SOMEONE'S POV
Isinuot ko na ang aking damit na kulay itim at ang bonet ko na parang mask. Hindi makikita ang buong mukha ko. Nang maayos ko na ang katawan ko ay inipit ko na sa aking katawan ang aking silencer na baril saka nag-ipit din akong kutsilyo sa aking binti.
Nang makontento na ako sa aking ayos ay sumakay na ako sa motor ko. Pupunta ako ngayon sa next target kong tao. Ang pangalawa kong biktima. Nagmaneho ako patungo sa Sto. Thomas Village. Sa tinatawag nilang Balakbak. Gabi na kaya hindi na ganoon karami ang sasakyan na madadaanan. Petron nalang ang nakikita kong maliwanag. At ilang mga tindahan ang bukas. Kapag ganitong oras ay mga naka-sarado na ang karamihan sa tindahan.
Nang nasa tapat na ako ng petron ay lumiko ako. Dumere-deretso ako hanggang sa makarating na ako sa isang maliit na bahay.
Inihinto ko ang motor ko sa medyo malayo para walang makakita. Saka ko tahimik na pinagmasdan ang bahay kung mayroon madadaanan. Madali lang makapasok dahil wala naman guard na nagbabantay kaya mapapasok ko lang ito.
Umakyat ako sa gate nila ng tahimik at perpektong naka-pasok sa loob ng paligid nila. Nang makapasok na ako ay binuksan ko ang pintuan nila ng isang pin. Ang door knob nila ay bilog kaya madaling buksan. Buti naman at eksperto ako sa pagbukas ng mga pintuan. Nabuksan ko ito ng maayos kaya pumasok na ako. Wala namang hagdan ito. Hinanap ko ang kwarto ng target ko. Ngunit naramdaman kong may nagising. Kaya agad-agad akong humanap ng tataguan ko. Nakahanap ako sa salas ng tataguan ko kung saan masisilip ko kung sino ang lumabas. Nakita ko ang imahe ng isang lalaki. Ang lalaking ito ay kamustra ng target ko kaya naman habang umiinom siyang tubig dahan-dahan akong lumapit sa kaniya. Inilagay niya sa lababo ang basong ginamit niya kaya nakakuha akong ng tiyempo.
Agad kong tinakpan ang bibig niya. Nanlaban naman siya at nasiko niya ako sa tiyan ko.
"Sino ka?" kinakabahang tanong niya habang nanlalaban.
Hindi ko siya sinagot. Inilabas ko na ang silencer ko at itinutok ito sa kaniya. Itinaas niya ang kamay niya na parang sinasabing suko na siya.
"Huwag mong sasaktan ang pamilya ko," pagmamakaawa niya sa akin. Hindi ko naman talaga sila idadamay.
Ngumisi naman ako sa loob ng bonet na ito. Inilabas ko naman ang kutsilyong dala ko.
"Anong gagawin mo? Ano bang kasalanan ko sa iyo?" natatakot na sabi niya. Lumuhod na siya sa harap ko para magmakaawa. Pasensyahan wala na akong awa ngayon.
Bigla kong isinampal sa kaniya ang kutsilyong hawak ko. Nasugatan siya sa kabilang pisngi.
"Parang awa mo na. Huwag mo akong papatayin," nagmamakaawa siya sa kirot.
Maraming tao ang nagmakaawa na huwag niyo silang patayin pero anong ginawa niyo? Pinakinggan niyo ba?
Sinampal ko naman ang kabilang pisngi niya kaya may sugat siya sa pisngi. Itinutok ko sa kaniyang noo ang aking silencer bago kalabitin ang gatilyo. Direktang tumama ang bala nito sa kaniyang noo. Hindi nila maririnig ang putok dahil sa silencer na gamit ko. Ang pagbaksak niya ang gumising sa mga kasama niya dahil narinig ko ang pagbangon ng mga tao. Kaya agad-agad akong lumabas ng bahay nila. Ngunit narinig kong napansin ako ng isa sa mga anak niya.
"Ma, pinasok tayo," rinig kong sabi ng isang babae. Pero kasabay n'on ay ang pag-iyak ng asawa niya. Umalis na ako sa lugar na iyon. Hindi nila ako kailangan makilala dahil hindi pa ako tapos sa misyon ko.
Nang makauwi ako ay agad kong inalis ang bonet ko at saka hinimas ang nasiko niya sa akin. Buti nalang at hindi ako nagka-pasa. Tumayo ako mula sa pagkakaupo saka dumeretso sa ref upang kumuha ng beer. Bumalik naman ako sa sofa na may hawak na beer. Lumagok muna ako rito bago umupo.
Naalala ko ang pagmamakaawa niya. Pero hindi ako pwedeng maawa sa isang mamatay tao. Ang misyon ko ay ang maghigante sa pamilya ni Enrico. Kailangan kong mabigyan ng hustisya ang mga taong pinatay niya. Kaya nga ako lumapit sa kaniya para mapadali ang gagawin ko. Nilagok ko na ang huling lagok ng beer saka ako nagbihis at natulog.
CELINE'S POV
Bago ako pumasok ng working room ay narinig ko mula sa baba si daddy na nagagalit na naman. Isa na naman sa mga tauhan niya ang pinatay ng hindi pa nakikilalang killer. Katulad daw ng nakaraang biktima ay may sugat sa mukha at ang tama ng baril ay sa noo. Dalawa na ang biktima nito kaya galit na galit na ang daddy.
Hinigpitan na rin ni daddy ang security ko pati ang guards ko. Hindi ko kailangan ng concern niya. Kaya ko ang sarili ko. Dinagdagan niya ang bodyguard ko. Kasama na roon ang lalaking kapapasok lang noong nakaraan. Kung kailan namatay ang unang biktima ni daddy.
Teka... Pagpasok niya ay simula ng pagkamatay ng isa sa tauhan ni daddy. Nakatanggap rin siya ng death threat.
Hindi kaya may kinalaman siya rito?
Pero base sa ipinapakita niya ay mukha namang wala.
Hindi siya palaimik. Tahimik lang siya at medyo masungit. Matangkad siya na matangos ang ilong. Ang panga niya ay umiigting din. Ang adams apple niya ay nakaka-akit kapag lumulunok siya. Ang buhok niya ay nakasuklay sa side. At ang gwapo naman niya. Impossible ring isa siya sa may gust ong idamay ako dahil noong nakaraan ay umalis kami. Wala si Kio kasi may inaasikaso raw siya na ipinapagawa ni daddy. Kaya siya ang isa sa kasama kong bodyguard. Gusto kong pumunta sa mall ng walang bodyguard sana.
"Mahigpit na bilin ni Don Enrico ang huwag kang hahayaang lumakad mag-isa," sabi niya. Sa inis ko ay hindi na ako tumuloy, umuwi nalang ako.
Lumabas nalang akong kwarto.
"Lucas higpitan mo ang pagbabantay sa unica ija ko dahil baka idamay siya," rinig kong bilin ni daddy doon sa guard na bago.
Pababa akong hagdan nang batiin ako ng mga tauhan niya. Ngumiti lang ako sa kanila pwera sa Lucas na iyon. I hate him.
Dumeretso ako sa kusina para kumuha ng Juice.
"Serenity," tawag ko sa isa sa mga katulong ko. Biglang lumapit naman ang katulong na tinawag ko. Si Serenity ang anak ng mayordoma namin. Siya ang pinaka-bata at close kong katulong namin. Hindi siya pinahihirapan masyado dahil iyon ang bilin ko. Hindi rin siya nakapagtapos kaya naman pinaaaral namin siya para may makatulong ako.
Binabalak kong magtayo ng isang publishing house na sarili ko at isa siya sa nais kong empleyado. Isa rin sa mga taga-suporta ko si Serenity. Siya ang unang nakakaalam ng mga story ko. Ipapublish ko palang alam niya na at nabasa niya na. Libre lang ang book na binibigay ko sa kaniya.
"Ibili mo ako ng ingredients, gusto kong magbake ng cookies and kulang ang ingredients," utos ko sa kaniya. Binigyan ko naman siya ng pera pambili.
"Sige po ma'am," nakangiting sabi niya.
"Sabi ko Celine nalang itatawag mo sa akin," sabi ko sa kaniya. Napakamot naman siya sa ulo niya.
"Opo Celine," nakangiting sabi niya. Umalis na siya kasama ang isa sa driver namin. Nakalista naman na iyong bibilhin niya noong nakaraan pa.
Kumuha nalang akong juice saka uminom.
Ilang araw kong pinag-isipan ang magiging desisyon ko. May parte sa akin ang gusto na siyang bigyan ng chance pero mayroon sa akin na huwag kasi baka maulit lang din ang nakaraan. Palaisipan din sa akin paano napatawad nila tita si Kio gayong galit siya sa kanila. Alam ko naman na hindi naman talaga siya masamang tao pero the fact na pinagkatiwalaan siya ng pamilya ko pero trinaydor kami isa na iyong redflag sa pagkatao niya. “Anak,” tawag pansin sa akin ni tita na umupo sa tabi ko at sinamahan akong tumingin sa kawalan. “Alam ko na hanggang ngayon ay sariwa pa rin ang mga nangyari noon at alam ko na nasasaktan ka pa rin. Pero kung hindi ka magpapatawad mananatili ka lang sa nakaraan. Kailangan mong lumakad pasulong pero hindi para kalimutan ang nagyari kung hindi magpatawad ka,” mahabang litanya niya sa akin. Huminga ako ng malalim. “Pero sa tuwing nakikita ko siya naaalala ko ang lahat pero hindi ko alam,” frustrated na sagot ko. Hinawakan ni tita ang balikat ko. “Ano ba ang narar
Nagpaalam naman na si Kio nang may tumawag sa kaniya mula sa phone bago umalis. After ng pag-alis niya ay nagising naman si Tita Rica. Tiningnan siya ng doktor at okay na raw siya at pinayagan na siyang umuwi. Pag-uwi namin sa bahay ay doon lang ako chinika ni Serenity habang nagpapahinga si Tita sa kwarto niya. “Ano iyon teh?” Malisyosong tanong niya. Tiningnan ko siya ng blangko. “Wala,” sagot ko. “Wala? Hindi ka umuwi kagabi, alalang-alala sa iyo si tita pagkatapos pupunta ka ng ospital na siya ang kasama mo?” Tila nanay na nagdududa sa anak niya. Napairap na lang ako sa hangin dahil para akong nasa isang hot sit. “Inabot niya ako sa club okay but nothing is happen. May gf na yata siya or asawa,” sagot ko sa tanong niya. Umirap din siya sa hangin. “Sabi mo ei,” sabi niya pero alam kong hindi siya satisfied. Hindi na siya nag-usisa pa at hindi na rin namin sinabi kay Tita Rica dahil ayaw ko rin naman ma-stress siya. Hindi naman na siya nagparamdam pagkatapos ng araw na iyon k
Hindi ko na inisip pa paano nakuha ni Kio ang number ko dahil wala naman na akong pakialam lalo na sa kaniya. Ngunit hindi ko alam pero kusa siyang iniisip ng utak ko. Hanggang sa panaginip ko ay naririnig ko ang boses niya. Hindi rin ako makapag-trabaho sa company dahil naiisip ko siya. Hindi na ako makapag-concentrate kaya mas pinili ko na pumunta sa isang club malapit sa opisina ko after ko pirmahan lahat. Malapit naman ng dumilim nang pumunta ako kaya ayos lang. Umorder akong alak vodka, mga 5 shots siguro hanggang sa nasundan pa iyon dahil hindi pa ako nakokontento. Habang mag-isang umiinom ay pinanunuod ko lang ang mga nagsasayawan at ang ikot ng mga disco lights. Habang tumatagal din ang oras ko at dumadami ang naiinom ko ay nararamdaman ko na ang mga talukap ko na parang babagsak. Hindi ko na rin maiayos ang lakad ko dahil parang nanghihina ang mga tuhod ko. Kahit pilitin kong maglakad ng tuwid ay hindi ko magawa. Dama ko na gumegewang akong naglakad palabas ng club na ito p
Kinabukasan ay nagplano ako na bumili ng gamit ko at mabuti na lamang ay pinahiram ako ni Kairus ng sasakyan at pera. Babayaran ko na lang daw kapag nakapag-simula na ako sa trabaho ko. Mabuti na lamang dahil nandyan si Kairus at tinutulungan niya ako. Pumunta na nga ako sa mall para bumili ng gamit ko. Habang naglalakad ako bitbit ang mga pinamili ko ay biglang may tumama sa akin na isang babae dahil busy ito sa kanyang telepono. May kausap siya sa phone habang hirap na hirap siya sa kanyang mga bitbit. Nahulog ang mga dala niya nang mabunggo siya sa akin kaya naman pinulot niya ang mga ito habang nag-sosorry siya sa akin nang hindi tumitingin. Ako naman ay tinulungan siya dahil naawa ako sa kaniya. Nang ibalik ko sa kaniya ang gamit niya saka lang siya tumingin sa akin.“Salam-” Napahinto siya sa sasabihin niya nang magkatinginan kaming dalawa habang ako ay tila tumigil din ang mundo nang mapatingin ako sa mga mata niya. Dahan-dahan kaming tumayo na tila hindi naalis ang mga mata
KIO’S POVMakalipas ang limang taon. Huminga ako ng malalim at unti-unting ngumiti habang nakatingin sa kalangitan pababa malawak na paligid. Sariwang hangin mula sa labas ng selda ang sumalubong sa akin sa labas ng opisina ng mga pulis. Limang taon na ang nakalipas simula ng araw na iyon. Kamusta na kaya siya?“Oh Kio sana ay hindi na tayo muling magkita ha,” nakangiting bilin sa akin ni Sargeant Erfe. “Yes Sarge,” sagot ko saka sumaludo sa kaniya. Naglakad na ako palayo sa gusaling iyon at lumingon muli saka kumaway kay Sargeant Erfe bilang pamamaalam. Pinalaya nila ako dahil nakatanggap akong parol sapagkat naging mabait ako sa loob ng selda. Dapat ay habang buhay ang sintensya ko pero dahil buong pag-stay ko sa loob ay wala naman silang nakitang problema sa akin ay binigyan nila akong pagkakataon na magbagong buhay na at palayain na. At ngayon ang araw ng paglaya ko. Hindi ko alam kung anong naghihintay sa akin dito sa labas pero isa lang ang gusto ko. Bumalik sa buhay ni Celi
Inuwi nila ako nang hapon na iyon. Na-discharge ako agad pero kailangan ko mag-undergo sa medication ko dahil nga may mental health is not healthy. Mayroon akong PTSD then having depression. Because of the past experiences at iyong mga na experience ko. Kaya nagkaroon akong post traumatic stress disorder. Kaya naman inalalayan talaga nila ako. Binabantayan nila ako ng sobra. Hindi nila ako hinayaang asikasuhin ang hustisya para kay daddy. Umuwi si tita Rica para samahan ako. Then bigla pagdating niya nalaman niya ang ginawa ko kaya mas nag-aalala siya kung iiwan niya ako rito at kung ako pa ang lalakad sa mga requirements para sa libing ni daddy. And hindi rin ako makalapit kay Kio at kay Krystel dahil nga sa ginawa nila.Hindi ko matanggap ang ginawa nila sa akin. Nasasaktan ako ng sobra. I can't believe this is happening.I feel I am alone. Even there are people around me letting me feel that they are beside me. "Celine you need to drink your medicine. Bago tayo pupunta sa memo