"Ano nga palang gusto mong sabihin sa'min hija?" malambing na tanong ni Mrs. Montenegro, kasalukuyang nasa hapag-kainan kaming lahat.
Tumikhim muna ako at ngumiti. Kailangan kong magkaroon ngayon ng matatag at malakas dapat ang loob. "Tita, gusto ko po sanang magpaalam sa inyo, ninyo ni Tito Marco regarding po sa desisyon kong bumukod na, I know na hindi kayo papayag but please Tita pumayag na po kayo, kaya ko na naman po ang sarili." Dire-diretsong tugon ko. Napahinto ang mag-asawa sa pagnguya at napatingin sa aking direksiyon. Bakas sa mukha ng mga ito ang pagkagulat. "Levi, ginulat mo naman yata kami sa desisyon mong iyan. Bakit, hija, inaaway ka na naman ba ni Mike, binubulyawan ka na naman ba niya? Napakawalang modo talaga iyang anak mo Thalia!" Kunot-noong turan ni Mr. Montenegro kasabay ng pagkuyom ng dalawang kamao nito. "Tito, hindi po at nagkakamali po kayo," mariing tanggi ko sa tinuran ng ama ni Mike. "Tito, nahihiya na po ako sa inyo ni Tita Thalia, sobra-sobra na po ang kabutihang iginawad ninyo sa'kin. I just want to be independent, Tito, Tita. Huwag niyo naman po sana itong mamasamain, but we need to face the reality. Hindi po habang-buhay ay nakasandig nalang po ako sa inyo. Kailangan ko rin pong tumayo sa sarili kong mga paa para po makapagsimula ng panibagong kabanata ng aking buhay, at tatanawin ko pong utang na loob ang mga pagmamahal na iginawad ninyo sa akin." mahabang paliwanag ko sa mag-asawang halata parin sa mukha ng mga ito na parang hindi makapaniwala sa narinig mula sa akin. "Oh, Levi hija, mamimis ka namin ng Tito Marco mo," Malungkot na tugon ni Mrs. Montenegro. Tumayo ito at lumpit sa akin para ako'y yakapin. "Is that really you're final decision, hija?" "Opo, Tita Thalia," sagot ko at yumakap dito. "Kung 'yan talaga ang desisyon mo wala na kaming magagawa riyan, nirerespeto namin ang desisyon mo, pero 'wag ka sanang mahiyang tawagan kami kung may mga kailangan ka," saad ni Mr. Montenegro sa akin. "Maraming salamat po at naintindihan niyo ako Tita, Tito." "May nakita ka na bang tutuluyan mo?" tanong ni Tita Thalia, halata sa magandang mukha nito ang labis na pag-aalala para sa akin. "Opo, Tita, sa tinutuluyan pong apartment ni Tessa, naalala n'yo po ba si Tessa?" "Oo naman, mabuti naman kung ganoon, hija. Kailan ka ba bubukod?" tanong ni Mr. Montenegro. "Next week po, Tito." Naputol lamang ang usapan namin nang makarinig kami ng tawanan at mga yabag papalapit sa aming gawi. Agad akong napalingon sa kinaroroonan ni Mike kasama ang mga kaibigan nito at ng girlfriend nitong si Trisha. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang pagngiwi ni Tita Thalia ng makita si Trisha, palibhasa'y ayaw nito sa dalaga para sa anak dahil para rito walang delikadesa ang dating ni Trisha. "Ma, Dad," turan ni Mike at humalik sa pisngi nina Tito Marco at Tita Thalia. "Kumain ka na ba, hijo?" "I'm done ma," sagot ni Mike sabay akbay sa girlfriend nitong parang sawa kung umalingkis sa bisig nito. "Hello, Tita Thalia," turan ni Rey at humalik sa pisngi ni Tita Thalia at nakipagkamay naman ito kay Tito Marco. Ngumiti lang sina Tita Thalia at Tito Marco at napatango. Ngumiti lang ang ilang mga kasamahan nina Mike sa mag-asawa, at ang huli ay si Trisha, ngumiti ito at humalik sa pisngi ni Tita Thalia, hindi nakaligtas sa aking paningin ang pagngiwi si Tita Thalia na tila parang nandidiri sa ginawa ni Trisha. "Stay away from my son," bulong ni Tita Thalia kay Trisha na hindi nakaligtas sa aking pandinig. Mapang-asar na ngumiti si Trisha kay Tita Thalia at napatingin pa nga ito sa aking kinaroroonan sabay taas ng isang kilay nito. "I'm sorry Ma'am but, wala ka nang magagawa kung mismo ang anak mo ang gustong humabol-habol sa'kin," ganting sagot ni Trisha kay Tita Thalia at mabilis na ikinawit ang kamay sa mga bisig ni Mike. "We have to go, ma, dad, nasa balcony lang kami," ani Mike at ipinulupot sa bewang ni Trisha ang sarili nitong braso para akayin, sumunod na rin ang mga kaibigan nito. Umirap lang ako nang dumaan sa gawi ko lol sina Mike at Trisha. Samantalang kumindat naman sa akin si Royce, isa sa mga kaibigan ni Mike, ngumiti naman ako ng pagkatamis-tamis dito. Nasundan na lamang namin ng tingin ang papalayong grupo, at saka naman nagpakawala ng marahas na malalim na buntong-hininga hininga si Tita Thalia. Hawak ang sariling sentido at naupo sa upuan, inalalayan ito ni Tito Marco. "Okay lang po ba kayo, Tita?" May pag-aalalang tanong ko. "Sweetheart, is there something wrong? Tatawag na ba ako ng doktor?" tanong naman ni Tito Marco, bakas sa mukha nito ang labis na pag-aalala para sa asawa. "No, I'm fine, just... I don't like that woman!" "Sweetheart, wala naman tayong magagawa kung si Trisha ang mahal ng anak natin. Labas na tayo do'n, hayaan na natin si Mike, he's too old para pagbawalan pa natin siya kung sino ang babaeng mamahalin niya, always remember that we never have the right na panghimasukan ang buhay pag-ibig ng anak natin." Paliwanag ni Tito Marco kay Tita Thalia. "Ang mabuti pa po Tita magpahinga nalang po muna kayo," suhestiyon ko habang hinimas-himas ang likod ni Tita Thalia. "I guess you're right, hija." Mabilis ang kilos ni Tito Marco at inalalayan ang mahal nitong asawa patungo sa kwarto ng mga ito. *** Naisipan kong uminom ng juice kaya tinungo ko ang kitchen, nadatnan ko si Aling Sita na naghahanda ng pagkain, napansin kong matamlay ang matanda kaya lumapit na ako rito. "Okay lang po ba kayo Aling Sita?" tanong ko rito, dinaluhan ko ang matanda at ipinaghila ng mauupuan. "Nahihilo yata ako, hija," sagot nito habang nakayuko na tila parang nananalangin. "Mabuti pa kaya'y magpahinga na lang po muna kayo." "Naku hindi pwede, kailangan ko pa itong ihatid sa balcony para kay Mike at sa mga kaibigan niya," saad nito na halata sa mukha ang pagod, para namang kinurot ang puso ko sa napagmasdan. "Ako na po ang bahala, kaya 'wag ka na pong mag-alala." "Sigurado ka ba, hija?" "Hay naku si Aling Sita, oo naman po. Ako pa!" "Nag-aalala lang ako sayo, hija, alam mo namang hindi lingid sa'min ang pagiging aso't pusa ninyo ni Mike. Minsan naisip ko tuloy baka may gusto sayo ang batang 'yon." "Sus, si Aling Sita talaga puro biro, hindi ko po type ang mga lalaking walang ibang gawin kundi ang mambulyaw, at isa pa po, hindi siya ang tipo kung lalaki," nakangiting sagot ko kay Aling Sita. Inayos ko ang mga pagkain at inilagay sa tray para dalhin sa balkonahe kung saan naroon sina Mike at ang mga kaibigan nito kasama ang haliparot nitong girlfriend na si Trisha. "Sige, hija, magpapahinga na lang muna ako sa silid ko." "Sige po." Umalis na si Aling Sita at tinungo ang sariling silid. Samantalang ako naman ay hinanda na ang dadalhin para sa mga bisita ni Mike. Dahan-dahan akong naglakad palapit sa mga nagtatawanan. Mula sa malayo napansin ko si Trisha na kasalukuyang nakakunot ang noo nang mapansing ako yata ang nagdala ng pagkain para sa mga ito. Nang makalapit na ako ay inilapag ko agad sa mesa ang mga pagkain at kasabay niyon ang pagsipol ng mga kaibigang lalaki ni Mike. Naiiling na lamang ako sa mga ito. "Thank you, Levi." Si Drei na lumapit pa sa aki para ako'y tulungan sa mga baso na may lamang lemonade. "My pleasure." "Bakit nga pala ikaw ang naghatid nito," takang tanong ni Drei sa akin. "Biglang nahilo si Aling Sita, kaya nagpresinta akong ako nalang ang magdala ng mga ito, kawawa naman 'yong matanda baka ano pa ang mangyari do'n." Kaya lang napukaw ang aming atensiyon ng may biglang kumalabog mula sa kabilang mesa kung saan nandoon sina Mike ilang metro ang layo mula sa mesa kung saan inihanda ko ang mga pagkain sa mesa nina Drei. Napalingon kami sa gawi nina Mike, at napansin kong parang nagkakagulo sa pagitan nina Mike at Rey. Mabilis na lumapit si Drei sa dalawa dahil akmang magsusuntukan na ang mga ito. "Hey, awat mga pare, teka ano bang problema?" Pumagitna si Drei sa dalawang nagtatagisan nang titig na tila walang sumusuko. Gusto ko sanang makialam pero naisip ko baka mas lalo pang gumulo at baka mabulyawan na naman ako ni Mike mahirap na, baka mapahiya na naman akong sa harap ng mga kaibigan nito. Baka hindi na ako makapagpigil at masampulan ko na talaga ng isang suntok sa panga si Mike kung sakali. "Pare, relax lang, wala namang masama siguro kung magkagusto ako kay, Levi, 'di ba nga ayaw mo sa kanya dahil sampid lang siya sa bahay niyo? Ikaw pa nga ang nagsabi no'n 'di ba? So, ano'ng problema mo?" Diretsang tugon ni Rey na tila galit na. Napamaang ako sa narinig mula kay Rey at nagkatinginan sila Drei at Mike, ngunit mas nagtagal ang titig ko kay Mike na ngayon ay hindi ko mawari kung ano ang ipinapahiwatig ng mga titig na iyon, ang hirap basahin. Para iyong bomba sa pandinig ko na kumukurot sa kaibuturan ng aking puso. Naikuyom ko ang mga kamao at mabilis na umalis sa gawing iyon. Nag-uunahang tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan, narinig kong may tumawag sa aking pangalan ngunit hindi na ako nag-aksaya pang lingunin iyon at nagmamadali akong naglakad at pagdaka'y naging lakad takbo ang ginawa ko. Hindi ko alam kung saan tutungo bagkus ay namalayan ko na lamang na nasa garahe na pala ako. Hindi pa naman ako marunong magmaneho kung gagamitin ko ang kotseng bigay sa akin nina Tita Thalia at Tito Marco. "Levi sandali lang!" Tawag sa akin ng isang tinig. Hindi ko nilingon ito at nanatili akong nakatayo sa kinatatayuan at mabilis na pinalis ang mga luhang walang tigil sa pag-agos mula sa aking mga mata. Hindi ako nagsalita, ngunit nakikiramdam lamang. "Levi, hindi ko alam na nandon ka pala. I'm sorry." "Leave me alone," sagot ko sabay lingon at nakita ko si Rey, pansin kong nakasunod din pala si Mike rito. Akmang hahawakan sana ako ni Rey nang marinig kong nagsalita si Mike. "Levi!" May awtoridad na tawag ni Mike sa aking pangalan. Ngunit bagkus ay tulad ng ginawa ko kay Rey blangko ang naging ekspresyon ng aking mukha. "I said leave me alone, umalis kayong dalawa dahil gusto kong mapag-isa," may diing tugon ko sa dalawang lalaki. "And where do you think you're going, it's too late and it's already dark outside," turan ni Mike, hindi ko alam kung concern ba ang ipinahihiwatig nito sa akin o ano? Dahil ang totoo hindi parin mawaglit sa isipan at pandinig ko ang mga binitiwang salita ni Rey kanina. Kami na lamang dalawa ang naiwan sa garahe dahil naisipan ni Rey na mas maiging magkausap kami ni Mike. "Come on Mr. Montenegro, concern ka ngayon sa'kin? Wow naman, galing mo rin, matapos mo akong saktan tapos heto ka ngayon kunwari concern? Galing mo rin ano?" tugon ko at humarap dito. "Who told you na concern ako sa'yo?" Naiiling na lamang ako sa tinuran ni Mike. "Oo nga pala, wala ka pa lang kwentang kausap bakit nga ba hindi ko naisip 'yon? Sino nga ba ako para pag-aksayahan mo ng laway 'di ba? 'Di ba nga sampid lang ako sa bahay na 'to?" sagot ko sabay iling at muli'y bumagsak ang panibagong luha mula sa aking mga mata. Hindi ko na napigilang lumuha sa harap mismo ni Mike. Ngunit ang labis kong ikinagulat ay ang biglang humandahusay si Mike sa sementadong parking lot, sapo nito ang kabilang pisngi na ngayon ay may namumuong dugo, at putok ang labi nito. At saka ko lang napansin ang nang-gagalaiting anyo ni Tito Marco. "Dàmn you, napakawalang-puso mo!" Sigaw ni Tito Marco kay Mike. Kasunod niyon ay ang pagdating ng isang kotse kung saan sakay si Micah galing sa dinaluhan nitong prom. At mabilis pa sa hangin na umibis ang dalaga mula sa kotse at dinaluhan ang kapatid na hanggang ngayon ay hindi parin makatayo mula sa pagkakasuntok ng ama. "Daddy ano'ng nangyari?" May pag-alalang tanong ni Micah sa sariling ama. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa akin at kay Tito Marco. "Itanong mo 'yan sa magaling mong kapatid. Levi halika na," galit na sagot ni Tito Marco at hinila ako paalis, mabuti na lamang at maagap na napigilan nina Drei at Rey si Tito Marco dahil kung hindi ay baka bugbog sarado na ang gwapong mukha ni Mike."Mama, do I look good?" tanong ng bunso niyang si Isaac. Napangiti si Levi sa anak. Ginulo niya ang buhok nito at saka kinarga sabay halik sa pisngi. Ngumisi ang cute na bubwit. "Where's your kuya's?" instead, tanong niya dito. "They were swimming at the pool with, Papa. I don't even know how to swim, Mama," busangot ang mukha nito. "Don't be mad, Mama will teach you on how to swim, do you like it?" magiliw niyang tanong dito. Tumango si Isaac sa ina at muli' napangiti. Nadatnan niya ang kanyang mag-ama na masayang naliligo sa pool. Looking at her three little kiddos is just like a dream. Lucas age is already 18, binatilyo na ang kanyang Lucas. Lucas is a serious type of man. Mateo is already 8, a boy who love to play guitar, and he loves book, which is, na mana yata nito sa tita Micah niya. While her little Isaac is so sweet and a loving one. Napasulyap siya sa kanyang asawa. Kumindat ito sa kanya. Sinuklian naman niya ito ng isang matamis na ngiti at lumapit dito. Mula kay Lev
Nang hilahin siya ng anak papunta sa living room ng kanilang bahay ay hindi niya inaasahan ang kanilang bisita. Natutuwa siyang makita ang mag-asawang Montenegro. At si Micah. Panigurado siyang alam na ng mga ito ang katotohanan.Hindi nga siya nagkamali nang yakapin siya ng mga ito at isatinig ang kanyang pangalan. Napaluha siya. Halos pauli-ulit siyang humingi nang tawad sa mga ito. Heto ang pamilyang kinalakhan niya, ang pamilyang may ginintuang puso. Masaya ang lahat nang araw ding iyon habang kumakain nang agahan. Maliban kay Mike. Kanina pa niya hinahanap ang asawa, ni anino nito'y hindi niya nakita. Ang sabi ng mga magulang nito'y may importante lang daw itong meeting sa mga board of directors. Napasulyap si Levi sa orasan. It's almost 10:AM na pala. Nalaman ni Levi na naging maganda na ang takbo nang kalusugan ng Ginang. Hindi naman nagtagal ang mga ito at nagpaalam na din sa kanila ni Lucas, na abut-abot ang kurot sa pisngi nito ng kanyang tita Micah sabay busangot nito. Nap
Ano na nga ba ang gagawin niya? Hindi naman siya tanga para hindi malaman ang tunay na dahilan kaya siya hindi matanggap-tanggap sa mga kompanyang in-applayan niya dahil sa kagagawan ng asawa niya. Malapit nang sumabog sa inis si Levi.Pumara siya ng taxi. Sinabi niya agad ang address sa driver. Kailangan niyang makapasok sa Montenegro Industries Corp. Kailangan niyang harapin ang walangya niyang asawa. Hindi pwedeng ganito, injustice na ang ginagawa nito sa kanya, sobra na 'to. Nang makarating siya sa Montenegro building, hindi na siya nagpapigil sa guard dire-diretso siyang pumasok, halos takbuhin niya ang elevator. Napapakamot naman sa ulo ang guard. Bagsak ang balikat nito.Inis ang nararamdaman ni Levi ngayon. Wala siyang pakialam sa mga taong nagsisitinginan sa kanya. Kailangan niyang makausap ng maayos ang gago niyang asawa. Bago pa niya mahawakan ang seradura ng pintuan ng opisina ni Mike ay napigilan na agad siya ni Irish. "Gosh, girl hindi ka pwede dito! Mainit ang ulo ni s
Bumukas ang pintuan ng kwartong inukopa ni Levi. Pumasok doon ang mga taga-linis ng hotel. Tahimik lang ang mga ito. Lumapit sa kanya ang isang maid at sinabing lumipat siya sa ibang room. "Iyon po ang utos ni Mr. Montenegro Ma'am," magalang na wika ng maid. Dahan-dahang napatayo si Levi. Sinamahan siya ng maid sa bago niyang room, dala nito ang kanyang kagamitan. Wala siyang pakialam kung ano mang hitsura niya ngayon. Ang alam lang niya, takot na takot siya sa isiping, paano nga ba kung ilalayo sa kanya ni Mike ang kanilang anak. Hiling niya na sana'y bigyan man lang siya nito nang pagkakataon na magpaliwanag. "Kung sakali man, na may makita kayong singsing, ibigay ninyo agad sa'kin," utos niya. "Opo, Ma'am, magpahinga na po kayo," sagot ng maid. Tinungo ni Levi ang balcony ng hotel, hinawi niya ang mahabang kurtina at binuksan niya ang sliding door. Ang malamig nang simoy ng hangin ang bumungad sa kanya, pumikit siya, dinama ang sariwang hangin. Naalala niya ang galit na gali
Nakahinga nang maayos si Levi nang mai-close agad ni Mike ang deal nito sa dalawang kliyente. Sumakit na nga ang kamay ni Levi sa kasusulat ng mga detalyeng pinag-uusapan ng mga ito, at medyo sumakit din ang ulo niya at minsan nakaramdam siya nang pagkahilo. Pilit lang niya iyong nilalabanan. Baka akalain pa ng kanyang boss na nag-iinarte na naman siya. Napasulyap siya sa kanyang wristwatch, it's almost 8:30 na pala ng gabi at kasalukuyang nasa isang Italian Restaurant sila, katatapos lang ng meeting ni Mike sa pangatlo nitong kliyente. Napahilot sa sentido ang dalaga. Sa tuwing susulyap ang binata'y inaalis niya ang kanang kamay sa kanyang sentido. Malamang, nagugutom na rin siguro siya, kaya sumasakit ang kanyang ulo. "Are you alright?" hindi na nakatiis si Mike, kaya tinanong na niya ang dalaga. Napasulyap na man ito at napatango sa kanya. Sumenyas si Mike sa waiter na naroon, agad namang lumapit ang waiter at ibinigay sa kanila ang menu. "Spaghetti alla Carbonara and lemonad
Pinaimbestigahan ni Mike si Elvie sa private investigator na kinontak niya, batid niyang may itinatago ang babae, para sa kanya napaka-misteryoso nito, hindi niya maintindihan ang sarili. Gusto lang niyang makasiguro. Naging malapit kase ang anak niya dito na lubos niyang ipinagtaka. Ano'ng meron sa babaeng 'yon at gano'n na lang ka bibo ang anak niya dito? Hindi ugali ni Lucas na makipag-usap sa mga taong hindi nito lubos na kilala. "Lucas, come on," tawag niya sa anak. Napasulyap ang dalawa sa kanya. Nagmamadaling hinila naman ng bata si Levi at nagpatianod dito. "Isasama na ba natin si Elvie, Papa?" masiglang tanong nito sa kanya. Tumango siya sa anak, ni hindi man lamang niya sinulyapan ang dalaga. Sanay na si Levi sa pabago-bagong mood ng asawa. Hindi na iyon bago sa kanya. Sumakay sila sa kotse ni Mike, nasa backseat si Lucas at nasa front seat na man si Levi. Napasulyap siya sa anak sa rearview mirror. Minsan nahuhuli niyang nakatitig sa kanya si Mike kasabay nang pagsikd