Share

Chapter 6

Author: Knight Ellis
last update publish date: 2026-11-13 15:36:14

"Go, Unique!"

"Ipanalo mo, Unique! Please lang!"

"Sagot ni Tyron ang lunch mo kapag nanalo ka!"

Malakas na tawanan ang umalingawngaw sa private beach resort na nirentahan ng kumpanya namin para sa team building. Nagkaroon ng activity at isa ako sa mga napiling player. Hindi na ako umangal dahil gusto ko munang magsaya kahit nasa paligid lang si Jainum. At kasama rin pala naming nag-team building ang grupo nina Lyka.

"Yes!"

"We won!"

"I love you na, Unique!"

Napatakbo sa akin sina Lujille at Tyron at niyakap ako matapos kong manalo sa activity na ginawa namin. Natalo ko lang naman si Lyka.

"You're the best!"

"Thank you, Tyron."

"Naku, papogi points ka lang. Hahaha!" pang-aasar ni Lujille rito.

Samantalang sinundan ko naman ng tingin si Lyka nang lumapit ito at tumabi sa tahimik na si Jainum. Noon ay umiinom ito ng alak kasama ang iba pa naming ka-team at ang kabilang team.

Nakaupo na kaming lahat sa may buhanginan nang makagawa ng bonfire si Jasper. Tapos na kaming maghapunan kaya nasa tapat na nga kami niyon. Katapat ko si Jainum na nakatingin sa apoy habang si Lyka naman ay dikit na dikit dito.

Parang may tumusok sa puso ko sa nakikita kong eksena nila. Hindi man sila nag-uusap, nagseselos pa rin ako. Buti pa si Lyka, nakakalapit nang ganoon kay Jainum samantalang ako na kasama niya sa bahay ay hindi ko magawa.

"Buti naisipan mo nang sumama sa team building?" usisa ni Fern kay Jainum.

"This is the first and last team building," sagot niya kaya napatingin ako sa kanya at muli na namang nagtama ang paningin naming dalawa.

What does he mean by that?

"Tinuloy mo talaga?" si Jasper naman.

"Yeah."

Anong tinuloy? May hindi ba ako nalalaman? Oo nga pala, wala akong alam kay Jainum.

"Kailan magsisimula yung pagre-render mo ng one month?"

"Magre-resign ka?!" bigla kong singit kaya napatingin silang lahat sa akin.

"Hindi mo alam, Unique?" tanong sa akin ni Tyron kaya umiling ako.

"Bakit hindi mo alam?" si Fern naman.

Peke akong tumawa bago sumagot.

"Hindi ko naman close si Jainum, so paano ko malalaman? Ni hindi nga kami nag-uusap niyan."

Gusto kong maiyak sa nalaman ko ngayong gabi. Magre-resign na siya at ibig sabihin lang niyon ay aalis na rin siya sa bahay na inuupahan namin.

"Hindi pala kayo close nitong si Unique, Jainum?" tanong ni Jasper.

Hindi na naman sumagot si Jainum.

"Kanta na lang tayo, guys. Oy, kayo sa kabilang team, anong magandang kanta? Sino ang maggigitara?"

Salamat kay Lujille. Alam niya kung kailan ako iaalis sa awkward na sitwasyon.

"I'll play the guitar," suhestiyon ni Tyron.

"And I'll sing," sagot ko.

Napatingin silang lahat sa akin.

"What?!"

"Marunong kang kumanta?"

Sinamaan ko ng tingin si Fern sa tanong niya. Anong tingin niya sa akin, walang talent?

"Okay, okay. Anong kakantahin mo?" tanong ni Tyron kaya pilit akong ngumiti.

"If We Fall In Love."

Nang sabihin ko ang title ng kakantahin ko, napansin ko ang sunod-sunod na paglagok ng alak ni Jainum. Pagkatapos ay nagkasalubong ang mga kilay niya. Anong problema ng isang ito?

"Umpisahan mo na, Unique. Duet kayo ni Tyron," sabad ni Fern.

"Okay. Hahaha!"

At sinimulan ko nang kumanta.

There will be no ordinary days for you

If there is someone who cares like I do

'Meron bang iba na nag-aalala para sa'yo, Jainum, sa tuwing malungkot, masaya o may sakit ka?'

You have no reason to be sad anymore

I'm always ready with a smile

'Hindi ko man alam kung bakit ganiyan ka, pero lagi kong hinihiling na sana masaya ka palagi.'

With just one glimpse of you

'Isang tingin ko lang sa'yo, Jainum, buo na ang araw ko. Ikaw yung nagpapawala ng pagkabadtrip ko sa mundo kapag nakikita kita.'

You don't have to search no more

Cause I am someone who will love you for sure so

'Jainum, kung maghahanap ka man ng babaeng mamahalin, puwede ko bang hilingin na sana ako na lang? Ako na lang kasi gusto kong makasama ka nang matagal. Gusto kong mapangiti o mapatawa ka.'

Unique/Tyron:

If we fall in love

Unique:

Maybe we'll sing this song as one

Unique/Tyron:

If we fall in love

Tyron:

We can write a better song than this

Unique/Tyron:

If we fall in love

Unique:

We will have this melody in our heads

Unique/Tyron:

If we fall in love

Tyron:

Anywhere with you would be a better place

"If we fall in love..." sabay naming kinanta ni Tyron nang matapos na namin ang awit.

Nagpalakpakan silang lahat at kinantiyawan kami. Sina Lujille at Althea ang mga pasimuno.

"Teh, ang ganda ng boses natin. Sampolan mo nga yung crush mo," pang-aasar ni Lujille kaya natawa ako.

"May crush ka rito, Unique?!" malakas na tanong ni Jasper.

"Wala! Wala akong crush dito. Hahaha!"

Pero may gusto akong tao rito.

"Hindi ba si Tyron?"

"Ha? Hindi. Hahaha. Sorry, Ty!" sabi ko at nag-peace sign kay Tyron na tumawa na lamang.

Ilang oras pa kaming nanatili sa harap ng bonfire bago nila naisipang magsitulog na. Naunang matulog si Jainum dahil naparami ito ng nainom, at si Lyka ang naghatid dito sa kuwarto nito.

Nasasaktan ako sa tuwing naiisip kong baka magtabi sila ni Jainum ngayong gabi, lalo na at kulang ang mga kuwartong narentahan. Hindi ko rin alam kung saang kuwarto si Jainum dahil noong pinapaghanap kami ng matutulugan, hindi ko siya nakita.

"Unique, tulog na ako, ha? Inaantok na talaga ako," paalam ni Lujille sa akin.

"Sige."

"Ikaw? Hindi ka pa ba matutulog?"

"Mamaya na siguro. Magpapahangin lang muna ako," sagot ko.

Pagkatapos ay pumasok na nga siya sa kuwartong tutulugan niya.

Malamig ang dampi ng hangin sa balat ko pero nagugustuhan ko iyon, lalo pa't parang ang bigat ng ulo ko sa dami ng iniisip ko patungkol kay Jainum. Nagtagal pa ako ng ilang minuto sa labas bago ko naisipang pumasok na sa kuwarto.

Nakapatay na ang mga ilaw kaya hindi ko na binuksan pa dahil baka magising ang tatlo kong kasama. Nakatalikod sa akin ang katabi ko pero alam kong lalaki iyon dahil sa built ng katawan nito.

Kibit-balikat na lamang akong humiga at nagkumot. Hindi ko naman magawang makatulog agad kaya ang ending, biling-bilíng ako. Sana nga lang ay hindi magising ang kung sino mang katabi ko.

"Matulog ka na, Unique. Hindi ka gusto niyon," mahinang saad ko sa sarili ko dahil ang mukha ni Jainum ang nakikita ko sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko.

"Hindi ka gusto ni Jainum, so please. Just sleep, self."

Para na akong baliw sa pakikipag-usap sa sarili ko.

Kainis na Jainum.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Loving Jainum Damien Vannevar   Chapter 7

    Kinaumagahan, nagising na lamang ako na wala na ang mga kasama ko sa kuwarto kaya lumabas agad ako habang nakabalot pa sa akin ang kumot na ginamit ko kagabi.Nakita ko ang lahat ng mga kasama ko na naglalaro ng volleyball. As usual, hindi kasali si Jainum dahil nasa tabi ito ni Lyka. Halos magkadikit na ang mga katawan nila sa sobrang lapit sa isa't isa. Nakakasira man ng araw ang tanawing iyon, pinilit ko pa rin ang sarili kong makisali sa mga kasamahan ko."Go, Lujille!""Hoy, Lujille! Ayusin mo yung laro!" sigaw ng ilan sa mga kasamahan ko.Malakas kaming nagtawanan nang akmang ibabato ni Lujille sa direksiyon namin ang hawak niyang bola."Huwag mong pahiyain ang team natin!" dagdag ko pa kaya ang ending ay sinungitan niya ako.Kanya-kanya silang sigaw at cheer kay Lujille na siyang naglalaro ng volleyball laban sa kabilang team. Malakas akong napatawa nang sa halip na mapunta sa side ng kalaban ang bola, napunta ito kay Tyron at tumama sa ulo niya. Bigla na lamang siyang natumba

  • Loving Jainum Damien Vannevar   Chapter 6

    "Go, Unique!""Ipanalo mo, Unique! Please lang!""Sagot ni Tyron ang lunch mo kapag nanalo ka!"Malakas na tawanan ang umalingawngaw sa private beach resort na nirentahan ng kumpanya namin para sa team building. Nagkaroon ng activity at isa ako sa mga napiling player. Hindi na ako umangal dahil gusto ko munang magsaya kahit nasa paligid lang si Jainum. At kasama rin pala naming nag-team building ang grupo nina Lyka."Yes!""We won!""I love you na, Unique!"Napatakbo sa akin sina Lujille at Tyron at niyakap ako matapos kong manalo sa activity na ginawa namin. Natalo ko lang naman si Lyka."You're the best!""Thank you, Tyron.""Naku, papogi points ka lang. Hahaha!" pang-aasar ni Lujille rito.Samantalang sinundan ko naman ng tingin si Lyka nang lumapit ito at tumabi sa tahimik na si Jainum. Noon ay umiinom ito ng alak kasama ang iba pa naming ka-team at ang kabilang team.Nakaupo na kaming lahat sa may buhanginan nang makagawa ng bonfire si Jasper. Tapos na kaming maghapunan kaya nasa

  • Loving Jainum Damien Vannevar   Chapter 5

    Dalawang araw ang lumipas at dumating na ang Sabado. Sa mga nakalipas na araw, ganoon pa rin si Jainum. I mean, he is still cold, masungit, at tila walang pakialam sa paligid niya. Hindi ko nga alam kung may balak siyang sumama sa team building dahil hindi na kami nag-usap simula noong gabing may kasabay siyang magandang babae sa floor.Ilang araw din akong umiwas na magkasalubong ang landas namin sa bahay. Kung sa trabaho man, nilalampasan ko lang siya o kaya naman, kapag may team meeting, iniiwasan kong masalubong ang mga mata niya. Oo na. Feeling jowa lang ang peg ko. Nag-iinarte ako nang hindi niya nalalaman."Is everyone ready? Log out na kayo after ng last call, okay? Maghintayan tayo sa may lobby," anunsiyo ng team leader namin.Masaya ang mga kasamahan ko kahit sobra kaming na-stress sa mga natatanggap naming tawag. Perks of being a call center agent. Malaki ang sahod pero medyo stressful. Well, it's normal kasi problema ng ibang tao ang pinoproblema namin."Jainum, sasama ka

  • Loving Jainum Damien Vannevar   Chapter 4

    Kinabukasan, maaga akong nagising. Madalas, kahit wala akong shift, maaga pa rin akong nagigising.Nangunot ang noo ko nang makita si Jainum na natutulog na naman sa mahabang sofa. Alas-otso na pasado ng umaga kaya ipinagtaka ko kung bakit doon na naman siya natulog. Sa pagkakatanda ko, pagkatapos niya akong talikuran kagabi nang tanungin ko kung bakit hindi siya pumasok, dumiretso siya sa kuwarto niya.Napangiti ako nang makita ang itsura niya habang natutulog. Nakapamaluktot siya na parang bata. Iyon nga lang, medyo nadudumihan ang utak ko sa nakikita ko. Wala siyang suot na pang-itaas at tanging pajama lamang ang suot niya. Mabuti na lang at hindi bukas ang aircon sa first floor ng bahay, kundi malamang ay kanina pa siya giniginaw.Lumapit ako sa kanya saka siya ginising."Jainum," tawag ko, pero hindi man lang siya gumalaw.Tulog na tulog nga talaga."Jainum," ulit ko. This time, marahan na niyang iminulat ang mga mata.Napatitig ako nang hindi sinasadya sa labi ng lalaking nasa h

  • Loving Jainum Damien Vannevar   Chapter 3

    Ilang oras matapos ang shift ko, antok na antok kong pinatay ang computer na ginagamit ko. Alas-onse na ng tanghali at gustong-gusto ko nang makauwi. Pakiramdam ko, hinihila na ng higaan ang buong katawan ko dahil sa sobrang antok.Nauna nang umuwi si Lujille dahil may emergency raw sa kanila. Si Jainum naman ay kanina pa yatang alas-otso nakauwi.Masakit na ang mga mata ko, pati na rin ang ulo ko. Ilang oras akong nakababad sa telepono at computer, dagdag pa ang katotohanang wala talaga akong tulog."I'll go ahead na po, TL," paalam ko sa team leader namin."Ingat sa pag-uwi.""Thanks po."Pagkatapos magpaalam, nagmamadali akong lumabas ng floor para kunin ang mga gamit ko sa locker. Ilang beses pa akong naghikab habang naglalakad. Pero halos tuluyan akong magising nang makita kung sino ang nakatayo sa tabi ng locker ko.Si Jainum.May kinukuha ito mula sa locker niya. Magkatabi nga pala ang locker naming dalawa.Napahinto ako sa pagkuha ng mga gamit ko, hindi dahil sa presensiya niy

  • Loving Jainum Damien Vannevar   Chapter 2

    "Nakakainis! Nakakabadtrip! Gusto kong manapak! Argh!""Kalma. Ang puso mo. Huwag masyadong magpaapekto."Pilit kong pinapakalma si Lujille matapos ang ilang oras naming pagbabad sa telepono para sumagot ng mga tawag at ayusin ang bawat reklamo ng mga foreigner at local na kausap namin.Paanong hindi siya mababadtrip? Pinagmumura raw siya ng customer niya at pinagbantaan pang hahanapin daw siya rito sa Pilipinas para ipakulong dahil lang sa na-freeze nitong account, na kasalanan din naman pala ng caller.Normal na sa trabaho namin ang mga sitwasyong katulad nito, pero minsan, hindi mo rin talaga maiiwasang patulan ang mga ganoong klase ng customer. Kung puwede nga lang talagang mang-away ng customer kahit isang araw, baka nagawa ko na rin. Ang kaso, hindi puwede at baka matanggal pa ako sa trabaho."Bwisit kasi talaga! Kasalanan ko bang medyo shunga siya at hindi siya marunong magbilang ng araw sa kalendaryo?! Nakakagigil talaga! Alam naman niyang babalik sa original price yung subscr

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status