Masarap ang hangin sa resort. Ang langit ay bughaw na bughaw, at ang tubig ng dagat ay malinaw na tila salamin. Nakatakda ang island hopping nila Kyle at Mira, bahagi ng honeymoon package.
Naka-damit panlangoy si Mira, rushguard ang nabili niya. Bakat ang makurbang katawan niya. Habang hinihintay si Kyle sa bangka, nakatingin siya sa malawak na dagat, pilit iniwasang alalahanin ang nangyari kagabi. Iniiwasan nga ba niya o binabalikan? Napangiti siya ng wala sa loob.
Maya-maya pa, dumating si Kyle, suot ang light blue polo na nakabukas ang dalawang butones, shorts, at may hawak na sunglasses. Super gwapo talaga nito.
Umupo silang dalawa sa harapan ng bangka, habang naglalayag ito patungo sa unang isla. Kasama nila ang isang boat crew at ilang staff ng resort na naatasang sumama para sa private tour. Habang tumatakbo ang bangka, hindi maiwasang mapatingin ang ilan sa kanila. Dahil kung titignan ay perfect couple sila.
Sa isang sandali, lumapit ang isang resort staff na may dalang fresh coconut juice.
“Ma’am, Sir, here are your welcome drinks for honeymooners!” nakangiting sabi nito.
“A-Ah, salamat…” alanganin siyang ngumiti.
“Kayo po ang pinakaunang bagong kasal ngayong buwan. Kayo rin po ang couple of the month sa resort’s peysbuk page. Napaka-perfect ninyong tingnan ni Mr. and Mrs. Alvarado.”
“Ah, talaga? Please tag me and my wife on your post para makita ng family and friends namin. Thank you,” sagot ni Kyle, habang inabot ang coconut juice at iniabot sa kanya ang isa.
Nanatili siyang walang kibo. Of course, gusto nitong makita ni Sofie ang post. May kudlit ng kirot sa puso siyang naramdaman.
“Let’s just enjoy the trip, Mira. Gusto kong kalimutan muna ang lahat.”
Tumango siya. Sa loob ng limang taong pagiging assistant nito, never niya itong nakitang nagbakasyon o nagpahinga.
Pagdating nila sa unang isla, bumaba sila at nagsimulang maglibot. Puno ng puting buhangin, tahimik, at eksklusibo ang lugar. Naglakad sila sa may shoreline habang tinatanaw ng ibang staff na masayang kumuha ng candid honeymoon photos nila.
“Smile naman kayo, Ma’am Mira, Sir Kyle!” anang kumukuha ng photos.
“Sir, yakapin po ninyo si Ma’am,” sabi naman ng isa pang staff.
Napilitan silang ngumiti habang nagpapakuha ng pictures. Sa litrato, tila isa silang tunay na masayang mag-asawa, nagtatawanan at magkadikit ang katawan.
Sa huling isla na kanilang pinuntahan, naupo silang dalawa sa isang hammock para sa dalawa, habang ang staff ay naglatag ng picnic. Ang araw ay papalubog na, kulay kahel ang langit, at perpekto ang tanawin.
“Ang ganda ng view,” ani Mirang nakatitig sa boss na malayo ang tingin. Tunay na kaygandang tanawin.
“Yeah. Let’s just enjoy the moment,” anitong makatanaw sa dagat.
***
Makalipas ang ilang araw mula sa honeymoon, nagbalik na sila sa lungsod. Bumalik ang lahat sa normal. Ni walang nagtatangkang magtanong na kahit sino sa kanya lalo sa CEO. Talsik sa kumpanya kapag may hindi ito nagustuhan. Walang second chance sa Megawide Corporation. Pero grabe ang laki ng sweldo at allowance pati bonuses kaya pawang magagaling ang nasa kumpanya.
Ipinatawag siya ni Kyle sa private office. Pagpasok niya, may nakaabang nang folder sa ibabaw ng mesa. Nakaupo ito sa leather chair, pormal ang anyo nito.
“Have a seat, Mira,” sabi nito.
Umupo siya. Kinabahan siya, pero hindi niya ipinahalata. Posibleng paalisin siya sa trabaho nito. Sana naman ay hindi. Kailangan niya ng pera para sa ama niyang nasa ospital at nakatakdang operahan. Ubos na ang savings niya pati salary loan sa kumpanya ay nagamit na niya.
Kyle slid the folder toward her. “Basahin mo.”
Binuksan niya ito. Agad niyang nakita ang unang linya, Temporary Marriage Agreement.
Napasinghap siya. Tumingin kay Kyle, pero hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon nito.
“Anim na buwan,” anang boss. “Anim na buwan kang magiging asawa ko sa mata ng publiko. Basahin mo ang mga obligasyon mo. Hindi ito pagpapanggap. You will be my wife lalo sa physical aspect.”
Napalunok siya.
“Pagkatapos ng anim na buwan, magpapa-file tayo ng annulment. You will still be my assistant. You’re the most efficient assistant I have work with. Wala akong planong palitan ka.”
Nanatili lamang siyang nakikinig.
“One more thing, ako lang ang may karapatang tapusin ang kontrata sa sandaling ayaw ko na. Huwag mo akong bibigyan ng sakit ng ulo. Mas lalong ayoko ng drama.”
Tumango siya.
“Do you like me?”
Hindi niya inasahan ang tanong. “Sir, lahat naman po kami dito sa kumpanya gusto po kayo. Hindi naman po totoo ang tsismis na cold-hearted kayo. Nakita ko po ang malasakit ninyo sa mga empleyado.”
“Liar. No one likes me, here.”
Napayuko siya.
“Do you love me?”
Natuyo ang lalamunan niya. Sunod sunod na iling ang sagot niya.
“Wala po akong ganoong damdamin, Sir.”
“Good. Never fall in love with me. You’re not my type, nagkataon lang na ikaw ang nandoon kaya ikaw ang pinakasalan ko. Tsaka, you know me a lot. Hindi ako mahihirapang pakibagayan at utusan ka.”
Bakit parang may sumaksak sa puso niya? Ano ba ang inaasahan niya?
Bumukas ang drawer ni Kyle. Kinuha nito ang isang tseke at inilapag sa harapan niya.
“Twenty million. Kung tatanggapin mo ang kontrata, iyo na ‘yan. Kapag natapos, may naghihintay pa sa’yong bonus.”
Parang huminto ang mundo niya. Twenty million? Parang napaka-imposibleng halaga para lang sa anim na buwang pagpapanggap. Nalaala niya ang amang nasa ospital na hindi pa naaoperahan at ang bills nito ay patuloy na lumalaki.
Tahimik siyang tumitig sa tseke.
“Bukod sa twenty million, may monthly allowance ka, five hundred thousand a month. Sagot ko na din ang hospital bills ng ama mo hanggang gumaling. Ililipat natin siya sa pinakamagandang ospital,” patuloy ni Kyle, malamig pero diretso.
“Okay,” mahina niyang tugon. “Tatanggapin ko po ang offer,” aniyang kinuha ang folder at binasa ng mabilis tsaka pumirma.
Tiyak na mababago ang takbo ng buhay niya. Kung anuman ang mangyayari, nakahanda siya.
“Seb, hindi na ako virgin. May naunang lalaki--” hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil humagulgol na siya ng iyak.Kitang kita niyang tila nasabugan ng bomba si Sebastian. Napatingin ito sa kanya, nanlilisik ang mata.“Ano'ng ibig mong sabihin?” anitong puno ng panlulumo.“Hindi ikaw ang unang lalaking ---” aniyang hindi matapos ang sasabihin at muling umiyak.“Jenny! You lied to me?!” singhal nito.Malakas na sinipa ni Sebastian ang table sa tabi ng kama, umalog ang lampshade at nahulog. Sinunod nitong tadyakan ang upuan at tumama iyon sa pader.Napalunok siya, kinuyom ang kumot sa takot. Hindi na siya nakapagsalita pa.Tumayo ito at mabilis na lumabas ng kwarto at ibinalibag ang pinto.Ramdam niya ang kirot sa dibdib, hindi dahil sa galit ni Sebastian, kundi dahil hindi niya nagawang ipaliwanag ang nangyari. Baka bumaba ang tingin ninyo sa kanya kapag sinabi niyang ibinigay niya ang sarili sa isang estranghero.Magdamag siyang hindi nakatulog, nakayakap sa tuhod habang iniisip
“Jen, be honest, I want to know kung pareho tayo ng nararamdaman,” sabi ni Sebastian.“Seb, hindi na mahalaga kung ano ang nararamdaman ko. Hindi tayo bagay. Langit ka, lupa ako. Hindi tayo para sa isa’t isa.”“Uulitin ko ang tanong, do you like me? Be honest.”“Sebastian… gusto din kita,” mahina at nag-aalanganing sabi niya. Pinili niyang maging tapat sa damdamin.Napangiti si Sebastian, kita ang pagluwag ng dibdib nito na para bang nabunutan ng tinik.“Salamat. ‘Yan lang ang gusto kong marinig. Hindi mo na kailangang mag-alala, Jenny. Hindi kita pababayaan kahit anong mangyari,” hinawakan nito ang kamay niya.Napatitig siya sa kamay nilang magkahawak, naramdaman niya ang init mula dito. Ngunit kasabay nito, naramdaman din niya ang malamig na takot na gumagapang sa kanyang dibdib.Niyakap siya ni Sebastian ng mahigpit. Tahimik lang siyang nakasandal sa dibdib nito, pinakikinggan ang tibok ng puso ng boss, sabay sa mabilis na pag-ikot ng kanyang isip sa nangyari sa kanya noong nakaraa
“Huwag mo akong subukan, Jenny. Sumama ka sa akin bago pa ako maubusan ng pasensya,” gigil na sabi ni Sebastian.Nanlamig siya. Hindi niya alam kung dahil sa takot o dahil sa tibok ng puso niya na parang mabibingi siya.“Sebastian, please… May pupuntahan lang kami ni Andrei.”“Sumakay ka sa kotse, ngayon na!”Napalunok siya at dahan-dahang bumaba sa motor.“Jenny, sigurado ka ba? Gusto mong tumawag ako ng pulis?”Hindi niya kayang magsalita. Hawak pa rin ni Sebastian ang braso niya habang inihatid siya sa kotse.Bago pumasok, muling binalingan ni Sebastian si Andrei.“Hindi mo na kailangang makialam sa amin ni Jenny.”At walang sabi-sabing isinakay siya nito sa kotse, saka mabilis na umalis. Ramdam niya ang bilis ng tibok ng puso niya, hindi niya alam kung galit ba si Sebastian, pero isa lang ang sigurado, this night is far from over.Tahimik sa loob ng sasakyan. Tanging ugong ng makina at mabigat na paghinga ni Jenny ang naririnig. Nakatingin siya sa bintana.“Bakit mo ako iniiwasan,
“Sebastian, I don’t like what I’m hearing about you and that assistant. Hindi magandang pakinggan para sa Tuazon Group,” sabi ni Don Juan.Tumayo si Sebastian, nilapag ang mga kamay sa mesa.“Jenny is my employee. Whatever you heard, huwag mo nang pakialaman ang personal kong buhay.”“Personal? Alam mo bang umiikot na sa social media ang mga picture nating dalawa kagabi? Do you know how that looks? And yet, she’s still here, acting like she owns this office. May pasara-sara pa kayo ng pinto.”Nag-igting ang panga niya.“Kung problema ang mga litrato kagabi, wala akong pakialam kung ano ang isipin ng iba.”Napataas ang kilay ni Don Juan, saka bahagyang lumapit sa mesa.“Sebastian, we are business partners. Hindi lang ito tungkol sa iyo. This is about the company, the board, the investors. Hindi ka na bata para ma-scandal dahil lang sa isang babae. Vicky is the right choice. Mas magiging maganda ang reputasyon mo! Sa negosyo kailangan mo ng asawang maipagmamalaki!”“No. Don’t decide for
Malalim ang buntong-hininga ni Sebastian. “Hindi mo pa ba nakikita ang kumakalat na photos namin ni Vicky sa isang kwarto? Gusto kong malaman mo na wala akong matandaan masyado kagabi. I swear. Wala akong planong magpakasal kay Vicky.”Napasinghap siya. Parang sumikip lalo ang dibdib niya. Ngayon lang niya nalaman dahil naging abala siya sa sariling problema.Dumukwang si Sebastian, seryoso. “I was drugged, Jenny. Wala akong maalala. Please… maniwala ka. Ang huling naalala ko ay sinundo mo ako tapos wala na akong matandaan. Actually, akala ko ikaw ang babaeng kasama ko kagabi. Kaso paggising ko si Vicky.”Kumirot ang puso niya. Gusto niyang magsalita, sabihin na siya man ay may tinatagong sikreto. Gusto niyang umamin na may nangyari sa kanya kagabi… pero hindi niya alam kung paano.“Sebastian…” aniyang nangingilid ng luha.Umupo ito sa tabi niya, hawak ang kanyang kamay. “Hey… look at me.”Dahan-dahan siyang tumingin dito.“I don’t care about the photos, Jenny. Ang iniisip ko ngayon… i
Nagising si Jenny sa malamig na pakiramdam ng kumot sa kanyang balat. Mabigat ang ulo niya at parang tinutusok ang sentido. Napasinghap siya nang mapansin ang lalaking natutulog sa tabi niya. Mataba, may edad na, at may malakas na hilik. Parang binuhusan siya ng malamig na tubig.Sinipat niya ang sarili. May damit naman siya! Pero halos wala siyang maalala. Ramdam niya ang pananakit ng ibabang bahagi ng katawan.“Hindi… imposible…” bulong niya, nanginginig ang katawan. Umaagos ang luha sa kanyang pisngi.Pilit niyang inaalala ang nangyari kagabi. Nagbalik ang mga putol-putol at malabong mga alaala, ang halik, ang init sa katawan, ang bigat ng katawan ng lalaking kasama niya. Pero malinaw sa kanyang isip, hindi itong katabi niya ang lalaking kasama niya kagabi.Tulala siyang lumabas ng kwarto, halos madapa sa pagmamadali. Ang hallway ng bar ay tila walang katapusan, at bawat hakbang ay parang kumakabog ang dibdib niya.Pagkalabas niya ng establisyemento, malamig na simoy ng hangin ang t