Dalawang linggo na ang nakakalipas simula nang lumipat ako rito sa bahay ni Lucas. Ganoon palagi ang set up namin. Gigisingin niya ako ng ala sais at bibigyan ng mainit-init na tubig. Pagkatapos ay yayayain niya akong mag-exercise na good for the pregnant people daw. If I know, sa TV niya lang naman natutuhan iyon.
Sa loob ng dalawang linggo na iyon, inaayos na rin namin ang mga papel at mga dapat ayusin para sa kasal namin. Sa katapusan din ng buwan na ito kami ikakasal. Mas maaga, mas maganda. Dahil mabilisan, kakaunti lang din ang bisita namin. Sa akin, sina Hannah, Solene at Teru lang pagkatapos sa kaniya ay si Lois at si Clark. Sa office naman ay mga lima lang ang inimbitahan namin, tanging mga ka-close namin. “Morales! Bakit iba ang papel na hawak ni Ma'am? Mag-print ka ulit doon!” himig ang inis sa boses ng manager namin kay Anthony, isa sa mga bagong aplikante. Sabay-sabay kaming napailing-iling nina Cloe at Janeth na sinamahan pa niya ng pag-irap sa hangin. “Velasco, baka nakakalimutan mong kaharap kita. Dukutin ko ’yang mata mo,” nanlalaki ang matang sabi ni Sir Barata kay Janeth na ngayon ay maamo ang mukhang nakatingin sa kaniya, wari ba ay hindi siya umirap-irap kanina. “Sorry, sir. I don't quite understand what you're saying. Maybe you just have to shift your focus on the paper that has been given to you instead of me,” nakangiting sagot ni Janeth at nanatili ang hindi makabasag pinggan na mukha, para bang wala siyang sinabi na makakapagpalala ng init ng ulo ni Sir. Tulad ng inaasahan, nainis nga si sir. Pabagsak niyang nilapag ang proposal at halos matabig na ang kape ng katabi. Hindi naman kumikibo si Ma'am Debora. Pagdating ni Anthony ay agad kaming nagsimula. “Bilisan lang natin dahil may meeting pa kami ng Production at QC,” sabi ni Ma'am. Bumuntong hininga siya. “Dapat kasi inayos na nila ito noon pa para hindi na nagkaroon ng problema. Isa pa iyong marketing department, ang sakit nila sa ulo.” Tumingin sa akin si Ma'am. “Maalala ko lang. Magkakaroon nga rin pala tayo ng collaboration sa kanila. Pupuntahan ka mamaya ni Mr. Chavez, makipag-coordinate ka na lang Ms. Mendoza. Isama mo na rin si Ms. Velasco para may kasama kang masungit at hindi kumuda ang ibang tiga-Marketing.” Tumango ako bilang sagot at tumingin kay Janeth na dalawang segundong itinaas ang kilay niya sa akin, habit niya iyon tuwing indirectly siyang sasang-ayon sayo o okay lang sa kaniya. Nginitian ko siya pabalik. Nagsimula na ngang magsalita si Sir Barata patungkol sa dami ng reklamo, positive feedbacks na dumarating, at ilang suggestions mula sa mga customer. Dahil kaharap ko lang si Cloe, kitang-kita ko ang pagkamot niya sa ulo niya. Wala pa man ay naririnig ko na ang mga reklamo niya mamaya. “Makiasikaso ang report patungkol sa dahilan ng pagbaba ng customer satisfaction score sa loob ng isang linggo. Maghanda na kayo ng inyong analysis. Suriin niyo na rin ang customer feedback forms at sa susunod na meeting, dapat may nakahanda na kayong insights and recommendations. Maski ang recommendations ng customers ay isaalang-alang,” sabi ni Ma'am Debora at tumayo na. Tumingin siya sa akin. “Iyong pinaasikaso ko sayo Ms. Mendoza. Maki-report na lang ng mangyayari kay Mr. Barata.” Pagkatapos no'n ay umalis na siya. Inayos ni Sir Barata ang damit niya at hinilot ang sintido. “Ms. Dela Cruz,” panimula ni Sir. “Ako agad sir? Hindi po ba pwedeng si Anthony muna?” Sinamaan siya ng tingin ni Sir. “Bago palang si Anthony. Kailangang may kasama siya sa paggawa dahil i-guide niyo pa siya. Hindi ka nag-iisip.” Napahawak sa dibdib si Cloe. “Excuse me po, sir?” “Ikaw na ang bahala sa report ng customer satisfaction score at analysis. Kailangang makita ko roon ang specific problem at possible solutions. Tutal gusto mo rin naman unahin ko bigyan ng gawain si Morales, isama mo na siya sa paggawa. Kayo na bahala mag-usap ng paghahati sa gagawin niyo.” Sunod naman niyang tinignan si Lucas. “Ikaw na bahala sa pag-check ng feedback forms. Ihanda mo na lang ang insights at recommendations. Isama mo na iyong dalawa pang bago sayo.” “Luh, sir? Bakit si Lucas dalawa agad ang kasama samantalang ako isa lang?” reklamo ni Cloe. “Edi magpalit kayo ng gagawin ni Mr. Chavez.” Pagkatapos ng meeting ay pumunta muna kami sa pantry ni Janeth at Cloe. “Sa akin na naman agad napunta iyong analysis!” reklamo ni Cloe habang nagtitimpla ng kape. “Ginusto mo ’yan, e. Sa susunod kasi huwag mong nilalagay sa CV mo iyong mga ayaw mo naman palang gawin,” sagot naman ni Janeth. “Atsaka bakit sa inyo palagi napupunta iyong pakikipag-usap sa marketing department?” reklamo ulit ni Cloe. “Kahit magpunta ka ro’n, hindi ka pa rin mapapansin ni Leonardo,” natatawang sabi ko sa kaniya. “Sisilay ka lang do’n, e,” dugtong ko pa. Sumimangit siya lalo na nakapagpahalakhak sa akin. Ngumuso si Cloe. Kinunotan siya ng noo ni Janeth. “Cloe, tigilan mo. Hindi bagay sayo.” Hindi pa rin tumigil sa pagnguso si Cloe habang ang mga mata ay naka-fix na sa likod ko. Sinundan ko ang tingin niya at nakita si Lois na naglalakad papalapit sa amin. “Hello! Okay lang ba kung bukas na lang tayo makapag-usap sa collab? Inaapura kasi kami ngayon,” bungad niya agad nang makalapit sa amin. “Oo naman,” sagot ko. Nagpaalam na rin siya sa amin agad at umalis na. Mukhang busy nga sila ngayon. Baka inulan ng sermon. “Ayon na ’yon? So casual naman. Parang hindi mo inaya magpakasal noong nakaraan, a,” nakangising sambit ni Cloe. Pinanlakihan ko siya ng mata. Lalo lang siyang ngumisi na nakapagpairap sa akin. 7:00 pm na nang makauwi ako sa bahay. Hindi kami sabay umuwi ni Lucas dahil mag-overtime daw siya. Pipigilan ko na nga sana dahil kawawa ang mga bagong employee sa kaniya pero mukha namang mga workaholic ang natapat sa kaniya. Nagluto na lang ako ng sinigang para hindi na ako lumabas pa. Hindi pa ako nakakasubo ay sunod-sunod ang pag-doorbell ng kung sino.Kasalukuyan kaming kumakain nang mag-ring ang cellphone ni Teru. Lumabas sa caller id ang pangalan ni Kevin, ang anak ng may-ari ng isla na tinutuluyan namin sa loob ng tatlong taon. “Hello? Napatawag ka?” panimula ni Teru. Tumingin siya sa akin pagkatapos ay iniabot sa akin ang cellphone. “Hello?”“Hey, Miya. Kumusta kayo diyan?”“Okay naman.”“Do you mind getting a plus one tomorrow to celebrate Mina's birthday?”[Kinabukasan]Tinataas baba ni Solene ang kilay niya habang nakatingin sa akin. Dinig na dinig ko pa ang impit niyang tili habang kumakain ng chocolate cake. Pasimple ko siyang sinipa sa ilalim ng table. Nilapit ni Hannah sa akin ang sarili niya at bumulong. “Nanliligaw na ba sayo ’yan at napunta pa rito?”Nanlaki ang mata ko at matigas na umiling-iling. “Ano ba ’yang iniisip mo? Hindi, a!”Ikinibit niya ang labi sabay tango. “Okay. Magpapanggap na lang ako na hindi tunog in-denial ang boses mo.” Nagkibit balikat siya. “Sa bagay, mas gugustuhin ko namang siya na ang kasa
“Sol,” mangiyak-ngiyak ako. “Hindi ko alam kung nasaan ako. Si Mina hindi ko rin mahanap bigla siyang nawala sa hawak ko. Kanina lang nasa tabi ko siya pero ngayon—” Humikbi ako. First time lang nangyari sa amin ito at hindi ko alam kung saan ko siya pwedeng hanapin. First time ko na lang din mapunta sa lugar na ito at wala akong kaalam-alam kung saan siya unang hahanapin. Sa mga coffee shop? Sa playground? Sa fast food? Sa mga nagbebenta ba ng mga street food? Sa mga bazaar? Saan? Ang daming shop. Ang daming kanto na puwedeng puntahan. Paano na lang kung na-kidnap pala siya? Paano kapag kinuha nila ang organs ng anak ko?! O kaya ay tinali nila ito at ginutom? Paano kung...tutukan nila ng baril at patayin?! Paano kung—Dinig na dinig ko ang pagmumura ni Teruya sa kabilang linya na nakaagaw ng pansin ko. “This is what I'm talking about! Ayan na nga at nangyari na!” sigaw ni Sol sa kabilang linya. “Anong gagawin ko? Tatawag na ba ako ng mga pulis para hanapin siya? Maghahanap na ba
“I really don't get it why you approved of it!” naiinis na sabi ni Sol habang hitak-hitak ang maleta niya. “Kailan ka ba titigil? Kanina ka pa talak nang talak,” naiinis na ring sagot ni Teruya habang kinakalikot ang tenga. Rinding-rindi na yata sa kakasalita ni Solene. Nanahimik ako. Ako naman may kasalanan kung bakit sila nag-aaway. Pero ikinikibit-balikat ko na lang dahil masaya at ngitingiti si Mina. Naupo muna kami ni Mina sa couch sa loob ng lobby. Sina Solene at Teruya naman ang dumiretsyo sa front desk. Mula rito at kitang-kita ko pa rin ang busangit na mukha ni Solene at ang nakakunot na noo ni Teruya. Iyong kumakausap tuloy sa kanila mukhang natatakot dahil sa mga itsura nila. Ilang saglit pa ay lalong umasim ang mukha ni Solene nang may lumapit sa kanila na lalaki at kumausap kay Teruya. Nakasuot ito ng black suit at may hila-hila ring maleta. Sa likod niya ay may nakasunod pang dalawang lalaki na nakasuot din ng black suit. “Mommy kailan po magpapakasal sina Tito Ter
[ Three Years After]Miya's POV Pumapalakpak ako habang nakangiting nakatingin kay Mina. Magtatatlong taon na siya sa susunod na linggo, at ngayon pa lang siya nakalakad! Nauna kasi ang pagsasalita niya kaysa sa paglalakad. Sabi nila anak ko raw si Mina. Hindi rin naman ito maitatanggi dahil kuhang-kuha nito ang lahat ng facial features ko. Magmula sa mata, kilay, iling at labi. Pero ang kutis niya ay mala-gatas, iba sa amin ni Teruya na morenang-morena ang kutis.Kahit na ganoon, na wala man akong maaalala, at kahit na hindi ko man alam kung sino ang ama. Gusto ko pa ring mahalin si Mina at ibigay ang lahat sa kaniya. Sabi ng doctor kaya mabagal ang proseso ni Mina sa mga bagay-bagay, side effects daw ito dahil maaga ko siyang pinanganak. Magiging okay naman ang lahat, masanay lang daw dapat si Mina. Pero wala naman akong makitang mali sa bata. Normal ito sa paningin ko at hindi kailanman naging abnormal sa mata ng iba. Wala man akong matandaan pero napaka-espesyal ng bata sa akin
Solene's POV“Kumusta po ang kaibigan ko at ang baby niya?”“Matagumpay po ang operasyon pero sa ngayon hindi ko po masasabi kung matagumpay nga. We still need a week for more observation kay patient.”“Nailigtas po ba silang pareho?”Ngumiti ang doctor at dahan-dahang tumango. Napahawak ako sa dibdib ko at napaatras ng kaunti. Para akong nabunutan ng tinik dahil sa nalaman. “Kailan po magigising si Miya?”“Maybe later or tomorrow. As of now, kailangan lang po natin maghintay. If you'll ask about the baby, okay ang bata pero kailangang ilagay siya sa incubator lalo na at anim na buwan at kalahati pa lamang po siya sa tiyan ng mommy niya,” sagot ng doctor. “After po mailagay sa sariling room ang patient at si baby sa NICU, we can proceed sa procedures and mga needs na kailangan pa nila. So, if you may excuse me.”Nagyakapan kami ni Hannah. Parehong ligtas si Miya at ang baby niya! Hindi namin napigilan at kusang naglabasan ang lahat ng luha namin. Masayang-masaya kami ni Hannah sa nal
Solene's POV Maraming pulis ang dumating. Nagkukumpulan sila. Dahil sa height ko ay mabilis akong napunta sa likuran sa halip na sa unahan. Itinulak ko silang lahat para makapasok ako. Agad kong dinaluhan ang walang malay na katawan ni Miya. Niyakap ko siya at tinalik-tapik. Nanginig ang kamay ko nang maramdaman ang basang katawan niya...Iniangat ko ang kamay at lalong nanginig nang makita ang kulay nito. Dugo, puro dugo!Nilingon ko sina Teruya.“Nasaan na ang paramedics?! Duguan ang kaibigan ko!”May sigawan. May ilang putok ng baril. Nagkakagulo na ang lahat ngunit ang paningin ko ay nakapako lamang kay Miya. Tinalik-tapik ko ang pisngi niya. “Miya? Miya! Miya!” Bumuhos ang mga luha ko habang pilit na ginigising ang katawan ni Miya. Hindi ka pupwedeng mawala, Miya. Hindi pwede. ---Sapo-sapo ko ang mukha ko sa kamay ko habang nakayuko at nakaupo sa harapan ng operating room. Wala akong maintindihan sa pinagsasabi kanina. Ang alam ko lang, nasa panganib ang mag-ina. Naiiyak ako