Share

Chapter 3

Author: Knight Ellis
last update publish date: 2026-11-13 15:36:04

Ilang oras matapos ang shift ko, antok na antok kong pinatay ang computer na ginagamit ko. Alas-onse na ng tanghali at gustong-gusto ko nang makauwi. Pakiramdam ko, hinihila na ng higaan ang buong katawan ko dahil sa sobrang antok.

Nauna nang umuwi si Lujille dahil may emergency raw sa kanila. Si Jainum naman ay kanina pa yatang alas-otso nakauwi.

Masakit na ang mga mata ko, pati na rin ang ulo ko. Ilang oras akong nakababad sa telepono at computer, dagdag pa ang katotohanang wala talaga akong tulog.

"I'll go ahead na po, TL," paalam ko sa team leader namin.

"Ingat sa pag-uwi."

"Thanks po."

Pagkatapos magpaalam, nagmamadali akong lumabas ng floor para kunin ang mga gamit ko sa locker. Ilang beses pa akong naghikab habang naglalakad. Pero halos tuluyan akong magising nang makita kung sino ang nakatayo sa tabi ng locker ko.

Si Jainum.

May kinukuha ito mula sa locker niya. Magkatabi nga pala ang locker naming dalawa.

Napahinto ako sa pagkuha ng mga gamit ko, hindi dahil sa presensiya niya, kundi dahil biglang kumirot ang sentido ko.

'Aww. Shet.'

"You okay?"

Umiling ako. Gusto ko mang kiligin dahil sa biglaang pagpansin niya sa akin, hindi ko magawa. Sobrang sakit talaga ng ulo ko.

Anak ng pating! Bakit ngayon pa?

"Dumaan ka muna sa clinic," utos niya.

Umiling ako.

"No. I mean, huwag na lang. Gusto ko na talagang makauwi. Pagod lang ito," sagot ko.

'At matulog.'

Gusto ko pa sanang idagdag iyon, pero wala na akong ganang magsalita. Malas naman. Kung kailan kinakausap na ako ni Jainum, saka pa ako tinamaan ng ganitong sakit ng ulo.

"Can you walk?"

"Of course I can. Masakit lang ang ulo ko, pero—shit!"

Napapikit ako at napahawak sa braso niya nang muling kumirot ang sentido ko.

Bwisit! Bakit ngayon pa ako tatamaan ng ganitong sakit?

"I know you can't. Hindi ka ba natulog kanina bago ka pumasok?"

Twelve words.

Himala para sa isang Jainum Vannevar ang magsalita nang ganoon kahaba. At heto ako, nagagawa ko pang magbilang ng mga salitang binibitawan niya kahit pakiramdam ko ay sasabog na ang ulo ko.

"I'll help you. Just stay there."

Hindi na ako nakatanggi nang siya na mismo ang kumuha ng mga gamit ko sa locker.

"Susi," sabi niya.

Agad ko namang iniabot ang susi sa kanya.

"Heto. T-thanks."

Pagkatapos niyang i-lock ang locker ko, sabay na kaming lumabas ng office.

At kung tatanungin ninyo kung sino ang nagdala ng mga gamit ko, siyempre, ako. Kapal naman ng mukha ko kung pati iyon ay ipapabuhat ko pa kay Jainum.

Nang makasakay kami sa elevator, marami nang tao ang nasa loob dahil bukas na ang mall.

"Third floor," sabi niya sa babaeng operator ng elevator.

Dahil siksikan sa loob, napunta ako sa harapan niya. Tahimik ang lahat ng nakasakay kaya lalo akong kinabahan sa lakas ng tibok ng puso ko. Taimtim akong nagdasal na sana ay hindi iyon marinig ni Jainum.

Mas lalo pang lumakas ang pintig ng puso ko nang maramdaman kong tila inaabangan niya ang bawat galaw ko at inaalalayan ako mula sa likuran.

Para tuloy niya akong niyayakap ngayon.

'My ghad. Kung hindi lang talaga masakit ang ulo ko...'

Ting!

Nang makita kong nasa third floor na kami, bahagya akong napaurong dahil lalabas na si Jainum. Mukhang doon niya ipinarada ang sasakyan niya.

"Let's go."

"Ha?"

Let's go raw? Ano iyon? Makikisabay ako sa kanya?

"Labas na. Hindi lang ikaw ang nasa loob," utos niya.

Nang mapansin niyang hindi pa rin ako kumikilos, bahagya niya akong hinila palabas ng elevator hanggang sa makarating kami sa kotse niya.

"Kaya ko namang mag-bus na lang," sabi ko.

Hindi siya sumagot. Sa halip, binuksan niya ang passenger seat at pinasakay ako.

Pagkatapos noon, tahimik na kaming bumiyahe.

"Okay lang bang buksan ko ang radyo?" tanong ko dahil naiilang ako sa sobrang katahimikan naming dalawa.

"Go."

Agad kong binuksan ang radyo ng sasakyan niya. Sakto namang pumailanlang ang paborito kong kanta na pinapatugtog ng isang radio station.

Anywhere with you would be a better place

You can watch sad movies in a different light

So I'll be right there beside you

Hugging you oh so tight (oh so tight)

Your hands will never feel so cold and empty again

Cause I will keep on holding on and won't let go (never let you go)

You don't have to search no more

Cause I am someone who will love you for sure so

"If we fall in love, maybe we'll sing this song as one," mahina kong sabay sa chorus.

"You can sleep here. Gisingin na lang kita kapag nasa bahay na tayo."

Nilingon ko si Jainum nang bigla itong magsalita.

Gusto ko na talagang kiligin, pero panira naman ang sumasakit kong ulo.

"Sigurado ka?"

"Yeah."

Napangiti ako bago ibinaba ang sandalan ng upuan. Pumikit ako habang patuloy na tumutugtog ang paborito kong kanta.

Hindi ko na namalayang tuluyan na pala akong nakatulog.

Isang mahinang tapik sa pisngi ang gumising sa akin. Pagmulat ko ng mga mata, ang gwapong mukha ni Jainum agad ang bumungad sa akin.

'Ang gwapo pa rin niya kahit ang seryoso ng mukha niya.'

"Doon ka na magpahinga."

"Sige. Salamat ulit."

Pagpasok namin sa bahay, dumiretso ako sa kuwarto. Wala nang bihis-bihis. Ibinagsak ko agad ang katawan ko sa malambot na kama at tuluyan nang nagpatalo sa antok.

Nang magising ako, madilim na ang buong kuwarto. Hindi na ako nag-abala pang buksan ang ilaw. Cellphone ko agad ang chineck ko at nang makita ko ang oras, dali-dali akong napabangon.

Anak ng pating!

Alas-dose y medya na ng hatinggabi at may pasok pa ako!

Kainis. Ang tagal kong nakatulog.

Mabilis akong bumaba mula sa second floor. Pagdating ko sa sala, nakita kong natutulog si Jainum sa mahabang sofa. Nakapatong ang kanang braso niya sa bandang ulunan nito.

Sandali akong natigilan.

Bakit nandito siya natutulog?

"Jainum," tawag ko.

Agad naman siyang nagising at bahagyang iminulat ang mga mata.

"Hmm?"

"May pasok ka, 'di ba?"

"Wala."

"Wala? Sa Saturday pa ang off mo."

"Magre-rest day overtime ako sa Sabado."

"Ah."

Napahiya ako roon. Oo nga pala. Puwede naman kaming mag-absent at pumasok na lang sa araw ng day off namin.

"Bakit dito ka sa baba natulog?" usisa ko.

Umaasa akong sasagutin niya ang tanong ko, pero sa halip ay isang bagay ang sinabi niya na halos ikatulala ko.

"Kuwarto ko ang tinulugan mo."

What?

Patay.

"Hala, sorry! Diyan ka na muna. Kailangan ko nang maghanda para pumasok—"

"Hindi ka papasok."

Ano raw?

"Teka, anong hindi papasok?"

"I already called TL. Sinabi kong may sakit ka kaya hindi ka muna makakapasok."

Gusto ko na talagang sumigaw sa kilig.

Si Jainum ba talaga ito? O napalitan lang?

Napangiti ako, pero sumimangot naman siya nang mapansin iyon.

"Bakit hindi ka pumasok?" tanong ko.

Hindi niya ako sinagot. Basta na lamang niya akong tinalikuran at umakyat sa second floor ng bahay.

Napatingin ako sa hagdan kung saan siya nawala.

Si Jainum nga iyon.

Na nahaluan ng konting kabaitan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Loving Jainum Damien Vannevar   Chapter 7

    Kinaumagahan, nagising na lamang ako na wala na ang mga kasama ko sa kuwarto kaya lumabas agad ako habang nakabalot pa sa akin ang kumot na ginamit ko kagabi.Nakita ko ang lahat ng mga kasama ko na naglalaro ng volleyball. As usual, hindi kasali si Jainum dahil nasa tabi ito ni Lyka. Halos magkadikit na ang mga katawan nila sa sobrang lapit sa isa't isa. Nakakasira man ng araw ang tanawing iyon, pinilit ko pa rin ang sarili kong makisali sa mga kasamahan ko."Go, Lujille!""Hoy, Lujille! Ayusin mo yung laro!" sigaw ng ilan sa mga kasamahan ko.Malakas kaming nagtawanan nang akmang ibabato ni Lujille sa direksiyon namin ang hawak niyang bola."Huwag mong pahiyain ang team natin!" dagdag ko pa kaya ang ending ay sinungitan niya ako.Kanya-kanya silang sigaw at cheer kay Lujille na siyang naglalaro ng volleyball laban sa kabilang team. Malakas akong napatawa nang sa halip na mapunta sa side ng kalaban ang bola, napunta ito kay Tyron at tumama sa ulo niya. Bigla na lamang siyang natumba

  • Loving Jainum Damien Vannevar   Chapter 6

    "Go, Unique!""Ipanalo mo, Unique! Please lang!""Sagot ni Tyron ang lunch mo kapag nanalo ka!"Malakas na tawanan ang umalingawngaw sa private beach resort na nirentahan ng kumpanya namin para sa team building. Nagkaroon ng activity at isa ako sa mga napiling player. Hindi na ako umangal dahil gusto ko munang magsaya kahit nasa paligid lang si Jainum. At kasama rin pala naming nag-team building ang grupo nina Lyka."Yes!""We won!""I love you na, Unique!"Napatakbo sa akin sina Lujille at Tyron at niyakap ako matapos kong manalo sa activity na ginawa namin. Natalo ko lang naman si Lyka."You're the best!""Thank you, Tyron.""Naku, papogi points ka lang. Hahaha!" pang-aasar ni Lujille rito.Samantalang sinundan ko naman ng tingin si Lyka nang lumapit ito at tumabi sa tahimik na si Jainum. Noon ay umiinom ito ng alak kasama ang iba pa naming ka-team at ang kabilang team.Nakaupo na kaming lahat sa may buhanginan nang makagawa ng bonfire si Jasper. Tapos na kaming maghapunan kaya nasa

  • Loving Jainum Damien Vannevar   Chapter 5

    Dalawang araw ang lumipas at dumating na ang Sabado. Sa mga nakalipas na araw, ganoon pa rin si Jainum. I mean, he is still cold, masungit, at tila walang pakialam sa paligid niya. Hindi ko nga alam kung may balak siyang sumama sa team building dahil hindi na kami nag-usap simula noong gabing may kasabay siyang magandang babae sa floor.Ilang araw din akong umiwas na magkasalubong ang landas namin sa bahay. Kung sa trabaho man, nilalampasan ko lang siya o kaya naman, kapag may team meeting, iniiwasan kong masalubong ang mga mata niya. Oo na. Feeling jowa lang ang peg ko. Nag-iinarte ako nang hindi niya nalalaman."Is everyone ready? Log out na kayo after ng last call, okay? Maghintayan tayo sa may lobby," anunsiyo ng team leader namin.Masaya ang mga kasamahan ko kahit sobra kaming na-stress sa mga natatanggap naming tawag. Perks of being a call center agent. Malaki ang sahod pero medyo stressful. Well, it's normal kasi problema ng ibang tao ang pinoproblema namin."Jainum, sasama ka

  • Loving Jainum Damien Vannevar   Chapter 4

    Kinabukasan, maaga akong nagising. Madalas, kahit wala akong shift, maaga pa rin akong nagigising.Nangunot ang noo ko nang makita si Jainum na natutulog na naman sa mahabang sofa. Alas-otso na pasado ng umaga kaya ipinagtaka ko kung bakit doon na naman siya natulog. Sa pagkakatanda ko, pagkatapos niya akong talikuran kagabi nang tanungin ko kung bakit hindi siya pumasok, dumiretso siya sa kuwarto niya.Napangiti ako nang makita ang itsura niya habang natutulog. Nakapamaluktot siya na parang bata. Iyon nga lang, medyo nadudumihan ang utak ko sa nakikita ko. Wala siyang suot na pang-itaas at tanging pajama lamang ang suot niya. Mabuti na lang at hindi bukas ang aircon sa first floor ng bahay, kundi malamang ay kanina pa siya giniginaw.Lumapit ako sa kanya saka siya ginising."Jainum," tawag ko, pero hindi man lang siya gumalaw.Tulog na tulog nga talaga."Jainum," ulit ko. This time, marahan na niyang iminulat ang mga mata.Napatitig ako nang hindi sinasadya sa labi ng lalaking nasa h

  • Loving Jainum Damien Vannevar   Chapter 3

    Ilang oras matapos ang shift ko, antok na antok kong pinatay ang computer na ginagamit ko. Alas-onse na ng tanghali at gustong-gusto ko nang makauwi. Pakiramdam ko, hinihila na ng higaan ang buong katawan ko dahil sa sobrang antok.Nauna nang umuwi si Lujille dahil may emergency raw sa kanila. Si Jainum naman ay kanina pa yatang alas-otso nakauwi.Masakit na ang mga mata ko, pati na rin ang ulo ko. Ilang oras akong nakababad sa telepono at computer, dagdag pa ang katotohanang wala talaga akong tulog."I'll go ahead na po, TL," paalam ko sa team leader namin."Ingat sa pag-uwi.""Thanks po."Pagkatapos magpaalam, nagmamadali akong lumabas ng floor para kunin ang mga gamit ko sa locker. Ilang beses pa akong naghikab habang naglalakad. Pero halos tuluyan akong magising nang makita kung sino ang nakatayo sa tabi ng locker ko.Si Jainum.May kinukuha ito mula sa locker niya. Magkatabi nga pala ang locker naming dalawa.Napahinto ako sa pagkuha ng mga gamit ko, hindi dahil sa presensiya niy

  • Loving Jainum Damien Vannevar   Chapter 2

    "Nakakainis! Nakakabadtrip! Gusto kong manapak! Argh!""Kalma. Ang puso mo. Huwag masyadong magpaapekto."Pilit kong pinapakalma si Lujille matapos ang ilang oras naming pagbabad sa telepono para sumagot ng mga tawag at ayusin ang bawat reklamo ng mga foreigner at local na kausap namin.Paanong hindi siya mababadtrip? Pinagmumura raw siya ng customer niya at pinagbantaan pang hahanapin daw siya rito sa Pilipinas para ipakulong dahil lang sa na-freeze nitong account, na kasalanan din naman pala ng caller.Normal na sa trabaho namin ang mga sitwasyong katulad nito, pero minsan, hindi mo rin talaga maiiwasang patulan ang mga ganoong klase ng customer. Kung puwede nga lang talagang mang-away ng customer kahit isang araw, baka nagawa ko na rin. Ang kaso, hindi puwede at baka matanggal pa ako sa trabaho."Bwisit kasi talaga! Kasalanan ko bang medyo shunga siya at hindi siya marunong magbilang ng araw sa kalendaryo?! Nakakagigil talaga! Alam naman niyang babalik sa original price yung subscr

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status