Share

Chapter 7

Author: Knight Ellis
last update publish date: 2026-11-13 15:36:16

Kinaumagahan, nagising na lamang ako na wala na ang mga kasama ko sa kuwarto kaya lumabas agad ako habang nakabalot pa sa akin ang kumot na ginamit ko kagabi.

Nakita ko ang lahat ng mga kasama ko na naglalaro ng volleyball. As usual, hindi kasali si Jainum dahil nasa tabi ito ni Lyka. Halos magkadikit na ang mga katawan nila sa sobrang lapit sa isa't isa. Nakakasira man ng araw ang tanawing iyon, pinilit ko pa rin ang sarili kong makisali sa mga kasamahan ko.

"Go, Lujille!"

"Hoy, Lujille! Ayusin mo yung laro!" sigaw ng ilan sa mga kasamahan ko.

Malakas kaming nagtawanan nang akmang ibabato ni Lujille sa direksiyon namin ang hawak niyang bola.

"Huwag mong pahiyain ang team natin!" dagdag ko pa kaya ang ending ay sinungitan niya ako.

Kanya-kanya silang sigaw at cheer kay Lujille na siyang naglalaro ng volleyball laban sa kabilang team. Malakas akong napatawa nang sa halip na mapunta sa side ng kalaban ang bola, napunta ito kay Tyron at tumama sa ulo niya. Bigla na lamang siyang natumba kaya saglit nilang itinigil ang laro.

Lumapit ako kay Tyron na nakahiga na sa buhanginan habang sapo ang ulo. Nakapikit ito nang lapitan ko.

"You okay, Ty?" tanong ko at inalalayan siyang umupo.

"M-medyo. Aray! Ang sakit no'n, ah! Hoy, Lujille! May galit ka sa akin, ano?!" pabirong sigaw nito kay Lujille na nag-peace sign naman sa kanya.

"Ty, may bukol ka. Hahaha!" sabi ko pa.

Hinawakan naman niya ang parte ng ulo niyang may bukol saka napa-aray. Mukhang napalakas ang paghampas ng bola sa ulo ni Tyron kaya nagkabukol siya.

"Grabe. May galit yata sa akin iyan, Unique. Ang sakit," reklamo niya.

"Tara na muna doon sa cottage. Lagyan natin ng cold compress iyang bukol mo," aya ko sa kanya at inalalayan siyang tumayo.

"Hindi ka ba nahihilo?" tanong ko pa.

"Hindi naman. Huwag ka ngang sweet sa akin, Unique. Baka mahulog ako!"

"Hahaha! Baliw ka talaga. Tara na."

Naglakad na kami pabalik sa cottage habang panay ang kantiyaw sa amin ng mga kasamahan namin. Tanging pagtawa lamang ang ginawa namin ni Tyron sa bawat pang-aasar nila. Alam kong nagbibiro lang si Tyron nang sabihin nitong gusto niya ako kaya walang malisya sa akin ang pagtulong ko sa kanya ngayon.

"Nakatulog ka ba nang maayos kagabi?" tanong niya habang nasa loob kami ng kuwartong tinutuluyan niya at nakalagay ang cold compress sa ulunan niya.

"Oo naman. Bakit?"

"Buti hindi naglikot yung katabi mo?"

Nagtaka ako sa sinabi niya.

"Hindi naman. Bakit? Anong meron sa katabi ko kagabi?"

Halatang nagulat siya sa sagot ko. Anong meron?

"Hindi mo ba alam kung sino ang katabi mo kagabi?"

Umiling ako.

"Nakatalikod sa akin kaya hindi ko nakita kung sino iyon. Bakit ba?"

"Sigurado ka? Hindi mo talaga alam kung sino?"

Napailing akong muli pero this time, parang alam ko na kung sino ang tinutukoy niya. Pero imposible naman.

"Si Jainum ang katabi mo kagabi. Di ba lasing siya noong nagpahatid kay Lyka?"

Kasabay ng ibinunyag ni Tyron ay sunod-sunod na malalakas na tibok ang naramdaman ko sa puso ko. Parang tumatalon ito sa sobrang saya. Hindi ko ipinahalata ang kasiyahan ko sa nalaman ko. Alam kong OA pero sobrang saya ko nang malamang nakatabi ko si Jainum sa pagtulog kagabi.

"You really don't know?" tanong niya pa kaya tumango ako.

"Akala ko kung sino lang sa mga ka-team natin kaya hindi na ako nag-abalang tingnan pa. Saka nakapatay na ang mga ilaw pagpasok ko kagabi," paliwanag ko at napatango-tango naman siya.

Wala talaga akong ideya.

Ngunit nang maalala ko ang mga pinagsasabi ko kagabi ay parang gusto kong lumubog sa kahihiyan. Sana lang ay tulog na si Jainum kagabi at hindi niya narinig ang sinabi ko. Myghad.

"He's so lucky," maya-maya ay wika niya.

"Sino?"

"That Jainum Vannevar."

"Bakit naman?"

"You like him, right?"

Napatitig ako kay Tyron nang bigla niyang itanong sa akin iyon. Hindi agad ako nakasagot dahil hindi ko rin alam kung paano iyon sasagutin.

Paano niya nalamang gusto ko si Jainum?

"How did you know?"

"I just found out."

"Kanino?"

"Hindi ka magaling magtago ng nararamdaman mo, Unique. Sa tuwing makikita mo si Jainum sa office, agad nagliliwanag iyang mga mata mo. Kulang na lang yata ay may mga pusong magsilabas diyan sa mata mo, eh."

Natawa ako sa sinabi ni Tyron. Ganoon pala ako ka-obvious sa pagkagusto ko kay Jainum?

"Wala, eh. Hindi naman mahirap magustuhan si Jainum," sabi ko.

Napatingin naman siya sa akin bago ibaba ang hawak niyang cold compress.

"Ano nga bang nagustuhan mo sa kanya?"

Natigilan ako sa tanong niyang iyon. Ilang segundo muna ang lumipas bago ako nakasagot.

"Hindi ko rin alam. Siguro tama nga yung kasabihan na kapag nagmahal ka, wala nang rason-rason. Basta mahal mo yung tao, mahal mo talaga."

"Magkaiba ang pagkagusto sa pagmamahal, Unique. Tandaan mo iyan."

"Oo, alam ko. Magkaiba sila ng spelling. Hahaha! Tama na nga 'yang usapan natin. Mamaya may makarinig sa atin na pinag-uusapan si Jainum."

Napapailing na tumayo si Tyron at may kinuha sa loob ng bag na dala niya saka iyon ibinigay sa akin. Isang maliit na box iyon.

"Ano ito?"

"Box. Hahaha!" pilosopong sagot niya kaya tinaasan ko siya ng kilay.

Tumawa lang siya sabay gulo ng buhok ko.

"Alam ko, Ty. Hindi ako bulag. What I mean is, anong meron sa box na ito?"

"A simple present is enough."

Regalo raw?

"Anong meron?" takang tanong ko dahil sa pagkakaalam ko ay hindi ko naman birthday.

"Advance Happy Valentine's Day."

Natigilan ako pero napangiti rin kaagad. Hindi ko akalain na may magreregalo sa akin dahil Valentine's Day bukas.

Bigla ay pumasok sa isipan ko si Jainum. May ka-date kaya siya bukas? Baka si Lyka.

"Thank you, Tyron. Tara na nga sa labas. Baka hinahanap na nila tayo," aya ko sa kanya.

Matapos kong lagyan ng cold compress ang ulo niyang nagkaroon ng maliit na bukol dahil sa tumamang bola, sabay kaming lumabas ng kuwarto niya. Pinuntahan namin ang mga kasama namin na kasalukuyang naliligo na sa dagat.

"Ang sexy ni Lujille!" sigaw ko nang makita si Lujille na naka-swimsuit at nakikipaghagisan ng tubig kay Althea at sa iba pa naming kasama.

Agad na hinanap ng mga mata ko si Jainum at nakita kong nakaupo ito malapit sa dagat. Pero wala si Lyka. Himala yata?

"Wala yung karibal mo. Lapit na kay Jainum," bulong ni Tyron kaya pabirong hinampas ko siya sa braso.

"Sira ka! Hahaha!"

Kinakabahan na nga ako dahil sa mga pinagsasabi ko kagabi. Sana lang talaga ay hindi niya narinig.

"Hindi ka maliligo?" tanong niya at umiling ako.

"I don't know how to swim," pag-amin ko.

"Then I'll teach you if you want."

"It's okay, Ty. Thank you, pero ayoko ring maligo."

Nagkibit-balikat si Tyron saka nagpaalam na maliligo muna raw siya.

Masaya ko silang pinapanood habang nagkukulitan sa dagat, habang ang lalaking nasa di-kalayuan sa akin ay nag-iinom na naman.

Seriously? Ang aga pa para maglasing.

Naalala ko ang sinabi ni Tyron na nakatabi ko si Jainum sa pagtulog. Paano nangyari iyon kung ang pagkakaalam ko ay si Fern ang dapat na makakatabi ko kagabi?

Lakas-loob akong lumapit at umupo sa tabi ni Jainum. Saglit akong nakiramdam at, tulad pa rin ng dati, hindi uso sa kanya ang magsalita.

"Maaga pa para diyan," biro ko sa kanya.

Nililingon naman niya ako.

Kinabahan ako nang tumitig siya sa akin nang ilang segundo bago muling ibinalik ang atensiyon sa iniinom niya.

Paano mo ako napapakaba nang ganito sa tuwing titingnan mo ako, Jainum Vannevar?

"Pwede bang malaman kung bakit ka aalis sa kumpanya?"

Ewan ko ba kung bakit kahit mukha na akong nakikipag-usap sa hangin ay sige pa rin ako sa pakikipag-usap sa kanya habang nakaupo sa tabi niya.

Kakaiba na ang tama mo sa kanya, Unique, anang isip ko.

"Personal reason."

"Ah... Hindi ka na babalik?"

Ay, tanga lang, Unique? May aalis bang babalik pa?

"I don't know. I guess."

Binalot ng lungkot ang puso ko sa narinig ko sa kanya. Isang buwan na lang. Isang buwan ko na lang siyang makikita at makakasama. At pagkatapos niyon, hindi ko na siya makikita pa. Aalis na siya at parang nasasaktan ako dahil doon.

"But if there is any chance, I think babalik ako."

Napalingon ako sa kanya. Lihim akong napangiti sa sinabi niyang iyon at pati na rin yata ang puso ko.

"Bakit ka pa magre-resign kung puwede ka namang mag-leave na lang muna? Maiintindihan naman siguro ni team leader yung dahilan mo," sabi ko sa kanya.

"Sana nga puwede."

Natahimik ako at pinagmasdan ang hampas ng mga alon sa dagat habang patuloy pa rin ang mga kasamahan ko sa paglalaro. Sa tabi ko ay patuloy pa rin si Jainum sa pag-inom ng alak.

"What's in the box?"

"H-ha?"

Napatingin ako sa hawak ko. Yung regalo ni Tyron ay hawak ko pa pala.

"Uhmm... Tyron's present. Pa-advance Valentine's gift daw niya," sagot ko.

Bigla ay napaiwas ng tingin si Jainum sa box.

"Does he like you?"

Siya naman ngayon ang tiningnan ko. Ayokong umasa pero kasi...

"Sa tingin ko..." Nagiisip pa lang ako ng isasagot nang muli siyang nagsalita.

"Never mind. Huwag mo na lang sagutin ang tanong ko."

"Bakit?"

"Basta huwag na."

Gusto kong matawa sa biglang pagbabago ng mood ni Jainum. Kung kanina ay seryoso siya, ngayon ay tila nabadtrip na siya. Anong meron?

"Ito na nga, sasagutin ko na. Walang gusto sa akin si Tyron."

"I told you not to answer my question."

Heto na naman po kami sa kasungitan ng lalaking ito. Pero hindi bale, mahal ko naman siya kaya pagbigyan.

"Nagtatanong ka, eh. Pangit naman kung hindi ko sasagutin, 'di ba?"

"Unique."

Natigilan ako nang bigkasin niya ang pangalan ko. Lumingon ako at nakita kong nakatingin siya sa akin.

"B-bakit?"

"Nothing. I just want to... hear your voice."

"Ha? Ano?"

Hindi ko narinig ang huling sinabi niya dahil para lang siyang bumulong sa hangin.

At sa halip na sagutin ang tanong ko, tumayo si Jainum saka naglakad palayo nang hindi man lang nagpaalam sa akin.

Jainum Damien Vannevar, bakit ka ganyan?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Loving Jainum Damien Vannevar   Chapter 7

    Kinaumagahan, nagising na lamang ako na wala na ang mga kasama ko sa kuwarto kaya lumabas agad ako habang nakabalot pa sa akin ang kumot na ginamit ko kagabi.Nakita ko ang lahat ng mga kasama ko na naglalaro ng volleyball. As usual, hindi kasali si Jainum dahil nasa tabi ito ni Lyka. Halos magkadikit na ang mga katawan nila sa sobrang lapit sa isa't isa. Nakakasira man ng araw ang tanawing iyon, pinilit ko pa rin ang sarili kong makisali sa mga kasamahan ko."Go, Lujille!""Hoy, Lujille! Ayusin mo yung laro!" sigaw ng ilan sa mga kasamahan ko.Malakas kaming nagtawanan nang akmang ibabato ni Lujille sa direksiyon namin ang hawak niyang bola."Huwag mong pahiyain ang team natin!" dagdag ko pa kaya ang ending ay sinungitan niya ako.Kanya-kanya silang sigaw at cheer kay Lujille na siyang naglalaro ng volleyball laban sa kabilang team. Malakas akong napatawa nang sa halip na mapunta sa side ng kalaban ang bola, napunta ito kay Tyron at tumama sa ulo niya. Bigla na lamang siyang natumba

  • Loving Jainum Damien Vannevar   Chapter 6

    "Go, Unique!""Ipanalo mo, Unique! Please lang!""Sagot ni Tyron ang lunch mo kapag nanalo ka!"Malakas na tawanan ang umalingawngaw sa private beach resort na nirentahan ng kumpanya namin para sa team building. Nagkaroon ng activity at isa ako sa mga napiling player. Hindi na ako umangal dahil gusto ko munang magsaya kahit nasa paligid lang si Jainum. At kasama rin pala naming nag-team building ang grupo nina Lyka."Yes!""We won!""I love you na, Unique!"Napatakbo sa akin sina Lujille at Tyron at niyakap ako matapos kong manalo sa activity na ginawa namin. Natalo ko lang naman si Lyka."You're the best!""Thank you, Tyron.""Naku, papogi points ka lang. Hahaha!" pang-aasar ni Lujille rito.Samantalang sinundan ko naman ng tingin si Lyka nang lumapit ito at tumabi sa tahimik na si Jainum. Noon ay umiinom ito ng alak kasama ang iba pa naming ka-team at ang kabilang team.Nakaupo na kaming lahat sa may buhanginan nang makagawa ng bonfire si Jasper. Tapos na kaming maghapunan kaya nasa

  • Loving Jainum Damien Vannevar   Chapter 5

    Dalawang araw ang lumipas at dumating na ang Sabado. Sa mga nakalipas na araw, ganoon pa rin si Jainum. I mean, he is still cold, masungit, at tila walang pakialam sa paligid niya. Hindi ko nga alam kung may balak siyang sumama sa team building dahil hindi na kami nag-usap simula noong gabing may kasabay siyang magandang babae sa floor.Ilang araw din akong umiwas na magkasalubong ang landas namin sa bahay. Kung sa trabaho man, nilalampasan ko lang siya o kaya naman, kapag may team meeting, iniiwasan kong masalubong ang mga mata niya. Oo na. Feeling jowa lang ang peg ko. Nag-iinarte ako nang hindi niya nalalaman."Is everyone ready? Log out na kayo after ng last call, okay? Maghintayan tayo sa may lobby," anunsiyo ng team leader namin.Masaya ang mga kasamahan ko kahit sobra kaming na-stress sa mga natatanggap naming tawag. Perks of being a call center agent. Malaki ang sahod pero medyo stressful. Well, it's normal kasi problema ng ibang tao ang pinoproblema namin."Jainum, sasama ka

  • Loving Jainum Damien Vannevar   Chapter 4

    Kinabukasan, maaga akong nagising. Madalas, kahit wala akong shift, maaga pa rin akong nagigising.Nangunot ang noo ko nang makita si Jainum na natutulog na naman sa mahabang sofa. Alas-otso na pasado ng umaga kaya ipinagtaka ko kung bakit doon na naman siya natulog. Sa pagkakatanda ko, pagkatapos niya akong talikuran kagabi nang tanungin ko kung bakit hindi siya pumasok, dumiretso siya sa kuwarto niya.Napangiti ako nang makita ang itsura niya habang natutulog. Nakapamaluktot siya na parang bata. Iyon nga lang, medyo nadudumihan ang utak ko sa nakikita ko. Wala siyang suot na pang-itaas at tanging pajama lamang ang suot niya. Mabuti na lang at hindi bukas ang aircon sa first floor ng bahay, kundi malamang ay kanina pa siya giniginaw.Lumapit ako sa kanya saka siya ginising."Jainum," tawag ko, pero hindi man lang siya gumalaw.Tulog na tulog nga talaga."Jainum," ulit ko. This time, marahan na niyang iminulat ang mga mata.Napatitig ako nang hindi sinasadya sa labi ng lalaking nasa h

  • Loving Jainum Damien Vannevar   Chapter 3

    Ilang oras matapos ang shift ko, antok na antok kong pinatay ang computer na ginagamit ko. Alas-onse na ng tanghali at gustong-gusto ko nang makauwi. Pakiramdam ko, hinihila na ng higaan ang buong katawan ko dahil sa sobrang antok.Nauna nang umuwi si Lujille dahil may emergency raw sa kanila. Si Jainum naman ay kanina pa yatang alas-otso nakauwi.Masakit na ang mga mata ko, pati na rin ang ulo ko. Ilang oras akong nakababad sa telepono at computer, dagdag pa ang katotohanang wala talaga akong tulog."I'll go ahead na po, TL," paalam ko sa team leader namin."Ingat sa pag-uwi.""Thanks po."Pagkatapos magpaalam, nagmamadali akong lumabas ng floor para kunin ang mga gamit ko sa locker. Ilang beses pa akong naghikab habang naglalakad. Pero halos tuluyan akong magising nang makita kung sino ang nakatayo sa tabi ng locker ko.Si Jainum.May kinukuha ito mula sa locker niya. Magkatabi nga pala ang locker naming dalawa.Napahinto ako sa pagkuha ng mga gamit ko, hindi dahil sa presensiya niy

  • Loving Jainum Damien Vannevar   Chapter 2

    "Nakakainis! Nakakabadtrip! Gusto kong manapak! Argh!""Kalma. Ang puso mo. Huwag masyadong magpaapekto."Pilit kong pinapakalma si Lujille matapos ang ilang oras naming pagbabad sa telepono para sumagot ng mga tawag at ayusin ang bawat reklamo ng mga foreigner at local na kausap namin.Paanong hindi siya mababadtrip? Pinagmumura raw siya ng customer niya at pinagbantaan pang hahanapin daw siya rito sa Pilipinas para ipakulong dahil lang sa na-freeze nitong account, na kasalanan din naman pala ng caller.Normal na sa trabaho namin ang mga sitwasyong katulad nito, pero minsan, hindi mo rin talaga maiiwasang patulan ang mga ganoong klase ng customer. Kung puwede nga lang talagang mang-away ng customer kahit isang araw, baka nagawa ko na rin. Ang kaso, hindi puwede at baka matanggal pa ako sa trabaho."Bwisit kasi talaga! Kasalanan ko bang medyo shunga siya at hindi siya marunong magbilang ng araw sa kalendaryo?! Nakakagigil talaga! Alam naman niyang babalik sa original price yung subscr

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status