LOGINTo my loyal readers, kayo ang pinakamagandang parte ng nakaraang taon. Thank you so much for making my writing journey meaningful. Happy New Year!
Nanlamig si Candice sa sariling ideya.Hindi dahil imposible. Kundi dahil… posible.Napatingin siya kay Brent, mas matagal ngayon. Pinag-aaralan ang lalaki sa harap niya. Ang lalaking sobrang kulit, delikado, at mahirap basahin. Pero ito ang taong nasa tamang pagkakataon.At kung totoo man ang ipinapakita nito…Baka puwede.“Why are you looking at me like that?” tanong nito, dahan-dahan, parang nahuli ang pagbabago sa mukha niya.Napakurap siya. “Wala.”“Are you falling for me, my love?” anitong himig nanunukso.Pero ngayong gabi, hindi siya agad kumontra.Sa halip, dahan-dahan siyang bumaba ng kotse, hawak pa rin ang bag, suot pa rin ang necklace.Pagkasara niya ng pinto, yumuko si Brent sa bintana at nagsalita.“So? One month?”Tumingin ang binata sa kanya.At sa unang pagkakataon, hindi lang inis ang nasa dibdib niya.May plano na.“Pag-iisipan ko,” sagot niya.Ngumiti si Brent, yung ngiting akala nito ay may pag-asa na.Hinintay muna niyang makaalis ang sasakyan ng amo bago siya h
“I like you, Candice,” ani Brent.Parang tumigil ang hangin sa rooftop.Naramdaman ni Candice ang sariling tibok ng puso, mabilis, malakas, nakakainis. Lumapit si Brent, dahan-dahan.At sa mismong sandaling iyon, tila siya itinulos na kandila.Kaya nang bahagyang yumuko si Brent, mabilis niyang naitulak ito sa dibdib, hindi malakas, pero sapat para matigil.“Nanliligaw ka pa lang,” sabi niya, pilit steady ang boses kahit kumakabog ang dibdib niya, “manghahalik ka na? Ang bilis mo naman yata.”Natigilan ito. At pagkatapos, ngumiti.“Okay,” sabi nito, marahan, tinaas ang dalawang kamay na parang sumusuko. “Sorry, my love.”“Stop calling me that,” singhal niya agad. Bigla niyang nakagat ang labi, napapa-English tuloy siya.“Noted,” sagot nito, pero halatang hindi talaga susunod. Saka nito hinila nang bahagya ang upuan niya. “Maupo ka na.”Nag-atubili siya, pero sa huli, naupo pa rin. Hindi dahil gusto niya, kundi dahil ayaw niyang gawing mas komplikado pa ang lahat. At isa pa’y napapagod
Walang nagawa si Candice kundi ang magpahatid.Kaya nang buksan ni Brent ang pinto ng kotse para sa kanya, hindi na siya nakipagtalo. Umupo na lang siya, yakap ang bag, nakatitig sa bintana.Sumakay si Brent, sinara ang pinto, saka pinaandar ang makina.“From now on,” sabi nito habang umaalis sila sa parking, “I’ll pick you up and drop you off.”Nanlaki ang mata ni Candice. “Sir, hindi na kailangan.”“Kailangan,” sagot ni Brent. “I decided.”“Paladesisyon ka din ano?” pabulong niyang singhal, sabay tingin sa bintana.Imbes na mainis, tumawa lang si Brent. Binuksan nito ang stereo at biglang nagpatugtog ng playlist, love songs na parang sinadya.“Sir…” napabuntong-hininga siya. “Pwede bang paki-off ang music?”“Bakit?” tanong ni Brent, casual. “Hindi mo gusto?”“Hindi,” diretso niyang sagot. “May iniisip ako. Hindi ko kailangan ng background music para sa… para sa kalokohan mo.”“Kalokohan?” umangat ang kilay ni Brent. “I’m courting you.”“Sir,” singhal niya, pilit pa ring magalang kah
“Bakit ka nakangiti?” tanong ni Brent.“Hindi ako nakangiti,” mabilis na bawi ni Candice.Tumawa ang binata. Binuksan nito ang stereo at nagpatugtog ng music. Love songs pa talaga.Dumating sila sa isang restaurant na halatang hindi basta-basta, warm lights, glass walls, at mga taong naka-semi-formal.Pagpasok nila sa loob, mas lalong gumanda ang ambiance, soft jazz, at mabangong pagkain.Bago pa siya makapagsalita, hinawakan ni Brent ang bewang niya, gentle pero deliberate, parang nagpapakita ng label. Inalalayan pa siya papasok sa loob.“Sir Brent,” bulong niya habang naglalakad sila, “anong ginagawa ninyo?”“My love,” sagot ni Brent. “Relax.”“My love?!” muntik siyang madulas sa heels niya. “Sir Brent--”“Sshhh,” sabi nito, sabay hila ng upuan para sa kanya. “Sit down, my princess.”“My princess?”Pagkaupo niya, yumuko si Brent at bumulong. “You’re so beautiful.”Pero matalas ang pakiramdam ni Candice.Nagkrus siya ng braso. "Bakit mo ginagawa ito? May kailangan ka ba Sir? Sabihin
“Dating?” ulit ni Daryl, tila hindi makapaniwala.“Yeah,” sabi ni Brent, kalmado pero may diin, nakatingin kay Daryl. “We’re getting closer.”May pag-aangkin ang paraan ng pagkakasabi nito.At bago pa makabawi si Candice, inilapat ni Brent ang palad niya sa likod ng upuan nito, bahagyang dumukwang, sapat para maramdaman niya ang init ng katawan nito sa likod niya.Parang kinulong siya sa pagitan ng desk at ng katawan nito.“Sir Brent…” bulong ni niya. “Anong ginagawa mo?”Hindi siya sinagot ni Brent.Napansin ni Daryl. Kumunot ang noo nito, pero mabilis ding naglagay ng friendly smile, yung tipong ayaw maging bastos.“You look tired,” mahinahong sabi ni Daryl kay Candice. “Are you okay?”Muntik nang lumambot ang dibdib ni Candice. Si Daryl, lagi talagang ganun, gentle and considerate. Kaya nga ito ang naging crush noon.Pero bago pa siya makasagot, nauna si Brent.“She’s fine,” putol ni Brent, boses mababa pero matalim. “I took care of her.”Napatigil si Candice. Took care of her? Par
Sumugod si Cassandra paakyat, halos mabitawan ang phone sa panginginig ng kamay.“Ganyan ka ba talaga kainggit sa akin kaya gusto mong kuhanin ang room ko?”“Cassandra, sinong kausap mo? Ako o sarili mo?”“Aba’t mayabang ka talaga!”“Cassandra!” tawag ni Don Carlos mula sa ibaba, pilit pinapakalma ang sitwasyon. “Anak, ikaw na sa guestroom. Kakadating lang ng kapatid mo, pagbigyan mo na.”Pero hindi tumigil si Cassandra. Pagdating sa hallway, nakita ni Candice si Kuya Sonny at ilang mga tauhan na bitbit ang mga gamit upang ilipat sa guestroom.“Kuya Sonny!” sigaw ni Cassandra, sabay harang sa pinto. “Hindi mo pwedeng galawin ’yan! Room ko ’yan!”“Miss Cassandra, utos po ni Ma’am Candice…” mahinang sagot ni Kuya Sonny, halatang naipit sa gitna.“Bakit ako aalis sa room ko, Ma? Pa?” biglang humagulgol si Cassandra, sabay lingon sa hagdan. “Bakit ako ang papalipatin para sa kapritso ni Candice!”Dumating si Leah, hinihingal, naka-robes, pero ang mukha yung concerned na mukhang ready na r







