Share

Loving His Cruelty
Loving His Cruelty
Penulis: R.G ROMIE

PROLOGUE

“Nakita mo ba yung magandang babae doon sa kabilang section?” ani ng batang katabi ni Zeil habang naghihintay ng sundo sa isang waiting shed sa loob ng kanilang school.

“Oo, Amanda raw ang pangalan n‘ya. Balita ko bagong transfer lang s‘ya rito sa atin.” sagot naman ng batang katabi nito. Hindi naman maiwasan ni Zeil na hindi umusisa sa mga pinag-uusapan ng mga ito.

Napabuntong hininga na lamang si Zeil. Puro crush crush lang naman ang pinag-uusapan ng mga y‘un. At kung sino sino pang mga sikat na mga bata sa kanilang paaralan.

“Ayon siya oh!” pasigaw na wika ng kaniyang katabi at tinuro ang batang babaeng naglalakad mula sa di kalayuan.

“Ang ganda n‘ya 'di ba?” ani ng lalaki sa kanyang katabi.

Napadako naman ang tingin ni Zeil sa batang tinuturo nito. Totoo nga, maganda na napaka-cute pa. Mataba ang pisngi nito, medyo may katangusang ilong at may magandang mga mata. Natural din ang mala kulay rosas na labi nito. At kahit na uwian na sa hapon ay mukha parin itong malinis at mabango di tulad ng ibang mga batang karaniwan n‘yang nakikita tuwing hapon.

Sa tingin niya ay nasa grade 2 palang ito dahil kung titignan ay mukha nang dalaga ang kaniyang postura. Hindi namalayan ni Zeil na nakatitig na pala s‘ya sa batang ‘yon at pinagmamasdang maglakad papalapit sa kanya.

Halos pamulahan s‘ya nang makita itong nasa kanyang karapan.

Mas nagulat siya nang ngumiti ito sa kanya.

“Pwede makitabi?” ani nito sa kanya na may cute na boses.

“H-Hah? Ah oo, u-upo ka lang.” nabubulol at kinakabahang sagot naman ng namumulang bata at umusog ng kaunti sa katabi nitong lalaki upang mabigyan ng pwesto ang batang binibini.

“Thank you,” masaya nitong wika at naupo sa kanyang tabi.

Amoy na amoy niya ang matamis nitong pabango na may halong pawis dahil sa paglalaro sa kanilang paaralan. Ngunit kahit sa buong araw nito sa school ay napakalinis at maayos pa rin nitong tingnan kumpara sa iba n'yang kilalang babae sa kanilang paaralan.

Napangiti na lang siya habang iniisip na naiingit na sa kanya ang dalawang lalaking nasa kabilang gilid niya habang nakatingin sa batang nasa kanyang tabi.

Nang mga oras na iyon. Pakiramdam ni Zeil ay napaka payapa ng paligid. Hindi niya mawari kung bakit. Nagtataka din siya sa kanyang sarili. Mukha atang tinamaan na siya sa kanyang katabi.

Natatawa nalang siyang isipin 'yon dahil nasa grade 4 na siya. Mashadong bata para sa kanya ang babaeng katabi niya para magustuhan. 

R.G ROMIE

Hi! Good day my beloved readers. This is RGromie, thank you for reading my story "Loving his Cruelty" add niyo na po ito sa inyong library dahil magsisimula na po ang kanyang daily update sa Sept 1 😊😊😊

| Sukai

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status