Home / Romance / Lover Of The Mafia Boss / Chapter 1: First Encounter 

Share

Lover Of The Mafia Boss
Lover Of The Mafia Boss
Author: Moon Grey

Chapter 1: First Encounter 

Author: Moon Grey
last update Last Updated: 2025-09-09 13:46:58

Rox's POV

"Sige na po, Aling Gina. Bilhin niyo na po ang mga 'to. Hindi po kayo magsisisi rito dahil imported ang mga wine na 'to," pangungumbinsi ko sa tindera at may-ari nitong sari-sari store.

"Hay naku! Napaka-kulit mo talaga Roxine, ha! Okay lang sana kung mura lang ang benta mo sa mga 'yan! Saka, malay ko bang galing pala sa nakaw ang mga 'yan!"

"Naku! Hindi po, Aling Gina. Matagal na po akong nagbagong buhay. Padala po 'to ng tita kong nasa abroad," imbento ko.

"Sige na naman po, Aling Gina. Para kasi 'to sa pagpapagamot sa nanay ko, eh. Gusto ko pa pong madugtungan ang buhay niya," pagmamakaawa ko pa.

"Oh siya sige na nga! Akin na ang mga 'yan!" Inabot ko naman agad sa kanya ang mga dala kong wine, at kumuha na siya ng pera.

"Oh heto'ng bayad ko!" Tila nag-dalawang isip pa si Aling Gina na ibigay 'yung pera kasi antagal niyang bitawan.

"A-akin na po." Nakipag-agawan pa talaga ako.

"Ayos! Salamat po Aling Gina!" masaya kong sabi sabay hinalikan 'yung pera.

Pero maya-maya'y nawala rin ang saya ko nang makarating na ako sa isang public hospital. Napatakbo ako sa takot, nang makitang naglabas pasok ang mga nurse, sa ICU, kung sa'n nakaratay ang nanay kong matagal nang naka-coma.

"D-doc, ano pong nangyayari sa nanay ko?!"

"Lumalala na ang kundisyon ng nanay mo, Miss Caballero. Kung ayaw mong makita pa siyang nahihirapan, kailangan mo nang mag-decide na ipatanggal ang tubo sa katawan niya."

"Hindi. Ayaw ko po, Doc. Kaya pa po 'yan. Please po, 'wag niyo pong susukuan ang nanay ko," maluha-luha kong pakiusap, at napaluhod pa.

Napailing na lamang and doctor sa 'kin, saka tinalikuran na ako.

Kinagabihan, ay nasa isang private port, na ako at nag-aala ninjang kumilos papunta sa mga containers na nandirito.

Nasa madilim na bahagi ako kung sa'n wala masyadong mga guwardya. Kulay itim lahat ng suot ko at balot rin ng bonet mask ang mukha ko.

May dala-dala pa akong malaking backpack, at dito ko ilalagay ang mga imported products na nanakawin ko. Oo, galing sa nakaw ang mga binibenta ko. Pero hindi ako proud rito, ah.

Tumigil na dapat ako sa mga ganitong gawain, pero magmula nang ma-ospital si nanay, napilitan akong gawin ulit ito. May mga matino naman akong side line, pero hindi pa rin ito sapat.

Hindi rin ako makapag-apply ng magandang trabaho dahil kahit high school ay hindi ako nakapagtapos.

Nang makapasok na nga ako sa isa sa mga container, hinalungkat ko agad ang laman ng isang package rito. Pero bigla akong napahinto matapos kong makita kung anong laman nito.

T-teyka, mga baril?! Nagulat na lang ako, at sa tingin ko'y smuggled ang mga ito.

Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko nang makarinig ako ng yabag ng mga paa sa likuran ko.

"You fucking thief! Finally, nahuli rin kita!" Boses lalake ito, sabay kumasa ito ng baril.

"Itaas mo ang mga kamay mo at lumuhod ka!" utos pa nito at ma-awtoridad ang tono niya.

Pero itinaas ko lang ang mga kamay ko at hindi ako lumuhod. Nek-nek niya.

"Bibilang ako ng tatlo! Kapag hindi ka pa rin lumuhod, sabog na 'yang utak mo!" Pagbabanta pa niya.

"Isa!"

"Dalawa!"

"Tat…"

Hindi niya natuloy ang pagbibilang nang bigla akong humarap at mabilis na ni-high kick ang baril na hawak niya. Tumilapon iyun kung saan.

"Argh, shit!" daing niya. Matangkad pala siya at malaki ang pangangatawan. May itsyura rin siya at parang may lahing banyaga. Hindi ko matukoy kung Amerikano ba o Arabo, basta boy afam siya. At sa tingin ko’y nasa 30 plus na siya.

Tinalikuran ko na agad siya at mabilis na tumakbo papasok sa isang bodega rito.

"Damn! Get back here!" rinig ko pang sigaw niya, at bakas ang galit sa kanyang boses.

Malawak ang loob nitong bodega at punong-puno ng mga package ang paligid, kaya hindi niya agad ako makikita.

“Ting-ning ning-ning."

"Anak ng!" mahina kong sabi, sabay napatakip sa bibig ko. Dahil kasi sa kalikutan ko, may nahulog na baseball bat sa mga naka-file na package na pinagtaguan ko.

Nakarinig agad ako nang mga yabag ng paa at sure akong si boy afam na ‘yan, kaya mabilis kong pinulot ang nahulog na baseball bat.

At nang makita kong lumagpas ang mga kamay ni boy afam na may hawak na baril, pinaghahampas ko agad ito.

"Argh! Ahhh! You son of bitch!" daing niya at ramdam kong nag-aapoy na siya sa galit.

Tatalikod na sana ako para tumakbo, pero mabilis niyang nahawakan ang jacket ko.

Hinila niya ako nang malakas, dahilan para pareho kaming matumba, at tumilapon sa mga naka-file na package. May mga laman itong stuffed toy at natabunan pa kami ng mga ito.

Pero hindi ko na hinintay pang mauna siyang makatayo. Agad kong pinuluputan ang leeg niya gamit ang mga hita at binti ko.

Kahit papa'no'y marunong naman ako ng self defense, dahil no'ng maligaw ako ng landas at sumali sa isang grupo ng gang, tinuruan kami ng martial arts ng leader namin. Doon ako unang natutong magnakaw.

Akala ko'y madadaig ko na si boy afam, pero bigla niya na lang inangat ang malalaki at mahahaba niyang kamay. Marahas niyang hinawakan at pinisil ang mga Dyögä ko, dahilan para lumuwag ang pagkapulupot ko sa kan'ya.

"Bastos!" galit kong sabi sa panlalaking boses, sabay bitaw sa kanya.

Naghabol agad siya nang hininga habang hawak-hawak ang nasakal niyang leeg.

"Damn, talagang mapapatay kita!" pasigaw pa niyang banta at ramdam kong nanginginig na siya sa galit. Matalim at nanlilisik ang mga mata niyang nakatitig sa 'kin.

Tumayo na agad ako at nang tatakbo na sana, muli na naman akong napahinto dahil may dumating na mga armadong kalalakihan. Tinututukan nila ako ng baril.

"Boss!" sabi ng isa sa mga ito.

Nagmadali namang tumayo si boy afam, at marahas nitong hinila ang damit ko. Pinuluputan niya ang leeg ko gamit ang makikisig at matitigas niyang braso.

"B-bitawan mo 'ko!" Pagpupumiglas ko habang nahihirapan nang huminga. Masyado kasing mahigpit ang pagkakasakal niya sa 'kin.

Tumilapon na lamang ako sa sahig nang patulak niya akong bitawan. Naghabol agad ako nang hininga habang hawak-hawak ang leeg ko.

"Tanggalin niyo ang bonet mask niya!" pasigaw na utos ni boy afam.

Agad namang sumunod ang mga tauhan niya, at mahigpit nila akong hinawakan. Tapos marahas nilang tinanggal ang bonet mask ko.

"Ang lakas ng loob mong pagnakawan akong tomboy ka!" galit na sabi ni boy afam, matapos makita ang itsyura ko.

Halata pa rin seguro na babae ako kahit nakapanglalaking ayos na ako.

Nanlaki na lamang ang mga mata ko, nang inagaw niya ang baril ng kasama niya at tinutok sa 'kin.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Moon Grey
Enjoy, reading, guys. And don't forget to follow me🫶
goodnovel comment avatar
Hyen Chalant
First meet--balian agad ng mga buto, haha
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Lover Of The Mafia Boss    Chapter 54

    Rox's POV “A-aray, ah!” daing ni Wendy habang ginagamot ko ang mga pasa niya sa katawan. Nandito na kami ngayon sa loob ng dati kong kwarto. "S-sorry, masyado bang mahapdi?” tanong ko at tumango lang siya. Kaya dinahan dahan ko na lang ang pagdampi ng cotton sa mga pasa niya. Pa-simple ko siyang pinagmamasdan at aaminin kong maganda siya. Makinis at maputi ang balat niya…medyo may pagka-pinkish pa. Malalaki rin ang mga dyögä niya at maganda ang hubog ng katawan niya. Pero wala naman akong ibang naramdaman. Talagang pusong babae na ako ngayon, kasi hindi na ako naa-attract sa babae. “Tok! Tok! Tok!" Sandali akong napahinto sa ginagawa nang may biglang kumatok at si Manang Corazon ang pumasok. “Hi, Manang Cora! Long time no see!” bati agad ni Wendy sa kanya. Teyka, kilala niya rin si manang? Sino ba talaga ang babaeng ‘to? Tahimik lang na tumango si Manang Cora at hindi siya inimikan. “Heto na ang mga damit na pinapakuha mo, hija,” aniya at nilapag na sa bedside ta

  • Lover Of The Mafia Boss    Chapter 53

    Darcos's POV "Ano bang nangyari, Wendy? Ba’t ka nila hinahabol?” Franco asked while Wendy was drinking water. Nakayuko siyang nakaupo sa sofa at nanginginig ang mga kamay. We're at the living room now here in my mansion. "M-mga tauhan ‘yon ng boyfriend ko. Tinakasan ko siya kasi lagi niya akong binubogbog," she replied at bakas ang takot sa mukha niya. We can see it naman. Marami nga siyang mga pasa at bugbog sa katawan. Wala pa ring nagbago sa mukha niya. Maganda pa rin siya at sexy, but wala naman akong ibang naramdamang kakaiba. Kung dati libog na libog ako pag nakikita ko na ang katawan niya, ngayon wala nang epekto sa 'kin. "Franco, kayo na ang bahala sa kanya." I was about to turn my back para lapitan si Rox at umalis na rito, but Wendy suddenly grabbed my hand. “Ah, Darcos, sandali! P’wede bang dito muna ako? Wala na kasi akong ibang mapuntahan, eh. Natatakot ako na baka mahuli ako ng mga tauhan ng boyfriend ko!” pakiusap niya. I glanced at Rox, and she raised he

  • Lover Of The Mafia Boss    Chapter 52

    Rox's POV Gusto ko pa sanang makasama ng mga ilang araw si nanay sa mga natitira niyang sandali, pero hindi na ako pinayagan ni Darcos. Masyado na raw delikado pag nagtagal pa ako sa labas. Baka maulit raw ‘yung pamamaril kahapon. Kaya heto…nandito kami ngayon sa isang private cemetery para ilibing na si nanay. Durog na durog ako ngayon at hindi ko pa rin matanggap ang pagkawala niya. Akala ko makakasama ko na siya matapos niyang magising mula sa coma. Nakakapagtaka talaga na bigla na lang siyang nawala. Okay na okay pa siya no’n eh, at ramdam kong may pag-asa pa siyang lumakas at gumaling. Pasimple akong lumingon sa gilid ko at hinanap ang presensya ni Darcos. Natagpuan ko siyang g’wapo pa rin kahit malungkot na ang mukha niya. Nakatingin lang siya sa kabaong ni nanay. Naka-black leather jacket siya at gano'n din ang kulay ng trouser niya. May suot rin siyang itim na shades na lalong nagpa-gwapo sa kanya. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung ba’t gano'n na lang reaksiyon ni

  • Lover Of The Mafia Boss    Chapter 51

    "D-Darcos, dapa!” Nagulat na lang ako nang bigla siyang sumigaw at tinulak ako. We both fell, and she landed on the top of me. “Shit! Ahh!" daing ko, sabay napahawak sa braso ko. “D-Darcos, may tama ka.” Bumangon agad si Rox, at ni-check ako. Nakita ko sa ekspresyon niya na nag-aalala siya, kaya medyo nabawasan ang sakit na nararamdaman ko. "Shh, I'm okay, darling," sabi ko, sabay hinawakan ang pisngi niya. She saved me again from danger. "Boss!” Dumating agad sila Franco at inalalayan akong umupo. "Hanapin niyo ‘yong sniper!" kunot noo kong utos. Namimilipit pa rin ako sa sakit, at nanghihina na dahil sa nawawalang dugo sa 'kin. “Delikado na rito, darling. Umuwi na muna tayo sa mans'yon," sabi ko kay Rox. “P-pero pa'no si nanay?" “Sila Alex muna ang bahala rito. Let's go.” Nakinig naman siya at pinaakbay na nila ako ni Franco sa mga balikat nila. *** “Boss,” ani Franco nang makapasok. We're currently at the clinic here in my mansion, my doctor is treating the g

  • Lover Of The Mafia Boss    Chapter 50

    Iniwanan ko na lang muna si Rox to gave her some space. I headed to the parking lot and got into my car. Napabuntong hininga akong sumandal sa driver's seat at napahilot sa noo ko.I pulled out my phone from my pocket and dial my private investigator's number. “Hello, Greg. May pa-i-imbistigahan ako sayo,” I said…my tone was serious and devastated.Hindi naman ako nagtagal rito sa parking lot at binalikan ko agad si Rox, but I frowned when I noticed she wasn't in her seat.I asked Franco, "Where is she?" My brows still furrowed. “Nasa may garden siya, boss, magpapahangin daw muna siya.”Tumungo agad ako ro'n at natagpuan kong humahagulgol si Rox, habang hawak-hawak pa rin ang picture ng mom niya.“Darling." I tried to hug her, para damayan siya, but I was shocked when she pushed me away. Nasasaktan na ako sa mga ikinikilos niya sa 'kin, at hindi ko na ‘to kayang tiisin. I hugged her again at hinigpitan ko na para hindi siya makawala. “Darcos ano ba! Bitawan mo ‘ko!" she said tear

  • Lover Of The Mafia Boss    Chapter 49

    Darcos's POV I don't know what the hell is going on right now. I thought everything would be okay dahil gising na ang mom ni Rox, pero ano ‘tong nangyayari ngayon…the doctors are suddenly giving her mom a CPR. “Darling, si nanay.” Rox is tearful now habang yakap-yakap ko siya. We're in front of the ICU room, and waiting. “Shh, calm down, okay? Your mom will be fine,” sabi ko habang hinihimas ang likod niya. Maya-maya, napabitaw na siya sa 'kin when the doctor came out of the ICU. “Doc, ang nanay ko?" tanong niya habang bakas ang lungkot sa mukha ng doctor. “We're really sorry Miss Caballero and Mr. Ruggieri. Ginawa na namin ang lahat, per—” “Hindi! Hindi p’wede ‘yan, doc! Hindi siya p’wedeng mawala! Okay na okay pa siya kanina, eh!” mangiyak-ngiyak na sabi ni Rox at agad siyang kumaripas nang takbo papasok ng ICU. Natulala lang ako at hindi siya nagawang sundan. Rinig ko ang paghagulgol ni niya nang malakas mula sa loob ng ICU. I felt sad for her, at nasasaktan akong nakik

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status