LOGINKinaumagahan, nagising na lamang ako na wala na ang mga kasama ko sa kuwarto kaya lumabas agad ako habang nakabalot pa sa akin ang kumot na ginamit ko kagabi.Nakita ko ang lahat ng mga kasama ko na naglalaro ng volleyball. As usual, hindi kasali si Jainum dahil nasa tabi ito ni Lyka. Halos magkadikit na ang mga katawan nila sa sobrang lapit sa isa't isa. Nakakasira man ng araw ang tanawing iyon, pinilit ko pa rin ang sarili kong makisali sa mga kasamahan ko."Go, Lujille!""Hoy, Lujille! Ayusin mo yung laro!" sigaw ng ilan sa mga kasamahan ko.Malakas kaming nagtawanan nang akmang ibabato ni Lujille sa direksiyon namin ang hawak niyang bola."Huwag mong pahiyain ang team natin!" dagdag ko pa kaya ang ending ay sinungitan niya ako.Kanya-kanya silang sigaw at cheer kay Lujille na siyang naglalaro ng volleyball laban sa kabilang team. Malakas akong napatawa nang sa halip na mapunta sa side ng kalaban ang bola, napunta ito kay Tyron at tumama sa ulo niya. Bigla na lamang siyang natumba
"Go, Unique!""Ipanalo mo, Unique! Please lang!""Sagot ni Tyron ang lunch mo kapag nanalo ka!"Malakas na tawanan ang umalingawngaw sa private beach resort na nirentahan ng kumpanya namin para sa team building. Nagkaroon ng activity at isa ako sa mga napiling player. Hindi na ako umangal dahil gusto ko munang magsaya kahit nasa paligid lang si Jainum. At kasama rin pala naming nag-team building ang grupo nina Lyka."Yes!""We won!""I love you na, Unique!"Napatakbo sa akin sina Lujille at Tyron at niyakap ako matapos kong manalo sa activity na ginawa namin. Natalo ko lang naman si Lyka."You're the best!""Thank you, Tyron.""Naku, papogi points ka lang. Hahaha!" pang-aasar ni Lujille rito.Samantalang sinundan ko naman ng tingin si Lyka nang lumapit ito at tumabi sa tahimik na si Jainum. Noon ay umiinom ito ng alak kasama ang iba pa naming ka-team at ang kabilang team.Nakaupo na kaming lahat sa may buhanginan nang makagawa ng bonfire si Jasper. Tapos na kaming maghapunan kaya nasa
Dalawang araw ang lumipas at dumating na ang Sabado. Sa mga nakalipas na araw, ganoon pa rin si Jainum. I mean, he is still cold, masungit, at tila walang pakialam sa paligid niya. Hindi ko nga alam kung may balak siyang sumama sa team building dahil hindi na kami nag-usap simula noong gabing may kasabay siyang magandang babae sa floor.Ilang araw din akong umiwas na magkasalubong ang landas namin sa bahay. Kung sa trabaho man, nilalampasan ko lang siya o kaya naman, kapag may team meeting, iniiwasan kong masalubong ang mga mata niya. Oo na. Feeling jowa lang ang peg ko. Nag-iinarte ako nang hindi niya nalalaman."Is everyone ready? Log out na kayo after ng last call, okay? Maghintayan tayo sa may lobby," anunsiyo ng team leader namin.Masaya ang mga kasamahan ko kahit sobra kaming na-stress sa mga natatanggap naming tawag. Perks of being a call center agent. Malaki ang sahod pero medyo stressful. Well, it's normal kasi problema ng ibang tao ang pinoproblema namin."Jainum, sasama ka
Kinabukasan, maaga akong nagising. Madalas, kahit wala akong shift, maaga pa rin akong nagigising.Nangunot ang noo ko nang makita si Jainum na natutulog na naman sa mahabang sofa. Alas-otso na pasado ng umaga kaya ipinagtaka ko kung bakit doon na naman siya natulog. Sa pagkakatanda ko, pagkatapos niya akong talikuran kagabi nang tanungin ko kung bakit hindi siya pumasok, dumiretso siya sa kuwarto niya.Napangiti ako nang makita ang itsura niya habang natutulog. Nakapamaluktot siya na parang bata. Iyon nga lang, medyo nadudumihan ang utak ko sa nakikita ko. Wala siyang suot na pang-itaas at tanging pajama lamang ang suot niya. Mabuti na lang at hindi bukas ang aircon sa first floor ng bahay, kundi malamang ay kanina pa siya giniginaw.Lumapit ako sa kanya saka siya ginising."Jainum," tawag ko, pero hindi man lang siya gumalaw.Tulog na tulog nga talaga."Jainum," ulit ko. This time, marahan na niyang iminulat ang mga mata.Napatitig ako nang hindi sinasadya sa labi ng lalaking nasa h
Ilang oras matapos ang shift ko, antok na antok kong pinatay ang computer na ginagamit ko. Alas-onse na ng tanghali at gustong-gusto ko nang makauwi. Pakiramdam ko, hinihila na ng higaan ang buong katawan ko dahil sa sobrang antok.Nauna nang umuwi si Lujille dahil may emergency raw sa kanila. Si Jainum naman ay kanina pa yatang alas-otso nakauwi.Masakit na ang mga mata ko, pati na rin ang ulo ko. Ilang oras akong nakababad sa telepono at computer, dagdag pa ang katotohanang wala talaga akong tulog."I'll go ahead na po, TL," paalam ko sa team leader namin."Ingat sa pag-uwi.""Thanks po."Pagkatapos magpaalam, nagmamadali akong lumabas ng floor para kunin ang mga gamit ko sa locker. Ilang beses pa akong naghikab habang naglalakad. Pero halos tuluyan akong magising nang makita kung sino ang nakatayo sa tabi ng locker ko.Si Jainum.May kinukuha ito mula sa locker niya. Magkatabi nga pala ang locker naming dalawa.Napahinto ako sa pagkuha ng mga gamit ko, hindi dahil sa presensiya niy
"Nakakainis! Nakakabadtrip! Gusto kong manapak! Argh!""Kalma. Ang puso mo. Huwag masyadong magpaapekto."Pilit kong pinapakalma si Lujille matapos ang ilang oras naming pagbabad sa telepono para sumagot ng mga tawag at ayusin ang bawat reklamo ng mga foreigner at local na kausap namin.Paanong hindi siya mababadtrip? Pinagmumura raw siya ng customer niya at pinagbantaan pang hahanapin daw siya rito sa Pilipinas para ipakulong dahil lang sa na-freeze nitong account, na kasalanan din naman pala ng caller.Normal na sa trabaho namin ang mga sitwasyong katulad nito, pero minsan, hindi mo rin talaga maiiwasang patulan ang mga ganoong klase ng customer. Kung puwede nga lang talagang mang-away ng customer kahit isang araw, baka nagawa ko na rin. Ang kaso, hindi puwede at baka matanggal pa ako sa trabaho."Bwisit kasi talaga! Kasalanan ko bang medyo shunga siya at hindi siya marunong magbilang ng araw sa kalendaryo?! Nakakagigil talaga! Alam naman niyang babalik sa original price yung subscr







