Paika-ika akong naglakad pababa ng grand staircase, naabutan ko sa salas sina Mike at Trisha na sobrang sweet, napangiwi na lamang ako sa mga ito. Dumiretso na lamang ako sa kusina para magtimpla ng gatas.
"Magandang umaga, hija, akala ko ba ikakasal kayo ni Mike, ba't may babae yang kalampungan?" tanong ni Aling Melba sa akin halatang naki-chismis na naman. "Oo nga po, kaya lang contract marriage for two years. Kung mahilig kayong magbasa ng mga apps like d****e and w*****d makukuha niyo ang ibig kung sabihin." "Contract marriage? May gano'n ba, hija?" takang tanong ni Aling Melba sa akin sabay kamot ng ulo nito na tila nag-iisip. Hindi ko napigilang mapangiti sa hitsura ni Aling Melba lalo na at hindi maipinta ang mukha nito. "Oo, sa mga korean drama Aling Melba uso 'yan. Kaya next time sumama ka kay Micah para ma-gets mo ang punto ko, ang hirap sa inyo palagi na lang kayo sa trabaho. Take your time na man na manood ng mga nakakakilig na mga love stories," nakangiting tugon ko kay Aling Melba. "Masubukan nga 'yan." "Paano, aalis na po ako, Aling Melba, sa garden lang ako," saad ko at tinungo ang hardin. Naupo ako sa swing, inaaliw na pinagmamasdan ko ang fountain, bigla kong naalala ang aking ina. Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. How I miss her so much. Muli'y tumayo ako eksaktong naubos ko ang gatas na iniinom. Naisipan kong puntahan si Tita Thalia sa silid nito, nakaawang ang pintuan ng kwarto ni Tita kaya pumasok na lamang ako sa loob. "Tita," tawag ko kay Tita Thalia at lumapit dito para ito'y yakapin, palibhasay bigla akong nangulila sa aking ina. "How are you, hija? Ang sabi ni Mike nasugatan ka raw kahapon, ba't naman kase hindi kayo nag-suot ng boots?" "Nakaligtaan ko pong magsuot, don't worry Tita malayo sa bituka 'to t'saka saka hindi ko naman ikamamatay ito. Hinimtay lang na man ako kahapon dahil sa nerbiyos, alam niyo namang takot ako sa dugo," tugon ko kay Tita Thalia na kasalukuyang kumakain ng mga prutas. Napalingon ako sa pintuan kung saan nakatayo ang private nurse ni Tita Thalia na may dalang maleta. Pumasok ito sa loob at napangiti sa amin, nagtatakang nakatingin lang ako rito. "Senyora, aalis na po ako. Ma'am Levi, tutuloy na po ako," magalang na saad ng nurse kay Tita Thalia at kunot-noong napalingon ako kay Tita Thalia. "Tita, saan pupunta ang private nurse mo?" "Kailangan niya munang umuwi sa kanilang probinsiya dahil nagkasakit ang itay niya, ayoko naman siyang pigilan dahil ama niya 'yon, at baka kargo konsensiya ko pa kung may mangyaring masama sa itay n'ya. But I'm fine, nandito ka naman at alam kong hindi mo ako pababayaan," masiglang sagot ni Tita Thalia at hinaplos ko ang buhok nito. "Oo naman po, mahal ko kayo bilang aking pangalawang ina, ang swerte ko nga at kinupkop niyo ang isang tulad ko," sagot ko kay Tita Thalia, nang may biglang tumikhim mula sa pintuan. Kapwa kami napalingon at lihim akong napairap nang makita sina Mike at Trisha. Pumasok sa loob ang dalawa saka naman lumapit si Mike sa ina nito para halikan ito sa pisngi gayundin ang ginawa ni Trisha. "Kumusta ka na Tita Thalia, I hope you are doing well right now," si Trisha na halatang peke ang pagkakangiti. "Well, I'm fine dear. I never thought that you're here?" sagot ni Tita Thalia na hindi man lamang ngumingiti kay Trishia. "Mabuti na man po kung ganoon, by the way may pasalubong nga po pala ako sa inyo Tita, ibinigay ko na po kay Aling Melba para mailagay sa fridge," turan ni Trisha kay Tita Thalia halatang pilit lang ang pakikitungo nito. "Oh well, thank you dear, hija Levi, pwede mo ba akong samahan na bisitahin ang ating mga bulaklak sa farm?" Nakangiting ani ni Tita Thalia sa akin na siyang pinaunlakan ko naman. "Of course Tita, no problem po," sagot ko rito sabay tayo at inalalayan si Tita Thalia sa pagtayo nang hindi sinasadyang bigla akong napaupo sa kama, nakalimutan kong may sugat pa pala ako sa talampakan. Napangiwi na lamang ako sa sobrang kirot. "Oh, I forgot, may sugat ka nga pala sa talampakan, ganito na lang, kay Trisha na lang ako magpapasama, at ikaw, Mike, samahan mo si Levi sa doktor para muling ma-check-up ang sugat niya, baka ano pang mangyari dyan at magka-impeksiyon pa." "No, huwag na po Tita. Kaya ko naman pong maglakad hindi ko lang talaga maiwasang mapangiwi sa kirot. I suggest, mas maigi kung tayo na lang pong dalawa Tita, it's better na hayaan muna natin sina Mike at Trisha na makapag-bonding." Maagap kong tugon kay Tita Thalia, iniiwasan kong mainis at mairita na naman sa akin si Mike. Ngunit, hindi nakaligtas sa aking paningin ang pagtutol sa mukha ni Tita Thalia sa aking suhestiyon. "Alright," sagot na lamang ni Tita Thalia since wala na siyang choice, napalingon pa ito sa gawi nina Mike at Trisha. Inalalayan ni Mike ang ina nito para makatayo, pagkatapos ay ako. Si Trisha nama'y nakamasid lang sa nangyayari, halatang lihim itong nagngingit sa inis para sa akin. *** Nasa cottage kami ni Tita Thalia habang minamasdan ang farm na puno ng mga iba't ibang bulaklak, palibhasa'y may flowershop ang mga Montenegro sa lugar ng San Martin. Ako ang nag-manage niyon bumibisita lang ako kung may kunting problema. May mga tauhan naman na mapagkakatiwalaan ang mga Montenegro kaya walang problema, palibhasa'y, mababait ang angkan ng pamilya Montenegro, maliban na lang kay Mike na kung ako ang tatanungin, nang magpa-ulan ng kabutihang-loob sa pamilyang Montenegro minalas talaga si Mike at hindi pinagpala ang mokong. Sariwa ang hangin sa dako namin habang nakaupo kami sa lanai. Maya'maya'y dumating si Mike kasama ang kabayo nitong si Tigrel, bumaba ito mula sa kabayo at itinali sa puno. Hindi ko na kailangan pang lingunin kung sino ang dumating, kabisado ko na ang ingay na likha ni Mike pati na rin ang ingay na likha ng kabayo nitong si Tigrel. "Napasyal ka yata, hijo? Nasaan na iyong kasama mo?" tanong ni Tita Thalia kay Mike. "She's mad Mama, I've told her everything, sinabi ko na sa kanya ang kasunduang ipinagkasundo mo para sa amin ni Levi," balewalang sagot ni Mike kay Tita Thalia. Napalingon ako kay Mike at matamang nakatitig dito, hindi makapaniwala sa mga sinasabi nito. Napansin kong napangiti naman si Tita Thalia sa balitang umalis na ang intruder ng kanyang pamilya. "Do you mean, wala na kayo?" Muling tanong ni Tita Thalia kay Mike. "She broke up with me Mama, and I don't care, I do have lots of girlfriends hindi lang na man siya ang babae sa mundo," simpleng sagot lang ni Mike kay Tita Thalia at napasulyap ito sa aking gawi, kasalukuyang umiinom pa naman ako ng lemonade at awtomatikong tumaas ang isang kilay ko sa narinig mula rito. "At bakit ka ba nakatingin sa'kin, ano bang tingin mo sa'kin isa sa mga babae mo? Nagpaparinig ka ba?" Inis na asik ko kay Mike. "Natamaan ka ba? Kung umasta ka na man feeling mo talaga ikaw ang pinahiwatigan ko? Assuming ka rin, no? Hindi porke't napatingin ako sa'yo ikaw na ang tinutukoy ko," tudyong sagot naman ni Mike sa akin, bakas sa mukha nito ang pinipigilang ngiti. "Tama na nga iyang iringan ninyong dalawa, ang mabuti pa Mike, isama mo na si Levi sa mga trabahador natin sa hacienda, isang kabayo na lang ang sakyan ninyo. Total hindi pa okay ang talampakan niya, sa isang kabayo na lang kayo sumakay ng maalalayan mo si Levi." Masiglang tugon ni Tita Thalia na bakas sa mukha ang kaaliwan sa pagmamasid sa aming dalawa ni Mike. "Pero Tita ikaw lang mag-isa dito." "I'm not, nandito ang mga farm workers. Kaya wag ka nang mag-alala, gusto kong bisitahin ninyo ang kalagayan ng mga trabahador ng hacienda. Sige na umalis na kayo para hindi kayo gabihin pag-uwi." Hindi ngumingiting napasulyap sa akin si Mike at nakangiti lang ito sa akin, tila ngiting sa tingin ko'y may planong kalokohan. Subukan lang nitong gumawa ng kakaiba at hindi ako mangingimi na gamitin ang tinurong karate sa akin ni Tito Marco. Lumapit sa akin si Mike at hindi ko inaasahan ang ginawa nito, diretsang bihuhat ako nito gamit ang matipuno nitong mga bisig patungo sa kabayong si Tigrel. Pagdakay, nagpaalam agad kami kay Tita Thalia at pagdakay pinatakbo ni Mike ng dahan-dahan si Tigrel. "Ano bang nakain mo't bigla kang pumayag sa Mama mo ngayon? Nakakain ka ba ng butiki or something weird?" Maagap kong kay Mike. "Could you please stop asking nonsense questions Levi," iritadong sagot ni Mike sa akin. Hindi ko tuloy napigilan ang matawa sa sinabi nito. Maskin ako sa sarili ko ay hindi rin alam kung bakit nga ba? Ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin, ang sariwang hangin ng hacienda Montenegro. Napaka-awkward ng lagay namin ngayon ni Mike, ni walang salitang namutawi sa aming mga labi na para bang tila nagpapakiramdaman lamang kami sa isa't isa sa mga sandaling magkasama kami na nakasakay kay Tigrel. Hanggang sa hindi na ako nakatiis at mas pinili kong maging madaldal. "Mapapanis ang laway ko sa'yo, pwede ba mag-kwento ka naman dyan, matagal pa ba tayo?" Kunway reklamo ko kay Mike, hindi kasi ako sanay na tahimik kaming dalawa. "Pwede ba wag kang malikot, baka mahulog ka pa, kargo konsensiya ko na naman," sita sa akin ni Mike. "Bakit hahayaan mo bang mahulog ako?" "Ano sa tingin mo?" Balik tanong ni Mike sa akin."Mama, do I look good?" tanong ng bunso niyang si Isaac. Napangiti si Levi sa anak. Ginulo niya ang buhok nito at saka kinarga sabay halik sa pisngi. Ngumisi ang cute na bubwit. "Where's your kuya's?" instead, tanong niya dito. "They were swimming at the pool with, Papa. I don't even know how to swim, Mama," busangot ang mukha nito. "Don't be mad, Mama will teach you on how to swim, do you like it?" magiliw niyang tanong dito. Tumango si Isaac sa ina at muli' napangiti. Nadatnan niya ang kanyang mag-ama na masayang naliligo sa pool. Looking at her three little kiddos is just like a dream. Lucas age is already 18, binatilyo na ang kanyang Lucas. Lucas is a serious type of man. Mateo is already 8, a boy who love to play guitar, and he loves book, which is, na mana yata nito sa tita Micah niya. While her little Isaac is so sweet and a loving one. Napasulyap siya sa kanyang asawa. Kumindat ito sa kanya. Sinuklian naman niya ito ng isang matamis na ngiti at lumapit dito. Mula kay Lev
Nang hilahin siya ng anak papunta sa living room ng kanilang bahay ay hindi niya inaasahan ang kanilang bisita. Natutuwa siyang makita ang mag-asawang Montenegro. At si Micah. Panigurado siyang alam na ng mga ito ang katotohanan.Hindi nga siya nagkamali nang yakapin siya ng mga ito at isatinig ang kanyang pangalan. Napaluha siya. Halos pauli-ulit siyang humingi nang tawad sa mga ito. Heto ang pamilyang kinalakhan niya, ang pamilyang may ginintuang puso. Masaya ang lahat nang araw ding iyon habang kumakain nang agahan. Maliban kay Mike. Kanina pa niya hinahanap ang asawa, ni anino nito'y hindi niya nakita. Ang sabi ng mga magulang nito'y may importante lang daw itong meeting sa mga board of directors. Napasulyap si Levi sa orasan. It's almost 10:AM na pala. Nalaman ni Levi na naging maganda na ang takbo nang kalusugan ng Ginang. Hindi naman nagtagal ang mga ito at nagpaalam na din sa kanila ni Lucas, na abut-abot ang kurot sa pisngi nito ng kanyang tita Micah sabay busangot nito. Nap
Ano na nga ba ang gagawin niya? Hindi naman siya tanga para hindi malaman ang tunay na dahilan kaya siya hindi matanggap-tanggap sa mga kompanyang in-applayan niya dahil sa kagagawan ng asawa niya. Malapit nang sumabog sa inis si Levi.Pumara siya ng taxi. Sinabi niya agad ang address sa driver. Kailangan niyang makapasok sa Montenegro Industries Corp. Kailangan niyang harapin ang walangya niyang asawa. Hindi pwedeng ganito, injustice na ang ginagawa nito sa kanya, sobra na 'to. Nang makarating siya sa Montenegro building, hindi na siya nagpapigil sa guard dire-diretso siyang pumasok, halos takbuhin niya ang elevator. Napapakamot naman sa ulo ang guard. Bagsak ang balikat nito.Inis ang nararamdaman ni Levi ngayon. Wala siyang pakialam sa mga taong nagsisitinginan sa kanya. Kailangan niyang makausap ng maayos ang gago niyang asawa. Bago pa niya mahawakan ang seradura ng pintuan ng opisina ni Mike ay napigilan na agad siya ni Irish. "Gosh, girl hindi ka pwede dito! Mainit ang ulo ni s
Bumukas ang pintuan ng kwartong inukopa ni Levi. Pumasok doon ang mga taga-linis ng hotel. Tahimik lang ang mga ito. Lumapit sa kanya ang isang maid at sinabing lumipat siya sa ibang room. "Iyon po ang utos ni Mr. Montenegro Ma'am," magalang na wika ng maid. Dahan-dahang napatayo si Levi. Sinamahan siya ng maid sa bago niyang room, dala nito ang kanyang kagamitan. Wala siyang pakialam kung ano mang hitsura niya ngayon. Ang alam lang niya, takot na takot siya sa isiping, paano nga ba kung ilalayo sa kanya ni Mike ang kanilang anak. Hiling niya na sana'y bigyan man lang siya nito nang pagkakataon na magpaliwanag. "Kung sakali man, na may makita kayong singsing, ibigay ninyo agad sa'kin," utos niya. "Opo, Ma'am, magpahinga na po kayo," sagot ng maid. Tinungo ni Levi ang balcony ng hotel, hinawi niya ang mahabang kurtina at binuksan niya ang sliding door. Ang malamig nang simoy ng hangin ang bumungad sa kanya, pumikit siya, dinama ang sariwang hangin. Naalala niya ang galit na gali
Nakahinga nang maayos si Levi nang mai-close agad ni Mike ang deal nito sa dalawang kliyente. Sumakit na nga ang kamay ni Levi sa kasusulat ng mga detalyeng pinag-uusapan ng mga ito, at medyo sumakit din ang ulo niya at minsan nakaramdam siya nang pagkahilo. Pilit lang niya iyong nilalabanan. Baka akalain pa ng kanyang boss na nag-iinarte na naman siya. Napasulyap siya sa kanyang wristwatch, it's almost 8:30 na pala ng gabi at kasalukuyang nasa isang Italian Restaurant sila, katatapos lang ng meeting ni Mike sa pangatlo nitong kliyente. Napahilot sa sentido ang dalaga. Sa tuwing susulyap ang binata'y inaalis niya ang kanang kamay sa kanyang sentido. Malamang, nagugutom na rin siguro siya, kaya sumasakit ang kanyang ulo. "Are you alright?" hindi na nakatiis si Mike, kaya tinanong na niya ang dalaga. Napasulyap na man ito at napatango sa kanya. Sumenyas si Mike sa waiter na naroon, agad namang lumapit ang waiter at ibinigay sa kanila ang menu. "Spaghetti alla Carbonara and lemonad
Pinaimbestigahan ni Mike si Elvie sa private investigator na kinontak niya, batid niyang may itinatago ang babae, para sa kanya napaka-misteryoso nito, hindi niya maintindihan ang sarili. Gusto lang niyang makasiguro. Naging malapit kase ang anak niya dito na lubos niyang ipinagtaka. Ano'ng meron sa babaeng 'yon at gano'n na lang ka bibo ang anak niya dito? Hindi ugali ni Lucas na makipag-usap sa mga taong hindi nito lubos na kilala. "Lucas, come on," tawag niya sa anak. Napasulyap ang dalawa sa kanya. Nagmamadaling hinila naman ng bata si Levi at nagpatianod dito. "Isasama na ba natin si Elvie, Papa?" masiglang tanong nito sa kanya. Tumango siya sa anak, ni hindi man lamang niya sinulyapan ang dalaga. Sanay na si Levi sa pabago-bagong mood ng asawa. Hindi na iyon bago sa kanya. Sumakay sila sa kotse ni Mike, nasa backseat si Lucas at nasa front seat na man si Levi. Napasulyap siya sa anak sa rearview mirror. Minsan nahuhuli niyang nakatitig sa kanya si Mike kasabay nang pagsikd