Share

Chapter 5

Author: Knight Ellis
last update publish date: 2026-11-13 15:36:11

Dalawang araw ang lumipas at dumating na ang Sabado. Sa mga nakalipas na araw, ganoon pa rin si Jainum. I mean, he is still cold, masungit, at tila walang pakialam sa paligid niya. Hindi ko nga alam kung may balak siyang sumama sa team building dahil hindi na kami nag-usap simula noong gabing may kasabay siyang magandang babae sa floor.

Ilang araw din akong umiwas na magkasalubong ang landas namin sa bahay. Kung sa trabaho man, nilalampasan ko lang siya o kaya naman, kapag may team meeting, iniiwasan kong masalubong ang mga mata niya. Oo na. Feeling jowa lang ang peg ko. Nag-iinarte ako nang hindi niya nalalaman.

"Is everyone ready? Log out na kayo after ng last call, okay? Maghintayan tayo sa may lobby," anunsiyo ng team leader namin.

Masaya ang mga kasamahan ko kahit sobra kaming na-stress sa mga natatanggap naming tawag. Perks of being a call center agent. Malaki ang sahod pero medyo stressful. Well, it's normal kasi problema ng ibang tao ang pinoproblema namin.

"Jainum, sasama ka pala, pre?" dinig kong tanong ng isa sa mga ka-team namin kay Jainum.

Mukhang tapos na ito sa huling tawag dahil inalis na nito ang headset sa ulo niya. Tumayo siya at pinatay ang computer.

"Yeah," simpleng sagot nito bago naglakad palabas ng floor.

Lihim na naman akong napangiti. Sa wakas, naisipan na rin niyang sumama. Akala ko, aayaw na naman siya.

"Ikaw pala ang huling maglo-log out, ano?"

"Yes, TL," sagot ko nang lumapit ito sa akin.

"Sige na. Napagpaalam na kita. Puwede ka nang mag-log out."

Halos tumalon ang puso ko sa tuwa nang marinig ang sinabi nito sa akin. Akala ko, hihintayin pa nila ako nang ilang oras.

Matapos kong magpaalam sa kanya, dali-dali akong naglakad palabas ng production floor at nagtungo sa locker area. Naabutan ko pang kinukuha ni Jainum ang mga gamit niya.

Ewan ko ba kung bakit kahit presensiya pa lang niya ay masaya na ako at nakangiti na. Kapag nasa malapit lang siya, buo na agad ang araw ko. Yung tipong masilayan ko lang siya o makita ang simpleng ngiti niya, ayos na ako. Siguro nga, ganito talaga kapag nagkakagusto ka sa isang tao. Hindi mo man siya makausap, basta nasa malapit lang siya, masaya ka na. Halos magtatalon ang puso mo sa sobrang tuwa.

"Excuse me," mahina kong saad dahil nakaharang siya sa tapat ng locker ko.

Umisod naman siya habang patuloy pa rin sa ginagawa niya.

"Jainum."

Napahinto ako nang marinig ang boses na iyon.

Yung magandang babaeng nakasabay niya ang lumapit sa amin. Kay Jainum pala. Pasimple lang akong nakikinig sa usapan nila. Hindi ko alam na marunong na palang makipag-usap si Jainum. O baka dahil maganda lang yung babae?

"Nagpaalam na ako sa TL ko. Sinabi kong sa inyo ako sasabay, and pumayag naman siya."

"Good. Hintayin mo ako sa lobby."

"Okay. Thank you, Jainum."

"No problem, Lyka."

Lyka pala ang pangalan ng magandang babae. Pero saglit... Bakit kasama namin yung babaeng iyon? Eh, hindi naman siya kasali sa team namin?

Inis kong tinapos ang pagkuha ng mga gamit ko saka pabagsak na isinara ang locker. Pagkatapos, pumunta na ako sa lobby. Wala akong pakialam kung napansin man ni Jainum ang ginawa ko. Nakakaselos, eh!

Si Lujille agad ang nilapitan ko pero hindi ko pinahalata na naiinis ako.

Ang hirap, ano? Yung magseselos ka kasi may ibang kausap yung taong gusto mo, tapos wala naman kayo. Wala kang karapatan pero hindi mo mapigilang magselos.

"Huy, teh. Tulaley ka diyan?"

"Inaantok lang ako."

"Sure ka? Bakit parang masama yata ang timpla ng mukha mo?"

Heto ang ayaw ko kay Lujille. Nahahalata niya talaga agad kung wala ako sa mood o kaya kapag masaya ako.

"Inaantok lang talaga ako—"

"Inaantok o baka nagseselos? May nakita akong masakit sa mata."

Napabuntong-hininga na lamang ako.

"Lujille, tumigil ka muna kahit ngayon lang. Gusto ko lang ng konting katahimikan."

"Okay. Sorry, teh."

"Okay lang."

Nang makumpleto na kaming lahat, dumiretso na kami sa loob ng van na sasakyan namin papunta sa Quezon Province. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil katabi ko si Jainum o maiinis dahil napapagitnaan namin siya ni Lyka. Napahiwalay sa akin si Lujille at nakatabi naman nito si Althea.

Sa may bandang bintana ako nakapuwesto kaya doon ko na lamang itinuon ang pansin ko bago nagsalpak ng earphones sa tenga.

There will be no ordinary days for you

If there is someone who cares like I do

You have no reason to be sad anymore

I'm always ready with a smile

With just one glimpse of you

You don't have to search no more

Cause I am someone who will love you for sure so

'Cause I am someone who will love you for sure...

Mapakla akong napangiti.

Am I that someone who will love this guy beside me? The question is, is he willing to love me back?

Ipinikit ko na lamang ang mga mata ko at hinayaang dalawin ng antok. Ayoko na munang kiligin dahil may Lyka na umeksena.

Malamig na simoy ng hangin ang sumalubong sa akin pagbaba ko ng van nang makarating kami sa Quezon Province. Inaantok man ay pilit ko itong nilalabanan dahil sa sobrang ganda ng lugar. Dahil buwan ng Pebrero, malamig pa rin ang simoy ng hangin. Napakapresko, hindi tulad ng hangin sa Maynila.

"Ang ganda!"

"Bonfire tayo mamaya!"

Kanya-kanyang activity ang sinasuggest ng mga ka-team ko kaya natawa ako, lalo na sa suggestion ng mga lalaki.

"Ikaw, Unique, wala ka bang isasuggest diyan?" natatawang tanong sa akin ni Tyron. Isa siya sa mga medyo close kong ka-team.

"Activity ba kamo?"

"Oo. Meron ba?"

"Anong klaseng activity?" tanong ni Althea.

"Matulog. Hahaha!"

Ang corny ng joke ko pero lahat sila ay natawa.

"Pwede na kayong pumili ng cottage na tutulugan ninyo. Kaso, girls, okay lang ba na kasama ninyo sa isang kuwarto ang boys? Kayo rin, boys? Nakulangan tayo ng rooms dahil puno na ang resort ng mga bakasyunista."

Akala ko ay magrereklamo ang mga ka-team ko sa sinabi ni Team Leader pero pumayag naman ang lahat dahil, ayon sa kanila, may respeto naman daw sa mga babae ang lahat, especially ang mga boys.

"Hoy, Unique! Tabi tayo!" sabi ni Lujille.

Nag-thumbs up naman ako bilang sagot.

"Kami na lang ni Unique! Pumayag ka, please. Ako sasagot ng isang buwan mong lunch!" alok ni Tyron kaya natawa ako.

Nabigyan naman siya ng batok nina Lujille at Althea.

"Kapal mo talaga! Palibhasa, crush mo si Unique," sabi ni Jasper.

"Oo, Unique! Crush ka niyan ni Tyron. Hahaha!" gatong naman ni Fern, isa rin sa mga kasamahan ko.

Hindi ko alam kung ano ang ire-react sa mga sinabi nila kaya tumawa na lang ako saka napalingon sa tahimik na si Jainum habang nasa tabi nito si Lyka.

"Taken na iyan si Unique. Wala ka nang pag-asa, Tyron Gilbert. Right, teh?"

Walangya ka talaga, Lujille.

"Ewan ko sa inyo. Makapaghanap na lang ng kuwarto."

"Ay, napikon! Hahaha!"

Baliw talagang babae.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Loving Jainum Damien Vannevar   Chapter 7

    Kinaumagahan, nagising na lamang ako na wala na ang mga kasama ko sa kuwarto kaya lumabas agad ako habang nakabalot pa sa akin ang kumot na ginamit ko kagabi.Nakita ko ang lahat ng mga kasama ko na naglalaro ng volleyball. As usual, hindi kasali si Jainum dahil nasa tabi ito ni Lyka. Halos magkadikit na ang mga katawan nila sa sobrang lapit sa isa't isa. Nakakasira man ng araw ang tanawing iyon, pinilit ko pa rin ang sarili kong makisali sa mga kasamahan ko."Go, Lujille!""Hoy, Lujille! Ayusin mo yung laro!" sigaw ng ilan sa mga kasamahan ko.Malakas kaming nagtawanan nang akmang ibabato ni Lujille sa direksiyon namin ang hawak niyang bola."Huwag mong pahiyain ang team natin!" dagdag ko pa kaya ang ending ay sinungitan niya ako.Kanya-kanya silang sigaw at cheer kay Lujille na siyang naglalaro ng volleyball laban sa kabilang team. Malakas akong napatawa nang sa halip na mapunta sa side ng kalaban ang bola, napunta ito kay Tyron at tumama sa ulo niya. Bigla na lamang siyang natumba

  • Loving Jainum Damien Vannevar   Chapter 6

    "Go, Unique!""Ipanalo mo, Unique! Please lang!""Sagot ni Tyron ang lunch mo kapag nanalo ka!"Malakas na tawanan ang umalingawngaw sa private beach resort na nirentahan ng kumpanya namin para sa team building. Nagkaroon ng activity at isa ako sa mga napiling player. Hindi na ako umangal dahil gusto ko munang magsaya kahit nasa paligid lang si Jainum. At kasama rin pala naming nag-team building ang grupo nina Lyka."Yes!""We won!""I love you na, Unique!"Napatakbo sa akin sina Lujille at Tyron at niyakap ako matapos kong manalo sa activity na ginawa namin. Natalo ko lang naman si Lyka."You're the best!""Thank you, Tyron.""Naku, papogi points ka lang. Hahaha!" pang-aasar ni Lujille rito.Samantalang sinundan ko naman ng tingin si Lyka nang lumapit ito at tumabi sa tahimik na si Jainum. Noon ay umiinom ito ng alak kasama ang iba pa naming ka-team at ang kabilang team.Nakaupo na kaming lahat sa may buhanginan nang makagawa ng bonfire si Jasper. Tapos na kaming maghapunan kaya nasa

  • Loving Jainum Damien Vannevar   Chapter 5

    Dalawang araw ang lumipas at dumating na ang Sabado. Sa mga nakalipas na araw, ganoon pa rin si Jainum. I mean, he is still cold, masungit, at tila walang pakialam sa paligid niya. Hindi ko nga alam kung may balak siyang sumama sa team building dahil hindi na kami nag-usap simula noong gabing may kasabay siyang magandang babae sa floor.Ilang araw din akong umiwas na magkasalubong ang landas namin sa bahay. Kung sa trabaho man, nilalampasan ko lang siya o kaya naman, kapag may team meeting, iniiwasan kong masalubong ang mga mata niya. Oo na. Feeling jowa lang ang peg ko. Nag-iinarte ako nang hindi niya nalalaman."Is everyone ready? Log out na kayo after ng last call, okay? Maghintayan tayo sa may lobby," anunsiyo ng team leader namin.Masaya ang mga kasamahan ko kahit sobra kaming na-stress sa mga natatanggap naming tawag. Perks of being a call center agent. Malaki ang sahod pero medyo stressful. Well, it's normal kasi problema ng ibang tao ang pinoproblema namin."Jainum, sasama ka

  • Loving Jainum Damien Vannevar   Chapter 4

    Kinabukasan, maaga akong nagising. Madalas, kahit wala akong shift, maaga pa rin akong nagigising.Nangunot ang noo ko nang makita si Jainum na natutulog na naman sa mahabang sofa. Alas-otso na pasado ng umaga kaya ipinagtaka ko kung bakit doon na naman siya natulog. Sa pagkakatanda ko, pagkatapos niya akong talikuran kagabi nang tanungin ko kung bakit hindi siya pumasok, dumiretso siya sa kuwarto niya.Napangiti ako nang makita ang itsura niya habang natutulog. Nakapamaluktot siya na parang bata. Iyon nga lang, medyo nadudumihan ang utak ko sa nakikita ko. Wala siyang suot na pang-itaas at tanging pajama lamang ang suot niya. Mabuti na lang at hindi bukas ang aircon sa first floor ng bahay, kundi malamang ay kanina pa siya giniginaw.Lumapit ako sa kanya saka siya ginising."Jainum," tawag ko, pero hindi man lang siya gumalaw.Tulog na tulog nga talaga."Jainum," ulit ko. This time, marahan na niyang iminulat ang mga mata.Napatitig ako nang hindi sinasadya sa labi ng lalaking nasa h

  • Loving Jainum Damien Vannevar   Chapter 3

    Ilang oras matapos ang shift ko, antok na antok kong pinatay ang computer na ginagamit ko. Alas-onse na ng tanghali at gustong-gusto ko nang makauwi. Pakiramdam ko, hinihila na ng higaan ang buong katawan ko dahil sa sobrang antok.Nauna nang umuwi si Lujille dahil may emergency raw sa kanila. Si Jainum naman ay kanina pa yatang alas-otso nakauwi.Masakit na ang mga mata ko, pati na rin ang ulo ko. Ilang oras akong nakababad sa telepono at computer, dagdag pa ang katotohanang wala talaga akong tulog."I'll go ahead na po, TL," paalam ko sa team leader namin."Ingat sa pag-uwi.""Thanks po."Pagkatapos magpaalam, nagmamadali akong lumabas ng floor para kunin ang mga gamit ko sa locker. Ilang beses pa akong naghikab habang naglalakad. Pero halos tuluyan akong magising nang makita kung sino ang nakatayo sa tabi ng locker ko.Si Jainum.May kinukuha ito mula sa locker niya. Magkatabi nga pala ang locker naming dalawa.Napahinto ako sa pagkuha ng mga gamit ko, hindi dahil sa presensiya niy

  • Loving Jainum Damien Vannevar   Chapter 2

    "Nakakainis! Nakakabadtrip! Gusto kong manapak! Argh!""Kalma. Ang puso mo. Huwag masyadong magpaapekto."Pilit kong pinapakalma si Lujille matapos ang ilang oras naming pagbabad sa telepono para sumagot ng mga tawag at ayusin ang bawat reklamo ng mga foreigner at local na kausap namin.Paanong hindi siya mababadtrip? Pinagmumura raw siya ng customer niya at pinagbantaan pang hahanapin daw siya rito sa Pilipinas para ipakulong dahil lang sa na-freeze nitong account, na kasalanan din naman pala ng caller.Normal na sa trabaho namin ang mga sitwasyong katulad nito, pero minsan, hindi mo rin talaga maiiwasang patulan ang mga ganoong klase ng customer. Kung puwede nga lang talagang mang-away ng customer kahit isang araw, baka nagawa ko na rin. Ang kaso, hindi puwede at baka matanggal pa ako sa trabaho."Bwisit kasi talaga! Kasalanan ko bang medyo shunga siya at hindi siya marunong magbilang ng araw sa kalendaryo?! Nakakagigil talaga! Alam naman niyang babalik sa original price yung subscr

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status