Share

Chapter 21

Penulis: Yarnie
last update Terakhir Diperbarui: 2025-06-04 17:20:30

Hannah's POV

Paulit-ulit naming tinawag si Miya ngunit hindi niya kami nilingon. Napakunot noo ako nang mamukhaan ang sasakyan na inangkasan niya.

Ano bang pinaplano nila?

Kinuha ko ang cellphone ngunit hindi nag-ring ang cellphone. Hindi ko na sila ma-contact.

Hindi na naabutan pa nina Lucas at Teru si Miya. Agad nagtatakbo papunta sa parking lot si Teru. Sumunod ako sa kaniya.

“Ano na naman bang ginawa mo?!” tanong ko rito at pilit na inaabutan ang bilis nang lakad niya.

May sinabi na naman siya panigurado kaya nagbago ang isip ni Miya.

Marahas niyang binuksan ang sasakyan niya. Hindi niya ako pinapansin kaya pinilit kong makapasok sa likod na upuan.

Tumanaw ako sa kaniya.

Matalim ang tingin niyang tumanaw sa akin sa rearview mirror.

“Bakit ba sumama ka pa?!”

“Bakit naman hindi ako sasama?! Kaibigan din ako ni Miya!”

Marahas ang paghinga niya. Binuhay niya na ang makina.

Tahimik lang siyang nagmamaneho habang pilit ko pa ring tinatawagan sina Miya at Solene. Si Solene...pal
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Loving Mr. Chavez   Chapter 25

    Solene's POV “Dapat hindi muna nilapag ang pasabog kay Miya, e. Nakakalimutan natin ang fact na buntis siya at hindi pwedeng ma-stress, ” nag-aalalang sabi ni Hannah at panay ang lakad. “Patay ako kay Sir nito,” sambit naman ni Pyrson. Kinapa niya ang bulsa at lumingon-lingon sa paligid. “Iyong phone ko,” sabi niya. Kinapa niya muli ang bulsa ng pantalon at napangiti. “Heto pala,” sabi niya ulit, parang nakahinga ng maluwag at inilabas ang phone niya. Lumapit sa akin si Teru at hinila ako palayo sa kanila. Umakbay siya sa akin. “Hindi pa nila alam ang tungkol sa plano natin. Isara mo ’yang bibig mo at hindi pwedeng mag-away na naman tayo sa harapan nila lalo na kapag nandiyan si insan,” seryosong sabi niya. Sinamaan ko siya ng tingin. "Ialis mo muna ’yang braso mo sa balikat ko at baka hindi ko mapigilan ang kamay ko at mabigwasan kita.”Agad siyang naglakad paatras at itinaas pa ang dalawang kamay na parang sinasabing surrender na. Everyone is in a panic mode because of Miya's

  • Loving Mr. Chavez   Chapter 24

    Miya's POV Dumagundong ang malakas na pagbato ng vase sa pader. Pinanood ko lang na pumasok si Teruya na nagpupuyos sa galit. “Dahil sa katangahan mo, na-kidnap ngayon si Hannah!”Sabay kaming napatayo ni Solene sa kinauupuan. “Anong sabi mo?!”“Nakatunog ang mga Chavez! At dahil si Hannah ang naiwan sa atin, siya ang pinuntirya! Ano na ang gagawin mo ngayon niyan?!”Kinagat ko ang dulo ng hintuturo ko at pabalik-balik na naglakad. Si Hannah? Hindi pwede! Bakit siya pa? “Tatanga kasi! Sinabi na kasing makinig! Sundin ang plano!”“Tama na! Huwag mong sisihin si Miya,” pagpapatigil ni Solene sa pagmumura ni Teruya. Pero wala na akong pakialam. Nanginginig ang buong kalamnan ko. Walang kinalaman si Hannah dito. Kaya bakit kailangan niyang madamay?!Pero paano namang nalaman agad ng mga Chavez ang nangyayari? Sigurado akong tahimik kaming gumagalaw. “Paano mo naman nalaman?” tanong ni Solene. “Nakamasid ako sa bahay. Kaya nakita kong dinukot—” Hindi na niya natapos ang sasabihin n

  • Loving Mr. Chavez   Chapter 23

    Hannah's POV Isang linggo na ang lumipas at hindi pa rin bumabalik si Miya. Maging si Teruya ay hindi pa rin umuuwi. Hindi ko rin ma-contact si Solene. Lord, nawa po ay ligtas sila. Bigyan Mo sila ng wisdom and knowledge na piliin pa rin ang tama. Amen. “Hannah! Mag-usap naman tayo!”Sa kabila no’n ay hindi rin ako nawalan ng problema. Paulit-ulit na bumabalik sa apartment si Jason, ang ex ko. Binuksan ko ang pinto. Tumambad sa akin ang nakakainis niyang pagmumukha. “Ano pa bang gusto mo? Nagpunta na nga ako sa school. Ako na ang tumayong nanay. Ano pang kinukuda mo?” naiinis kong tanong dito. “Sana naman hinintay mong matapos ang program. Hinayaan mo lang doon ang bata.”“Alam mo namang may gagawin ako. May trabaho rin ako. Sinabi ko naman sayo noong una pa lang na hindi ko matatapos, tapos ngayon magagalit ka sa ’kin?”Pinagsaraduhan ko siya ng pinto. Bakit ba kasi pumayag ako sa ganitong set-up? Nakakainis naman talaga!/Flashback/Nakaupo ako ngayon sa bahay ng ex ko. Huming

  • Loving Mr. Chavez   Chapter 22

    Miya's POVPasalampak akong naupo sa sofa dito sa hiding place namin. Dalawang beses lang namin nadala rito si Hannah kaya hindi ako sigurado kung maalala niya ba ito. Kung magkataon ay alam niya kung saan kami hahanapin. Ayokong mahanap niya kami pero may parte sa akin na humihiling na sana matandaan niya ang lugar na ito. Nag-guilty siguro ako na iniwan namin siya sa ere?Kinuha ko ang picture frame na nasa side table sa gilid ng sofa. Hinipo ko ito at pinunasan gamit ang kamay ko. Maalikabok na ito lalo at ilang buwan ng hindi napupuntahan at nalilinis. Sa picture ay nakaupo ako habang naglalaro sa buhanginan sa dagat. Samantalang si Mama naman ay may dalang cookies at si Papa naman ay nakaharap sa camera, pa-selfie ang dating. Hanggang ngayon naalala ko pa rin kung paano nawala sina Mama, parang kahapon lang ba nangyari... /Flashback/Nakaupo kami ni Teru sa waiting shed habang hinihintay na matapos ang pagpapagasolina nina Mama. Panay ang pag-tap ng paa ni Teru habang ako

  • Loving Mr. Chavez   Chapter 21

    Hannah's POVPaulit-ulit naming tinawag si Miya ngunit hindi niya kami nilingon. Napakunot noo ako nang mamukhaan ang sasakyan na inangkasan niya. Ano bang pinaplano nila?Kinuha ko ang cellphone ngunit hindi nag-ring ang cellphone. Hindi ko na sila ma-contact. Hindi na naabutan pa nina Lucas at Teru si Miya. Agad nagtatakbo papunta sa parking lot si Teru. Sumunod ako sa kaniya. “Ano na naman bang ginawa mo?!” tanong ko rito at pilit na inaabutan ang bilis nang lakad niya. May sinabi na naman siya panigurado kaya nagbago ang isip ni Miya. Marahas niyang binuksan ang sasakyan niya. Hindi niya ako pinapansin kaya pinilit kong makapasok sa likod na upuan. Tumanaw ako sa kaniya. Matalim ang tingin niyang tumanaw sa akin sa rearview mirror. “Bakit ba sumama ka pa?!”“Bakit naman hindi ako sasama?! Kaibigan din ako ni Miya!”Marahas ang paghinga niya. Binuhay niya na ang makina. Tahimik lang siyang nagmamaneho habang pilit ko pa ring tinatawagan sina Miya at Solene. Si Solene...pal

  • Loving Mr. Chavez   Chapter 20

    “Miya, I know what you're thinking. But don't you think it's good to run after the plan? It wouldn't hurt to just play along.”Pinanatili ko ang ngiti sa aking labi. “Plano mo iyon, Teru. Hindi ko nga gustong maikasal kay Lucas, ang kulit mo lang.”Huminto ako sa paglalakad. Nilibot ko ang paningin at tinignan isa-isa ang mga taong nandito. Huli akong tumingin kay Lucas na ngayon ay gusto na akong puntahan sa pwesto ko. Ngumiti ako sa kaniya at umiling-iling. Inialis ko ang pagkakalingkis ko sa braso kay Teru. Sa harap nilang lahat, pinunit ko ang laylayan ng gown ko na sumasagabal sa paglalakad ko. “Miya!” sigaw ni Teru. Hindi ako nakinig. Bagkus ay tumalikod ako sa kanilang lahat at nagtatakbo. Dinig na dinig ko pa ang sigawan nilang lahat at pagpipigil ni Teru pero hindi ko sila nilingon. Wala na akong pakialam. Lalabas din naman ang katotohanan, bakit kailangan ko pang patagalin?Sa entrada ng simbahan ay nakaabang na roon si Solene sakay ng sarili niyang kotse. Agad niyang bi

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status