Loving Jainum Damien Vannevar

Loving Jainum Damien Vannevar

last updateLast Updated : 2026-11-13
By:  Knight EllisUpdated just now
Language: English
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
7Chapters
10views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Unique Pyrus Salvatore is a tenured call center agent used to difficult customers, exhausting shifts, and the daily struggle to stay awake. But there is one thing she cannot handle: her longtime crush, Jainum Damien Vannevar. They work together and live under the same roof. Unique thinks it is enough to get to know Jainum, but the opposite happens. He is mysterious, aloof, grumpy, and easily irritated. Even though they see each other every day, she feels as if she is living with a stranger, despite her best efforts. He often snaps at her and leaves her with unanswered questions. Still, Unique is not one to give up easily. Despite Jainum's difficult personality, she keeps finding reasons to hope. Sometimes, a simple act of concern is enough for her to read meaning into his every move. But how long can she hold on to signs that might mean nothing? When Unique discovers that Jainum is planning to resign, everything changes. Their life together suddenly has an expiration date. Jainum begins keeping more distance, as if he has a reason he cannot explain. Instead of answering her questions, he chooses silence and pushes her away. As Jainum's departure draws closer, Unique must face the possibility that they were never meant to be together. But what if there is a deeper reason behind his behavior? Will she find the courage to uncover the truth and stay, or will she finally let go of a love that may never have been possible?

View More

Chapter 1

Chapter 1

UNIQUE PYRUS SALVATORRE'S POV

"If we fall in love

Maybe we'll sing this song as one

If we fall in love

We can write a better song than this

If we fall in love

We will have this melody in our heads

If we fall in love..."

Sinasabayan ko ang kantang If We Fall in Love habang paulit-ulit itong tumutugtog sa Spotify playlist ko. Kasalukuyan akong bumibiyahe patungo sa trabaho.

Antok na antok man ako, kailangan ko pa ring pumasok para sa ekonomiya ng bansa. Pero siyempre, biro lang. Para pa rin naman ito sa akin, sa pamilya ko, at sa mga luho ko. At siyempre, para hindi ako malintikan sa team leader namin. Well, mabait naman siya, kaso madalas ay daig pa ang may dalaw, lalo na kapag nale-late ako.

"Manong, para!" sigaw ko sa driver ng bus na sinasakyan ko bago mabilis na bumaba.

Muntik pa akong sumubsob sa upuan nang biglang magpreno nang malakas ang driver. Pinigilan ko rin ang sarili kong simangutan si Manong dahil sa pagkakapahiya ko.

Pasado alas-onse na ng gabi at mangilan-ngilan na lang ang mga naglalakad sa daan. Medyo creepy dahil madilim na at iilan na lang ang tao sa kalsada. Alas-dos ng madaling-araw ang oras ng shift ko, pero pinili kong pumasok nang mas maaga para makaiwas sa mga loko sa daan. Mahirap na at baka madale ang ganda ko. Sayang naman iyon kapag nagkataon.

Dahil sa sobrang antok, makailang beses pa akong naghikab bago tuluyang nakarating sa loob ng mall kung saan naroon ang opisina namin.

Isa akong call center agent kaya panggabi ang pasok ko dahil nakabase sa United States ang account na hawak namin.

Marami ang nagtatanong sa akin noon kung bakit mas pinili kong magtrabaho bilang call center agent gayong nakapagtapos naman ako ng kolehiyo. Well, I am just being practical here. Mas malaki ang sweldo ko ngayon kumpara sa mga naging trabaho ko dati.

Kaya minsan, naiirita ako sa mga taong minamaliit ang mga call center agent na katulad ko. Akala kasi nila ay cheap ang mga nagtatrabaho sa call center. Hindi nila alam na isa ang mga call center company sa mga industriyang tumutulong sa pag-angat ng ekonomiya ng bansa.

Bukod pa roon, halos kayang maging accountant, psychologist, at actress o actor ng mga call center agent dahil iba't ibang klase ng ugali ng mga tao ang nakakausap at nakakasalamuha namin araw-araw.

Gamit ang company ID ko, tinap ko iyon sa scanner. Saglit na ininspeksiyon muna ng guard na naka-assign ngayong gabi ang bag na dala ko bago ako tuluyang dumiretso sa tapat ng elevator.

Kaso, kamalas-malasan, paakyat pa lamang ito sa third floor kaya kailangan ko pang maghintay ng ilang minuto. Kung hindi man, baka matagalan pa ako kung maraming sasakay sa elevator.

"Unique!"

Sigaw ng isang pamilyar na boses. Nang lingunin ko iyon, si Lujille lang pala.

Isa siya sa mga kasamahan kong call center agent at kaibigan ko na rin. Pareho kaming nasa iisang team kaya mabilis din kaming nagkasundo noong nagsisimula pa lang ang training namin.

"Uy! Buti na lang!" ani ko sa kanya sabay kapit sa braso niya.

"Bakit?" tanong niya sa akin.

"Buti na lang at dumating ka. May kasabay na akong papasok," sagot ko, dahilan para matawa siya.

"Well, may isa ka pang kasabay."

Ngisi-ngisi niyang saad kaya nagtaka ako at tinaasan siya ng kaliwang kilay. Oo, medyo attitude ako. Bakit ba?

At sino naman itong tinutukoy niya?

"Sino?"

"Si crush mo, teh. Nakita ko siyang papasok pa lang dito kaya nagmadali ako."

Napakagat-labi ako at pilit na itinago ang kilig nang marinig iyon kay Lujille. Alam niya kung sino ang crush ko sa office, pero iyong taong gusto ko, hayun, hindi niya alam na gusto ko siya.

Ang labo, 'di ba?

Pero teka lang... Alas-diyes ang oras ng shift ng lalaking iyon. Bakit alas-onse na siya dumating? Isang oras na siyang late sa trabaho niya.

"Iba rin kayo, ano? Magkasama na nga kayo sa trabaho pati sa bahay, pero hindi niyo man lang magawang magpansinan."

Mayamaya ay bulong ni Lujille na ikinatawa ko. Swerte at kaming dalawa pa lamang ang naghihintay sa pagbaba ng elevator sa ground floor kaya malaya kaming makapag-tsismisan tungkol sa taong kinahuhumalingan ko.

Alam din ni Lujille na kasama ko si Jainum sa iisang bahay.

Jainum Damien Vannevar ang buong pangalan niya. Twenty-five years living on Earth. Gwapo, matangkad, pero suplado, masungit, at snob. Tsk. Tsk.

"Hindi ko rin alam kung bakit hindi kami close. Hahaha!" sagot ko na lamang.

"Weh? Baka naman sa office lang kayo hindi close, tapos sa bahay, sobrang clingy niyo sa isa't isa?"

Sana nga. Kaso, sobrang labo. Baka nga araw-araw may party sa bahay kapag nangyari iyon.

"You wish, Lu. Hahaha! Sana nga ganoon, pero hindi talaga. Saka hindi namin bahay iyon. Nangungupahan lang kami," muli kong paliwanag kay Lujille.

Oo. Kasama ko sa iisang bubong ang taong gusto ko, pero never, as in never, kaming naging close. Kung mag-usap man kami, sobrang saglit lang o kung tungkol lang sa mga bayarin sa bahay. Pagkatapos, balik na kami sa kanya-kanya naming buhay.

Magkatabi nga ang mga kuwarto namin. Iisa ang kusina, sala, at banyo, pero para kaming hindi magkakilala sa loob at labas ng bahay. Napakalaki ng harang sa pagitan namin.

"Kawawang puso. One-sided love."

"Shut up ka na! Nakita ko na siya," bulong ko kay Lujille nang makita kong papasok na si Jainum sa loob ng mall.

Seryoso ito habang naglalakad, nakapasok sa mga bulsa ng pantalon ang magkabilang kamay. Wala itong dalang bag na madalas niyang bitbit sa office.

Tumahimik naman si Lujille, pero alam kong gusto niyang ilabas ang kilig niya. Hanep, 'di ba? Ako ang may gusto, pero siya pa ang may lakas-loob na kiligin. Number one supporter siya ng loveteam namin.

"Hi, Jainum!" bati ni Lujille nang tuluyan na itong makalapit sa amin.

Ngumiti siya habang binabati ito, pero tinanguhan lang siya ni Jainum. Kaya lihim akong natawa. Na-ignore ang ganda ng kaibigan ko.

Sakto rin ang dating ni Jainum nang bumukas ang p***o ng elevator. Binati namin ni Lujille ang kuya na nag-o-operate nito bago tuluyang natahimik.

Awkward.

Oo, iyon lang ang masasabi ko. Ang awkward naming tatlo sa loob ng elevator, maliban kay Kuya na nag-o-operate nito.

Nang makarating kami sa opisina, agad akong dumiretso sa station ko, kung saan ako nakapuwesto tuwing gabi. May set ng personal computer, headset, at ang tinatawag na Avaya. May nakadikit ding ilang sticky notes kung saan nakasulat ang mahahalagang keywords tungkol sa account na hawak namin.

Umupo ako at sinimulan nang i-set up ang computer ko. Muli na naman akong humikab dahil sa antok.

Oh, well. Talagang ganito palagi sa office. Kahit walong oras ang tulog ko, kulang na kulang pa rin iyon.

"Good luck."

I made a face nang ibulong iyon sa akin ni Lujille. Tinawanan lang ako ng gaga. Ang lakas talaga nitong mang-asar kahit kailan.

"Dalawang station lang ang pagitan niyo ng crush mo. Ayieee!"

"Tigilan mo ako, Lujille. Mag-set up ka na nga lang ng mga tools mo. Shoo!" pagtataboy ko sa kanya.

Tawa-tawa naman itong nagtungo sa puwesto niya.

At ako? Medyo awkward pa rin kahit sabihing dalawang upuan lang ang layo ko kay Jainum. Nakasandal siya sa swivel chair habang suot ang headset niya.

Pasimple ko pang tiningnan si Jainum bago lingunin ang nasa tabi ko.

"Althea," pagtawag ko rito.

"Yes, Unique?"

"Kasi kakaiba ako."

"Ha?"

Okay. Ang corny yata ng joke ko. Hindi niya nakuha. Mukhang na-weirduhan pa siya sa sinabi ko.

"Wala. Puwede pakigising ako bago mag-two a.m.?" tanong ko sa kanya.

Kailangan kong makatulog kahit dalawang oras lang. Tutal, may ilang oras pa naman bago ang mismong oras ng shift ko. Sana lang ay hindi ako makatulog nang mahimbing, kundi patay talaga ako.

"Sige. Tulog ka muna riyan."

"Thanks, Althea! Libre kitang lunch later."

Iyon na ang huli kong sinabi bago ko ipinikit ang mga mata ko.

Sana magising ako agad.

Song Title:

If We Fall in Love by Yeng Constantino and RJ Jimenez

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Welcome to GoodNovel world of fiction. If you like this novel, or you are an idealist hoping to explore a perfect world, and also want to become an original novel author online to increase income, you can join our family to read or create various types of books, such as romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel and so on. If you are a reader, high quality novels can be selected here. If you are an author, you can obtain more inspiration from others to create more brilliant works, what's more, your works on our platform will catch more attention and win more admiration from readers.

No Comments
7 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status