Share

Kabanata XXI

HALO-HALO ang emosyong nararamdaman ni Vanessa habang nakatitig sa pregnancy test na kanyang hawak. Mayroon 'yong dalawang pulang linya na ang ibig sabihin ay nagdadalang-tao siya. Nagbunga ang kapilyuhan ni Angelo at hindi niya alam kung ano ang nangingibabaw sa emosyong nararamdaman niya. Tuwa, takot o pangamba. 

Maaga siyang nagising dahil nakaramdam siya ng pagsusuka. Tulog pa si Angelo kaya sinulit na niya ang pagkakataong 'yon para gamitin ang pregnancy test na ilang araw na ang nakalipas buhat nang bilhin niya. 

Kailangan na niyang malaman kung nagdadalang-tao ba siya o hindi para masimulan na rin niyang uminom ng pills. Lalo na at mas naging madalas ang pagtatalik nila ng asawa buhat nang magka-aminan sila sa totoo nilang nararamdaman sa isa't-isa. Halos walang gabi na hindi sila nagtatalik ni Angelo.

At ngayon nga ay nasagot na ang matagal nang gumugulo sa kanyang isipan. Ang pagsusuka niya tuwing umaga at ang pagiging maselan niya sa pagkain na dati nama
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status