“Sh*t!" bulalas ko nang mabangga ako ng kotse. Pakiramdam ko saglit na lumayas ang kaluluwa ko sa aking katawan. Mabuti na lang at mabagal ang pagpapatakbo ng driver, parang pahinto na kaya hindi ako napuruhan.
“Sorry…” Kinakabahang sabi ng babae, at inalalayan akong tumayo. Muli pa siyang nag-sorry, nagtanong kung okay ba ako, at may sugat ba habang sinusuri ako.
Alalang-alala siya, pero ako napapangiti. Paanong hindi ako ngingiti? Siya ang pamilyar na nakita ko sa hotel noong isang linggo. Siya ‘yong hinabol ko, pero hindi ko naabutan.
Sinong mag-aakala na sa ganitong paraan kami muling magkikita. Ang nakakalungkot lang ay nasa parehong estado pa rin siya, malungkot at mugto ang mga mata.
Kaya walang patumpik-tumpik kong hinawakan ang kamay niya, dinala siya sa kanyang kotse, at inuwi ko sa bahay nang maalala niya ako at mapasaya siya kahit paano.
Kaya lang habang nag-uusap kami at pinapagaan ko ang loob niya, may nabuo sa isip ko na maaring maging sulosyon sa problema niya.
“Marry me, Doktora Cherry,” seryoso kong sabi na ikinalaki ng mga mata niya at napalunok pa.
“Nahihibang ka na ba?” Tumaas ang isang kilay niya. At matapos akong sabihang hibang ay hindi na muling nagsalita.
“Inalok ka lang ng kasal, hibang na?” sabi ko para bawiiin ang awkwardness na bumabalot sa amin ngayon.
“Talaga namang hibang ka! Anong pumasok sa utak mo at inalok mo ako ng ganyan—”
“Ikaw…” ngisi kong sagot na ikinatigil ng pagsasalita niya.
“Alam mo, Reynan. Na-appreciate ko ang kabaitan mo; na-appreciate ko ang layunin mo na tulungan ako. But, wala akong panahon sa laro mo.”
“Hindi ako naglalaro, dok. Seryoso ako—”
“Reynan, paanong seryoso ka? Ngayon lang ulit tayo nagkita. Magkakilala lang tayo bilang doktor at pasyente, hindi natin kilala ang isa’t-isa. Isa pa…mas matanda ako sa’yo. Paano magiging seryoso ka na pakasalan ako?”
“Perfect nga ‘e…I’m into older woman kasi…” Kagat sa pang-ibabang labi ang tumapos sa pagsasalita ko na ikinatirik naman ng mga mata niya.
“Well, ako ayoko sa bata!” Tumayo siya matapos sabihin ‘yon.
Tumayo rin ako, humarang sa daanan niya. Parang aalis kasi. “Tumabi ka nga,” lumihis siya ng daan at pumunta sa veranda.
Nagsalin na naman ako ng wine sa baso, sinundan siya bitbit ‘yon. “Dok…” Binigay ko sa kanya ang glass. Tinanggap naman niya pero hindi na niya ako nilingon.
“Dok, pag-isipan mo muna ang alok ko. Huwag mo agad tanggihan.”
“Hindi ko na kailangan pag-isipan pa, Reynan. Ayokong magpakasal sa bata, okay?”
“Tingin mo talaga sa akin bata? Thirty years na po ako, dok. Baka pagnakita mo ang ano ko…aray!” Tampal sa noo ko ang sagot niya na ikinangiti ko naman.
“Tigilan mo na nga ako sa kalokohan mo. Anim na taon ang tanda ko sa’yo!”
Napabuntong-hininga na lang ako habang kapa ang noo ko. Inisahang lagok ko ang wine habang nakatitig sa kanya. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit ganito ako ka-desidido na tulungan siya. Hindi ko rin alam kung bakit ako masaya no’ng makita siya. Respeto lang ba ‘tong nararamdaman ko, o dahil ba sa utang na loob na sinasabi niya kaya ako ganito?
Sumandal ako sa rehas ng veranda at humarap sa kanya. At siya, tulala na naman. “Dok, hanggang kailan mo parurusahan ang sarili mo?”
Mapait siyang ngumiti, sumandal sa tabi ko. “Wala namang tao na gustong parusahan ang sarili, Reynan. May mga katulad ko na nanatili sa isang toxic relationship kasi mahal namin ‘e. Umaasa kami na balang araw ay magbago sila, at makita nila ang halaga namin.”
“Depende po sa sitwasyon, dok. Lahat ng tao nagkakamali. Ipagpalagay natin na may panahong natutukso, naaakit sa panlabas na anyo, pero kapag paulit-ulit na, ibang usapan na ‘yon. Sinasadya na ‘yon. Maaring may dahilan kaya paulit-ulit kang sinasaktan.”
“Hindi ko nga alam kung ano ang dahilan. Kaya hindi ko maintindihan…” Bumuntong-hininga siya, at saka pinisil ang noo.
“Hindi mo maintindihan? O ayaw mo lang tanggapin na hindi ka na niya mahal?”
“God, Reynan! ‘Di ka na nakakatulong. Binubudburan mo ng asin ang sugat ko. Masaya ka ba na makita akong mesirable?”
“Dok, hindi ako masaya…” Hindi ko na tinapos ang pagsasalita ko, nagtaas din ako ng kamay tanda ng pagsuko, at mapait na ngumiti. “Mahal mo nga talaga ang nobyo mo, kapag siya ang nananakit, wala kang reklamo, iniintindi mo pa rin, at pinapatawad mo ng paulit-ulit.”
Tumiim ang labi niya. Yumuko pero bumilis naman ang pag-angat-baba ng balikat. Nagpipigil ng emosyon. “Reynan…” sabi niya, pero wala sa akin ang tingin, nasa wrist watch na.
“Yes, dok…” Nginitian ko pa rin siya habang hinihintay ang sasabihin niya.
“Tigilan mo nga ‘yang kangingiti mo!” Tinaasan niya ako ng isang kilay.
“Ayoko nga…tapos na ako sa yugto ng kalungkutan, at wala na akong planong bumalik.” Diretso kong sabi.
Sabay kaming napatingin sa may gate nang may tumigil na sasakyan, at lumabas mula roon ang isang babae. Sexy, maganda, at hulmang-hulma ang hubog ng katawan sa suot nitong skinny jeans at fitted blouse.
Napalingon lang ako nang marinig ang pahapyaw na tawa ni Doktora Cherry. Taas ang isang kilay nito at nakahalukipkip na. “Ang lakas ng loob mong mag-propose, may girlfriend ka na pala. Katulad ka rin pala ng nobyo kong manloloko.
Hindi ko siya sinagot. Tinitigan ko lang siya at maya maya ay lumingon sa gawi ng babae na papunta na rito sa veranda.
“Anna…” sabi ko at tinitigan siya ng makahulugan.
Tumitig rin siya sa akin sandali, at saka naman tinapunan ng tingin si Cherry.
Hinarap ko na rin si Doktora Cherry na walang ka emosyon-emosyon na nakatingin sa akin. “Doktora Cherry, si Anna.”
“Hi,” sabi niya, at nakipagkamay kay Anna.
Sumulyap muna sa akin si Anna, bago nakipagkamay sa kanya. “Doktora Cherry…” sabi niya. Nginitian niya rin ito.
“Sige na maiwan ko na kayo,” malamig nitong sabi, at kaagad na kaming iniwan.
Kaagad ko naman siyang sinundan. “Dok, ‘yong alok ko…”
Dismaya niya akong tinitigan na ikinatahimik ko naman. “Balikan mo na si Anna, bago ka pa awayin no’n,” taboy niya sa akin, at siya na mismo ang nagbukas ng gate.
Sumama pa rin ako sa kanya palabas. Hindi ko rin pinansin ang sinasabi niya dahil na-agaw ang pansin ko sa luggage na nasa backseat ng kotse niya. “Saan ka ba pupunta ngayon? May matutuluyan ka na ba?” nag-aalala kong tanong.
Napatingin din siya sa luggage niya. “Sa ngayon, mag-hotel muna ako. Bukas na ako maghahanap ng apartment,” seryoso naman niyang sagot na ikinatango ko.
“Sige na, alis na ako.”
“Dok, huwag ka na lang kaya umalis. Dito ka na muna pansamantala.”
Umiling-iling siya, at sumulyap pa kay Anna. “Reynan, umalis ako sa bahay dahil inuwi ng nobyo ko ang babae niya. Huwag mong iparanas sa girlfriend mo ang sakit na dinanas ko!” madiin niyang sabi, naluluha pa ang mga mata na kaagad niyang pinahid at mapait na ngumiti.
“Hindi ko naman siya girlfriend. Kaibigan lang…siya ang inutusan ko na mag-draft sana ng kontrata natin.” Pag-amin ko.
“Bakit hindi mo sinabi kaagad.”
“Hindi ka naman kasi nagtanong.”
Napailing-iling na lamang siya, sabay bukas ng pinto ng kotse.
“Dok, dito ka na lang tumuloy, please…” pamimilit ko na naman.
Ang bigat kasi ng pakiramdam ko na aalis siya. Sa estado niya ngayon, mas maganda na may nakakausap siya, may kasama siya, at may nahihingahan ng sama ng loob. Ranas ko na kasi ang ganito. Kapag mag-isa ka, lahat ng sakit, damang-dama mo. Pwedeng makapag-isip ng hindi tama, mawakasan lang ang paghihirap.
“Reynan, hindi maganda kung dito ako tutuloy…”
“Talagang hindi maganda na tutuloy ka lang, dok, ang maganda, magkatuluyan tayo…”
“Sira-ulo ka talaga!” Dinuro na naman niya ako. “Maka-alis na nga.”
Akmang papasok na siya, pero pinigil ko na naman. Hinawakan ko na talaga ang kamay niya at tumitig sa mga mata niya. “Dok, ‘yong proposal ko, valid ‘yon hanggang ilang taon. If ever, magbago ang isip mo, alam mo na kung saan ako hahanapin.”
Anim na buwan na ang lumipas matapos ang kasal namin Cherry, heto ako ngayon. Hindi makakali. Palakad-lakad sa labas ng delivery room na parang wala sa sarili. Ito na ang araw na pinakahihintay namin. Ang makasama ang aming panganay. Masaya ako. Sobra. Pero hindi ko maiwasan ang kabahan. Nanginginig ang mga kamay ko, at pakiramdam ko, pati sikmura ko'y bumaligtad. Ilang beses na akong naglakad pabalik-balik sa corridor, paulit-ulit na nagdarasal para sa mag-ina ko. “Sana okay sila…” Nahagod ko na naman ang buhok ko. Para na akong mababaliw. Gusto kong alamin kung ano na ang lagay nila. Gusto kong pumasok sa loob, pero bawal. Ayaw nila akong papasukin. Ang nakakainis, wala ni isang nurse ang lumabas—i-inform man lang kami sa lagay ng asawa ko. Kaya paminsan-minsang ko na lang idinadantay ang tainga ko sa saradong pinto, umaasang may maririnig akong kahit ano sa loob. Daing ba ni Cherry, o iyak ni baby. Kahit boses ng mga nurse at doktor na nagpapaanak sa asawa ko. Pero wala. Wala
REYNANSabay kaming lumanghap nang sariwang hangin ni Cherry nang makasampa kami sa yate. Nandito na kami sa Albay kung saan ako nag-propose at nangako isa’t-isa na magmahalan habangbuhay. Ang ganda na rito, pero mas gumanda dahil kasama ko siya, yakap ko siya mula sa likod, habang tahimik na tinatanaw ang pabulog na araw. “Ang ganda… ang aliwalas…” bulong niya. Napapangiting niyakap niya ang mga braso kong nakapulupot sa kanya.“Parang ikaw… ang ganda!” bulong ko, sabay ang mahinang kagat sa tainga niya. Napahagikhik siya. Saglit niya akong tinapunan ng nagbabalang tingin nang hindi ako tumigil sa isang kagat lang. Sinabayan ko na rin ng halik.“Tumigil ka… ‘yon ang tingnan mo.” Nguso niya ang Mayon. Kahit malayo, kita pa rin mula rito sa yate—may ulap sa tuktok, pero nananatiling perpekto ang korte. Parang kami ni Cherry. Minsang binayo ng malakas ng bagyo, minsang nasira… pero nanatiling matatag… mas minahal ang isa’t isa.“Kanina pa nga ako nakatingin… gusto ko, ikaw naman ang
Sabay kaming napabuga ng hangin nang makarating kami sa reception. Alam namin na talagang maganda ang lugar. Pero ngayon mas gumanda pa. Parang paraiso sa isang panaginip—punung-puno ng ilaw, mga hanging bulaklak, puting tela na nakalambitin sa bawat poste ng venue. At ang malamig na simoy ng hangin ay parang nakikisabay sa init ng mga ngiti ng bawat taong naririto.Napayakap ako kay Reynan. Napangiti naman siyang hinaplos ang aking balikat. Tanaw namin ang mga bisitang abala sa kwentuhan sa mga kasama nila sa mesa. Ang saya nilang pagmasdan. ‘Yong alam mong masaya rin sila gaya namin ni Reynan. Napabitiw ako kay Reynan nang umalingawngaw ang boses ng host. "Alright! Busog na ba ang lahat?" sigaw ng host. Sabay namang sumagot ang lahat. Syempre may kasabay na tawanan. “Kung gano’n, maghanda na ang mga single ladies? It's bouquet time!"Nagtilian ang mga babae. Iginiya naman ako ni Reynan sa gitna ng stage. Saglit kong tiningnan ang lahat, saka tumalikod. “Ready!” sigaw ulit ng ho
CHERRYAwit ng mga ibon. Maagang sikat ng araw, at ang preskong hangin ng Tagaytay ang bumati sa akin. Dagdag pa ang magandang view na nakikita ko mula rito sa balcony ng silid ko. Ang gaan sa pakiramdam, parang hinaplos ang puso ko. Lahat… parang ba naki-celebrate sila sa kasiyahang nararamdaman ko.Hindi pa sumisikat ang araw ay gising na ako—kami ng asawa ko. Siyempre, hindi pwedeng walang good morning kiss kahit sa screen lang. Kaya heto, gising na gising na ako, pati ang puso ko na kanina pa umiindak-indak."Dra. Cherry, nandito na po ang glam team mo… ready na po silang gawin kang pinakamagandang bride!" bungad ni Anna.Lumingon ako. Bumuga ng hangin at tumango habang mahigpit ang hawak sa puting robe na suot ko.Mabagal akong naglakad pabalik sa silid at umupo sa harap ng dresser. Pumasok naman ang mga stylist.“Sina Mama? Mga kapatid ko?” tanong ko kay Anna na in-assist ang mga stylist.“Inaayusan na rin sila, dok. Hindi raw kasi pwedeng ikaw lang ang maganda, dapat tayong lah
Hindi mawala-wala ang ngiti ko habang pinagmamasdan ang mga taong pinakamahalaga sa amin ni Reynan. Nandito na kami sa Tagaytay. Ikatlong araw na namin dito ni Reynan. Dito rin kasi kami nag-prenup shoot. At ngayon nga ay dumating na rin ang aming pamilya at malalapit na mga kaibigan. Bukas na nga kasi ang aming kasal. Kaya, heto at nagtipon-tipon kami rito sa private hall ng hotel.At syempre, kapag kaming lahat magkasama, puro tawanan lang, puro kulitan ang kasabay ng aming salo-salo. Kanya-kanyang topic ang lahat. Nakakatuwa. Ang saya nilang kasama...“Asawa ko, ayos ka lang?” bulong sa akin ni Reynan. Katulad ko, siya rin ay tahimik habang nakikitawa lang sa makukulit naming mga kasama. “Ayos na ayos… sino ba ang hindi magiging maayos kung sila ang kasama?” Napangiti si Reynan. Hinaplos ang hita ko. Agad ko iyong hinawakan. Sakto kasing napalingon si Onse. Nakita ang ginawa niya.Nasa gitnang bahagi ng mahaba at eleganteng mesa kami ni Reynan. Sa kanan ko ang mga magulang at
“Oo,” mahinang sagot ko, pero diretso ang mga mata sa kanya. “Buntis ako, George...” Matapos ang mahabang katahimikan, nagawa ko ring sumagot. Unti-unti ko na ring naririnig ang ingay sa palagid at ang presensya ng mga tao dito sa mall. Napalingon ako kay Reynan nang maramdaman ko ang bahagyang paggalaw ng kamay niya sa baywang ko. Ngumiti ako, at muling kay George. “Maging ina na ako… magiging magulang na…” Napakunot ang noo niya, namula ang mga mata, pero agad din iyong nawala. Bahagya siyang tumango, pero hindi nagsalita. Hindi ko alam kung ano ang laman ng utak niya… kung ano ang iniisip niya, pero ‘yong tingin niya sa amin ni Reynan noon. Kakaiba… hindi ako sanay. Tingin na laging galit at naghahamon ng away… wala na. Magaan ang pagkakatitig sa amin ngayon.“Masaya ako na ngayon,” dagdag ko. “Masayang-masaya...”“Alam ko…” Napangiti siya. Sa puntong ‘to, mapait. Pero hindi pait ng galit. Parang pait ng pagtanggap. Pait na pagsuko. Maya maya ay napayuko siya. Pinaglalaruan ang