"Aling Melba nasaan po sina Tita?" tanong ko sa kasambahay na ngayon ay abala sa pagluluto. Since wala naman akong magawa naisipan ko na lamang na tulungan ito.
"Nasa kwarto hija nagpapahinga, ang laki mo na hija, at ang ganda-ganda mo, mana ka sa mama mo," nakangiting turan ni Aling Melba sa akin, naalala ko na naman tuloy si Mama. "Aling Melba na man nambola pa wala po akong pera, pero salamat na rin," nakangiting sagot ko sabay hiwa ng sibuyas. "Totoo ang sinasabi ko at hindi ako nambobola, ikaw talagang bata ka, balita ko ikakasal ka raw kay Mike, totoo ba 'yon?" Hindi ko akalaing may pagka-chismosa rin pala itong si Aling Melba. Nailing na lamang ako sa narinig mula rito sabay ngisi. Napansin kong tila nagulat ito sabay takip sa bibig nito. "Jusko! Totoo nga pala talaga ang sabi-sabi. Paano nangyari, e, bata pa lang kayo hindi na kayo magkasundo no'ng batang iyon?" "Naku, ayoko nang pag-usapan pa iyon Aling Melba. Ang mahalaga nadala namin dito si Tita Thalia sa Hacienda, lalo na at kailangan niya ang sariwang hangin, doon sa lungsod puro usok ang nalalanghap niya." "Kung sabagay, tama rin na dinala dito ni Don Marco si Doña Thalia, mas magiging mapapabuti pa siguro ang kalagayan niya." Nang matapos kami ni Aling Melba sa ginagawa ay tinulungan ko itong maghugas ng mga kasangkapang ginagamit namin sa pagluluto. Saka ako nagpasyang umalis na sa kusina at hinanap si Tita Thalia, nang hindi sinasadyang mamataan ko Tito Marco na mukhang nagmamadali patungo sa garahe. "Tito Marco, sandali lang, si Tita Thalia po?" Sigaw kong tanong para marinig ako ni Tito Marco. Napahinto naman si Tito Marco sabay hampas sa sarili nitong noo. "Oh, I forgot, halika ka nga sandali," tawag ni Tito Marco sa akin at mabilis naman akong lumpit dito. "Yes po Tito." "Pwede bang ikaw na muna ang bahala sa Tita Thalia mo? Kasama niya ngayon ang kanyang private nurse, but I want you to keep an eye on her, hija. May aasikasuhin lang ako sa opisina and please, just like what I told you and Mike, iwasan ninyo ang mag-iringan sa harapan ng Tita Thalia mo, okay?" "Opo Tito, makakaasa po kayo sa'kin," mabilis kong sagot at agad na ring tumalikod si Tito Marco, nasundan ko na lamang ito ng tingin saka ako nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga. Nagpasya na akong umakyat sa grand staircase ng mansion at tinungo ang kwarto ni Tita Thalia, napansin kong nakaawang ang pinto kaya pumasok na lamang ako sa loob. Kasama pala ni Tita Thalia si Mike na sa wari ko'y may pinag-uusapan ang mga ito. Napansin ko rin ang isang nurse na babae na sa tingin ko'y ka-edad lang din ni Micah, ngumiti ang nurse sa akin at sinuklian ko rin ito ng matamis na ngiti. "Lalabas lang po ako saglit senyora," paalam ng nurse kay Tita Thalia at nakangiting napatitig si Tita Thalia sa aking pagdating. "How are you Tita,?" masiglang tanong ko kay Tita Thalia. "I'm fine, hija, lalo na't kasama ko kayong dalawa ni Mike. Gusto ko sanang bisitahin ang mga trabahador ng hacienda kaya lang sa lagay kong 'to, it's impossible. So I decided na kayo ni Mike na lang muna ang bumisita sa kanila, gusto kong malaman ang kalagayan ng hacienda natin, at ng kalagayan ng mga trabahador," turan ni Tita Thalia sa akin. "S—sure Tita, 'yon lang naman pala, kaya na namin 'yon ni Mike," sagot ko sabay kindat kay Mike na hindi man lamang ngumiti sa akin. "Well, since nasabi ko na, go on guys, Mike, ikaw na ang bahala sa fiancée mo, please take good care of her, hijo," nakangiting tugon ni Tita Thalia kay Mike. "Ma..." Protesta pa ni Mike na wari bang nais nitong ipaalam sa akin na hindi nito nagustuhan ang sinabi ng sariling ina, tumayo ito at humalik sa pisngi ng ina, at nagpatiuna nang naglakad paalis. Nakangiting lumapit ako kay Tita Thalia at humalik sa pisngi nito. "I have to go, tita, baka topakin na naman ang lokong anak mo," nakangiting turan ko kay Tita Thalia at nagmamadaling lumabas mula sa kwarto nito. Tinungo ko ang kwadra dahil tiyak na naroon si Mike dumiretso para hanapin ang kabayo nitong si Tigrel. Hinanap ko si Mang Ben para ipahanda si Sapira dahil iyon ang sasakyan kong kabayo para puntahan ang mga trabahador. Eksaktong natagpuan kong nag-uusap sina Mang Ben at Mike, napansin ko ring nakahanda na si Sapira at Tigrel, pero biglang kumunot ang aking noo nang may mapansin akong parang may katabing babae si Mike. Lumapit ako sa mga ito, nang mapansin ng mga ito ang aking presensiya ay saka ko lang napagtantong si Trisha pala ang kasama ni Mike. So, heto pala ang katabi ng magaling kong groom-to-be. Napangiti ako ng peke kay Trisha at hindi ko inaasahan ang maging sukli nito sa akin, umirap lang ito sabay taas ng kaliwang kilay at pagdakay umalingkis sa braso ni Mike. Lihim akong napangiti, hindi ko akalaing hanggang dito ba nama'y nandito rin ang bruhang ito. Nilapitan ko na lamang si Sapira at hinaplos-haplos ang ulo nito. "Matagal-tagal na ring hindi niyo nasakyan ang dalawang kabayo na ito, ingat kayo senyorito Mike, Levi," tugon ni Mang Ben. Alam kong hindi lingid dito ang kakaibang tension sa pagitan namin ni Trisha dahil sa kakaibang tinging ipinukol ni Trishia sa akin. "Salamat po Mang Ben," sagot ko at mabilis na sumakay kay Sapira. "Mike, ba't nandito ang babaeng 'yan, akala ko ba tayong dalawa lang?" Maarteng reklamo ni Trisha na kulang na lang ay sugurin ako nito dahil sa sobrang inis at gigil nito. "Come on Trish, this is not the right time na magreklamo ka, kailangang kasama natin si Levi, kami ang inatasan ni Mama na kumustahin ang mga trabahador ng hacienda." "Fine," tugon ni Trishia kay Mike at umirap itong muli sa akin. Inalalayan ni Mike si Trishia para makasakay sa kabayo nang hindi sinasadyang biglang nairita ang kabayong si Tigrel at na out of balance ang dalawa, hindi yata sanay si Tigrel sa amoy ni Trishia. Sa malas ay hindi ko napigilan ang mapatawa, paano ba na man kasi sa may putikan pa tumilapon ang mukha ni Trisha, gustuhin ko mang kontrolin ay hindi ko magawa, paano ba naman kasi ay katabi nito ang tae ng baka. "Levi enough!" Galit na bulyaw sa akin ni Mike. Ngunit hindi ko napigilan ang tawa kailangan kong ilabas kung hindi ay baka mautot pa ako kung pipigilan ko, at mas nakakahiya yata ang ganoon. "I'll... hahah... a—apologize but I—I, haha... can't help it," pagdakay sagot ko na nakatawa pa rin. "I guess, mas mabuti pa ako na lang ang pupunta, instead, you can tour your sexy, beautiful girlfriend here in hacienda," tugon ko na lamang kay Mike. Mabagal lang ang pagpapatakbo ko sa kabayong si Sapira, ramdam ko ang sariwang hangin na matamang tumatama sa aking makinis na balat. Nililipad ng hangin ang alun-alon kong buhok na hanggang balikat. Napakalawak ng patag na tinatakbuhan ni Sapira papunta sa bahay ng mga trabahador. Si Tito Marco ko ang nagturo sa akin kung paano sumakay ng kabayo. Hinila ko ang tali ni Sapira hudyat para mapahinto ito sa paglalakad. Gusto kong pagmasdan ang mga tao na busy sa ginagawa, mula sa kinaroroonan ko, kitang-kira ko ang ilang pagpapagal ng mga trabahador ng Hacienda Montenegro. Huminto naman si Sapira na siyang ipinagpasalamat ko at pagdakay bumaba ako mula kay dito, itinali ko si Sapira sa isang puno ng mangga nais ko munang maglakad-lakad, nilakad ko nga ang papunta sa mga ito nang hindi sinasadyang nakaapak ako nang parang may matulis na bagay. Napahiyaw ako ng malakas, kung minamalas nga naman ako siguradong walang makakarinig sa akin sa bandang kinaroroonan ko dahil sa malayo pa ito mga trabahador. Napa-upo na lamang ako saglit at dahan-dahang tiningnan ang aking kaliwang talampakan, napangiwi ako ng mapansin ang nakausling sanga sa aking sugat. Napasapo ako sa sariling noo, bakit nga ba hindi ako nagbihis ng boots? Flat sandals ang ginamit ko kaya tuloy nasugatan ako. Gustuhin ko mang tumayo pero hindi ko pa kaya, mahaba ang sanga na nakasugat sa talampakan ko. Napansin ko na ang pagdurugo ng aking sugat. Aaminin kong palaban ako, ngunit ang makakita ng maraming dugo ay may kakaiba akong nararamdaman, tila biglang nanlamig ang aking mga kamay dahil sa sobrang nerbiyos na nadarama. Nakapag-asa ako nang may marinig akong ilang yabag ng kabayo na patungo sa kinaroroonan ko. Salamat naman at may tao at makakahingi ako ng tulong. Akmang sisigaw na sana ako nang biglang nawalan ako ng ulirat. *** Nagising ako sa isang malambot na kama at pagdakay nakaramdam ng munting kirot na sa tingin ko'y parang nasa may talampakan ko. Saka ko lang naalala ang nangyari kanina kasabay ng pagbalikwas ko ng bangon at napaupo sa kama. "Mabuti na man at gising ka na senyorita," pasaring na saad ni Mike sa akin. Nag-tama ang aming paningin pero agad kong iniwas ang tingin dito dahil sa sobrang inis na unti-unting bumangon sa aking dibdib. "Kumusta ang mga trabahador?" Imbes na makipagtalo kay Mike ay inilihis ko ang topic. Wala ako sa mood sa mga ilang pasaring nito, hindi pa kasi maganda ang pakiramdam ko at tila ba para akong lalagnatin. "Sa tingin mo ba mas uunahin ko pa sila kesa sa'yo na kulang na lang maubusan ka na ng dugo kanina? Dugo lang takot ka na?" "Wow, salamat sa concern, ha? Pwede ba 'wag ka munang mang-away sa'kin, wala ako sa mood na makipagtalo sa'yo." "Yan naman talaga ang hirap sayo, lahat na lang ako ang kontrabida sa buhay mo, pwede ba Levi, 'wag kang plastik, alam ko namang hinahangad mo ang mana ng pamilya namin e, hindi ba?" Humugot ako ng isang malalim na buntong-hininga bago sinagot ang mga walang-kwentang paratang ni Mike sa akin. "Teka nga muna, at saan mo naman nakuha ang chismis na 'yan? Sa maarte mong girlfriend na walang ibang gawin kundi ang manlait ng kapwa? Nagpaniwala ka na naman do'n? Naku... hitsura no'n ubod ng sinungaling!" Inis kong sagot kay Mike. "Dàmn you woman, wala ka talagang kwentang kausap!" Inis na sagot ni Mike sa akin at marahas na umalis sa aking silid. "Ako pa talaga ang plastik ngayon, mukha mo!" Bulong ko na lamang, kaya lang napangiwi ako ng biglang kumirot ang aking talampakan."Mama, do I look good?" tanong ng bunso niyang si Isaac. Napangiti si Levi sa anak. Ginulo niya ang buhok nito at saka kinarga sabay halik sa pisngi. Ngumisi ang cute na bubwit. "Where's your kuya's?" instead, tanong niya dito. "They were swimming at the pool with, Papa. I don't even know how to swim, Mama," busangot ang mukha nito. "Don't be mad, Mama will teach you on how to swim, do you like it?" magiliw niyang tanong dito. Tumango si Isaac sa ina at muli' napangiti. Nadatnan niya ang kanyang mag-ama na masayang naliligo sa pool. Looking at her three little kiddos is just like a dream. Lucas age is already 18, binatilyo na ang kanyang Lucas. Lucas is a serious type of man. Mateo is already 8, a boy who love to play guitar, and he loves book, which is, na mana yata nito sa tita Micah niya. While her little Isaac is so sweet and a loving one. Napasulyap siya sa kanyang asawa. Kumindat ito sa kanya. Sinuklian naman niya ito ng isang matamis na ngiti at lumapit dito. Mula kay Lev
Nang hilahin siya ng anak papunta sa living room ng kanilang bahay ay hindi niya inaasahan ang kanilang bisita. Natutuwa siyang makita ang mag-asawang Montenegro. At si Micah. Panigurado siyang alam na ng mga ito ang katotohanan.Hindi nga siya nagkamali nang yakapin siya ng mga ito at isatinig ang kanyang pangalan. Napaluha siya. Halos pauli-ulit siyang humingi nang tawad sa mga ito. Heto ang pamilyang kinalakhan niya, ang pamilyang may ginintuang puso. Masaya ang lahat nang araw ding iyon habang kumakain nang agahan. Maliban kay Mike. Kanina pa niya hinahanap ang asawa, ni anino nito'y hindi niya nakita. Ang sabi ng mga magulang nito'y may importante lang daw itong meeting sa mga board of directors. Napasulyap si Levi sa orasan. It's almost 10:AM na pala. Nalaman ni Levi na naging maganda na ang takbo nang kalusugan ng Ginang. Hindi naman nagtagal ang mga ito at nagpaalam na din sa kanila ni Lucas, na abut-abot ang kurot sa pisngi nito ng kanyang tita Micah sabay busangot nito. Nap
Ano na nga ba ang gagawin niya? Hindi naman siya tanga para hindi malaman ang tunay na dahilan kaya siya hindi matanggap-tanggap sa mga kompanyang in-applayan niya dahil sa kagagawan ng asawa niya. Malapit nang sumabog sa inis si Levi.Pumara siya ng taxi. Sinabi niya agad ang address sa driver. Kailangan niyang makapasok sa Montenegro Industries Corp. Kailangan niyang harapin ang walangya niyang asawa. Hindi pwedeng ganito, injustice na ang ginagawa nito sa kanya, sobra na 'to. Nang makarating siya sa Montenegro building, hindi na siya nagpapigil sa guard dire-diretso siyang pumasok, halos takbuhin niya ang elevator. Napapakamot naman sa ulo ang guard. Bagsak ang balikat nito.Inis ang nararamdaman ni Levi ngayon. Wala siyang pakialam sa mga taong nagsisitinginan sa kanya. Kailangan niyang makausap ng maayos ang gago niyang asawa. Bago pa niya mahawakan ang seradura ng pintuan ng opisina ni Mike ay napigilan na agad siya ni Irish. "Gosh, girl hindi ka pwede dito! Mainit ang ulo ni s
Bumukas ang pintuan ng kwartong inukopa ni Levi. Pumasok doon ang mga taga-linis ng hotel. Tahimik lang ang mga ito. Lumapit sa kanya ang isang maid at sinabing lumipat siya sa ibang room. "Iyon po ang utos ni Mr. Montenegro Ma'am," magalang na wika ng maid. Dahan-dahang napatayo si Levi. Sinamahan siya ng maid sa bago niyang room, dala nito ang kanyang kagamitan. Wala siyang pakialam kung ano mang hitsura niya ngayon. Ang alam lang niya, takot na takot siya sa isiping, paano nga ba kung ilalayo sa kanya ni Mike ang kanilang anak. Hiling niya na sana'y bigyan man lang siya nito nang pagkakataon na magpaliwanag. "Kung sakali man, na may makita kayong singsing, ibigay ninyo agad sa'kin," utos niya. "Opo, Ma'am, magpahinga na po kayo," sagot ng maid. Tinungo ni Levi ang balcony ng hotel, hinawi niya ang mahabang kurtina at binuksan niya ang sliding door. Ang malamig nang simoy ng hangin ang bumungad sa kanya, pumikit siya, dinama ang sariwang hangin. Naalala niya ang galit na gali
Nakahinga nang maayos si Levi nang mai-close agad ni Mike ang deal nito sa dalawang kliyente. Sumakit na nga ang kamay ni Levi sa kasusulat ng mga detalyeng pinag-uusapan ng mga ito, at medyo sumakit din ang ulo niya at minsan nakaramdam siya nang pagkahilo. Pilit lang niya iyong nilalabanan. Baka akalain pa ng kanyang boss na nag-iinarte na naman siya. Napasulyap siya sa kanyang wristwatch, it's almost 8:30 na pala ng gabi at kasalukuyang nasa isang Italian Restaurant sila, katatapos lang ng meeting ni Mike sa pangatlo nitong kliyente. Napahilot sa sentido ang dalaga. Sa tuwing susulyap ang binata'y inaalis niya ang kanang kamay sa kanyang sentido. Malamang, nagugutom na rin siguro siya, kaya sumasakit ang kanyang ulo. "Are you alright?" hindi na nakatiis si Mike, kaya tinanong na niya ang dalaga. Napasulyap na man ito at napatango sa kanya. Sumenyas si Mike sa waiter na naroon, agad namang lumapit ang waiter at ibinigay sa kanila ang menu. "Spaghetti alla Carbonara and lemonad
Pinaimbestigahan ni Mike si Elvie sa private investigator na kinontak niya, batid niyang may itinatago ang babae, para sa kanya napaka-misteryoso nito, hindi niya maintindihan ang sarili. Gusto lang niyang makasiguro. Naging malapit kase ang anak niya dito na lubos niyang ipinagtaka. Ano'ng meron sa babaeng 'yon at gano'n na lang ka bibo ang anak niya dito? Hindi ugali ni Lucas na makipag-usap sa mga taong hindi nito lubos na kilala. "Lucas, come on," tawag niya sa anak. Napasulyap ang dalawa sa kanya. Nagmamadaling hinila naman ng bata si Levi at nagpatianod dito. "Isasama na ba natin si Elvie, Papa?" masiglang tanong nito sa kanya. Tumango siya sa anak, ni hindi man lamang niya sinulyapan ang dalaga. Sanay na si Levi sa pabago-bagong mood ng asawa. Hindi na iyon bago sa kanya. Sumakay sila sa kotse ni Mike, nasa backseat si Lucas at nasa front seat na man si Levi. Napasulyap siya sa anak sa rearview mirror. Minsan nahuhuli niyang nakatitig sa kanya si Mike kasabay nang pagsikd