Share

Chapter 6

Author: JV Writes
last update Last Updated: 2025-08-20 07:45:03

Habang nasa loob ng taxi, nakaupo si Sera sa tabi ng bintana at mahigpit na nakahawak sa isang pulang sobre. Ramdam niya ang malamig na ihip ng aircon sa kaniyang pisngi ngunit tila ba hindi iyon pumapasok sa kaniyang diwa.

Hindi niya mapigilang mapangiti sa tuwing titingnan niya ito. Paulit-ulit niyang sinisilip ang gilid ng sobre, para bang natatakot siyang biglang maglaho ang laman nito. Sa loob, nakatupi nang maayos ang isang dokumento—ang kanilang marriage certificate ni Blake.

Pinikit niya ang mga mata at hinayaan ang sarili na lunurin ng damdamin. Ito na talaga. Kasal na ako ulit. Hindi man engrande, hindi man puno ng bulaklak at mga bisita, totoo pa rin ito. At higit sa lahat, pinili ko ito.

Hindi pa man siya lubusang nakakaahon mula sa sugat na iniwan ng nakaraan niya kay Adrian, ramdam niya na kakaiba si Blake. Hindi ito perpekto—at alam niyang wala talagang perpekto—pero sapat na mabuting lalaki upang samahan siya sa ganitong kabaliwan. Kahit parang biglaan, kahit parang minadali… bakit gano’n, parang tama pa rin?

Naputol ang kaniyang alaala nang marinig niyang tumunog ang kaniyang cellphone. Mabilis niyang binunot ito mula sa bag. Inakala niya na iyon na ang tawag para sa job interview na inaasahan niya. Ramdam pa niya ang paninikip ng dibdib sa kaba, ngunit nang tumingin siya sa screen, ibang pangalan ang bumungad—isang orphanage.

Biglang lumambot ang kaniyang ngiti. Ang kaba na kanina’y para sa interview ay biglang napalitan ng pananabik. Mabilis niyang sinagot ang tawag.

“Hello? This is Sera speaking,” sabi niya, halos may kislap ang mga mata.

Isang pamilyar na boses mula sa kabilang linya ang sumalubong. “Ma’am Sera, gusto lang po naming i-update kayo. Kailangan na lang natin ng final interview kasama ang applying foster parents. Kapag pumasa kayo, puwede na nating simulan ang proseso para maging official foster family ninyo si Angela.”

Napasinghap si Sera, at awtomatikong napapikit ang kaniyang mga mata. Si Angela…

Halos tatlong taon na niyang sinusuportahan si Angela mula nang una niya itong makilala. Naaalala pa niya ang unang pagkakataon na nakita niya ang bata—nakaupo sa isang lumang bangko sa orphanage, payat, pero may ngiting kay sarap titigan. Pitong taong gulang na ito ngayon, isang batang may malalaking mata na para bang laging naghahanap ng kasagutan sa mundo, at ngiti na hindi nawawala kahit anong hirap ang dinaranas.

Noong una, may iisang tiyahin pang nag-aalaga sa kaniya, isang matandang babae na pilit pinapalaki ang bata sa kabila ng kakulangan. Ngunit kamakailan lamang, pumanaw din ito, at naiwan ang bata sa pangangalaga ng orphanage. Mula noon, lalong lumakas ang hangarin ni Sera na maging ina para kay Angela.

“Talaga po?” nanginginig ang tinig ni Sera, parang bata ring hindi makapaniwala. “So… ang kailangan na lang ay interview?”

“Opo, ma’am. Kailangan po naming makita kayong dalawa—kayo at ang inyong asawa,” sagot ng staff.

Parang may kumurot sa dibdib ni Sera. Kasabay ng tuwa, dumating din ang kaba. Alam niyang hindi pa niya lubos na naikukwento kay Blake ang detalye ng adoption. Oo, nabanggit niya ito minsan sa gitna ng kuwentuhan, pero hindi pa nila napag-usapan nang seryoso. At ngayon, biglang naging totoo ang lahat. Hindi na ito isang pangarap lamang.

“Salamat po, salamat,” bulong niya, halos pabulong na parang baka mawala ang biyayang ibinigay sa kaniya ng tawag. Pagkatapos ng ilang saglit na pasasalamat at pangakong makikipag-coordinate agad, nagpaalam na siya at ibinaba ang tawag.

Ngunit bago pa siya tuluyang makalubog sa kaniyang mga pangarap, muling tumunog ang cellphone niya. Napakurap siya at tumingin sa screen. Isa na itong bagong numero—at sa pagkakataong ito, siya’y muling kinabahan. Ito na ang hinihintay niyang tawag para sa interview sa trabaho.

Mabilis niyang pinindot ang green button, ramdam ang malamig na pawis sa kaniyang palad.

“Good afternoon, Ms. Sera Ramos? This is from Montierra Pharmaceutical Company. We’re ready to start the interview now.”

Mabilis siyang huminga nang malalim. Tama na muna ang pangarap, Sera. Focus. Isa-isahin. Isa-isang laban. Huwag sabay-sabayin.

Pinilit niyang gawing matatag ang tinig at tumugon, “Good afternoon. Yes, I’m ready.”

Nakaupo si Sera sa harap ng mesa ng HR sa isang kilalang multinational pharmaceutical company. Sa isip niya, sales manager ang posisyon na inaasahan niyang makuha—iyon ang dati niyang hinahawakan bago siya nag-resign. Ngunit nang ilahad ng HR ang offer, tila ba tinapos ng isang iglap ang lahat ng inaasahan niya.

“Ms. Ramos,” maingat na sabi ng HR officer habang inaabot ang papel, “sa ngayon, ang maaari lang naming ibigay na posisyon ay bilang sales assistant.”

Natigilan si Sera. Sales assistant. Malayo iyon sa pinapangarap at dati niyang posisyon. Hindi siya agad nakapagsalita, kaya nagpatuloy ang HR. “You’re thirty years old, at base sa records, hindi ka pa nagkakaanak. Dagdag pa, dalawang taon kang wala sa workplace. Kaya for now, dito ka muna magsisimula.”

Parang biglang bumigat ang hangin sa paligid ni Sera. Ramdam niya ang pagtibok ng sariling puso, mabilis at magulo. Sa halip na ang kumpiyansa at karanasan ang tingnan, edad at personal na buhay ang ginawang batayan.

Ipinaliwanag pa ng HR officer ang mga kondisyon. “The basic salary is 20,000 pesos plus commission. Kung sakaling tatlong buwan kang walang maipasok na order, we’re sorry to say, you will be let go.”

Tahimik lang na tumango si Sera, bagaman sa loob-loob niya ay tila ba pinipiga ang kaniyang puso.

Habang nakatitig sa mga papeles sa harap niya, naalala niya ang sarili dalawang taon na ang nakalilipas. Noon, siya ang haligi ng kompanya. Siya ang isa sa pinakapinagkakatiwalaan at pinakamahusay sa departamento ng sales. Ilang beses siyang pinayuhan ng kaniyang manager na huwag muna sanang pumasok sa seryosong relasyon. “Sera,” minsang sabi nito, “maganda ang takbo ng karera mo. Huwag mong isugal. Huwag kang magmadali.”

Ngunit siya, matigas ang ulo. Buong tapang niyang tinalon ang kasal, na para bang gamu-gamong sumasalubong sa apoy. Ang inakala niyang katahimikan at saya ng buhay-may-asawa ay buong-buo niyang niyakap, iniwan ang lahat ng naipundar sa propesyon.

Pero ang sumalubong sa kaniya ay hindi kapayapaan, kundi ang pasakit ng mundo. Ang mga gabing puno ng pagtatalo, ang mga araw ng pangungulila, ang bigat ng kabiguang hindi niya akalaing darating.

At ngayon, narito siya. Gusto niyang bumalik sa mundo na minsan ay siya ang nagningning, ngunit ang lipunan ay tila itinuturo sa kaniya kung paano dapat magpatinong muli. Kung paano dapat “matuto.”

Ito ang kapalit ng kasal kay Adrian, mapait niyang nasambit sa isip.

Napangiti siya, ngunit iyon ay isang ngiting puno ng pait at pagkapagod. Marahang kinuha ni Sera ang ballpen, at sa kabila ng lahat ng sakit at bigat na nararamdaman, pinirmahan niya ang employment documents.

Alam niya sa sarili: Hindi ako titigil dito. Hindi ako mananatili sa isang sulok lamang. May kakayahan ako, at may patutunguhan pa ang lahat ng ito.

Matapos ang ilang pirma at pormalidad, ipinaliwanag ng HR na bukas magsisimula ang kaniyang opisyal na trabaho. Tumango si Sera, mahinahon at determinado.

Pagkatapos maisaayos ang lahat ng papeles, marahan siyang tumayo, kinuha ang bag, at lumabas ng gusali ng kumpanya. Habang naglalakad siya palabas, dama niya ang halo-halong bigat at ginhawa—bigat dahil alam niyang babalik siya sa simula, ginhawa dahil alam niyang may pagkakataon pa rin siyang bumangon.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Loving My CEO Ex-Husband   Chapter 151

    Biglang naalala ni Adrian ang isang eksenang matagal na niyang nilimot—isang tagpo sa loob ng kanilang dalawang taong pagsasama bilang mag-asawa. Noon ay halos isang taon pa lamang silang kasal, at gaya ng lahat ng ina, nagsimula na ring mangulit ang kanilang ina na magkaanak na sila. Ngunit kahit ilang buwan na ang lumipas, tahimik pa rin ang tiyan ni Sera. Walang anumang senyales ng pagdadalantao.Ang kanyang ina, dala ng pagnanais na magkaroon ng apo, naghanap ng isang kilalang manggagamot na gumagamit ng tradisyunal na gamot. Araw-araw, kailangang pakuluan ni Sera ang mga ugat at dahon na ibinigay nito hanggang maging isang maitim at mapait na sabaw na may amoy na halos hindi mawala sa kanyang katawan.Sa mga panahong iyon, kahit gaano kaganda ang suot ni Sera o kalinis ang bahay, laging may amoy ng halamang gamot na dumidikit sa kanya—isang paalala ng mga gabing pinipilit niyang inumin ang mapait na likidong iyon para lamang tuparin ang kagustuhan ng ina ni Adrian.Ilang beses di

  • Loving My CEO Ex-Husband   Chapter 150

    Noong unang makilala ni Adrian si Sera, iba ang imahe nito sa kanyang isipan.Noon, isa siyang babae na may kumpiyansa sa sarili—isang tagapamahala, tila isang superbisor sa kompanya, may mga empleyadong sumusunod sa bawat utos niya.Maayos siyang manamit, matalim tumingin, at palaging alam kung ano ang gagawin.Ngunit pagkalipas ng ilang taon, nagbago ang lahat.Nang magpakasal sila, iniwan ni Sera ang trabaho, at dahan-dahan siyang naglaho sa gulo ng tahanan.Araw-araw, tila unti-unting nababawasan ang ningning sa mga mata nito—ang dating matatag at masiglang babae ay naging tahimik, abala sa kusina at bahay, at nawalan ng lakas ng loob na harapin ang mundo.Hindi masyadong pinag-isipan ni Adrian noon kung bakit.Sa totoo lang, sa tatlong taon nilang pagsasama, hindi niya maikakaila—minahal din niya si Sera, kahit papaano.Noong una silang nagpakasal, naniwala siya na iyon na ang simula ng habang-buhay.Ngunit sa bandang huli, pakiramdam niya ay hindi siya “pinili” ni Sera—na kahit

  • Loving My CEO Ex-Husband   Chapter 149

    Tuluyang nataranta si Sera sa mga salitang narinig mula kay Claire.“Totoo namang si Lorenzo ang abogado ko,” mariin niyang sabi, “pero isa lang siyang ordinaryong abogado, Claire. Wala siyang kapangyarihang sirain ang pamilya n’yo. Hindi mo puwedeng ipasa sa akin ang lahat ng nangyayari sa Torres Family. Wala akong kinalaman diyan.”Habang sinasabi niya iyon, ay marahan niyang iniwas ang tingin at naglakad palayo. Ngunit bago pa siya tuluyang makalayo, mabilis na inabot ni Claire ang kanyang braso, mariing hinawakan iyon na para bang iyon na lamang ang natitirang pag-asa niya.“Sera, nakikiusap ako,” halos pabulong ngunit nanginginig ang boses nito. “Tulungan mo naman ang kapatid ko. Ngayon lang, Sera. Kahit anong kondisyon mo, kahit ano pa ang gusto mong kapalit—ibibigay ko. Basta tulungan mo lang siya.”Napakunot ang noo ni Sera.“Claire,” malamig niyang sagot, “hindi ito tungkol sa kondisyon. Ang sinasabi mong problema ay wala akong kinalaman. Hindi ko kayo matutulungan, kahit gus

  • Loving My CEO Ex-Husband   Chapter 148

    Kinabukasan, tumawag si Claire kay Sera.Una’y ayaw sana ni Sera sagutin ang tawag, ngunit sunod-sunod ang pag-vibrate ng kanyang telepono. Pagbukas niya ng screen, isang mensahe ang bumungad:“Sera, sagutin mo ang tawag ko, o pupuntahan na lang kita sa kumpanya mo. Alam mong kaya kong gawin ‘yon, pero hindi ko na masisiguro kung ano ang mangyayari pagkatapos.”Napabuntong-hininga si Sera, halatang nadadala ng inis at pagod. Sa huli, napilitan siyang sagutin ang tawag.“Claire,” malamig niyang sabi, “ano ba’ng gusto mong pag-usapan?”Ngunit ang boses ni Claire ay iba sa nakasanayan niya—wala na ang dating arogansya at yabang. Sa halip, malamig at pigil ang tono nito.“Sera,” wika ni Claire, “magkita tayo. May gusto akong sabihin sa’yo.”Napangiwi si Sera, halos mapangiti sa kabalintunaan ng sitwasyon. “Claire,” mahinahon niyang sagot, “wala nang koneksyon sa pagitan nating dalawa. Hindi ko nakikitang may obligasyon akong tanggapin ang imbitasyon mo—kung imbitasyon nga ba ‘yan.”Sandal

  • Loving My CEO Ex-Husband   Chapter 147

    Mabilis na hinalikan ni Adrian si Lyra — marahan, puno ng lambing, na para bang binubura ang lahat ng sakit na idinulot niya ilang sandali lang ang nakalipas. Hinaplos niya ang pisngi ng babae, ang tinig ay malambot at nakakaamo, pilit na pinapakalma ang nanginginig nitong dibdib. Sa wakas, matapos ang ilang sandali ng tahimik na pagluha, huminga nang malalim si Lyra at unti-unting bumalik sa katahimikan.Nang makitang kumalma na ito, marahang tumayo si Adrian, inayos ang sarili, at sinabi sa isang mahinahong tinig, “Kailangan ko pa ring bantayan ang kumpanya. Matulog ka na muna, ha? Maging mabait ka.”Alam ni Lyra na mabigat ang pinagdadaanan ni Adrian. Narinig na rin niya mula sa iba ang tungkol sa krisis ng Torres Group — ang malaking pagkakautang, ang mga kasunduang muntik nang bumagsak. Sa isip niya, marahil iyon ang dahilan kung bakit naging marahas ang kilos ni Adrian kanina. Baka dala lang ito ng labis na pagod at bigat ng isip. Isang saglit, naramdaman niyang may kirot ng awa

  • Loving My CEO Ex-Husband   Chapter 146

    Mabilis na binayaran ni Sera ang lahat ng utang niya kay Blake, at agad ding inilagak ang halagang kailangan para sa bayad sa abogado ni Lorenzo. Pagkatapos ng lahat ng iyon, mahigit walong daang libong piso pa ang natira sa kanya. Matapos ang maingat na pag-iisip, nagpasya siyang ilagay ang pitong daang libo sa fixed deposit—isang uri ng ipon na hindi basta-basta magagalaw—at ang natitirang halaga naman ay inilagay niya sa current account, para kung sakaling may biglaang pangangailangan ay may mahuhugot siya.Samantala, sa kabilang panig ng lungsod, sa tuktok ng isang kilalang gusali, isang lalaki ang nakatayo sa harap ng malawak na salaming bintana ng kanyang opisina. Ang buong siyudad ay tila nasa ilalim ng kanyang mga paa, ngunit ang mga mata niya ay nakatutok lamang sa screen ng kanyang cellphone, kung saan sunod-sunod ang mga notification mula sa FB Messenger Chat.“Babayaran ko na ang apatnapung libo sa isandaang libong utang ko sa’yo. Ite-transfer ko ngayon.”“Dumating na ang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status