Share

Chapter 5

Author: JV Writes
last update Huling Na-update: 2025-08-14 21:09:29

Hawak ni Sera ang kaniyang cellphone habang nakatayo sa tapat ng isang pinto sa hallway ng isang high-rise condo. Nakasuot siya ng simpleng puting blouse at fitted jeans, pero halata ang kaba at antisipasyon sa bawat galaw niya. Pinindot niya ang call button at inilapit sa tainga ang telepono.

“Isang linggo na rin naman ang nakalilipas nang magkita kami, siguro'y handa na ako. Sana'y handa na rin ang mapapangasawa ko.” bulong niya sa sarili, bago narinig ang lalaking sumagot sa kabilang linya.

“Blake? Ano na lumabas ka na diyan.” sambit ni Sera na animo'y magkalapit na sila ng loob ng kaniyang kapitbahay. Well, pagkatapos ng naging insidente noong isang linggo, parang instant ay naging close na sila.

Noong nakaraang linggo, umalis si Sera sa bahay nila ni Adrian pagkatapos sabihin ng huli na tapos na sila. Naglaklak si Sera, tila iniyak lahat ng kaniyang problema't isipin bago nito naisip na tuluyan na ring kumawala sa kalungkutan ng kanilang paghihiwalay. Habang nasa LRT kung saan siya babyahe, hindi na nito maalala kung anong nangyayari sa kaniya. 

Mabuti na lamang at isang lalaking maginoo, gwapo, at hindi bastos ang nakakita't tumulong sa kaniya. Hindi alam ni Sera kung ano ang kaniyang nararamdaman ngayon, pero bukod sa kanilang biglaang pagpapakasal, tira may katiting na nararamdaman na rin si Sera.

“Miss Ramos, hindi ka ata makapaghintay.” sagot ng lalaki sa kabilang linya, bahagyang natatawa sa inaasta ng kaniyang kapit-bahay.

“Ang tagal mo mag-ayos, Blake. Akala ko ba ready ka na?” tanong ni Sera. Kinatok pa nga nito ang pinto dahil naiinip na siya. Natatawa na rin ito nang bahagya habang inaasar si Blake. 

Makalipas ang ilang sandali, sabay na silang bumaba mula sa condo. Nang makarating sa kalsada, agad silang sumakay sa taxi. Ramdam ni Sera ang malamig na simoy ng hangin mula sa aircon, pero hindi iyon sapat para pawiin ang bahagyang panginginig ng kanyang mga kamay.

Habang binabaybay ng sasakyan ang kalsada papunta sa Civil Affairs Bureau, paulit-ulit niyang iniisip ang dahilan kung bakit niya ginagawa ang lahat ng ito. May bigat sa dibdib na hindi niya maipaliwanag—hindi takot, pero hindi rin buong-buong kapanatagan. Napatingin siya sa bintana, pinagmamasdan ang mabilis na pagdaan ng mga gusali, hanggang sa tuluyan silang huminto sa harap ng opisina.

Ngunit bago pa man sila makalapit sa reception area, biglang nanigas ang kanyang mga tuhod. Doon, sa kabilang gilid ng hallway, nakita niya ang dalawang taong hinding-hindi niya inaasahang makikita sa lugar na iyon—si Adrian, ang lalaking dalawang taon niyang pinakasalan at minahal, at si Lyra, ang babaeng naging dahilan ng pagkasira ng kasal nila.

Parang huminto ang oras. Ang mga yabag ni Sera ay tila bumigat, at kahit ang ingay ng paligid ay unti-unting nawala sa pandinig niya. Ang nakikita lang niya ngayon ay si Adrian na nakasuot ng malinis na polo at slacks, at si Lyra na naka-bestida na tila handa na para sa isang espesyal na okasyon. Magkatabi sila, magkahawak-kamay—at pareho silang may ngiti sa labi.

Unang nagsalita si Lyra, may halong pamimintas ang tono. “Sera, siya ba ang bago mong boyfriend?”

Saglit na natigilan si Sera. Ramdam niyang nanigas ang panga ni Adrian nang marinig iyon. “Anong ginagawa mo rito?” malamig na tanong nito. “Tapos na tayo, kaya rumespeto ka naman sa relasyon ko ngayon.”

Sa labas, matigas ang boses ni Adrian, pero sa loob-loob niya, parang tinusok ang pride niya. Sa loob lamang ng isang linggo mula nang maghiwalay sila, may kasama nang bago si Sera.

Napangiti si Sera nang mapait. Totoo, nasaktan siya—hindi lang dahil sa mga salitang binitiwan ni Adrian, kundi dahil sa dalawang taon ng kasal nila, ni minsan ay hindi siya nito totoong inintindi. Ni hindi man lang siya tinanong ngayon kung kumusta na siya, lalo na’t kahihiwalay lang nila. Wala man lang pagkakataong makapagpaliwanag siya.

Kung gusto lang niyang pahirapan ang buhay ni Adrian, kaya niyang gawin iyon—kayang tumanggi sa diborsyo at gawing kabit si Lyra sa mata ng batas. Pero hindi niya ginawa. Gusto rin niyang matapos ang lokohan, para magkaroon siya ng kapayapaan ng isip.

Bumalik sa kasalukuyan ang isip niya nang marinig ang mababa at matatag na boses sa tabi niya. “Sila ba yung sira-ulong ex-husband mo at yung walang hiyang kabit niya?” tanong ni Blake, walang pakundangan.

Napatitig si Sera sa kanya, napahanga sa tapang at prangkang sinabi nito.

Tumingin si Blake kay Adrian, malamig ang mga mata. “Kung ako sa’yo, magpatingin ka sa panlasa mo,” dagdag pa nito, bago tingnan si Lyra mula ulo hanggang paa.

“Sino ka ba, 'tol, at ang kapal ng mukha mo?,” mariing sabi ni Adrian kay Blake at saka lumingon kay Sera. "Seraphina, kausapin mo 'yang kasama mo ha? Humingi kayo ng tawad kay Lyra. Mga bastos!" 

"A-Adrian... H-Hindi naman--" hindi makapagsalita nang ayos si Sera at saka tumungo. Hindi nito alam ang kaniyang sasabihin. Tila nahihiya rin siya sa atensyon na nakukuha nila ngayon mula sa ibang tao. Lingid sa kaalaman ni Sera ay napakapit na pala ito sa braso ni Blake.

Bago pa makasagot si Sera, sumingit si Blake at saka nagsalita. “Ako dapat ang mag-apologize. Ako ang nagsabi noon, hindi siya.” 

Pero hindi iyon tinanggap ni Adrian. “Anong klaseng kahihiyan ‘to, Sera? Magpapakasal ka agad pagkatapos nating maghiwalay?”

Hindi na nakapag-timpi si Sera. Dahil sa katapangang kanina pa ipinapakita ng kasama nitong si Blake, tila naisip nitong kailangan na rin niyang tumayo sa kaniyang sariling mga paa. Napailing na lang si Sera, hindi maitago ang mapait na tawa. “Nakakatuwa ka, Adrian. Double standard much? Nandito ka rin para magpakasal sa iba.”

“Baka nga niloko mo lang ako noon pa,” dagdag ni Adrian, mariing nakatingin sa kanya.

Sinubukan ni Sera na ipaliwanag, pero agad sumabat si Lyra, malamig ang boses. “Tama naman si Adrian, Sera." malambing pero alam mong may pang-aasar na sambit ni Lyra. "Hindi maganda na magpakasal ka agad sa taong hindi mo naman kilala.”

“Wala kayong karapatang pagsalitaan ng ganyan ang fiancé ko,” mariing singit ni Blake, diretso kay Lyra. “Dahil isang hamak na kabit ka lang.”

Natahimik ang paligid. Halata ang pamumula ng mukha ni Lyra sa hiya at galit.

Hindi na pinatagal ni Blake ang tensyon. Hinawakan niya ang kamay ni Sera, nilingon si Adrian, at iniabot ang business card niya. “Kung may reklamo ka, tawagan mo ako. Hindi yung gumawaga kayo ng eskandalo rito.” Pagkatapos ay umalis silang dalawa, walang lingon-lingon.

Nakita ni Adrian ang card—Blake Santiago, Insurance Agent sa Manila Insurance Company. Napangisi siya ng malamig. Kinuha ang cellphone at tinawagan ang assistant niya. “Mag-set ka ng meeting sa boss ng Manila Insurance. May ipapatanggal ako.”

***

Sa kabilang banda, pagkalabas nila ng Civil Affairs Bureau, magaan ang hakbang nina Sera at Blake. Para bang nabunutan si Sera ng tinik—hindi dahil nakalimutan na niya ang nakaraan, kundi dahil ramdam niyang may taong handang sumabay sa kanya sa panibagong simula.

“Alam mo,” sabi ni Blake habang binabagtas nila ang kalsada, “hindi ko in-expect na ganito kabilis mangyari ‘to. Pero gusto ko."

Napangiti si Sera, may kasamang tawa. “Ako rin. Hindi dahil sa kailangan lang… kundi dahil naniniwala ako na may magandang pupuntahan ‘to.”

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Loving My CEO Ex-Husband   Chapter 151

    Biglang naalala ni Adrian ang isang eksenang matagal na niyang nilimot—isang tagpo sa loob ng kanilang dalawang taong pagsasama bilang mag-asawa. Noon ay halos isang taon pa lamang silang kasal, at gaya ng lahat ng ina, nagsimula na ring mangulit ang kanilang ina na magkaanak na sila. Ngunit kahit ilang buwan na ang lumipas, tahimik pa rin ang tiyan ni Sera. Walang anumang senyales ng pagdadalantao.Ang kanyang ina, dala ng pagnanais na magkaroon ng apo, naghanap ng isang kilalang manggagamot na gumagamit ng tradisyunal na gamot. Araw-araw, kailangang pakuluan ni Sera ang mga ugat at dahon na ibinigay nito hanggang maging isang maitim at mapait na sabaw na may amoy na halos hindi mawala sa kanyang katawan.Sa mga panahong iyon, kahit gaano kaganda ang suot ni Sera o kalinis ang bahay, laging may amoy ng halamang gamot na dumidikit sa kanya—isang paalala ng mga gabing pinipilit niyang inumin ang mapait na likidong iyon para lamang tuparin ang kagustuhan ng ina ni Adrian.Ilang beses di

  • Loving My CEO Ex-Husband   Chapter 150

    Noong unang makilala ni Adrian si Sera, iba ang imahe nito sa kanyang isipan.Noon, isa siyang babae na may kumpiyansa sa sarili—isang tagapamahala, tila isang superbisor sa kompanya, may mga empleyadong sumusunod sa bawat utos niya.Maayos siyang manamit, matalim tumingin, at palaging alam kung ano ang gagawin.Ngunit pagkalipas ng ilang taon, nagbago ang lahat.Nang magpakasal sila, iniwan ni Sera ang trabaho, at dahan-dahan siyang naglaho sa gulo ng tahanan.Araw-araw, tila unti-unting nababawasan ang ningning sa mga mata nito—ang dating matatag at masiglang babae ay naging tahimik, abala sa kusina at bahay, at nawalan ng lakas ng loob na harapin ang mundo.Hindi masyadong pinag-isipan ni Adrian noon kung bakit.Sa totoo lang, sa tatlong taon nilang pagsasama, hindi niya maikakaila—minahal din niya si Sera, kahit papaano.Noong una silang nagpakasal, naniwala siya na iyon na ang simula ng habang-buhay.Ngunit sa bandang huli, pakiramdam niya ay hindi siya “pinili” ni Sera—na kahit

  • Loving My CEO Ex-Husband   Chapter 149

    Tuluyang nataranta si Sera sa mga salitang narinig mula kay Claire.“Totoo namang si Lorenzo ang abogado ko,” mariin niyang sabi, “pero isa lang siyang ordinaryong abogado, Claire. Wala siyang kapangyarihang sirain ang pamilya n’yo. Hindi mo puwedeng ipasa sa akin ang lahat ng nangyayari sa Torres Family. Wala akong kinalaman diyan.”Habang sinasabi niya iyon, ay marahan niyang iniwas ang tingin at naglakad palayo. Ngunit bago pa siya tuluyang makalayo, mabilis na inabot ni Claire ang kanyang braso, mariing hinawakan iyon na para bang iyon na lamang ang natitirang pag-asa niya.“Sera, nakikiusap ako,” halos pabulong ngunit nanginginig ang boses nito. “Tulungan mo naman ang kapatid ko. Ngayon lang, Sera. Kahit anong kondisyon mo, kahit ano pa ang gusto mong kapalit—ibibigay ko. Basta tulungan mo lang siya.”Napakunot ang noo ni Sera.“Claire,” malamig niyang sagot, “hindi ito tungkol sa kondisyon. Ang sinasabi mong problema ay wala akong kinalaman. Hindi ko kayo matutulungan, kahit gus

  • Loving My CEO Ex-Husband   Chapter 148

    Kinabukasan, tumawag si Claire kay Sera.Una’y ayaw sana ni Sera sagutin ang tawag, ngunit sunod-sunod ang pag-vibrate ng kanyang telepono. Pagbukas niya ng screen, isang mensahe ang bumungad:“Sera, sagutin mo ang tawag ko, o pupuntahan na lang kita sa kumpanya mo. Alam mong kaya kong gawin ‘yon, pero hindi ko na masisiguro kung ano ang mangyayari pagkatapos.”Napabuntong-hininga si Sera, halatang nadadala ng inis at pagod. Sa huli, napilitan siyang sagutin ang tawag.“Claire,” malamig niyang sabi, “ano ba’ng gusto mong pag-usapan?”Ngunit ang boses ni Claire ay iba sa nakasanayan niya—wala na ang dating arogansya at yabang. Sa halip, malamig at pigil ang tono nito.“Sera,” wika ni Claire, “magkita tayo. May gusto akong sabihin sa’yo.”Napangiwi si Sera, halos mapangiti sa kabalintunaan ng sitwasyon. “Claire,” mahinahon niyang sagot, “wala nang koneksyon sa pagitan nating dalawa. Hindi ko nakikitang may obligasyon akong tanggapin ang imbitasyon mo—kung imbitasyon nga ba ‘yan.”Sandal

  • Loving My CEO Ex-Husband   Chapter 147

    Mabilis na hinalikan ni Adrian si Lyra — marahan, puno ng lambing, na para bang binubura ang lahat ng sakit na idinulot niya ilang sandali lang ang nakalipas. Hinaplos niya ang pisngi ng babae, ang tinig ay malambot at nakakaamo, pilit na pinapakalma ang nanginginig nitong dibdib. Sa wakas, matapos ang ilang sandali ng tahimik na pagluha, huminga nang malalim si Lyra at unti-unting bumalik sa katahimikan.Nang makitang kumalma na ito, marahang tumayo si Adrian, inayos ang sarili, at sinabi sa isang mahinahong tinig, “Kailangan ko pa ring bantayan ang kumpanya. Matulog ka na muna, ha? Maging mabait ka.”Alam ni Lyra na mabigat ang pinagdadaanan ni Adrian. Narinig na rin niya mula sa iba ang tungkol sa krisis ng Torres Group — ang malaking pagkakautang, ang mga kasunduang muntik nang bumagsak. Sa isip niya, marahil iyon ang dahilan kung bakit naging marahas ang kilos ni Adrian kanina. Baka dala lang ito ng labis na pagod at bigat ng isip. Isang saglit, naramdaman niyang may kirot ng awa

  • Loving My CEO Ex-Husband   Chapter 146

    Mabilis na binayaran ni Sera ang lahat ng utang niya kay Blake, at agad ding inilagak ang halagang kailangan para sa bayad sa abogado ni Lorenzo. Pagkatapos ng lahat ng iyon, mahigit walong daang libong piso pa ang natira sa kanya. Matapos ang maingat na pag-iisip, nagpasya siyang ilagay ang pitong daang libo sa fixed deposit—isang uri ng ipon na hindi basta-basta magagalaw—at ang natitirang halaga naman ay inilagay niya sa current account, para kung sakaling may biglaang pangangailangan ay may mahuhugot siya.Samantala, sa kabilang panig ng lungsod, sa tuktok ng isang kilalang gusali, isang lalaki ang nakatayo sa harap ng malawak na salaming bintana ng kanyang opisina. Ang buong siyudad ay tila nasa ilalim ng kanyang mga paa, ngunit ang mga mata niya ay nakatutok lamang sa screen ng kanyang cellphone, kung saan sunod-sunod ang mga notification mula sa FB Messenger Chat.“Babayaran ko na ang apatnapung libo sa isandaang libong utang ko sa’yo. Ite-transfer ko ngayon.”“Dumating na ang

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status