya nanliligaw. Kaibigan ko lang talaga siya.”“Eh kasi… parang ang lapit ninyo sa picture. Nakaakbay pa sa’yo. Pero kung sabi mo, kaibigan lang, edi okay. Nagtitiwala naman ako sa’yo.”Mabilis siyang naghanap ng paraan para mabaling sa iba ang usapan.“Dalawa lang

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 236 Jealous Husband

    Habang tumatagal, unti-unti nang lumalakas ang ulan. Tumulo na ito sa kanilang buhok at mga balikat. Napatawa si Jenny sa pagitan ng halik at napayakap pa lalo kay Sebastian.“Naku, baka magkasakit ka pa! Tara na sa loob!” hila niya sa asawa.Ngunit sa halip na sumagot ay kinabig siya ulit nito upang hagkan.Nang tuluyan nang bumuhos ang malakas na ulan, wala na silang nagawa kundi magmadaling pumasok sa loob ng bahay kahit iika-ika si Sebastian. Tumatawa sila pareho, basang-basa, at hingal habang pumapasok sa loob.At bago pa man niya tuluyang isara ang pinto, napatitig siya kay Sebastian at sa gitna ng kanilang tawanan, ramdam niya na mas mahirap palang itago ang lahat ng kasinungalingan, lalo na at mas lumalalim ang damdamin niya para sa asawa.Basang-basa silang dalawa nang makapasok sa loob. Agad na kinuha niya ang malaking tuwalya mula sa aparador. Lumapit siya kay Sebastian na nakaupo muli sa wheelchair at dahan-dahang ipinunas iyon sa basang buhok nito.Nakangiti siya habang p

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status