Share

Kabanata XXII

"AYOS ka lang ba? Dalhin na kaya kita sa hospital?" masuyo at nag-aalalang tanong ni Angelo habang hinahaplos ang likod niya. 

Nasa loob sila ng banyo at katulad ng mga nakaraang umaga ay nagsusuka na naman siya. Wala namang lumalabas sa bibig niya pero ang pakiramdam niya ay tila hinahalukay ang kanyang sikmura. Medyo nahihilo rin siya at medyo nanghihina ang kanyang katawan. Ganito lagi ang tagpo nila sa umaga at laging nasa tabi niya si Angelo para alalayan siya. Sobrang alaga siya ng asawa..

"Ayos lang ako, Angelo. Medyo nasasanay na rin ako at normal lang ito sa mga nagdadalang-tao. Mawawala rin ito," sagot niya. Tumango naman ito bago siya binuhat palabas ng banyo. Inihiga siya nito sa kama bago siya hinalikan sa noo.

Wala silang pasok ngayong araw at parang ang gusto niya lang ay mahiga sa ibabaw ng kama. Tamad na tamad siyang kumilos at parang sobrang bigat ng kanyang katawan. Pinapahirapan siya ng morning sickness niya at naiintindihan iyon ni Angelo kaya halo
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status