Share

CHAPTER 1: His Mother' Death

Nagising si Zeil dahil sa ingay mula sa ibaba ng kanilang bahay. Agad s'yang bumaba sa kaniyang kama at lumabas sa silid upang silipin kung ano 'yon at kung ano nang nangyayari roon.

Nakita n‘ya ang kaniyang mga magulang na nag-aaway at nag-aalitan na naman sa isa‘t-isa.

“Saan ka na ba naman galing hah? Parati ka na lang late kung umuwi! Saan ka na naman ba nagpunta? Sa kabit mo na naman ba hah! Nakipaglampungan ka na naman ba sa kabit mong kating kati!” malakas na bulyaw ng kaniyang ina sa kanyang ama habang dinuduro duro ito.

“Pwede ba! Pagod ako sa trabaho! Tapos pagdating ko bunganga mo na naman ang bubungad sa 'kin!” sigaw na pabalik ng kaniyang ama.

“Huwag ka nang mag sinungaling Wilson. Nakita kayo ng kumare ko! At kasama niyo pa ang anak ng kabit mong namamasyal? Samantalang kami ng anak mo hindi mo man lang mabigyan ng oras! At wow, mukhang ang saya saya niyo pa raw!” muli n'yang sigaw rito habang sinusundan ito patungong kusina.

“Wala akong kabit Biatrize! Ano ba ang mga pinagsasabi mo! Wag mo nga akong pinagbibintangan!” galit na sigaw nito sa kanyang ina sa sobrang inis.

“Wala?” ani nito at ‘saka pagak na tumawa. “Eh sino si Mela? Hah? Sino yung katawag mo kaninag umaga? Rinig na rinig ko ang nakakasuka niyong pag-uusap! Kabit mo 'yun! Kabit mo siya! Kapag nahuli ko kayo sa akto humanda kayo! Humanda sa 'kin ang kabit mo!” galit na galit na sigaw ng kanyang ina.

Nagulat si Zeil nang marinig niya ang pag bagsak at pag kabasag nang bagay na nasa sofa. Napaluha na lamang si Zeil nang makita ang kanyang ina na nagwawala.

“Ewan ko sa‘yo, imbis na makapag pahinga ako sa bahay na ito puro ganito ang aabutan ko! Isang walang kwentang asawa!” ani ng kaniyang ama. Akmang maglalakad na ito palalabas nang bilang hilain ng kanyang ina ang suot nitong coat.

"At saan ka pupunta! Dito ka lang! Kami ang pamilya mo!" ani ng kanyang ina at pinagpapalo pa ang likod ng kanyang ama. "Hayop ka Wilson! Wag mo kang iwan ng anak mo! Walang hiya ka!" ani ng kanyang ina, ngunit malakas itong itinulak ng kanyang ama. At nilayasan sa kusina ang kanyang inang lupasay sa sahig at umiiyak.

"Iniwan ko ang lahat at sumama sayo, pero ito lang iga-gante mo sa akin. Iga-gante mo sa anak mo. Hayop ka Wilson. Hayop ka!" umiiyak at naglulupasay sa sahig na ani ng kanyang ina.

“Sige umalis ka na naman! Mag-sama kayo ng kabit mo sa impyerno! Mga hayop kayo! Huhu!” nagwawalang sigaw nito at mabilis na sinundan ang asawa palabas ng sala.

Tila hindi s'ya nito naririnig dahil mabilis ito lumakad at lubas nang pinto. Tangging ang narinig na lang ni Zeil ay ang uggong ng sasakyang papaalis at ang malakas na pag-iyak ng kanyang inang naka lupasay na sa sahig.

“Mommy...” ani ni Zeil at lumapit sa kanyang ina.

“Anak huhu... Anakkkkk.... Hindi na tayo mahal ng Dad mooo huhu...” humahagulgul na sumbong ng kanyang ina sa kanya.

“It's ok mom. I'm here.” ani niya sa ina at niyakap ito. Hindi rin napigilan ni Zeil ang umiyak dahil sa nangyayari. Ayaw n'yang nakikitang nagkakaganun ang kanyang ina sa tuwing nag-aaway sila ng kanyang ama. Naaawa siya rito ngunit wala man lang s'yang magawa.

Hindi niya ito iniwan hanggang sa ito ay makatulog sa sofa sa kakaiyak. Nilapagan niya na lamang ito nang kumot upang hindi ito lamigin.

Sa murang edad ay ganito na ang buhay na mayroon si Zeil. Kahit gaano pa sila kayaman at kaulad sa lipunan ay wala ring saysay kung hindi niya rin naman nararanasan ang pagmamahal at aruga ng isang ama.

Mga ilang araw pa bago umuwi ang daddy ni Zeil sa kanilang bahay.

“Dad... Dad... Ba't ngayon ka lang umuwi? Mom was so worried about you.” ani ni Zeil at mabilis na lumapit sa kanyang ama.

“I'm fine son, just a little bit tired. Where is your mom?” ani nito sa kanya at ginuko ang kanyang buhok.

“I dont know, maybe at her friends house.” sagot nya naman rito.

“Ok good.” ani nito sa kanya.

“Dad... Dad, can we go to the mall please.” ani niya rito at sinundan ito sa kwarto ng kaniyang ina.

“Maybe next time Zeil, dad will be busy today."” sagot nito. “Maglaro ka na muna sa labas.” naka ngiting ani nito sa kanya.

Agad naman s'yang tumango at sinunod ang sinabi nito. Habang naglalaro siya ng basketball sa labas ay napansin niyang may dala dala nang maleta ang kanyang ama papalabas ng bahay at nagmamadaling inilagay sa sasakyan nito.

Mabilis s'yang tumakbo papalapit rito. “Dad, where are you going?” nagtataka n'yang tanong sa kanyang ama na naglalagay ng malalaking maleta sa kanyang sasakyan.

“Somewhere, magpapakabait ka lagi ah.” ani nito sa kanya at hinimas ang kanyang ulo bago pumasok sa loob ng sasakyan at pinaharurot ito palayo.

Nakatanaw lang si Zeil sa may kalsada habang tinatanaw ang papalayo nitong sasakyan. Agad naman na dumating ang kanyang ina galing sa grocery.

“Mommy? Saan pupunta si Dad?” nagtataka n'yang tanong sa kanyang ina nang makarating na ito sa loob ng kanilang bahay at inilalabas ang kaniyang mga pinamili.

“What? Umuwi na ang daddy mo?” nagtatakang tanong nito sa kanya.

“Yes mommy, pero umalis 'din agad. May kinuha lang s‘yang malalaking bags.” innosenteng sagot naman ni Zeil na walang ka muwang muwang sa nangyayari. Halos lumaki naman ang mata nang kaniyang ina nang marinig 'yon at dali daling umakyat sa kanilang kwarto.

“Mom, why?” nagtatakang tanong n'ya sa kanyang ina habang sinusundan n'ya ito ng tingin.

Mabilis s'yang sumunod sa itaas nang marinig niya ang malakas na sigaw ng kanyang ina.

“Noooo!!! Wilsonnn!!! Bakit mo kami iniwan!!!!” ani ng kaniyang ina na ngayon ay nagwawala habang paulit uliy na binibikas ang pangalan ng kaniyang ama.

At that moment Zeil realize that his Dad left them.

“Zeil, iniwan na tayo ng Dad mo at sumama sa kabit nya!!! huhu...” umiiyak na sambit ng kanyang ina habang yakap yakap siya.

“I did my best to this family. Kahit na ang sakit sakit na. Kahit na ilang beses na s'yang nagloko tinanggap ko parin s‘ya. Pero bakit? Bakit niya nagawa sa atin ito Zeil anak huhu!? Tinalikuran ko sila mom at dad para sa kanya. Pero ito lang ang gagawin n'ya sa atin. Iiwan tayo na parang laruang pinagsawaan.” umiiyak na ani ng kanyang ina.

Wala ni isang salita ang lunabas sa labi ni Zeil. Hindi n'ya rin na mamalayan na umiiyak na rin pala s‘ya. Nasasaktan s‘ya habang nakikita ang kanyang ina na nasa ganoong sitwasyon.

“Mommyyy, I'm here. Hindi kita iiwan.” tangiing ‘yon na lamang ang kaya n'yang bigkasin sa mga oras na ‘yon. Na kahit papaano ay maibsan ang lungkot at sakit na nararanasan ng kanyang ina.

***

“Mom, I'm home!” masayang bati ni Zeil nang makauwi siya sa kanilang bahay.

Napabuntong hininga na lamang s'ya nang hindi niya makita roon ang kaniyang ina. Buong hapon s'yang naghintay sa kanilang paaralan ngunit walang ina ang sumusundo sa kanya kaya naisipan niya na lamang na lakarin ang kanilang bahay mula roon.

“Mommy?” tawag niya sa kanyang ina. Habang hinahanap ito sa buong bahay.

Nadatnan n'ya itong naka higa sa kanilang higaan. Kaya napag isip n‘ya na lang na hayaan muna itong matulog at makapagpahinga dahil sa tingin niya ay umiyak na naman ito buong araw.

Agad s'yang bumaba ng hagdan para makapag saing. Medyo natututo na rin s'ya sa mga gawaing bahay simula nang umalis ang kanyang daddy. Hindi na kasi maka trabaho ng maayos ang kanyang ina dahil sa hanggang ngayon ay dinadamdam pa rin nito ang pag alis ng asawa.

Wala rin silang mga katulong. Dahil sa hindi naman nagbibigay ang kanyang ama ng pera sa kanyang ina sa pagtratrabaho nito. Ay sariling pera ng kanyang ina ang nagagastos nila sa pang araw araw at kulang na kulang na ito kapag maglalagay pa sila ng katulong sa kanilang bahay.

“Ayan, ok na siguro to.” natutuwa n'yang wika habang naka tingin sa mga hinanda n'yang pagkain. Simpleng hapunan para sa kanilang dalawa ng ina. Tag iisang hiwa ng piniritong isda, pritong itlog, at kanin lamang ang naka handa sa mesa.

Nang matapos niya nang maihanda ang lahat lahat sa hapagkainan ay muli siyang umakyat sa kwarto ng kaniyang ina.

“Mommy?” ani niya pagbukas ng pintuan sa kwarto nito.

“Mommy lets eat na. I already prepared our dinner.” malambing na ani ni Zeil sa kanyang ina.

Nang hindi to sumasagot ay lumapit siya rito upang gisingin ang kanyang ina. Ngunit nang mahawakan niya ang kamay nito ay nagulat siya nang maramdamang malamig na pala ito.

Agad n'yang hinawakan ang ilong nito at pinakiramdaman ang paghinga nito ngunit wala na itong buhay.

Wala nang nagawa ang batang si Zeil kundi ang umiyak at yakapin ang wala nang buhay na ina. Sinisisi niya ang kanyang ama sa pagkamatay nito. Dahil sa kanya ay wala na ang kanyang mommy.

“Mommy ko! Wag mo ako iwan! Mommy!”  paulit ulit na sigaw ni Zeil habang yakap yakap ang ina.

R.G ROMIE

Good day readers! Thank you for reading 😊. I hope you enjoy my story "Loving His Cruelty" please add to your library. Thank you, have a nice day 😊😊😊

| Like

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status