 LOGIN
LOGINRox's POV
"Boss D, 'wag!” isang malakas na boses ang narinig namin, kaya napahinto si boy afam. Dahil do’n ay medyo nakahinga ako nang konti. Kahit maangas ako at palaban, medyo natakot rin naman ako. Saka hindi pa ako handang makita si kamatayan, dahil seguradong hindi ako tatanggapin sa langit sa dami ng mga kasalanan ko. “H’wag niyo siyang papatayin, boss!" dagdag pa nung lalaking sumigaw kanina at hinihingal ito. Lumapit siya agad sa 'min at may binulong kay boy afam. “Are you sure, Greg?!" tila nagulat naman si boy afam sa binulong nito, sabay binaba niya ang baril na ‘tinutok sa 'kin. Tulala siyang tumitig sa ‘kin na para bang nakakita ng multo. "Yes, Boss D!" agarang sagot naman nung Greg. "Fuck! Damputin niyo siya at ipasok sa kotse!" ma-awtoridad na utos ni boy afam, at agad naman akong hinawakan ng mga kampon niya. "T-teyka, sa'n niyo ako dadalhin? Bitawan niyo ‘ko, ano ba!" pagpupumiglas ko habang sinasamaan sila ng tingin. "H'wag ka nang pumalag para 'di ka na masaktan!" sabi nung isang kampon niya. Pinagtulungan nga nila akong damputin, at pinasok sa isang SUV. Tinakpan pa nila ng nakakahilong panyo ang ilong ko, kaya hindi ko na alam ang sunod na nangyari. Darcos's POV “Damn! Buti na lang dumating ka agad, Greg! I almost killed her!" tiim bagang kong sabi, habang hinuhubad ang leather jacket ko. We're in my study room now. Umupo agad ako sa swivel chair at pabuntong hiningang sumandal sa backrest nito. "May nakuha kasi akong bagong information tungkol sa kanila, boss, kaya galing ako kanina sa isang barangay. Buti na lang napasilip agad ako sa phone ko, at naisipang i-check ang CCTV monitor ng bodega," paliwanag ni Greg, my private investigator. He's also a part of the mafia organization that I lead. Inabot niya sa ‘kin ang isang brown envelope, at binuksan ko agad ‘to. Background information ito nina Rox, at ng nanay niya, including pictures of them. She was just 8 years old when I began searching for them, the same year na namatay ang tatay niyang si Philip na best friend ko. Philip is also a member of our mafia organized crime, at secret body guard ko siya. Malayo lang ang distansya niya kapag nakabantay sa ‘kin. "Nakuha ko ang mga picture na ‘yan sa social media account ni Rox, boss. Saka nalaman ko rin na-ospital pala ang Nanay Rosario niya dahil sa isang car accident. Matagal na ‘tong naka-coma sa isang public hospital," dagdag pa ni Greg. Saglit naman akong natigilan at napaisip nang malalim. "Kaya seguro siya nagnanakaw para may pang bayad sa hospital bill ng nanay niya,” I said seriously, at nalungkot nang bahagya. “Nalaman ko rin boss, na member pala siya ng isang gang noon, at may record sila ng pagnanakaw," dagdag pa ni Greg. "Kaya pala ang lakas ng loob niyang pagnakawan ako. Sana'y na pala siya.” Medyo marami-rami na ring imported products na nanakaw si Rox, sa private port ko. Minsan mga alahas at mamahaling pabango pa. "Ilipat niyo agad ang nanay niya sa private hospital, and make sure na mahigpit ang security niyo sa kan'ya," my authoritative order. "Yes boss!" Tumalikod na agad si Greg at lumabas na ng study room. Nahanap ko na rin sa wakas ang mag-ina mo, Philip. Don't worry, I'll take care of them, pangako. Rox's POV Dahan-dahan kong binuka ang mga mata ko nang malanghap nang dalawang butas ng ilong ko ang napakabangong amoy. Nanlaki agad ang mga mata ko at napabangon dahil sa gulat. Lumingon-lingon ako sa paligid. Nasa loob pala ako nang malawak at napakagarang kwarto. Hinaplos ko ang kama na inupaan ko at grabeh, mas malambot pa ito sa pagmumukha ko. Napaisip agad ako at naalalang dinampot pala ako ng mga armadong kalalakihan kanina. Nalintikan na. Sa'n kaya ako dinala ng mga hayop na ‘yun? Anong balak nilang gawin sa ‘kin? Kinapa ko agad sa bulsa ang cellphone ko, para sana humingi ng tulong, pero wala na ito rito. Tanging wallet na lang ang naiwan sa bulsa ko na may lamang litrato namin ng Nanay Rosario ko. Hayst, pa'no na 'to ngayon? Baka patayin ako ng mga hayop na 'yun. Hindi. Hindi pwede 'to. Kailangan pa ako ni nanay, at gusto ko pa siyang makasama. Umalis na agad ako ng kama at nilibot ang sulok nitong kwarto. Kailangan makahanap agad ako ng paraan kung pa’no makakaalis dito. Ni-check ko ang pinto nitong silid, kaso naka-lock ito. Pero natuwa naman ako nang may makita akong bintana na hindi naka-lock, ang kaso nga lang nang sumilip na ako, biglang nawala ang excitement ko dahil nasa mataas na bahagi pala ang kwartong ito, at ang masaklap pa, pagtingin ko sa baba, jusko! Napakaraming naglalakihang aso. Mga K9 dogs pa ang mga ito. Makakababa nga ako rito, pero punit-punit naman ang katawan ko, at bubula pa ang bibig ko sa huli dahil sa rabies. Marami rin akong nakikitang armadong kalalakihan sa baba, at wala man lang akong nakitang ibang bahay. Puro naglalakihang puno lang. Darcos's POV Hindi na ako nagtagal pa sa study room ko at tumungo na rito sa master's bedroom. I'm taking a shower in my glass-walled bathroom, naked, savoring the water cascading down from the shower head. Nakatingala ako habang nakapikit at iniisip pa rin ang nangyari kanina. I still can't get over sa muntik ko nang pagpatay kay Rox kanina. I wouldn't forgive my self kung sakali mang napatay ko nga siya. Kinuha ko na agad ang towel after kong maligo. Kailangan ko pang puntahan ngayon si Rox sa room niya para i-check siya. Nang makapasok na nga ako sa kwarto niya, hindi ko agad siya nakita sa loob. Nagsimulang mangunot ang noo ko, at nang haharap na sana ako sa pinto, bigla na lang akong napaatras at umikot ang paningin ko. “Damn! Ahhh, shit!” daing ko habang dumudugo na ang ilong ko. It's Rox, she high-kicked my face, at nagtatago lang pala siya sa likod ng pinto kanina. I just glare at her at gano'n din siya sa ‘kin. Her fists are still raised. She immediately turned her back on me and was about to leave, but…
Darcos's POV “How is it, boss? Ayos ba?” tanong ni Franco na para bang proud siya. “Good!" tipid ko namang sagot habang nililibot ang pangingin sa paligid. We're here at Villa Ruggieri now. Nakatayo kami sa may garden kung sa'n kami magdi-dinner date ni Rox later. Pinalagyan ni Franco ng maraming lights ang paligid rito, at pinapuno niya rin ng rose petals ang sahig. It is so romantic to look at, and I hope Rox will like it. Nilapag ko muna sa table ang hawak kong flower bouquet at kinuha ko sa bulsa ang maliit na box na may lamang proposal ring. I smiled after I opened it. “Teyka, sing-sing? Don't tell me, magpo-proposed ka na kay Miss Rox, boss?” “Ayoko na siyang pakawalan pa, Franco, kaya pakakasalan ko na agad siya,” may ngiti kong sagot. “Pero pa'no kung ‘di siya pumayag boss?" Bahagyang nangunot ang noo ko dahil sa tanong ni Franco. “Mahal niya ako kaya segurado akong papayag siya," I replied confidently. "Eh boss, wala ka pa rin bang balak na sabihin sa kanya ang t
WARNING ⚠️ MATURED CONTENT. READ AT YOUR OWN RISK. Darcos's POV “Kumusta na ang pinapagawa ko sayo, Franco? May nakalap ka na bang ibedensiya tungkol sa mag-amang Aragon?” seryoso kong tanong habang may hawak-hawak na pistol at pinupunasan ito. We're at my office at nakaupo ako ngayon sa swivel chair. "Wala pa rin, boss, mula pa no’ng pinalagyan niyo sa 'kin ng tracking device ang kotse nila. Hindi ko pa sila narinig na nag-uusap nang masama against you. Kahit tungkol sa Bungo Gang, wala rin akong naririnig sa kanila,” sagot ni Franco. “Eh, baka naman hindi talaga sila ang tumatraydor, sayo, boss,” sabat naman ni Alex. "We still need to make sure, Alex," kunot noo kong sabi sabay lapag sa baril na hawak ko. “Kaya ipagpatuloy niyo lang ang pag-surviellance sa mag-amang Aragon, and the other members of our organization," dagdag ko. “Tok, tok, tok." Our conversation stopped for a moment when someone suddenly knocked the door. “Come in!" malakas kong tugon. Napali
Rox's POV Bago kami umuwi ng mansiyon, dumaan muna kami sa private hospital kung sa’n naka-confine si nanay, at habang papasok kami ni darling sa lobby, sandali kaming napahinto nang may namataan kaming ale na nag-iiyak sa may reception desk.“Parang awa niyo na po, ma'am. Tanggapin niyo na po kami ng anak ko rito,” mangiyak-ngiyak nitong sabi."Pasensya na po talaga, ma'am, pero hindi po talaga pwede. Guards, pakihatid niyo siya sa labas,” striktang sabi ng staff nitong ospital. “Kuya guard, sandali lang po,” pigil ko nang lumapit ako sa kanila. "Ate, ano po bang problema?" tanong ko sa ale. “Iyong anak ko kasi, may leukemia siya. Dinala namin siya sa public hospital, pero hindi kami tinanggap doon kasi kulang daw sila sa kagamitan. Kaya sinubukan kong makiusap dito, pero hindi rin kami tinanggap kasi wala raw kaming kakayahang magbayad,” sagot ng ale at mangiyak-ngiyak pa rin ito. "Tsk! Kasalanan ‘to ng Mayor Del Mundo na ‘yon, eh! Kung hindi niya lang sana kinakamkam ang pera
Nang magising ako kinabukasan, naramdaman ko agad ang pananakit ng buong katawan ko, lalo na ng perlas ng silangan ko. Lumingon ako sa gilid ko at wala na si Darcos sa tabi ko. Nasa'n siya?Napatingin agad ako sa may pinto nang makita kong bumukas ito at si Darcos ang pumasok.“Hey, gising ka na pala! I brought you break fast!” Masaya ang mukha niya habang may dala-dala siyang tray. Nilapag niya agad ‘yun sa bedside table.Ba’t parang hindi man lang napagod ang lalaking ‘to sa ginawa namin kagabi? Ang energetic agad niya. Seguro dahil lalake siya at mas malakas."Hey, what's with that look, huh? Gusto mo bang gawin ulit natin?” mapangharot niyang sabi, at napakagat labi pa.“Tumigil ka! Halos hindi na nga ako makagalaw ngayon, eh!" Sinungitan ko lang siya at binato ng unan."I know, darling, I'm just kidding." Ngumisi lang siya at naupo na sa tabi ko. “Kain ka na, gusto mo ba subuan na kita?" may lambing niyang sabi."Mamaya na, darling, gusto ko munang maligo. Ang lagkit-lagkit ng pa
Warning ⚠️ Ang kabanatang ito ay naglalaman ng maseselang eksena, lenguwahe, na hindi angkop sa mga batang mambabasa.Rox's POV “Kainis! Grabe naman ang pagmumukha ng lalaking ‘yon, sobrang tigas!" reklamo ko habang hinihipan ang namumula kong kamao.Napalakas din kasi ang suntok ko sa mukha nung manyak na lalaking 'yun. Hindi muna ako babalik sa room namin ni Darcos. Tsk! Naiinis pa rin ako sa kanya! Ayokong makita ang pagmumukha niya!Tumakbo ako rito sa may kakahuyan. Nasa loob pa rin naman ito ng beach resort niya."And who the hell told you na magsuot ka ng gan'yan?!” Agad akong napalingon sa gulat nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyun, at si Darcos ito.Salubong ang mga kilay niyang nakatitig sa 'kin, at naka-ikis pa ang mga kamay niya. “At nagpaakbay ka pa talaga sa hayop na ‘yun!” dagdag pa niya at ramdam kong selos na selos siya. Pero sinamaan ko lang siya nang tingin. Galit rin ako noh."Bakit? Ikaw rin naman, ah! Kung magpahawak ka sa Natalia na ‘yun wagas!” gal
Darcos's POV "So, Bullet. Na-kwento sa ‘kin ni Alex na bago ka naging con artist, isa kang hitman noon tama ba?” I asked seriously, at ‘yung bagong associate na ni-recomend ni Alex ang kinakausap ko. We're at my office now, here in my beach resort. Naka-de kwatro akong nakaupo habang mausisang kinikilatis itong associate na kaharap ko. “Totoo po ‘yun, boss, at mga high profile na tao ang pinapatumba sa ‘kin noon,” sagot niya. "Kung gano'n madali na lang pala sayo ang ipapagawa ko. Seguro naman alam mo na kung anong mga dapat gawin para maging member ka ng organisasyon namin?” tanong ko. "Yes, boss, sinabi na sa ‘kin ng caporegime. Kailangan kong dumaan sa initiation, at handa na po akong patunayan ang katapat ko sa inyo at sa organisasyon,” sagot niya. “Good, at magsimula ka na agad ASAP. Ibo-book ka ni Alex ng flight papuntang Italy. Hanapin mo ang boss ng Lombardi crime family, at patayin mo siya. Malaki ang atraso ng tarantadong 'yun sa pamilya ko. They assassinated us bef








