CHAPTER 5
Nagulat ang lahat ng narito sa book signing ko. Isang malakas na putok na nanggagaling sa hindi ko malaman. Kasabay ng pagputok na iyon ay ang paghapdi ng braso ko.
Nagulat ang mga body guards sa nangyari kaya agad silang nagsilapit sa akin. Ang iba ay pinpilit lumapit sa akin ngunit hindi makalapit dahil hinaharang sila ng mga body guards. Nagkagulo ang mga tao. Si Kio ang unang lumapit sa akin nang makarinig ng putok at deretso sa braso ko tumama ang bala. Napa hawak ako rito sapagkat kumikirot. Nakita ko ang pagdaloy ng dugo ko sa braso.
Ang mga staff naman na naka-assign sa book signing ko ay lumapit sa akin. Tumawag narin silang ambulansya. Si Rina naman ay nag-papanic. Tumawag siya sa manager namin sa kompanya. Nakita ko ang pag-aalala sa mga mata ng mga taong narito ngayon. Gusto man nilang lumapit ay hindi pwede. Napapalibutan na ako ng maraming guards. Ang ibang guard ay hinanap na saan nanggaling ang putok ng baril.
"Don't sleep okay?" Nag-aalalang sabi naman ni Kio.
"It's painful," sabi ko naman. Bigla niya akong binuhat na parang pa-bridal. Lahat ng mga tao ay nakatingin sa amin.
"Nabaril siya sa braso,"
"Sana ayos lang si miss,"
"Grabi naman sila kailangan talaga ipapatay?"
Ilan sa mga bulungan na narinig ko mula sa mga kumpulan ng tao. Matagumpay naman akong naisakay ni Kio sa sasakyan namin. Saka nagmaneho patungong ospital. Mayroong mga nakasunod na guard sa amin.
Nang makarating kami sa pinaka-malapit na ospital ay agad akong inihiga sa isang stretcher.
"Emergency! Emergency!" Hiyaw ng mga nurse na may hawak sa akin. Pumipikit-pikit na ang mga mata ko. Naaninag ko naman ang mga taong naka-tingin sa akin. Mga nagbubulungan naman ang iba. Siguro kilala ako ng ilan sa mga naritong pasyente.
Sobrang sakit na ng braso ko at gusto ko nang matulog.
"What happen to her?" Rinig kong tanong ng doktor.
"Nabaril po siya," sagot naman ni Kio.
"Sir hindi ka na pwede rito. Mag-antay ka nalang diyan," bilin rin ng doktor. Nang umpisahan na nilang tanggalin ang bala sa braso ko ay hindi na kinaya ng mata ko. Nakatulog na ako.
Nagising ako nang may narinig akong ingay.
"HINDI NIYO NAHANAP? HUMANAP KAYONG EBIDENSYA PARA MAHANAP ANG NAG-ASSASSIN SA ANAK KO," rinig kong hiyaw ng pinaka-ayaw kong boses. Makirot pa rin ang aking braso.
"I am so sorry tito. Hindi ko naprotektahan si Celine," rinig kong naman na paghingi ng tawad ni Kio kay Daddy.
"Hindi mo kasalanan ito Kio," biglang sabi ko naman. Dahan dahan akong bumangon para umupo.
"Gising ka na anak," lumingon sila sa akin at tuwang-tuwa at nagising na ako.
"You're awake," lumapit naman si Kio sa akin.
"Hindi mo kasalanan ang nangyari. Kasalanan ito ng taong iyan," galit na itinuro ko ang daddy ko.
"Hindi niya kasalanan ito, Celine," ipinagtatagol naman ni Kio si daddy.
"No, this is his fault," tinuro ko ulit si daddy. Nakita ko ang pagyuko nito.
"This is your fault. Because of that sh*t bussiness I was almost die!" Hiyaw ko sa kaniya.
"I am so sorry," napaluhod na sabi niya habang hawak ang dalawang kamay ko. Kinuha ko sa kaniya ang mga kamay ko.
"I almost die, i almost!" nanggigil na sabi ko sa kaniya habang dinuduro siya. Napaiyak na rin ako dahil nga naalala ko nanaman ang nakaraan.
"Ikaw ang gusto nilang gantihan pero ako ang muntikang mamatay," hiyaw ko pa sa kaniya. Hindi ko na kaya.
"Leave me now," mahinahon na sabi ko saka ako humarap sa bintana. Nakita kong gabi na pala sa labas.
"I am sorry," huling mga salitang binanggit niya bago umalis.
"You don't need to blame him," rinig kong sabi ng katabi ko.
"Kasalanan niya lahat ng ito," giit ko sa kaniya nang hindi siya nililingon.
"Bibili akong pagkain," pagsuko niya sa akin na sa tingin ko bagsak ang kaniyang balikat.
"Okay," sagot ko naman.
"What do you want?" Tanong niya.
"Anything," sagot ko naman sa kaniya.
Narinig ko ang pagsara ng pinto kaya alam kong lumabas na siya. Binuksan ko naman ang TV.
"Nabaril ang sikat na writer na si Miss Celine. Hindi pa matukoy kung sino ang namaril sapagkat hindi pa ito nahuhuli. Hindi pa rin alam ang dahilan. Sa ngayon siya ay nagpapahinga sa isang pribadong ospital," sabi ng reporter. Nakita ko ang pagbuhat ni Kio sa akin sa screen ng tv. Pinatay ko nalang ang tv dahil naiinis lang ako.
Pati ako ay nadamay. Wala akong kasalanan at ginagawa.
Bigla naman nag-ring ang phone ko.
"Hello," sagot ko kay Rina sa call.
"Ang book signing mo ay hindi na itutuloy pero ang mga aklat ay pipirmahan mo bago idistribute," sabi ni Rina.
"Sige salamat," sabi ko naman sa kaniya. Pinatay ko ang call niya.
Maya-maya ay may pumasok na nurse. Nakangiti itong tumingin sa akin. May kinalikot muna siya sa akin saka ako pina-inom ng gamot.
"Inumin mo iyan para hindi mo maramdaman ang kirot ng sugat mo," sabi niyang nakangiti. Ininom ko naman ang gamot na ibinigay niya. Nakita kong may inilabas siya, isang librong isinulat ko, alam ko iyon dahil sa book cover.
"Pwede po i-sign niyo po ito? Idol ko po kayo sobra," masayang sabi niya. Nginitian ko naman siya.
"Pahinging ballpen," sabi ko. Ibinigay niya ang ballpen niya saka ang aklat niya. Pinirmahan ko iyon saka siya nag-papicture sa akin. Sobrang saya niya. Iyon ang nakita ko.
"Salamat po miss napaka-bait niyo po talaga," sabi niya saka nakipag shakehands. Ngunit nakalimutan niya atang may sugat ako sa braso.
"Ay sorry po," nagpiece sign pa siya sa akin. Natawa naman ako sa kaniya.
"It's okay," sabi ko. Lumabas naman siya ng kwarto ko at saka pumasok si Kio na may bitbit na naka-plastic.
"Ang tagal mo," sabi ko sa kaniya.
"Sorry naman po senyorita," sabi niya. Tumawa naman siya.
Nakita kong nilapag niya ang biniling pagkain saka kami kumain dalawa. Tawanan lang habang kumakain kaming dalawa. Mabilis lang kaming natapos kumain. Siya na nagtapon sa basurahan ng pinagkainan namin.
Natahimik kami sa loob ng kwarto kong ito kaya napagpasyahan naming lumabas.
Paglabas namin ay nakita ko ang pagtingin ng mga pasyente sa akin. Tinitingnan nila ako ng may paghanga. Habang naglalakad ako may lumapit sa akin. Isang 15 years old na naka-wheel chair.
"Hello po favorite writer kita. Pwede pong papirma nito?" iniabot niya ang mafia book ko.
Nginitian ko siya saka humingi ng ballpen kay Kio. Binigyan niya naman ako saka ko pinirmahan ang book. Nag-papicture siya sa akin. Nginitian ko naman siya.
"Salamat po," sabi ng bata sa akin. Nagsilapitan na rin ang iba sa akin kaya naman lumapit ang ibang nurse para ayusin.
Nakapag-papicture naman ako sakanila kaya naging maaayos naman.
Ilang araw kong pinag-isipan ang magiging desisyon ko. May parte sa akin ang gusto na siyang bigyan ng chance pero mayroon sa akin na huwag kasi baka maulit lang din ang nakaraan. Palaisipan din sa akin paano napatawad nila tita si Kio gayong galit siya sa kanila. Alam ko naman na hindi naman talaga siya masamang tao pero the fact na pinagkatiwalaan siya ng pamilya ko pero trinaydor kami isa na iyong redflag sa pagkatao niya. “Anak,” tawag pansin sa akin ni tita na umupo sa tabi ko at sinamahan akong tumingin sa kawalan. “Alam ko na hanggang ngayon ay sariwa pa rin ang mga nangyari noon at alam ko na nasasaktan ka pa rin. Pero kung hindi ka magpapatawad mananatili ka lang sa nakaraan. Kailangan mong lumakad pasulong pero hindi para kalimutan ang nagyari kung hindi magpatawad ka,” mahabang litanya niya sa akin. Huminga ako ng malalim. “Pero sa tuwing nakikita ko siya naaalala ko ang lahat pero hindi ko alam,” frustrated na sagot ko. Hinawakan ni tita ang balikat ko. “Ano ba ang narar
Nagpaalam naman na si Kio nang may tumawag sa kaniya mula sa phone bago umalis. After ng pag-alis niya ay nagising naman si Tita Rica. Tiningnan siya ng doktor at okay na raw siya at pinayagan na siyang umuwi. Pag-uwi namin sa bahay ay doon lang ako chinika ni Serenity habang nagpapahinga si Tita sa kwarto niya. “Ano iyon teh?” Malisyosong tanong niya. Tiningnan ko siya ng blangko. “Wala,” sagot ko. “Wala? Hindi ka umuwi kagabi, alalang-alala sa iyo si tita pagkatapos pupunta ka ng ospital na siya ang kasama mo?” Tila nanay na nagdududa sa anak niya. Napairap na lang ako sa hangin dahil para akong nasa isang hot sit. “Inabot niya ako sa club okay but nothing is happen. May gf na yata siya or asawa,” sagot ko sa tanong niya. Umirap din siya sa hangin. “Sabi mo ei,” sabi niya pero alam kong hindi siya satisfied. Hindi na siya nag-usisa pa at hindi na rin namin sinabi kay Tita Rica dahil ayaw ko rin naman ma-stress siya. Hindi naman na siya nagparamdam pagkatapos ng araw na iyon k
Hindi ko na inisip pa paano nakuha ni Kio ang number ko dahil wala naman na akong pakialam lalo na sa kaniya. Ngunit hindi ko alam pero kusa siyang iniisip ng utak ko. Hanggang sa panaginip ko ay naririnig ko ang boses niya. Hindi rin ako makapag-trabaho sa company dahil naiisip ko siya. Hindi na ako makapag-concentrate kaya mas pinili ko na pumunta sa isang club malapit sa opisina ko after ko pirmahan lahat. Malapit naman ng dumilim nang pumunta ako kaya ayos lang. Umorder akong alak vodka, mga 5 shots siguro hanggang sa nasundan pa iyon dahil hindi pa ako nakokontento. Habang mag-isang umiinom ay pinanunuod ko lang ang mga nagsasayawan at ang ikot ng mga disco lights. Habang tumatagal din ang oras ko at dumadami ang naiinom ko ay nararamdaman ko na ang mga talukap ko na parang babagsak. Hindi ko na rin maiayos ang lakad ko dahil parang nanghihina ang mga tuhod ko. Kahit pilitin kong maglakad ng tuwid ay hindi ko magawa. Dama ko na gumegewang akong naglakad palabas ng club na ito p
Kinabukasan ay nagplano ako na bumili ng gamit ko at mabuti na lamang ay pinahiram ako ni Kairus ng sasakyan at pera. Babayaran ko na lang daw kapag nakapag-simula na ako sa trabaho ko. Mabuti na lamang dahil nandyan si Kairus at tinutulungan niya ako. Pumunta na nga ako sa mall para bumili ng gamit ko. Habang naglalakad ako bitbit ang mga pinamili ko ay biglang may tumama sa akin na isang babae dahil busy ito sa kanyang telepono. May kausap siya sa phone habang hirap na hirap siya sa kanyang mga bitbit. Nahulog ang mga dala niya nang mabunggo siya sa akin kaya naman pinulot niya ang mga ito habang nag-sosorry siya sa akin nang hindi tumitingin. Ako naman ay tinulungan siya dahil naawa ako sa kaniya. Nang ibalik ko sa kaniya ang gamit niya saka lang siya tumingin sa akin.“Salam-” Napahinto siya sa sasabihin niya nang magkatinginan kaming dalawa habang ako ay tila tumigil din ang mundo nang mapatingin ako sa mga mata niya. Dahan-dahan kaming tumayo na tila hindi naalis ang mga mata
KIO’S POVMakalipas ang limang taon. Huminga ako ng malalim at unti-unting ngumiti habang nakatingin sa kalangitan pababa malawak na paligid. Sariwang hangin mula sa labas ng selda ang sumalubong sa akin sa labas ng opisina ng mga pulis. Limang taon na ang nakalipas simula ng araw na iyon. Kamusta na kaya siya?“Oh Kio sana ay hindi na tayo muling magkita ha,” nakangiting bilin sa akin ni Sargeant Erfe. “Yes Sarge,” sagot ko saka sumaludo sa kaniya. Naglakad na ako palayo sa gusaling iyon at lumingon muli saka kumaway kay Sargeant Erfe bilang pamamaalam. Pinalaya nila ako dahil nakatanggap akong parol sapagkat naging mabait ako sa loob ng selda. Dapat ay habang buhay ang sintensya ko pero dahil buong pag-stay ko sa loob ay wala naman silang nakitang problema sa akin ay binigyan nila akong pagkakataon na magbagong buhay na at palayain na. At ngayon ang araw ng paglaya ko. Hindi ko alam kung anong naghihintay sa akin dito sa labas pero isa lang ang gusto ko. Bumalik sa buhay ni Celi
Inuwi nila ako nang hapon na iyon. Na-discharge ako agad pero kailangan ko mag-undergo sa medication ko dahil nga may mental health is not healthy. Mayroon akong PTSD then having depression. Because of the past experiences at iyong mga na experience ko. Kaya nagkaroon akong post traumatic stress disorder. Kaya naman inalalayan talaga nila ako. Binabantayan nila ako ng sobra. Hindi nila ako hinayaang asikasuhin ang hustisya para kay daddy. Umuwi si tita Rica para samahan ako. Then bigla pagdating niya nalaman niya ang ginawa ko kaya mas nag-aalala siya kung iiwan niya ako rito at kung ako pa ang lalakad sa mga requirements para sa libing ni daddy. And hindi rin ako makalapit kay Kio at kay Krystel dahil nga sa ginawa nila.Hindi ko matanggap ang ginawa nila sa akin. Nasasaktan ako ng sobra. I can't believe this is happening.I feel I am alone. Even there are people around me letting me feel that they are beside me. "Celine you need to drink your medicine. Bago tayo pupunta sa memo