Share

Chapter Fifty Two 

NAPABUGA sa hangin si Gray nang dumating si Aling Ester at hanapin siya. Nang una ay inakala niyang hihingi lamang ito ng despensa sa nagawa nito kagabi, subalit, nagkamali siya. Ang nais nito ay tulungan niya itong mahanap si Jean. 

Wala namang problema kung magpapatulong itong hanapin ang kanyang kababata. Maging siya rin naman kasi ay nag-aalala ng hindi ito umuuwi. Siyempre iniisip din niya na baka may nangyari rito. Ang kinaiinis lang niya ay 'yung sinabi pa nitong siya ang dapat na maghanap sa anak nito dahil siya naman daw ang dahilan kaya hindi ito umuwi at kung may mangyari raw masama rito ay siya ang dapat na managot. 

“Siguro naman ay may konsensiya ka pa. Kailangan naman ay ayusin mong pananakit mo sa puso ng anak ko. Buong buhay ni Jean ay umasa siya pakakasalan mo siya tulad ng ipinangako mo nu’ng mga bata pa kayo…&rdq

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status